Share

Chapter 5 : Sakit at Hirap

Up until now ay tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung ano ang mali o kung ano ang dapat kong gawin para mailigtas ang sarili ko mula sa ginawang problema ni Reese.

Sobrang bigat at sobrang sakit. Araw-araw tuwing gigising ako ay pakiramdam ko meroon'g nakadagan na bato sa dibdib ko dahil sa lahat ng problemang binato niya sa akin.

Hindi lang ang pamilya ko ang nangungulit sa amin ngayon. Even the reporters ay nakatambay na sa labas ng bahay namin at inaabangan ako para kuhanan ng statement tungkol sa nangyari hiwalayan.

Dahil sa kanila ay hindi na ako makapag pa check-up o makalabas ng bahay man lang.

"Nat anak naka kain ka na ba?" Marahang tanong ni mama pagkapasok niya rito sa kwarto. Dala niya ang isang baso ng gatas.

Hindi nakakalimutan ni mama na dalhan ako niyan dahil nag-aalala siya para sa magiging apo niya. Ginagawa niya ang makakaya niya upang maging healthy kaming dalawa ni baby.

"Opo tapos na po." Nakangiti kong sagot.

Lumapit si mama sa akin atsaka ako nito hinalikan sa noo. Kinuha ko naman ang gatas sa kamay niya atsaka ito ininom. Habang umiinom ako nito ay ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni mama.

"May sasabihin ka po ba?" Alam kong meroon siyang gustong sabihin dahil ramdam na ramdam ko iyon sa mga tingin na binabato niya sa akin.

"Anak Nat naisipan namin ng papa mo na siguro sa ibang bansa ka muna?"

"O-Okay lang po ba?" Dahil iyon din ang plano kong gawin. Hindi aayos ang buhay namin'g mag-ina rito lalo na at nandito pa si Reese kaya nagbabalak din akong mag-ibang bansa.

"Oo naman. Nag-aalala kasi kami ng papa mo na baka mapahamak kayo ni baby dito."

Tukoy ni mama sa kumpol ng mga taong nag-aabang upang mahingan lang ako ng statement ukol sa issue na kumakalat. Nag-aalala sila na baka maka apekto ng sobra ang lahat ng ito sa aki lalo na at parang maselan ang pagbubuntis ko.

"Atsaka anak alam ko na wala na kayo ng lalaking 'yo-"

Pilit akong ngumiti kahit na sobrang pait. Bago pa niya matapos ang susunod na sasabihin ay agad na akong nagsalita.

"Ma okay lang po ako." Kahit na magpasa hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.

"Kahit naman wala na siya andito pa naman itong anak ko."

Malungkot na napangiti si mama. Hindi malaman kung nadidismaya siya dahil wala ng kapag-asa asa ang buhay ko o nalulungkot siya dahil sa nangyayari sa amin ng apo niya. Alin man doon ang dahilan, dapat ay hindi na sila maging apektado sa issue namin'g ito ni Reese.

Problema ko na 'to eh, bakit idadamay ko pa ang pamilya ko?

Dahan-dahan at maingat akong umupo sa gilid ng kama, akmang tatayo na ako para sana pumunta sa banyo ng bigla akong makaramdam ng kirot sa akin'g tiyan. Sa bandang ibaba kung nasaan ang puson ko.

Napahinto ako upang pakiramdaman ang akin'g sarili.

"Natty?" Nagtatakhang tawag ni mama sa akin ng mapansin nito ang biglaang pananahimik ko.

B-Bakit parang ayaw maalis ng sakit? Bakit parang mas tumitindi?

Napakapa na ako sa akin'g tiyan.

"May problema ba anak?" Ulit ni mama.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Yun'g tipo na takot na takot akong makagawa ng kaunting galaw dahil baka maka apekto ito sa akin'g tiyan.

"M-Ma ang sa-sakit..." Nahihirapan kong usal kay mama.

Mabilis na nanlaki ang mga mata nito at bago ko pa malaman kung ano'ng nangyayari sa akin ay nakatakbo na agad si mama papunta sa labas nitong kwarto.

Habang pinakikiramdaman ko ang kirot na nagmumula sa akig puson ay dinig na rinig ko naman ang boses ni mama. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ni papa, hindi ko nakikita ang mukha niya ngunit ramdam ko ang takot sa tono ng pagsigaw niya.

Natatakot ako. Mas lumala pa ang nararamdaman ko ng pag tingin ko sa pagitan ng akin'g mga hita ay meroon na akong na-spotan na dugo.

Ba-Bakit may dugo?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako magalaw at nanginginig ang buo kong katawan habang maluha-luha akong nakatitig sa pagitan ng akin'g mga hita.

Blood. Padami ng parami ang dugo, para itong walang katapusan.

"B-Baby?"

Ang anak ko! Sinubukan kong pigilan ang pag-agos sa pamamagitan ng pag-ipit sa akin'g mga hita pero ramdam ko pa rin...

Hindi pwede! Ito na lang ang meroon ako. Nangako ako na aalagaan ko ang biyayang ito, hindi ko pa siya nakakasama at mas lalong hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Hindi pa siya pwedeng mawala sa akin!

Tears started to form in my eyes. Dahil sa unti-unting pagdami ng luha ay nagblu-blur na ang akin'g paningin.

Ang kanina'y malinaw na imahe ng duguan kong kamay ay naging silhouette na lang. Kita ko pa ang paglapit sa akin ni mama bago sa wakas ay tuluyan ng nandilim ang akin'g paningin at wala na akong nakita.

"I'm sorry but she lost the child."

I thought I had the reason to live even though that one man whom I promise to be the reason I'll live, decided to end our marriage.

Matatag na ako. Malakas at hindi natatakot na sumubok ulit na mamuhay ng payapa, okay na sana ang lahat pero bakit kailangan pa na mangyari ito?

"Anak may dahilan ang diyos kung b-" Ayoko munang marinig ang tungkol sa mga ganoon'g klase ng bagay. Gusto kong ma pag-isa kaya tumalikod ako kay mama atsaka ko tinalukbungan ang sarili ko gamit ang kulay puting kumot.

Napatigil naman si Mama. Miski ang dahan-dahang paglayo niya sa akin ay naramdaman ko, bagay na mas nagpabigat sa akin'g loob.

"Natty lalabas muna kami ng mama mo. If you need anything pindotin mo lang itong button para may nurse na pupunta sa'yo rito."

"Take care anak. Mahal na mahal ka namin ng papa mo."

Bakit kailangan pa na sa akin mangyari 'to?!

Ilan'g taon akong naghintay para magkaanak. Matagal ko ng hinihiling ito pero bakit miski ito ay binawi pa sa akin?

Sobrang sakit. Naging masamang tao ba ako para gawin sa akin ito? Mula pagkabata ay palagi na lang kinukuha sa akin lahat ng mga bagay na hinihiling ko.

Bakit wala ng natira sa akin?

Noon'g iniwan ako ni Reese para akong dinurog ng paulit-ulit, ngayon na wala na ang anak namin para na akong pinapatay.

Ito ba dapat ang mangyari sa akin? Am I destined to carry all the pain that this world could offer?

Did I live to hope and be crushed in this lifetime? If yes, pwede bang ipikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa matapos na ang paghihirap na ito?

L.Jane

Start of this story's updates is this month. Sana po ay tulungan niyo kong mapalago siya😘

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status