Share

Chapter 4 : The pain is all mine

Run and never look back...

Those are the last words that I've heard from the man I love before he left me there, begging for him not to abandon me and our child. Kahit anong sigaw ko, kahit anong pagmamakaawa ay ayaw maniwala sa akin ni Reese na magkakaanak kami.

Ayaw nga ba talaga? Or sinasadya niya lang na huwag maniwala kasi hindi niya ako gusto at hindi niya gugustohin itong batang nasa sinapupunan ko?

Kung iyon naman pala ang dahilan bakit kailangan pa niyang idamay itong magiging anak namin? He could just wait for me to give birth tapos...

Pwede na akong mawala sa mga buhay nila. Ayokong lumaki ang magiging anak ko sa kamay ko dahil paniguradong makukutya lang siya ng mga tao. Ma-bubully siya na pangit at mataba ang nanay niya. Lalaki siya ng kinahihiya ako at ayokong maranasan niya 'yon kaya kahit masakit ay handa aking iwanan siya sa ama niya!

Handa naman aking magtago sa dilim at panoorin na lang sila. Kaya kong tiisin lahat ng sakit at panlalait kahit pa na makita ko 'yong anak ko na masaya kasama ang papa niya at ang tatayo niyang ina pero...

Hindi. Wala pa man sa mundong ito ang bata pero hindi na siya tanggap ni Reese, bagay na mas lalong nagpapabigat sa kalooban ko.

Just because of me this child won't be accepted by their father. Pangit ako, mataba at walang binatbat sa mga modelo at artistang nagkakagusto sa asawa ko, iyon kasi yun.

Hindi matatanggap ni Reese ang bata dahil galing ito sa akin!

Wala na akong makita habang wala sa sarili akong naglalakad papunta sa bahay ng mga magulang ko Delikado lalo na at dumadaan pa sa gilid ko ang mabibilis na mutor at kotse dahil nasa gilid ako ng daan. Upang may makita ay pinunasan ko ang luha sa akin'g mukha atsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Pagtatawanan at kukutyain ako ng mga pamilya ko sa oras na malaman nila na ang pinaka pangit at matabang kahihiyan sa pamilya ay hiniwalayan ng asawa niya. I'm sure after Reese got what he wanted from me, ipapangalandakan na niya sa buong mundo na wala na kami at pwede na siyang tumanggap ng ibang babae.

He will marry another girl. Maganda at sexy. Hindi katulad ko na pangit na nga ay mataba pa.

Mas hahangaan sila ng mga tao dahil perfect couple sila. Walang magsasabi na ginayuma ng babae si Reese kaya iyo nagpakasal dito, tatanggapin sila ng mga tao dahil parehas silang maganda at gwapo.

Ganoon naman palagi, diba?

Those who are gifted with beautiful face are entitled to be the blessed and lucky one.

Lahat ng mga katulad kong walang na salong biyaya ay naka tadhana na maging mag-isa habang buhay.

Napatigil ako sa paglalakad at walang buhay na napatitig sa mga sasakyan na dumadaan sa akin'g tabi. Ang bilis ng oras. He was once mine, and now he divorced me just to marry the woman she wants.

Napahaplos ako sa akin'g tiyan.

Hi-Hindi ayos lang. Meroon pa akong natitirang pag-asa, itong batang nasa sinapupunan ko. Palalakihin ko siya ng tama at sisiguraduhin kong magiging maganda at sexy na ako pagkapanganak ko sa kaniya.

Gagawin ko 'yon para hindi niya ako ikahiya!

Ramdam ko ang buhay na nasa akin'g sinapupunan kaya kahit na malungkot at depress ako sa ginawa ni Reese kahapon ay taas noo at blangko ang mukha akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa lupain kung saan nakatayo ang mansion nila mama at papa.

Malapit na lang ako. Napili kong tumira rito sa lupain nila mama sa probinsya dahil ligtas at tahimik dito. Hindi ako makikita ni Reese sa lugar na ito dahil nandito sila papa.

Iwanan man ako ng lalaking pinaka mamahal ko, hinding-hindi ako iiwanan ng mga magulang ko.

Sa mga oras na ito, gusto ko na lang din talaga na umuwi at makasama sila.

I am currently being embrace my mother as I watch the news on the television.

A week after ng ginawa sa akin ni Reese ay naglabas siya ng balita na wala na kami. Pinag malaki niya iyon sa lahat ng tao na animo'y isa iyong trophy.

"Tahan na anak..." Alo sa akin ni mama.

Mahigpit niya akong yakap-yakap. Paulit-ulit niyang hinihimas ang likod ko habang nakatitig kami sa screen ng tv.

Si papa ay abala sa pag sagot ng mga calls. Nakatayo siya sa tabi nitong balkon ng akin'g kwarto upang makalayo siya sa amin ni mama at hindi ko marinig kung ano ang sinasabi nun'g mga kamag-anak namin'g tumatawag sa kaniya upang ipamukha sa akin na kahihiyan ako sa pamilyang 'to.

"Dad how can you say that to your own granddaughter?!" Angil ni papa.

Dahil sa lakas ng boses niya ay napakislot kami ni mama at mas humigpit lalo ang pagkakayakap nito sa akin.

"I don't care! Kunin niyo na ang mana ko pero hindi ko itatakwil ang anak ko!" Dagdag pa ni papa.

Nang marinig ko 'yon ay mas lalong lumakas ang mga hikbing lumalabas sa akin'g bibig.

Even them! Kahit sila ay nadadamay na.

Pilit kong tinulak si mama palayo sa akin ngunit hindi man lang siya nagpatinag. Imbes ay mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

"M-Mama iwanan ni-niyo na lang ako..." Pagmamakaawa ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa na mas madamay pa sila sa kamalasan ko.

Okay lang naman. Sanay naman na ako sa ganitong kalakaran pero sila hindi.

Sobrang ganda ni mama habang gwapo naman si papa, ang laking kakahiyan na sa pamilya namin'g puro modelo at artista ang makabilang ang isang tulad ko.

"Don't say that Nat. Hindi namin kayo iiwanan ng apo ko." Malumanay na asik ni mama.

Sunod-sunod akong napailing.

"K-Kaya ko na po. Kaya na po namin ng an-" Bago ko pa man matapos ang susunod kong sasabihin ay sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto na ang narinig namin.

Napatingin kaming dalawa ni mama kay papa na natigilan sa kaniyang pwesto.

"I'll talk to him. I'm sure it's your aunt Gina." Dire-diretso ng lumapit si papa sa pinto. He opened the door at nakita namin ni mama si aunt Gina.

Halatang iritado ito at sobrang sama ng tingin niya sa akin.

"You fucking frea-"

"Gina let's talk outside."

Padabog na sumara ang pinto. Hindi natapos ng auntie ko ang sasabihin niya ngunit alam ko kung ano 'yon.

It's always the same line. Always the same tone, they never spoke to me like I'm part of their family.

Natatawa akong napailing. Upang hindi ko na marinig ang balitang kasalukuyang nag pla-play sa TV ay sinubsob ko na lang ang akin'g mukha sa dibdib ni mama. In this way kahit papaano ay nababawasan yun'g sakit na dulot ng lalaking pinaka mamahal ko.

L.Jane

So yes! This is the start of our journey with Natty and her men. Hindi magiging rocky and bumpy ang kwento nila without the readers kaya sana po ay suportahan niyo sila. Simpleng pagsabi lang ng next or ng feedback niyo ay nakakagaan na ng loob at nakakasipag na pong mag sulat muli para ituloy ang kwento. Sana po ay magustuhan niyo ito. Mag update po ako lagi at tuwing linggo ay isa lang dapat ang absent ko. Sana po mangyari yon🖤 Kudos to us!

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status