Se connecter"Sometimes, the crime scene tells a different story than the people inside it."****JASON'S POV :Alas-sais pa lang ng umaga, nasa Grand Monarch Hotel na ulit ako. Hindi bilang reporter ngayon. Hindi bilang kaibigan lang ni Westley.Nandito ako bilang taong naniniwalang may mali sa nangyari kagabi.Hindi ko kilala si Westley bilang perpektong tao. May mga mali rin siya dati. Pero kilala ko siya bilang lalaking hindi kailanman gagamit ng babae para sa sariling kasiyahan. Hindi siya ganun.At kung may isang bagay na natutunan ko sa halos sampung taon ko sa investigative journalism, kapag masyadong malinis at masyadong perpekto yung eskandalo na lumabas, may taong naglinis at nag-ayos nito para magmukhang totoo."Mr. Ignacio," lumapit yung hotel manager sa akin sa lobby at halatang kabado pa rin dahil sa gulo kagabi."I'm sorry, pero hindi namin pwede papasukin kahit sino sa loob ng Room 1808 ngayon. Under investigation pa po," sabi niya.Ngumiti lang ako at hindi nakipagtalo."I wasn't
"The truth doesn't disappear because a lie is louder. It only waits for someone brave enough to uncover it."*******WESTLEY'S POV :Parang may humahampas na bakal sa ulo ko na paulit-ulit.Pilit kong iminulat mata ko pero mabigat at malabo paningin ko. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong oras na.Ang una kong nakita pagdilat ko, puting kisame na may ilaw. Hindi yun sa penthouse ko sa Vidal Tower. Hindi rin yung sa ospital na madalas namin puntahan.Sinubukan ko bumangon pero parang wala akong lakas sa katawan at bumagsak lang ulit ako sa kama.Bigla may humawak sa balikat ko para alalayan ako."Boss... easy lang, wag ka muna bumangon," sabi ni Marco at namumula mata niya na parang puyat at kakaiyak.Napakanot-noo ako at hinawakan ulo ko na masakit pa rin."What... happened? Anong nangyari?" tanong ko, mahina pa boses ko.Nagkatinginan sina Marco at Anthony sa gilid ng kama at walang gustong sumagot agad sa tanong ko.Napansin ko na nasa isang private medical room na ako sa loob ng
"A single mistake can ruin a lifetime... but the cruelest tragedies are the ones carefully planned by someone else."_______'ELLEN'S POV :Halos hindi ko na maalala kung ilang traffic light yung nilabag ko papunta sa hotel.Ang alam ko lang, kailangan ko makita si Westley ngayon mismo. Hindi bukas, hindi mamaya. Ngayon.Pagdating ko sa Grand Monarch Hotel, halos hindi ko na naayos pag-park ng sasakyan ko at agad ako bumaba at tumakbo papunta sa reception."Good evening, Ma'am, welcome to Grand Monarch," bati ng receptionist."I'm looking for Mr. Westley Vidal. Nasaan room niya?" sabi ko agad, hingal pa.Napatingin yung receptionist sa computer niya at nag-type. "May I know your relationship with the guest, Ma'am?""I'm his girlfriend. Girlfriend niya ako," sagot ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mahalaga bawat segundo ngayon.Bigla nagbago ekspresyon ng receptionist at naging ilag."I'm sorry, Ma'am. We're not allowed to disclose guest information po, privacy policy po," sabi niy
"The most dangerous traps are the ones that look like acts of kindness."******MARCO'S POV :May mali.Hindi ko maipaliwanag ng buo pero may mali talaga sa nangyayari kay Boss ngayon.Tatlong taon na akong nagtatrabaho kay Boss Westley. Isang beses ko pa lang siya nakitang mawalan ng kontrol sa katawan niya nung nag-collapse siya dati dahil tatlong araw halos walang tulog kakabantay sa Vidal Holdings.Pero ngayon iba yung nakikita ko.Bigla siya namutla habang nakaupo. Pinagpapawisan siya kahit malamig sa steakhouse. At hirap na hirap siya tumayo na parang biglang bumigat katawan niya."Boss, hospital na tayo agad. Tara na," sabi ko at hinawakan ko braso niya.Umiling siya kahit halata nahihirapan. "I'm fine, Marco. Kaya ko pa."Hindi ako naniwala sa sinabi niya. Kitang kita sa mukha niya na hindi siya okay.Inalalayan namin siya palabas ng restaurant kasama sina Anthony, Greg, Daniel at Billy Joe. Lahat kami nakapalibot sa kanya para hindi siya matumba.Naglakad kami papunta sa elev
"The strongest men don't fall because they're weak. They fall because someone carefully planned where they would land."******WESTLEY'S POV :"Absolutely not."Binaba ko fountain pen ko at tinitigan sina Marco at Anthony na parehong nakatayo sa harap ng mesa ko at parang may binabalak na kalokohan."Boss, minsan lang naman to," reklamo ni Marco at nakanguso pa."I said no. Hindi pwede," sabi ko at umiling.Anthony sumingit agad. "Traditional bachelor party lang naman, Boss. Dinner lang, walang ibang gagawin."Napailing ako at natawa. "Wala pa ngang engagement sa amin ni Ella. Ano bachelor party pinagsasabi nyo?""Tama, wala pa nga," sagot ni Marco at nagkatinginan sila ni Anthony. "Pero approved ka na ni Chairman Antonio. Advance celebration lang to, Boss. Parang despidida ng single life mo."Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan. "Kayo lang ba may idea nitong party na to?"Nagkatinginan silang dalawa at parang nahuli."Actually... Hindi lang kami," sabi ni Anthony.Napakanot-
"The right love doesn't arrive at the perfect time. It becomes the reason you're willing to face every imperfect tomorrow." ****** ELLEN'S POV : Tatlong araw na lumipas mula nung charity event namin ni Westley. Walang gulo. Walang issue. Walang media na nangungulit. Pero yun mismo yung mas nakakakaba para sa akin. Sa mundo ng negosyo kasi, hindi katahimikan yung nakakatakot. Yung katahimikan na may binabalak sa likod, yun yung delikado. Katatapos lang ng board meeting sa Valderama Group nung nag-vibrate cellphone ko sa table. Westley: "Can you spare an hour tonight?" Napangiti ako agad pagbasa ko. Me: "Business meeting ba to, Mr. Vidal?" Mabilis siya sumagot. "No. Just us." Hindi ko napigilan matawa sa office. "Location?" reply ko. "Trust me," sagot niya. Napailing ako pero kinilig. "I already do." Eksaktong alas-siyete ng gabi, huminto yung sasakyan na sinundo sa akin sa isang maliit na lighthouse sa Batangas. Hindi siya resort na mamahalin. Hindi rin restaurant na







