Share

CHAPTER 6

ELLIAH's POV

Nang makarating na kami sa bahay nila ay nananatili pa ring tahimik si Zoe. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

"Salamat po sa paghatid, madam.." nakangiti nyang sabi sakin.

Bakit ba napaka-pormal nya masyado? Hindi ba nya alam na nag punta ako dito hindi bilang boss nya? Psh! May boss bang gagawa ng ganito sa empleyado?

"Elliah.." sabi ko sa kanya kaya't bigla syang napatingin sakin na puno ng pagtataka.

"Elliah ang itawag mo sakin kapag wala tayo sa trabaho.. at isa pa hindi ako nag punta ngayon dito bilang boss mo.." sabi ko sa kanya.

"Salamat.. Na-appreciate ko po lahat madam.." sabi nya kaya naman tinignan ko agad sya ng masama. Kakasabi ko lang kasi na Elliah ang itawag sakin, pero tinawag pa rin nya akong madam.

"Ahmm.. I mean.. Elliah.." nakangiti nyang dugtong kaya naman agad akong ngumiti.

"Ang bait mo sakin ngayon, dahil ba gusto mo akong bumalik?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Hindi ka pa naman umaalis, at hindi ko hahayaan na umalis ka.." seryosong sabi ko sa kanya.

Bakas sa mukha nya na pinipigilan nyang ngumiti kaya naman tumingin sya sa labas ng bintana upang maitago sakin ang pag ngiti nya.

"Nakapunta ka ba sa meeting kanina?" Tanong nya sakin.

"Seryoso ka dyan? Ang daming pwedeng itanong sakin, bakit yun pa? Pwede namang favorite color or favorite food.." dismayadong sabi ko sa kanya kaya agad syang humalakhak. Humarap ako sa kanya ng nakakunot ang noo at tinitigan ko sya sa mata..

"Anong nakakatawa?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Ang cute mo kasi.." nakangiting sagot nya saka nya hinilot ang noo ko na nakakunot..

"Anong ginagawa mo sa noo ko?' Tanong ko habang magkalapit ang aming mga mukha. Hindi ko maiwasang titigan ang labi nya habang pina-patag nya ang noo ko.

"Palagi na lang kasing nakakunot ang noo mo.. baka magka-wrinkles ka agad nyan.." nakangiting biro nya sakin habang patuloy pa rin sya sa ginagawa nya.

"Tigilan mo nga yan.." sabi ko sa kanya saka ko hinawi ang kamay nya. Kung hindi ko kasi hahawiin ang kamay nya, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

"So ano nga? Umattend ka ba sa meeting?" Tanong nya ulit sakin.

"Shempre.." cold na sagot ko. Inaamin kong masaya ako ngayon dahil kasama ko sya, pero pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na masanay na nandyan sya dahil ayoko ng masaktan. Kaya hangga't maaari, sinusungitan ko sya para hindi kami maging close.

"Very good.." nakangiti nyang sabi sakin.

"Uuwi ka ba o iuuwi kita?" Mataray na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Gusto kong matawa sa reaksyon nya dahil bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Hindi nya siguro inaasahan ang sinabi ko. Madalas kasi akong seryoso, ibang iba sa pinapakita ko ngayon.

"Huhhh???" Reaksyon nya sa sinabi ko..

"Bumaba ka na.. unless, sasama ka sakin sa bahay.." inis na sabi ko sa kanya.

"Ahhh.. Eto na bababa na po.. Sungit.." nakangiting sabi nya sakin saka nya sinubukang tanggalin ang lock ng pinto. Pagka-alis nya ng seatbelt ay bumaba na rin sya agad..

KINABUKASAN

ZOE's POV

Sinasariwa ko pa ang lahat ng nangyari kagabi habang nakaupo ako sa pwesto ko. Ang sarap balik-balikan ng ala-ala.. Kahit nasa isip ko na lang ang lahat, kinikilig pa rin ako. Grabe sya mag effort, nakakatunaw..

Kring! Kring!

Isang tawag sa telepono ang sumira sa moment ko. Sino kaya to? Usually, 10am tumatawag ang mga client dito, pero 6:20am pa lang ngayon.

"Hello, Good morning.. Secretary Zoe speaking.." bungad ko sa tumawag sa telepono.

"Come to my office now!" Galit na sabi ni Madam. May nagawa ba ako? Ang aga pa para sermonan ako..

Dahil sa tono ng boses nya ay nagtungo agad ako sa office nya. Pagka-pasok ko ay bumungad sakin ang napakaraming pagkain na nasa dining table ni madam.

"Good morning madam!" Nakangiting bati ko sa kanya. Hindi sya nag salita, tinitigan nya lang ako at tinaasan ng kilay.

Ano bang gagawin ko? Bakit nya ako tinawag kung tataasan nya lang pala ako ng kilay?

"Gutom na ako.. Baka gusto mo ng umupo?" Inis na sabi nya sakin. Pano ako uupo? Hindi naman nya ako inaalok kanina. Psh. Ang lakas talaga ng topak ng babaeng to.

Para wala ng pagtatalo na maganap ay agad na rin akong umupo.

"Sa susunod, sabihin mo na sakin ang mga paborito mong pagkain.." sabi nya sakin saka sya nag simulang kumain.

"Pwede nyo naman pong itanong madam.. kung gusto nyong malaman.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ayokong nag tatanong.. kung may gusto kang sabihin o i-share, pwede mong gawin.. hindi kita pipigilan.." seryosong sagot nya sakin na tila galit na naman sya sa mundo. May expiration ba ang pag ngiti nya?

"Fine.. wala naman akong paboritong pagkain.. kasi lahat ay kinakain ko.." nakangiting sabi ko sa kanya habang sabay kaming kumakain.

"Mabuti naman.. ayoko kasi ng maarte sa pagkain.." sabi nya sakin habang patuloy na kumakain.

Halos limang minutong nagkaroon ng katahimikan sa opisina habang kumakain kaming dalawa. Ayaw ko naman kasing mag salita nang mag salita dahil baka mas sanay sya na kumakain ng tahimik.

"Nag-aaya si Rome, Cathy at Mandy mamaya.. sa resto bar ni Rome.." sabi nya sakin kaya naman napatingin ako sa kanya. Heto na naman kaming dalawa, magkatitig na naman ang mga mata namin.

"Wala ka man lang sasabihin? Wala ka man lang isasagot?" Tanong nya sakin. Ano namang isasagot ko sa kanya? Eh wala naman syang tinatanong.

"Ano po ba yung tanong mo madam?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi may tinanong sya na hindi ko lang narinig.

"Gusto mo bang sumama?" Tanong nya sakin ng diretsahan.

"Gusto mo bang sumama ako?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ikaw ang tinatanong ko, bakit hindi mo na lang sagutin?" Sabi nya na tila naiinis na. Haaay kahit kailan napakaikli ng pasensya nya.

"Shempre gusto kong malaman kung gusto mo ba akong sumama.." sabi ko sa kanya.

"Oo gusto kong sumama ka.." sabi nya sakin na ikinagulat ko. Pero higit sa lahat, sya ang pinaka nagulat sa sinabi nya. Hindi nya siguro expected na lalabas sa labi nya ang mga salitang yon.

"I mean.. gusto... Gusto ka nilang kasama.. yeah.. Gusto ka nilang kasama kaya ka nga pinaaya sakin diba?" Nabubulol nyang dugtong kaya naman napangiti ako. Ano bang mahirap sa pag amin na gusto nya akong kasama? Psh! Napakataas ng pride.. Bugnutin pa..

"Ahhhh.. next time na lang siguro.. kapag ikaw na yung may gustong sumama ako.." nakangiti kong sabi sa kanya na agad nagpabago ng mood nya. Mas lalo syang nainis sa sagot ko.

"Fine.. dahil gusto kang kasama ng mga kaibigan ko, gusto ko na rin na kasama ka.. Napapasaya mo sila, kaya sumama ka na.." pag susungit nya sakin. Hindi na naman kasi sya ngumingiti. Expired na talaga yung ngiti nya. Hays..

"Okay, sige sasama na ako.." nakangiting sabi ko sa kanya dahil alam kong naiinis na sya sakin.

Pagkatapos naming kumain ay ipinaligpit ko na ang pinagkainan namin. Lumabas rin ako agad upang makapag trabaho na.

Pagkarating ko sa pwesto ko ay agad na lumapit sakin si Roy at si Rhea.

"Zoe.. Sorry nga pala last time.. balita ko kasi pinag initan at pinahiya ka daw ni madam sa harap nilang lahat.." sabi sakin ni Roy. Napatingin naman agad ako sa pinto ng office ni madam, im sure na hindi sya matutuwa kapag nakita nya na naman si Roy dito sa pwesto ko.

"It's okay.." nakangiting sagot ko sa kanya.

"If you want, lets have breakfast together.. My treat... Tutal maaga pa naman.." nakangiting aya sakin ni Roy na agad ko namang tinanggihan.

"Pasensya na Roy, kakakain lang namin ni madam.." nakangiting sabi ko sa kanya saka ako umupo sa pwesto ko.

"Buti nakakaya mong lunukin yung kinakain mo habang sya ang kaharap mo.." tumatawang sabi ni Rhea.

"How about lunch? Lets have lunch together? My treat.. para lang makabawi ako sayo.." nakangiting aya sakin ni Roy.

"Hindi mo kailangan bumawi, wala ka namang kasalanan sakin.." nakangiting sabi ko sa kanya para tumigil na sya.

"Pero kahit na.. gusto ko pa ring kumain kasama ka.." nakangiting sabi nya sakin saka sya nagpa-cute..

"Roy, im not here to entertain anyone.. Nandito ako para mag trabaho.. Yun lang.. So please, yung mga ganitong bagay ay wag mo na sanang ipilit sakin.." nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya naman ngumiti na lang sya at umalis.

ELLIAH's POV

30 minutes bago mag 5:00 ng hapon ay lumabas na ako sa opisina ko. Nadatnan ko si Zoe na nakatutok sa laptop nya habang nagtatrabaho. Umupo ako sa table na nasa harap nya saka ko sya tinignan. Feeling ko tuloy ang hot at ang attractive ko sa pwesto kong to.

"Madam.. what are you doing here?" Tanong nya sakin ng makita nya akong nakaupo sa harap nya.

"Ano pa ba? Hinihintay ka.." sagot ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin.

"Huh??" Reaksyon nya saka sya napatayo sa kinauupuan nya.

"May lakad tayo, remember?" Sabi ko sa kanya.

"Ngayon na po ba tayo aalis?" Tanong nya sakin kaya tumango ako bilang sagot. Nagmadali syang mag ligpit ng gamit upang makaalis na kami agad. Sa kakamadali nya ay natalisod sya at nabuwal sya papunta sakin.

Mabuti na lang at nasalo ko sya. Halos isang dangkal nga lang ang pagitan ng mukha naming dalawa habang ang mga kamay ko ay nakayakap sa bewang nya. Nang mapansin namin na nakatingin ang ibang mga empleyado ay agad syang tumayo at lumayo sakin.

"Pasensya na po madam.." sabi nya sakin saka sya yumuko.

"Next time mag iingat ka.." pagsusungit ko sa kanya saka ako lumakad palabas ng building.

ROME's RESTO BAR

Nanlaki ang mata nilang lahat ng makita nilang kasama ko si Zoe.

Well, the truth is.. hindi naman talaga nila alam na kasama ko si Zoe.. Dahil ang alam nila ay mag reresign na ito.

"Woah.. Im glad you're here.." nakangiting sabi ni Rome kay Zoe habang si Mandy at Cathy naman ay dumiretso ng yakap kay Zoe.

"Sabi kasi ni Elliah, namimiss nyo na raw ako.. Kinukulit nyo daw sya na isama ako.." nakangiting sabi ni Zoe sa kanila na ikinagulat naman nila. Pag tingin nilang tatlo sakin ay nilakihan ko sila ng mata bilang sign na makisakay na lang sila.

"Ahhhh.. Oo.. akala kasi namin ay mag reresign ka na.." nakangiting sabi ni Rome kay Zoe. Mabuti na lang at hindi KJ tong mga to.

"Dahil hindi nag resign si Zoe, let's celebrate tonight.. kakanta si Elliah.." Nakangiting sigaw ni Rome kaya agad akong tumingin ng masama sa kanya. Bwisit na to, bakit hindi na lang sya ang kumanta kung gusto nya?

"Oo nga.. Kakanta si Elliah dahil hindi na aalis si Zoe.." nakangiting sulsol naman ni Cathy.

"Kakanta na yan! Kakanta na yan!" Paulit ulit na sigaw ni Rome, Cathy, Mandy at Zoe habang pumapalakpak ang mga kamay. Napag tulungan na naman ako ng mga to. Tama bang dinala ko rito si Zoe??

"Bakit hindi kayo ang kumanta? Tutal kayo ang may gusto.." inis na sabi ko sa kanila.

"Sige na Elliah.. Gusto kong marinig ang boses mo.." nakangiting sabi ni Zoe sakin sa malambing na paraan. Haaay! Isa pa to, akala nya makukuha nya ako sa lambing nya..

Hindi pa man din ako pumapayag ay iniabot na ni Zoe sakin ang mic..

"Anong kakantahin mo?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Pumayag ba ako?" Tanong ko kay Zoe.

"Bawal ang KJ" nakangiting sagot nya sakin. Tama ba ako ng rinig? Sinasabihan nya akong Kj??

"Nakakalimutan mo na ba kung sino ako?" Tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na rin ba? Ikaw na mismo ang nag sabi na hindi kita boss kapag wala tayo sa work place.." nakangiting sabi nya sakin kaya hindi na ako humirit pa. Pumunta na ako sa harap at kinuha ko ang gitara..

ZOE's POV

Sanay syang mag gitara?? Really?? Bakit ba napaka-cool nyang tignan sa lahat ng ginagawa nya?

"This song is for my Perfect Secretary.." sabi nya saka nya sinimulan ang intro ng kanta.

Totoo ba ang narinig ko? Perfect secretary?? Ganun ba ang tingin nya sakin??

Haaaay! Bakit mo ba to ginagawa sakin? Kahapon inarkila mo ang buong enchanted para sating dalawa, niyakap mo ako at sinabing wag kitang iwan.. ngayon naman ay aalayan mo ako ng kanta.. bakit mo ba to ginagawa? Anong motibo mo? Hindi mo ba alam na pwede akong mahulog sa ginagawa mo? Unti unti na kitang nagugustuhan..

Gustong tumingin

Sa iyong mga mata

Na nagniningning

Kahit nasaan ka pa

Pero bakit ba

Ang layo mo

Laging magkabilang mundo

Pero bakit ba

Ang layo mo

Pwedeng sa ‘yo na lang ako

Nakatitig sa kisame

Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo

Na gusto

Gustong-gusto kita

Hindi na kita

Maalis sa isip ko

‘Di maikaila

Na ikaw ang tahanan ko

Pero bakit ba

Lumalayo

Palagi na lang ba ganito

Pero bakit ba

Ayaw mo

Pwedeng sa ‘yo na lang ako

Nakatitig sa kisame

Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo

Na gusto

Gustong-gusto kita

Ramdam na ramdam ko yung kanta dahil napaka ganda ng boses nya.. bukod don ay nakatitig rin sya sakin habang kumakanta sya. Sino bang hindi kikiligin? Kung kanina ang pakiramdam ko ay mahuhulog ako, ngayon sigurado na ako.. Gusto ko na sya.. Ito na yung sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraan.. kung bakit ganito ang nararamdaman ko?? Ngayon alam ko na ang dahilan.. dahil gusto ko sya..

Dug dug!

Dug dug!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.. para akong matutunaw sa mga tingin nya..

Haaaay! Wake up Zoe! Hindi ka nya gusto.. Ginagawa nya lang to bilang pakikisama.. Wag mong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ginagawa nya sayo.. Boss mo sya..

Dug dug!

dug dug!

patuloy ang pagkabog ng dibdib ko habang kumakanta sya.. Hindi ko mapigilan..

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melody Llaneta
bakit Naka lock?***
goodnovel comment avatar
Melody Llaneta
Bakit di po Naka lock yung chapter 7? di ko mabasa author......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status