Share

Chapter 6 : To suffer, yet to heal

"Successful entrepreneur Reese Vega finally announced in public his relationship with his first love Kristin Delmon." 

"The couple shares their story as to why they finally decided to add label. The entrepreneur said that his past love experience will not affect their relationship..." 

Kahit na nanghihina at wala sa mood ay pilit ko pa rin'g inabot ang remote na naka tahimik sa pinaka gilid na parte nitong magulo kong kama. Ilan'g araw na rin akong ganito. Walang gana at lakas para kumilos, ngunit dahil sa walang kwentang balita na 'yan ay napakilos ako bigla. 

Sarkastiko akong napatawa dahil sa inis. 

Lagi na lang Reese. Palagi na lang siyang masaya sa mga news. Successful ang buhay niya, wala siyang iniisip na problema at higit sa lahat naka move on na siya sa akin ng ganoon'g kabilis. 

If it weren't for me hindi naman niya maabot kung nasaan siya ngayon. If it weren't for me falling for him hindi siya magiging ganito kasaya. 

Utang na loob niya sa akin ang lahat ng 'yon pero ano'ng ginawa niya? 

"Natty anak gusto mo bang samahan kita sa states? Puro trabaho lang naman ang aasikasuhin ni P-" 

"Ma I gave everything to him..." Putol ko sa dapat ay sasabihin ni mama. 

"Binigay ko lahat sa kaniya pero bakit simpleng pananatili lang sa tabi ko at ng anak namin hindi pa niya nagawa?" 

Habang naalala ko ang mga ginawa ni Reese sa akin ay mas lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Nanggigil ako at gusto ko siyang saktan. 

Tuwing naalala ko yun'g ginawa niya sa akin. Yun'g ngiti at mga tingin niya habang pinipilit niya akong pirmahan ang mga dokumentong iyon, naalala ko ang lahat ng 'yon. 

Humigpit ang pagkakakuyom ko sa akin'g mga kamao. 

"Nagdudusa ako ngayon dahil sa kaniya tapos siya ang saya-saya niya?" 

"Hahaha parang ang unfair naman yata?" Pagak akong napatawa. 

Kita ko mula sa gilid ng akin'g mga mata na habang tumatagal ay nadidismaya na si mama sa mga pinagsasabi ko pero hindi ko pinansin iyon. 

Napahinto ako sa pagtawa at imbes ay napatitig sa mukha ng asawa ko. 

He's with his other woman. I wonder, ilan'g babae kaya ang meroon siya habang kami pa? 

Ilan'g babae ang kasama niya habang nasa bahay ako at puyat na puyat kakahintay sa kaniya?! 

"Natty tama na." Matigas na saway sa akin ni mama. Hindi ko napansin na sobrang higpit na pala ng pagkakakuyom ng mga kamao ko at nagsisimula na itong manginig. 

"Hindi maganda para sa'yo na ma-stress ng ganiyan dahil lang kay Reese." 

Malungkot kong tinapunan ng tingin si mama. 

"Ma hindi lang naman po si Reese ang dahilan nito..." Yun'g anak ko rin. 

Ni hindi ko man lang nahawakan yun'g anak ko bago ito mawala sa akin. 

"Anak lalabas muna ako." Iyon na lang ang sa sabi ni mama. Hindi ko na siya pinigilan pa ng tumalikod siya sa akin at nagsimulang lumakad palabas dito sa kwarto ko. 

Hindi man nila sabihin ni papa sa akin ngunit ramdam ko na dismayado sila. Dahil sa mga nangyayari ay naapektuhan ang reputasyon nilang dalawa, pumapangit na ang katayuan nila sa pamilya at nahihirapan na si papa sa mga trabaho niya sa kompanya. 

Nagigipit na sila dahil sa akin at nagiging pabigat pa ako.

Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa akin'g mga mata hanggang sa nanlabo na ang akin'g paningin dahil dito. 

Lahat ng 'to kasalanan ni Reese. Siya ang pumatay sa anak namin kaya kailangan niyang pagbayaran 'yon, hindi ako makakapayag na maging masaya siya habang nandito ako at nagdudusa.

Napahinto ako sa pag-iyak at blangkong napatitig sa mukha ng dati kong asawa. 

Hindi ko siya hahayaan na maging masaya...

Even of it takes a lot of effort, sweat and sacrifices, I'll have my revenge. 

-

"Sigurado ka ba na kaya mo na? Ang daming nangyari anak baka naman nabi-" Pinutol ko na ang dapat ay sasabihin ni mama dahil alam ko naman na kung ano ang mga 'yon. 

Kagagaling ko lang sa hiwalayan, kahihiyan at muntik na sa kamatayan pero heto at nagsusumiksik na agad ako sa kompanya ni papa. Gusto ko ng bumalik sa pagtra-trabaho, meroon kasi akong mga bagay na dapat ayosin sa negosyo namin. 

"Eh? Ano naman ang naisipan mo at gusto mo agad na bumalik?" Kakamot-kamot sa batok na tanong ni mama sa akin. 

Tipid akong napangiti bago ko palihim na kinuyom ang akin'g kamao. 

"Wala akong magawa rito sa bahay ma. Gusto niyo bang mabaliw ako sa sobrang pagkabagot?" Nakanguso at kunwari'y nagtatampo kong asik dito. 

Nakanguso na rin si mama. Yes! Alam kong hindi na siya makakatanggi niyan. 

Matiim ako nitong tinititigan, sinuri ay pinakiramdaman hanggang sa wakas. Matapos ang ilan'g minuto ay sumusuko siyang napabuntong hininga.

"Ikaw ng bahala Natty. Kakausapin ko ang papa mo para payagan ka ng pumasok." 

"Pero hindi magiging madali ang trabaho ha?! "

"Opo!" 

Alam ko naman'g hindi unfair si papa pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Anak or hindi kinakailangan kong dumaan sa butas ng karayom para lang mapatunayan na meroon akong binatbat. 

Hindi ko naman sila bibiguin, gagawin ko ang lahat para mag grow ako sa kompanya nila ni mama! 

"Salamat kuya mamaya na lang po ulit." Paalam ko sa matandang driver nila mama pagkababang pagkababa ko ng sasakyan. 

Ramdam ko ang pag-andar nito sa akin'g likoran pero nanatili ang mga mata ko sa malaking building na nasa akin'g harapan. 

Royale. Ang kompanyang tinayo ng mga magulang ko gamit ang sarili nilang mga abilidad at pera, hiwalay ang kompanyang ito sa pinamana ni lolo kay papa kaya naman si papa talaga ang may control dito. 

Kung meroon man'g maipapamana ang mga magulang ko sa akin ay ito iyon. 

Tipid akong napangiti ng mula rito sa baba ay napunta sa top floor ang akin'g tingin. Naghihintay na niyan si papa sa akin kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras, habang nakangiti at punong-puno ng kompiyansa ay taas noo akong naglakad papasok. 

Kita ko pa ang kakaibang tingin ng mga tao sa akin, naririnig ko rin ang mga binubulong nila at hindi ako sinungaling para sabihin na hindi ako naapektuhan ng mga 'yon. 

"Tignan mo pag hindi ka nag diet ganiyan ang mangyayari sa'yo." Dinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya bago sila nagtawanan.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa akin'g bag at bahagya akong napayuko. 

"Special order siguro 'yang mga damit niya?" 

"Oversized shirt talaga 'yan hahaha!" 

Mas lalo akong napayuko. Paa ko na lang ang nakikita ko kasi naco-conscious ako pag makikita kong may nakatitig sa akin. 

Mas binilisan ko pa ang paglalakad para sana makahabol ako sa elevator. Siksikan na pero pakiramdam ko ay kaya pa naman kaya pumasok pa rin ako. 

Hininga na sana ako ng maluwag at hindi na lang papansinin yun'g mga tingin sa akin ng mga katabi ko pero nagulat ako ng biglang tumunog ang elevator. Kasabay niyon ay ang pag ilaw ng warning sign senyales na masiyadong maraming naka sakay.

Huh? Bakit nakatingin silang lahat sa akin? 

Napakunot ang noo ko. 

Masiyadong marami ng nakasakay siguro kaya ganito sila makatingin. 

Nahihiya at dahan-dahan akong lumabas ng elevator. Kunwari ay may kukunin ako sa front desk kaya dito ako dumiretso. 

Nakakahiya 'yon...

"Good morning Miss how can I help you?" Nakangiting tanong ng receptionist. Ang payat nito at ang ganda-ganda pa. 

Bagay na bagay siya sa front desk lalo na at nakakahawa ang ngiti niya kaya ngumiti na rin ako kahit na nakakailang.

"I-I need to talk to Mr.Ruiz." Mahina kong wika sa babae. 

Hindi ako makapagsalita ng malakas dahil baka may makarinig.

Napakunot naman ang noo ng babae. 

"Mr.Ruiz is in a meeting right now. Do you have any schedule appointments with him?" 

"Ah yes. I actually informed him that I'll be visiting his office today, is there a chance that you could inform him after his meeting?" 

"Oh sure please take a seat first." 

Tinuro nito ang maliit na parang lounge, dito ako maghihintay kaya lumakad na ako palapit dito.

Hihintayin ko na lang si papa rito sa baba kasi parang hindi pa yata ako handa na magtrabaho rito. Alam kong sinabi ko na magsisimula na akong humakbang at magbago pero...ang hirap pala lalo na kung ganito ka.

Ganito na mataba at pangit. Lahat ng tao nakatingin sa akin, hinihintay nila na may gagawin akong nakakatawa para tawanan ako.

Tulad na lang kung paano ako hinintay ni Re-No never mind. 

Marahas akong napabuntong hininga. Hihintayin ko si papa rito at tatahimik na lang ako.

L.Jane

Another update! Ngayon month na po ang tuloy-tuloy na update nito.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status