Share

Chapter 1 : The Interview

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-09-07 13:09:37

"Sometimes, the people who look the least dangerous are the ones who change your life forever."

*******************

Mula sa ikatatlumpung palapag ng Vidal Holdings Inc., tanaw ang halos buong business district ng Metro Manila.

Glass walls.

Italian marble floors.

Modern chandeliers.

At sa pinakadulong bahagi ng executive floor...

naroon ang opisina ng lalaking halos linggu-linggo laman ng entertainment news.

Westley Madrid Vidal.

Twenty-nine years old.

CEO.

Billionaire.

Bachelor.

At ang lalaking tinaguriang "Nation's Most Eligible Playboy."

Ngunit hindi siya ang tipong lalaking naniniwala sa forever.

Para sa kanya...

ang relasyon ay parang kontrata.

May simula.

May katapusan.

At higit sa lahat...

may expiration date.

Sa loob ng executive office...isang magandang babae ang tahimik na inaayos ang gusot niyang buhok habang nakaharap sa malaking salamin, pagkatapos ng maalab na sandali.

Bahagya niyang inayos ang lipstick bago lumingon kay Westley.

Nakasandal lamang ang binata sa executive desk habang kalmadong inaayos ang mamahaling relo sa kanyang pulsuhan.

Ni hindi man lang ito mukhang pagod.

Parang ordinaryong umaga lamang.

"So..."nakangiting sabi ng babae.

"When are you calling me again?"

Hindi agad sumagot si Westley.

Inabot niya ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair bago ito isinuot.

Pagkatapos ay tumingin siya sa babae.

His lips slowly curved into a smile.

"I never said I would."

Napanguso ang babae. "You're so mean."

"I've been called worse." Natawa ito.

"You're unbelievable." maktol ng babae

"I know."

Lumapit ang babae at marahang hinawakan ang kurbata ng binata.

"What if...I actually like you?"

Westley looked at her for a few seconds.

Then...he gently removed her hand.

"I told you the first day.I don't do relationships."

Tahimik na napabuntong-hininga ang babae.

"So...That's it?"

Westley glanced at the expensive watch wrapped around his wrist.

Nine o'clock.

Eksaktong oras.

"You may leave."

Bahagyang kumunot ang noo ng babae.

"Seriously?"

"I have interviews.I need a new secretary."

Napatawa ang babae.

"You're dismissing me because of work?"

"No." Westley smirked.

"I'm dismissing you because your subscription has already expired."

Nanlaki ang mga mata nito.

"My what?"

"Subscription." Napatawa siya nang mahina.

"I told you.Everything has an expiration date."

Pabiro siyang tinuro ng babae.

"One day...Some woman will break your heart." Nagpapadyak na umalis ang babae

"I highly doubt that." Westley chuckled.

"Why?"

"Because I don't hand it to anyone."

Tahimik na napailing ang babae.

"I hate you."

"No, you don't." He laughed.

Ilang segundo pa siyang tinitigan nito bago tuluyang lumabas ng opisina.

Pagkasara ng p***o...bumalik ang katahimikan.

Walang bakas ng emosyon sa mukha ng CEO.

Pinindot niya ang intercom.

"Miss Gomez."

Agad na sumagot ang boses mula sa kabilang linya.

"Yes, Sir?"

"Send the applicants one by one."

"Yes, Sir."

"And..." Saglit siyang huminto. "Have housekeeping clean my office."

"Right away, Sir." Pinatay niya ang intercom.

Maya-maya lamang...

may kumatok.

Tok.

Tok.

Tok.

"Come in."

Pumasok ang executive assistant niyang si Monica Gomez.

"Sir..."

"Thirty-eight applicants are waiting."

"Thirty-eight?"

"Yes, Sir."

Westley umiling.

"Too many."

"HR filtered them already."

"Apparently not enough."

Napabuntong-hininga si Monica.

Alam niyang magiging mahaba na naman ang araw.

"Sir...Any preference?"

Westley isinandal ang likod sa upuan.

"Yes.I don't want someone beautiful."

Napatigil si Monica.

"...Sir?"

"I need a secretary.Not another problem."

Hindi napigilan ni Monica ang mapangiti.

"Sir...Maganda rin naman pong maging presentable."

"I said presentable.Not seductive."

Tumayo si Westley.

Lumapit siya sa floor-to-ceiling window.

Sa ibaba...kitang-kita ang mga sasakyang tila maliliit na laruan.

Tahimik siyang nagsalita.

"Beautiful women always want something."

"They flirt. They manipulate.lThey expect special treatment.I don't have time for any of that."

Lumingon siya kay Monica.

"I want someone..."

"...who isn't interested in me."

"Do you think such a woman exists?" Tanong ni Monica na may bahagyang biro.

Westley smiled.

"I hope so."

_______

Sa kabilang banda ng gusali...

halos lahat ng aplikante ay abala sa pagre-retouch ng makeup.

May naglalagay ng lipstick.

May nag-aayos ng designer blazer.

May paulit-ulit na nagsasanay ng English introduction.

Halatang pinaghandaan ang interview.

Ngunit sa pinakadulong upuan...may isang babaeng tahimik lamang na yakap ang lumang brown envelope.

Naka-cardigan.

Mahabang palda.

Flat shoes.

Makapal na salamin.

At braces.

Hindi siya nakikihalubilo.

Hindi rin siya nakikipagkompetensya.

Tahimik lamang siyang nakatingin sa resume na ilang beses na niyang binasa.

"Ellaine Cruz..." mahina niyang bulong sa sarili.

Unti-unti niyang hinawakan ang ID na nasa loob ng bag.

Hindi iyon ang pangalang nakasulat doon.

Nakahinga siya nang malalim bago muling isinilid ang wallet.

Mula ngayon... wala nang Ellaine Valderama.

Patay na ang babaeng iyon.

At ang natitira na lamang...ay isang simpleng aplikanteng naghahanap ng trabaho.

"Ellaine."

Napalingon siya.

Nakatingin sa kanya ang kaibigan niyang si Martha Alinsug na nagtatrabaho sa HR Department.

Kinawayan siya nito.

"Good luck."

Ngumiti si Ellaine.

"Thank you" she mouthed

Hindi niya alam...na sa loob lamang ng ilang minuto...

ang lalaking pinakamaiiwasan sana niya...

ang magiging dahilan para tuluyan nang magbago ang buhay niya.

"Applicant number one please proceed."

Mabagal na tumayo ang unang aplikante.

Halos lahat ng babae sa waiting area ay napalingon dito.

Tall.

Elegant.

Designer heels.

Luxury handbag.

Halatang galing sa mayamang pamilya.

"Good luck," nakangiting sabi ng isa.

Ngumiti rin ang babae bago tuluyang pumasok sa executive office.

Pagkaraan ng dalawang minuto...

Bumukas muli ang p***o.

"Next."

Napalunok ang sumunod.

"Gan'on kabilis?"

Mahigit tatlumpung minuto ang lumipas.

Isa-isang lumabas ang mga aplikante.

May umiiyak.

May naiinis.

May nagrereklamo.

"Ilang language ang gusto niyang alam ko?"

"Secretary ba ang kailangan o robot?"

"Napakayabang!"

"Ang gwapo nga... pero ang sungit."

Habang tahimik na nakikinig si Ellaine...

Napabuntong-hininga si Martha na kanina pa pabalik-balik sa HR office.

"Twenty-eight rejected."

Nanlaki ang mga mata ni Ellaine.

"Lahat?"

Tumango si Martha.

"Hindi ko alam kung secretary ba ang hinahanap ng CEO o unicorn."

Hindi napigilan ni Ellaine ang mapangiti.

"Pwede pa akong umuwi.Huwag kang magbiro." biro niya

Biglang tumunog ang intercom.

"Applicant number twenty-nine."

Napatingin si Martha sa hawak niyang listahan.

"Ellaine Cruz."

Huminga nang malalim si Ellaine.

Ito na.

Tahimik niyang inayos ang makapal na salamin.

Hinila pababa ang cardigan.

Sinigurong maayos ang braces niyang kitang-kita kapag ngumiti.

"Sige."

Bulong niya sa sarili.

"Normal lang."

"Walang kaba."

Paglapit niya sa malaking p***o...

Bahagya muna siyang kumatok.

Tok.

Tok.

"Come in."

Mabagal niyang itinulak ang p***o.

Pagpasok pa lamang niya...

Naramdaman niya agad ang kakaibang aura ng opisina.

Malawak.

Tahimik.

At napakalamig.

Sa gitna nito...

Nakatayo ang isang matangkad na lalaki sa harap ng floor-to-ceiling window.

Nakasuot ito ng dark gray suit.

Maayos ang pagkakaayos ng buhok.

Malapad ang balikat.

At kahit nakatalikod...

Hindi maikakailang gwapo ito.

Unti-unti itong lumingon.

Nagtagpo ang mga mata nila.

Sandaling natigilan si Ellaine.

Gwapo.

Sobrang gwapo.

"Jusko tao ba to?"... sa isip niya

Kaya pala baliw na baliw ang mga babae rito.

Ngunit agad niyang sinampal ang sarili sa isip.

Gwapo nga.

Babaero naman.

Pareho lang kay Leo.

Hindi.

Hindi na siya muling magkakamali.

"Miss Cruz."

Naputol ang iniisip niya.

"Yes, Sir."

"Sit."

Tahimik siyang umupo. Binuksan ni Westley ang resume.Hindi muna siya nagsalita. Tahimik lamang niya itong binasa.

Ilang segundo ang lumipas.

"You graduated with Latin honors."

"Yes, Sir."

"You speak three languages."

"Yes, Sir."

"You also handled executive scheduling before."

"Temporary work only."

"Hmm."

Isinara ni Westley ang folder.

Hindi pa rin nawawala ang seryoso nitong ekspresyon.

"Tell me.Why do you want this job?"

Diretso siyang tumingin sa CEO.

"Because I need it."

"Walang ibang dahilan?"

"Wala po."

"You don't admire me?"

Hindi niya inaasahan ang tanong.

"...Hindi po." deretsong sagot nito.

Bahagyang tumaas ang kilay ng CEO.

"Really?"

"Yes, Sir."

"Interesting."

Sumandal ito sa upuan.

"Alam mo bang halos lahat ng babaeng pumasok dito kanina....binanggit muna kung gaano ako kaguwapo bago sinagot ang tanong ko?"

Hindi napigilan ni Ellaine ang mapatingin sa mukha nito.

'Gwapo naman talaga...'

Pero...May saltik.'

"Sagutin mo."

Napakurap siya.

"H-Ha?"

"Am I handsome?"

Halos mabilaukan siya.

'Ano ba'ng interview 'to?'

"Sir...Interview po ba ito o personality test?"

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Westley.

Sa unang pagkakataon ngayong umaga...

May aplikanteng hindi natakot sumagot.

"So?" Tanong muli nito.

Napabuntong-hininga si Ellaine.

"Objectively.....yes."

Bahagyang ngumiti ang CEO.

"But?" Nakataas ang kilay na turan niya

"But...Personally...hindi po ako interesado." napabuntong hininga si Ellaine

Tumahimik ang buong opisina.

Ilang segundo.

Walang nagsalita.

Pagkatapos...

Biglang natawa si Westley.

Hindi iyong pilit.

Kundi totoong tawa.

"That's a first."

Napakunot ang noo ni Ellaine.

"Sir?"

"Lahat gusto akong ligawan."Ikaw...parang gusto ninyo akong iwasan."

'Kung alam mo lang.' Bulong niya sa isip.

'Ikaw ang klase ng lalaking iiwasan ko habambuhay.'

Tahimik na tumayo si Westley.

Lumapit ito sa kanya.

Huminto sa tapat ng mesa.

Magkalapit na sila ngayon.

Nanatiling kalmado si Ellaine kahit bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi dahil kinikilig.

Kundi dahil...

Napaka-intimidating ng CEO.

"One last question."

"Yes, Sir."

"If I become the most difficult boss you'll ever have.....will you resign?"

Hindi siya nag-atubili.

"No."

"Bakit?"

"Dahil trabaho lang po ang hanap ko.Wala akong balak umibig sa boss ko."

Napatitig si Westley.

Pagkatapos ay unti-unti siyang ngumiti.

Isinara niya ang folder.

"Congratulations, Miss Cruz."

Nanlaki ang mga mata ni Ellaine.

"Sir?"

"You're hired."

Para siyang hindi agad nakapaniwala.

"G-Gano'n lang po?"

"I rejected twenty-eight applicants."

"You answered honestly."

"And you looked at me....without trying to impress me."

Inabot nito ang isang maliit na papel.

"Report tomorrow."

Tahimik na tumayo si Ellaine.

"Thank you, Sir."

Paglabas niya ng opisina...

Halos mapatalon sa tuwa si Martha.

"Nakuha mo?!"

Mahina siyang tumango.

Hindi makapaniwala ang kaibigan.

"Ikaw lang ang pumasa!"

Ngunit bago pa sila tuluyang makalayo...

May isang babaeng empleyado ang biglang napatigil sa paglalakad.

Titig na titig ito kay Ellaine, parang may naalala.

Dahan-dahan itong lumapit.

"Excuse me..."

Napalingon si Ellaine.

"Yes?"

"Pasensya na po..."

"Pero......kilala ba kita?"

Bahagyang natigilan si Ellaine.

"Hindi po."

Kumunot ang noo ng babae.

"Impossible...Kamukhang-kamukha mo kasi ang—"

Napahigpit ang hawak ni Ellaine sa brown envelope.

"...ang nawawalang heiress ng Valderama family."

Nanlamig ang buong katawan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 75 : Room 1808

    "Sometimes, the crime scene tells a different story than the people inside it."****JASON'S POV :Alas-sais pa lang ng umaga, nasa Grand Monarch Hotel na ulit ako. Hindi bilang reporter ngayon. Hindi bilang kaibigan lang ni Westley.Nandito ako bilang taong naniniwalang may mali sa nangyari kagabi.Hindi ko kilala si Westley bilang perpektong tao. May mga mali rin siya dati. Pero kilala ko siya bilang lalaking hindi kailanman gagamit ng babae para sa sariling kasiyahan. Hindi siya ganun.At kung may isang bagay na natutunan ko sa halos sampung taon ko sa investigative journalism, kapag masyadong malinis at masyadong perpekto yung eskandalo na lumabas, may taong naglinis at nag-ayos nito para magmukhang totoo."Mr. Ignacio," lumapit yung hotel manager sa akin sa lobby at halatang kabado pa rin dahil sa gulo kagabi."I'm sorry, pero hindi namin pwede papasukin kahit sino sa loob ng Room 1808 ngayon. Under investigation pa po," sabi niya.Ngumiti lang ako at hindi nakipagtalo."I wasn't

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 74 : Drugged

    "The truth doesn't disappear because a lie is louder. It only waits for someone brave enough to uncover it."*******WESTLEY'S POV :Parang may humahampas na bakal sa ulo ko na paulit-ulit.Pilit kong iminulat mata ko pero mabigat at malabo paningin ko. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong oras na.Ang una kong nakita pagdilat ko, puting kisame na may ilaw. Hindi yun sa penthouse ko sa Vidal Tower. Hindi rin yung sa ospital na madalas namin puntahan.Sinubukan ko bumangon pero parang wala akong lakas sa katawan at bumagsak lang ulit ako sa kama.Bigla may humawak sa balikat ko para alalayan ako."Boss... easy lang, wag ka muna bumangon," sabi ni Marco at namumula mata niya na parang puyat at kakaiyak.Napakanot-noo ako at hinawakan ulo ko na masakit pa rin."What... happened? Anong nangyari?" tanong ko, mahina pa boses ko.Nagkatinginan sina Marco at Anthony sa gilid ng kama at walang gustong sumagot agad sa tanong ko.Napansin ko na nasa isang private medical room na ako sa loob ng

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 73 : The Drink That Change Everything

    "A single mistake can ruin a lifetime... but the cruelest tragedies are the ones carefully planned by someone else."_______'ELLEN'S POV :Halos hindi ko na maalala kung ilang traffic light yung nilabag ko papunta sa hotel.Ang alam ko lang, kailangan ko makita si Westley ngayon mismo. Hindi bukas, hindi mamaya. Ngayon.Pagdating ko sa Grand Monarch Hotel, halos hindi ko na naayos pag-park ng sasakyan ko at agad ako bumaba at tumakbo papunta sa reception."Good evening, Ma'am, welcome to Grand Monarch," bati ng receptionist."I'm looking for Mr. Westley Vidal. Nasaan room niya?" sabi ko agad, hingal pa.Napatingin yung receptionist sa computer niya at nag-type. "May I know your relationship with the guest, Ma'am?""I'm his girlfriend. Girlfriend niya ako," sagot ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mahalaga bawat segundo ngayon.Bigla nagbago ekspresyon ng receptionist at naging ilag."I'm sorry, Ma'am. We're not allowed to disclose guest information po, privacy policy po," sabi niy

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 72 : Tiffany's Invitation

    "The most dangerous traps are the ones that look like acts of kindness."******MARCO'S POV :May mali.Hindi ko maipaliwanag ng buo pero may mali talaga sa nangyayari kay Boss ngayon.Tatlong taon na akong nagtatrabaho kay Boss Westley. Isang beses ko pa lang siya nakitang mawalan ng kontrol sa katawan niya nung nag-collapse siya dati dahil tatlong araw halos walang tulog kakabantay sa Vidal Holdings.Pero ngayon iba yung nakikita ko.Bigla siya namutla habang nakaupo. Pinagpapawisan siya kahit malamig sa steakhouse. At hirap na hirap siya tumayo na parang biglang bumigat katawan niya."Boss, hospital na tayo agad. Tara na," sabi ko at hinawakan ko braso niya.Umiling siya kahit halata nahihirapan. "I'm fine, Marco. Kaya ko pa."Hindi ako naniwala sa sinabi niya. Kitang kita sa mukha niya na hindi siya okay.Inalalayan namin siya palabas ng restaurant kasama sina Anthony, Greg, Daniel at Billy Joe. Lahat kami nakapalibot sa kanya para hindi siya matumba.Naglakad kami papunta sa elev

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 71 : Bachelor Party

    "The strongest men don't fall because they're weak. They fall because someone carefully planned where they would land."******WESTLEY'S POV :"Absolutely not."Binaba ko fountain pen ko at tinitigan sina Marco at Anthony na parehong nakatayo sa harap ng mesa ko at parang may binabalak na kalokohan."Boss, minsan lang naman to," reklamo ni Marco at nakanguso pa."I said no. Hindi pwede," sabi ko at umiling.Anthony sumingit agad. "Traditional bachelor party lang naman, Boss. Dinner lang, walang ibang gagawin."Napailing ako at natawa. "Wala pa ngang engagement sa amin ni Ella. Ano bachelor party pinagsasabi nyo?""Tama, wala pa nga," sagot ni Marco at nagkatinginan sila ni Anthony. "Pero approved ka na ni Chairman Antonio. Advance celebration lang to, Boss. Parang despidida ng single life mo."Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan. "Kayo lang ba may idea nitong party na to?"Nagkatinginan silang dalawa at parang nahuli."Actually... Hindi lang kami," sabi ni Anthony.Napakanot-

  • The Billionaire CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 70 : She Said Yes

    "The right love doesn't arrive at the perfect time. It becomes the reason you're willing to face every imperfect tomorrow." ****** ELLEN'S POV : Tatlong araw na lumipas mula nung charity event namin ni Westley. Walang gulo. Walang issue. Walang media na nangungulit. Pero yun mismo yung mas nakakakaba para sa akin. Sa mundo ng negosyo kasi, hindi katahimikan yung nakakatakot. Yung katahimikan na may binabalak sa likod, yun yung delikado. Katatapos lang ng board meeting sa Valderama Group nung nag-vibrate cellphone ko sa table. Westley: "Can you spare an hour tonight?" Napangiti ako agad pagbasa ko. Me: "Business meeting ba to, Mr. Vidal?" Mabilis siya sumagot. "No. Just us." Hindi ko napigilan matawa sa office. "Location?" reply ko. "Trust me," sagot niya. Napailing ako pero kinilig. "I already do." Eksaktong alas-siyete ng gabi, huminto yung sasakyan na sinundo sa akin sa isang maliit na lighthouse sa Batangas. Hindi siya resort na mamahalin. Hindi rin restaurant na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status