Home / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 28 [Sa Park]

Share

Kabanata 28 [Sa Park]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-10-20 23:45:38
Nang pauwi na ako, dumaan ako sa parke na dati kong tinatambayan sa tuwing gumagawa ako ng journal at nagbabasa. Pinagmasdan ko ang mga taong nasa palibot. Masasaya sila, at may ilan din namang tahimik habang hawak ang kanilang cellphone. Nagkuru-kuro ako nang ilang minuto.

Inisip ko kung paano ako humantong sa ganito. Isang simpleng buhay lang naman ang nais ko. Bakit ba tila nanunudyo ang panahon at kapalaran?

Gaya ng nakasanayan ko sa tuwing napapadaan ako rito. Kaagad akong kumuha ng itim kong ballpen at inilabas ang pares nitong diary. Kailanma’y hindi nawala sa loob ng aking bag ang bagay na iyon. Binuklat ko at pinasadahan ng tingin ang mga araw at taon ng pagkakasulat.

Hindi sinasadya na nabasa ko ang salitang ina roon. Natuon ang paningin ko sa nakasulat na may kahabaan. Muli ko itong binasa sa simula.

‘Kahit kailan, hindi na matutupad ang mga pangarap ko na makasamang muli ang aking ina gaya noong maliit pa lamang ako. Sapat nang minsa’y nagkatagpo kami. Ngayon, mas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 39 [Mag-ama]

    “I want an explanation for this..” pabagsak na wika ni Don Marianno. Nagkatinginan kami ni William.“Excuse me, sir,” pagpapaalam ko agad sa kanila para lumabas. Alam kong kailangan nilang mag-usap mag-ama.“Stay here,” mariing wika ni William nang pigilan ako. Napatingin sa akin si Don Marianno. Hindi siya umimik. Seryoso siyang bumaling muli kay William. Nailagay ko na lamang sa likuran ko ang aking mga kamay nang mapayuko.“Another crisis, Son? Is that how you manage your own company?” pagdaragdag nito. Napatingin ako sa hindi maipintang mukha ni William. Alam kong may gap sa relasyon nilang mag-ama. Napag-alaman ko iyon mula kay William nitong mag-usap kami tungkol sa kaniyang pamilya.“I thought you've learned. Nasaan ang pinag-aralan mo?”Hindi ko maatim ang ginagawang pagpapahiya nito sa kaniyang anak. Napaigting ang panga ni William sa narinig at naglalagablab ang mga matang tinitigan ang kaniyang ama. “Wala akong ideya sa mga nangyayari. Siguro nga ay may tumatraydor sa

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 38 [Problema]

    “Anong oras na? Ganitong oras na ba umuuwi ang mga babae ngayon?” I cleared my throat. “Pumasok ka muna, sa loob na natin iyan pag-usapan.” Mas lalo lamang siyang tumitig nang taimtim. Hindi ko alam ang pinanghuhugutan niya ng galit, gayong wala naman akong ginagawang masama at isa pa maaga pa naman. Ipapasok ko na sana ang motorsiklo nang harangan niya ako. “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” Ibinaba ko ang stand ng motorsiklo saka siya hinarap. “Nakipag-dinner sa ‘kin si Annie, kaya't natagalan ako sa pag-uwi. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka rito, e ‘di sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya,” Hinawakan niya ang motorsiklo para pigilan akong pumasok nang tangkain ko iyung itulak.“Really? How about the guy, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol do’n?” Napakunot ang noo ko. “Si Rex ba kamo?” Tumaas ang isa niyang kilay bilang pagkumpirma habang tiim-bagang pa ring nakatitig sa ‘kin. Humugot ako nang malalim na hininga.“Dati ko siyang naka

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 37 [Restaurant]

    Lumipas pa ang mga araw, masaya ang naging bunga ng pagsama ko kay William sa business travel niya. Sinulit ko talaga ang panahon na makasama siya. Halos isang linggo rin kami sa Davao bago bumalik ng Manila. Nang pareho na kaming nasa trabaho, isang boss and subordinate relationship lang meron kami. Ganoon ang naging daily routine namin, bilang boss at kaniyang sekretarya. Wala namang naghinala sa amin. Maingat kami na hindi kami mahuli nang kung sino. Minsan kapag palihim kaming nagkikita sa araw ng linggo o ‘di man sa hapon pagkatapos ng trabaho. Pinasusundo niya ako sa kaniyang tauhan at hinahatid sa condo niya. At doon namin pinagsasaluhan ang mga oras at sandali na magkasama kami bilang mag-asawa. Isang araw, nilapitan ako ni Annie at niyayang makipag-dinner sa kaniya pagkatapos ng trabaho. Aniya, libre raw niya kapag pumayag ako. Hindi ko alam ang pakay niya pero pumayag na rin ako. Kaibigan din naman siya ni William at para sa ‘kin, kaibigan ko na rin siya. Kumaway siya s

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 36 [Sa Batis]

    Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon. “May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha. Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 35 [Pakiusap]

    “We're here..” Matapos tanggalin ni William ang seatbelt niya, sa akin naman ang inabot niya. Sinalubong agad kami ng magsasaka nang makababa.“Magandang hapon, señorito–madam,” Tinanggal ng lalaking nasa edad kwarenta ang sumbrero niya at yumuko sa amin bilang pagbibigay galang.“Magandang hapon, Mang Bernard. Kumusta kayo rito at ang mga tanim?” Dumako ang paningin niya sa malawak na taniman.“Ayos naman po, senorito.” Inilagay nito sa dibdib ang sumbrero at dahan-dahang naglakad. Sumunod naman kami. “Ang totoo po niyan, malakas ang ani ngayon kumpara noong nakaraang buwan,” dagdag pa nito.“Magandang balita kung gayon. Kasama ko nga pala ang aking sekretaryang so Trisha.” Ngumiti ako at pagkatapos ay nakipagkamay. Gayundin ang lalaki. Yumuko si William nang pumasok kami sa isang nipa hut. Naupo kaming pareho. Lumapit ang isang may edad na babae at nag-alok sa amin ng mga kakanin na luto pa nila mula sa mga tanim. Umuusok pa iyon na halatang kakahain pa lamang mula sa kaldero.“

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 34 [Lihim na Relasyon]

    Muli ay naulit pa ang masarap na pag-angkin namin sa isa't isa. Sa ikalawang pagkakataon, nawala na nang tuluyan ang aking pag-alinlangan. Buong puso ko nang inalay ang aking sarili sa kaniya. Kahit ilang beses man niyang gustuhing ako’y angkinin, hindi ako tututol. Ang mga salitang ‘mahal kita’ ay hindi sapat para ipadama namin sa isa't isa ang pag-ibig na nabuo sa pagitan naming dalawa. Mahal ko na siya, mahal na mahal. Hindi ko na maitatanggi pa dahil iyon ang katotohanan na aking nadarama. Simula nang maranasan ko ang buhay sa piling niya at ibigay niya sa ‘kin ang mga bagay na minsang hindi ko hiniling. Ipinapangako ko na kailanman ay hindi ako ang magiging dahilan ng pagbuwag ng aming lihim na relasyon. Ang mga ginawa niya at ang mga binitiwang salita ang patunay–ang kaisa-isang pinanghahawakan ko. Naniniwala ako sa mga sinabi niya. Alam kong hindi lamang dahil sa kabayaran ng aking pagpayag na maging asawa niya sa papel ang lahat ng ginagawa niya. Kung hindi, dahil sa iyon a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status