로그인"Some people enter your life with flowers. Others enter with a slap."
****** Hindi pa rin makapaniwala si Ellaine Cruz habang nakatitig sa company ID na nakasabit sa leeg niya. VIDAL HOLDINGS INC. Employee na siya. May trabaho na siya. May bagong buhay na naghihintay. At higit sa lahat... wala nang makakakilala sa kanya bilang Ellen Valderama-Cruz. Sa tulong ng kaibigan at pera, nakakuha siya ng requirements para dito. Napangiti siya. "Congratulations, Miss Cruz." Nakipagkamay ang HR Manager."Welcome to Vidal Holdings." "Thank you po." magalang niyang sabi. "Sir Westley already approved your application. Starting today, you'll be working directly under the Office of the CEO." Napakurap siya. "K-Kami lang po?" "Yes.You're his new personal secretary." Napalunok siya. Naalala niya ang lalaking nag-final interview sa kanya kanina. Confident. Matalino. At napakakulit. Hindi niya makalimutan ang pilyong ngiti nito. "Are you sure you can handle working with me, Miss Cruz?" Napailing siya. Mayabang. Pero mukhang mabait naman. "Sige, ihahatid muna kita sa executive floor." Habang naglalakad sila... Halos hindi mapigilan ni Ellaine ang mamangha. Napakaganda ng opisina. Malalaking crystal chandeliers. Mamahaling paintings. Glass walls. Lahat ng empleyado ay mukhang mga modelo. Samantalang siya...naka-oversized cardigan. Mahabang palda. Flat shoes. Makapal na salamin At braces. Pakiramdam niya...siya ang pinaka-baduy sa buong gusali. Huminto ang HR Manager sa tapat ng pantry. "Nandito ang coffee station.Mahilig si Sir Westley sa black coffee.No sugar. No cream." "Kapag natimplahan mo na, dalhin mo sa office niya." Paliwanag nito. Tumango siya. "Opo." "Sige. May aasikasuhin lang ako." Pagkaalis ng HR Manager... Huminga nang malalim si Ellaine. "Kape lang, kaya ko 'to." Lumapit siya sa coffee machine. Naglagay ng coffee granules. Inihanda ang mug. Habang inaabot niya ang electric kettle... Hindi niya namalayang may isang taong pumasok sa pantry. Tahimik lamang itong lumapit sa likuran niya. Eksaktong sandaling natapilok siya dahil sa natapong tubig sa sahig... Bigla siyang nawalan ng balanse. "A-Ah!" May isang matigas na braso ang mabilis na sumalo sa bewang niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng kamay nito.Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang nakabawi. Hindi na siya lumingon. "Manyakis!" sigaw nito sabay pakawala ng isang malutong na sampal. PAK! Isang napakalakas na sampal ang umalingawngaw sa buong pantry. Napahinto ang lahat. Nahulog ang kutsaritang hawak ng isang empleyado. Pati ang dalawang accountant na nag-uusap ay sabay napalingon. Unti-unting bumitaw ang lalaking sumalo sa kanya. Tahimik. Napakatahimik. Saka lang tinignan ni Ellen ang lapastangan at Parang tumigil ang mundo. Nanlaki ang mga mata niya. "...S-Sir Westley?" Namumula ang kaliwang pisngi ng CEO. Tahimik itong nakatingin sa kanya. Pagkatapos... marahan nitong ibinaling ang mukha pabalik. "Good morning..."Mahina ang boses nito. "...Miss Cruz." nakangisi nitong sabi habang hawak nag mukhang nasaktan. Parang gusto nang mahimatay ni Ellaine. "H-Hala...Sir...A-Ako po..." Napahawak siya sa sariling bibig. Hindi... Hindi niya sinampal ang boss niya. Hindi maaari. Hindi! "Sir!" Yumuko siya nang paulit-ulit. "I'm so sorry!Akala ko po kasi..." Napatingin siya sa kamay nitong nasa bewang niya kanina. Pagkatapos... napansin niya ang natapong tubig sa sahig. At ang sarili niyang sapatos... na muntik ngang madulas. Unti-unti niyang naunawaan ang nangyari. Hindi siya hinawakan ni Westley para bastusin. Sinagip siya nito. At bilang pasasalamat... sinampal niya ito. Tuluyan nang namula ang mukha niya. "Naku...Sir...Sobrang sorry po... wag niyo akong sisantihin" Tahimik lamang si Westley. Tiningnan niya ang namumulang pisngi nito. Pagkatapos ay napabuntong-hininga. "I was trying to stop you from falling." sabi nito Napapikit si Ellaine. "Sorry po...Hindi ko po talaga sinasadya." Muling natahimik ang pantry. Lahat ng empleyado ay naghihintay. Sigurado silang... tatanggalin na ang bagong secretary. Ngunit biglang... napangiti si Westley. Mahina muna. Hanggang sa tuluyan na itong natawa. Napatingin ang lahat. Hindi sila makapaniwala. Tumatawa ang CEO? "I've been running this company for eight years..." Mahina nitong hinimas ang namumulang pisngi. "...pero ngayon lang ako nasampal ng sarili kong secretary." Hindi na napigilan ng ilang empleyado ang matawa. Si Ellaine naman ay gusto na lamang maghukay ng lupa at magtago. Lumapit si Westley. Napaatras siya. "Huwag kang matakot.Hindi ako gumaganti." Huminga siya nang maluwag. Hanggang sa muli itong ngumiti. "Pero..." Bahagya itong yumuko."...utang mo sa'kin ang isang tasa ng kape." Napakurap siya. "Kape lang po?" "Oo.Tapos..." Nakangisi itong tumingin sa kanya. "Next time.....lumingon ka muna bago ka manampal." Nagtawanan ang buong pantry. Habang si Ellaine... halos gusto nang matunaw sa sobrang hiya. Hindi pa rin makapagsalita si Ellaine. Pakiramdam niya'y gusto na lamang niyang maglaho sa sobrang hiya. Nasampal niya. Nasampal niya ang CEO ng Vidal Holdings sa unang araw pa lang niya sa trabaho. At hindi lang basta CEO... ang lalaking nagbigay sa kanya ng pagkakataong magsimulang muli. "S-Sir..." Nanginginig ang boses niya. "I'm really sorry."Hindi ko po talaga sinasadya." Tahimik lang si Westley habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay bahagya niyang hinaplos ang namumulang pisngi. "Hmm..." Mukhang pinag-iisipan pa nito kung tatanggapin ba ang apology niya o hindi. Napalunok si Ellaine. "Tatanggalin na yata ako..." Biglang bumuntong-hininga si Westley. "Miss Cruz." "O-Opo?" "You have a strong hand, amazona ka ba dati?" Napakurap siya. "...Po?" Napangiti ang CEO. "I think my jaw moved an inch." Biglang nagtawanan ang mga empleyadong nakapaligid. Napayuko si Ellaine sa sobrang hiya. "Sorry po..." "Huwag kang magsorry." Napataas ang ulo niya. "Bakit po?" "Dahil kasalanan ko rin."Nagulat ang lahat. "...Sir?" "Dapat nagsalita muna ako bago kita sinalo." Napatingin si Ellaine sa kanya. Hindi niya inaasahang aaminin din nito ang pagkakamali. Napakamot sa batok si Westley "Lesson learned." "Next time....I'll say 'Excuse me' first." Napangiti nang bahagya si Ellaine. Mukhang...hindi naman pala ganoon kasama ang boss niya. "Pero..." Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Westley. Napalunok siya. "May kapalit." Nanlaki ang mata niya. "K-Kapalit po?" Tumango ito. "Titimplahan mo ako ng masarap na kape. Araw-araw." Napabuntong-hininga siya.'Yun lang pala, akala ko ano na. "Kaya ko po." "Good." "Because I don't drink bad coffee." Napairap si Ellaine.Mahina lamang. Pero nahuli iyon ni Westley. "Oh?Naiirapan ka sa'kin?" "H-Hindi po, ito na nga po nanginginig pa." "Sigurado?" "Opo." Ngumiti ito. "Good.Mahilig kasi akong mang-asar." Napabuntong-hininga si Ellaine. "Halata nga"sa isip niya lang Makalipas ang ilang minuto... Magkatabi silang naglalakad papunta sa executive hallway. Tahimik. Tanging tunog lamang ng sapatos nila ang maririnig. Paminsan-minsan ay palihim na sumusulyap si Ellaine sa CEO. Hindi niya maintindihan. Kung ibang boss siguro iyon...matagal na siyang sinibak, pero si Westley...Parang wala lang. Bigla itong nagsalita. "So..." Napapitlag siya. "Opo?" "May boyfriend ka ba?" Napahinto siya sa paglalakad. "...Ha?" Ngumiti ito. "Simple question." "May boyfriend?" Mabilis siyang umiling. "wala ." pagsisinungaling niya. Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya. Mabilis niyang iniwas ang tingin. Hindi na nagtanong pa s Westly, nakita niyang dumaan sa mukha ng dalaga ang lungkot. Mukhang may masakit na alaala itong naalala. Kaya agad niyang binago ang usapan. "Good." Napatingin ulit si Ellaine. "Bakit po good?" Ngumisi ito. "Dahil wala akong kaagaw sa pang-aasar sa'yo." Napairap siya. "Sir..." "Totoo naman.Ang seryoso kasi ng mukha mo." "Gusto kong makita kang ngumiti." Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa. Huminto sila sa tapat ng isang napakalaking p***o. May nakalagay na gold nameplate. CEO WESTLEY MADRID VIDAL Binuksan ito ni Westley. Pumasok siya. Nanlaki ang mga mata ni Ellaine. Napakalawak ng opisina. Floor-to-ceiling windows. Isang napakahabang bookshelf. Mini bar. Private lounge. At isang napakalaking executive desk. "Welcome..."Umikot si Westley sa likod ng mesa. "...to your second home." Napakurap siya. "Second home po?" "Mas matagal mo pa akong makakasama kaysa sa pamilya mo." Napasinghap si Ellaine. "Sir..." nag alalangan niyang sabi "Huwag kang mag-alala.Nakakagat lang ako kapag gutom." Hindi niya napigilang matawa. Mahina. Pero totoo. Napangiti rin si Westley. "Mas bagay pala siyang ngumiti kaysa nakasimangot..." Biglang kumatok ang executive assistant. "Sir.Board meeting is ready." Tumango si Westley. Pagkatapos ay tumingin kay Ellaine. "Miss Cruz." "Opo?" "Pagbalik ko..."Bahagya itong ngumiti. "...tikman ko ang unang kape na ginawa mo." Sabay kindat. Lumabas ito ng opisina. Iniwan si Ellaine na nakatulala. Napabuntong-hininga siya. "Ang weird talaga ng boss na 'yon..." Hindi niya namalayang... Sa kabilang side ng glass wall... May isang babaeng eleganteng nakasuot ng designer dress ang tahimik na nakamasid sa kanya. Nakasimangot. mahigpit ang pagkakahawak sa branded handbag. At puno ng selos ang mga mata. Mahina itong ngumiti. "Another secretary?"Let's see..." "...kung hanggang kailan ka tatagal." Nagbabaga ang tingin na ibinigay nito kay Ellen."Sometimes, the most unforgettable dance is the one that begins with a choice... and ends with two hearts declaring war without saying a single word."**************************************Hindi agad nagsalita si Ellaine.Pakiramdam niya ay biglang nawala ang ingay ng buong ballroom. Ang musika ng orchestra, ang mahihinang usapan ng mga bisita, maging ang sunod-sunod na camera flashes ay tila unti-unting naglaho. Ang tanging naririnig na lamang niya ay ang malakas na tibok ng sarili niyang puso habang nakatingin sa dalawang lalaking kapwa naghihintay ng kanyang magiging desisyon.Sa kanan niya ay si Leo Garcia—ang lalaking minsang pinangarap niyang makasama habambuhay, ngunit siya ring sumira sa lahat ng pangarap na iyon.Sa kaliwa naman ay si Westley Madrid Vidal—ang CEO na ilang araw pa lamang niyang nakikilala ngunit paulit-ulit na sumusulpot sa tuwing kailangan niya ng masasandalan.Hindi niya alam kung bakit.Ngunit sa sandaling iyon...isa lamang ang sigurado niya.Ayaw na niya
"The brightest stars don't beg to be noticed... they simply shine."*******************Isang sunod-sunod na camera flash ang sumalubong sa itim na Rolls-Royce Phantom nang huminto iyon sa harap ng Manila Grand Regency Hotel.Isa ito sa pinakamahal at pinakakilalang hotel sa bansa.Ngayong gabi gaganapin ang taunang charity gala na dinadaluhan lamang ng mga pinakamalalaking negosyante, politicians, celebrities, at mga kilalang pamilya.Tahimik na bumaba si Westley Madrid Vidal mula sa driver's seat.Suot nito ang isang eleganteng black tuxedo na lalong nagpatingkad sa matangkad nitong pangangatawan. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at gaya ng dati ay bakas sa mukha ang natural nitong kumpiyansa.Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya agad umikot upang pagbuksan ng pinto ang kasama.Huminga muna siya nang malalim.Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila kinakabahan siya.Kanina pa umiikot sa isip niya ang larawan ni Ellaine nang makita niya ito sa lobby ng condominium.Hanggang n
"The greatest revenge isn't making them regret losing you... it's becoming someone they no longer deserve."*********Hindi agad naigalaw ni Ellaine ang kamay matapos ibaba ang telepono. Nanatili siyang nakatitig sa mesa habang unti-unting humihigpit ang pagkakahawak niya sa receiver. Pakiramdam niya ay may malaking batong dumagan sa dibdib niya.Leo Garcia.Narito siya.At hinahanap siya, sa loob ng apat na buwan ay ginawa niya ang lahat upang mawala sa paningin ng lalaking iyon. Pinalitan niya ang pangalan niya. Iniwan niya ang marangyang buhay. Nagsuot siya ng makapal na salamin, braces, at mga simpleng damit upang walang sinumang makakilala sa kanya.Ngunit sa huli...natagpuan pa rin siya nito."Miss Cruz?"Napapitlag siya nang marinig ang boses ng receptionist.Bahagya siyang napalingon."Nandiyan pa rin po siya sa lobby,.Ano po'ng isasagot ko?"Huminga nang malalim si Ellaine bago marahang ipinikit ang mga mata.Hindi.Hindi pa siya handa.Hindi niya kayang harapin ang lalaking
"Sometimes, the past doesn't come back to haunt you... it waits for the perfect moment to destroy everything you've rebuilt."******Tahimik na nakatingin si Ellaine sa direksyong nilakaran ni Westley kasama ang executive team.Mabilis.Diretso.Walang pag-aalinlangan.Sa loob lamang ng ilang segundo ay tila naging isang battlefield ang buong executive floor. May mga empleyadong nagmamadaling magdala ng mga dokumento, may tumatawag sa iba't ibang departamento, habang ang iba nama'y halos tumatakbo papunta sa conference room.Napangiti siya nang bahagya.Ngayon niya lamang nakita ang tunay na mundo ng malalaking negosyo.Walang sigawan.Walang panic.Lahat ay organisado.At ang sentro ng lahat ng iyon..ay ang lalaking ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay nasampal niya."Miss Cruz." Napalingon siya nang tawagin ng receptionist."Yes?""Pwede bang makahingi ng tulong?""Of course." mabilis niyang sagot.Iniabot nito ang isang tablet."Naka-sync dito lahat ng schedule ni Sir Westley. Si
"The moment you stand beside a powerful man, people stop asking who you are... and start deciding who you must be."********Hindi pa rin maalis ang pamumula sa pisngi ni Ellaine habang tahimik niyang inaayos ang mga gamit sa maliit ngunit elegante niyang workstation na nasa labas lamang ng opisina ni Westley Madrid Vidal.Hindi pa rin siya makapaniwala.Ilang oras pa lamang siyang empleyado ng Vidal Holdings..pero nagawa na niyang sampalin ang CEO.Kung nalaman lamang iyon ng kaibigan niyang si Martha, siguradong tatawa iyon nang isang linggo.Napailing siya habang inilalabas ang maliit niyang notebook, ballpen, at planner mula sa lumang tote bag."Focus, Ellaine. Nandito ka para magsimula ulit. Hindi para gumawa ng panibagong gulo."Huminga siya nang malalim.Unti-unti nang bumabalik ang tibok ng puso niya.Tahimik ang executive floor.Maririnig lamang ang mahinang tunog ng mga keyboard at teleponong paminsan-minsang tumutunog. Maya-maya pa'y umilaw ang intercom sa mesa niya.Napaup
"Some people enter your life with flowers. Others enter with a slap."******Hindi pa rin makapaniwala si Ellaine Cruz habang nakatitig sa company ID na nakasabit sa leeg niya.VIDAL HOLDINGS INC.Employee na siya. May trabaho na siya.May bagong buhay na naghihintay.At higit sa lahat... wala nang makakakilala sa kanya bilang Ellen Valderama-Cruz. Sa tulong ng kaibigan at pera, nakakuha siya ng requirements para dito.Napangiti siya."Congratulations, Miss Cruz." Nakipagkamay ang HR Manager."Welcome to Vidal Holdings.""Thank you po." magalang niyang sabi."Sir Westley already approved your application. Starting today, you'll be working directly under the Office of the CEO."Napakurap siya."K-Kami lang po?""Yes.You're his new personal secretary."Napalunok siya.Naalala niya ang lalaking nag-final interview sa kanya kanina.Confident.Matalino.At napakakulit.Hindi niya makalimutan ang pilyong ngiti nito."Are you sure you can handle working with me, Miss Cruz?"Napailing siya.Ma







