LOGINBeatriceSa mga ekspresyon ng mga reporter, alam kong ang mga salita namin ang hindi nila gustong marinig. Alam kong gusto nila kaming kornerin para maging usapan-usapan kami ng publiko ngunit wala silang nakuhang impormasyon sa amin.Tumingin ako sa relo ko.5 minutes are already done.May mga tanong pa sila pero tumalikod na ako, sumunod naman sa akin ang mga kasamahan ko.Pagpasok ko, bumilis ang mga hakbang ko papasok sa lobby.“Beatrice,” habol sa akin nila Gary at Aika. Tumigil naman ako at liningon sila.“Bumalik na kayo sa office, you need to secure all confidential documents,” sabi ko bago ko tuluyang tinungo ang conference hall.Sinalubong ako ni Sir Alfred nang pumasok ako sa loob tsaka niya inabot sa akin ang mic.“Kayo sir ang magsabi sa kanila ang mga posibleng papel na titignan ng NERA–” umiling si Sir Alfred.“This is your final assessment, Beatrice. Show them that you are the one deserving the position I will leave. And this is my final instruction to you as your chie
BeatriceHindi ako nabigyan ng oras na magreact sa sinambit ni Lucien dahil dumating na rin si Grandma at Papa para batiin siya. Paatras kami nang biglang magkaroon ulit ng bulungan. Pero iba kesa sa una kaya napalingon ako.Humigpit ang dibdib ko at kinutuban nang humawi sa daanan si Tito Logan at iba pang kamag-anak ni Lucien.Wala silang dalang cake o regalo kundi papel..“Good morning, Madam Chairwoman, our apologies for disrupting this heartfelt birthday celebration of the president, but we’ve been looking at this as urgent.”Bumaba ang mga mata ko sa hawak na folder ni Tito Logan.Mahina ang aking paghinga at ramdam ko ang bahagyang paninigas ng balikat ko.Ipinasa ni Tito Logan ang folder kay Grandma. “This,” he continued, “is a formal proposal to the Board of Directors… for the removal of the sitting President from the upcoming board meeting.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napalunok ako pero tuyo ang lalamunan ko.Nagpatuloy si Tito Logan, walang bahid ng pag-aal
Beatrice“Bea,” untag sa akin ni Lucien. Bumaling naman ako sa kanya.“Are you okay?” tanong niya. “Oo naman, bakit?” ngiting tanong ko sa kanya.“ Kanina ka pa nakatingin sa labas ng bintana at ang lalim ng iniisip mo,” puna niya tsaka niya ako tinitigan.Umiwas naman ako ng tingin. Lately, hindi ko nagagawang salubungin ang mga mata niya. Dahil habang tumatagal mas napapagtanto ko ang nararamdaman ko sa kanya, naiisip ko rin kung nakakaramdam din kaya siya tulad ko.Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang panahon para pagtuonan ng pansin ito. Maraming gawain sa opisina, tapos may final assesment pa ako at birthday na rin niya bukas pero nahuhulog talaga ang utak ko sa kaisipang ito. May pagnanais ako na malaman kung anong tunay niyang nararamdaman tungkol sa akin.Kung ang ipinapakita niya at lahat ng ginagawa niya para sa akin ay dahil lang sa asawa niya ako o dahil mahal na niya ako.“Bert, ibalik mo kami sa bahay.” Napabalik ako sa presensya ko nang marini
BeatriceNangunot ang noo ko ng matanaw ko ang mga truck sa kalayuan. Tumingin ako kay Venice, nagkibit-balikat siya.Lumapit ako kay Lucien at nagtataka ko siyang tiningnan. “Anong ginagawa ng mga iyan dito?”Bumaling siya sa akin, “They will construct the road going here.”Gulat ko siyang tiningnan. “Did you ask permission to your family?” tanong ko, “Alam ba ito ni Grandma?” balisa kong tanong.“Yes, iha.”Kaagad akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Donya Elviria, akay siya ni Venice. At nasa tabi nila si Mama. “Lucien mentioned this to me, and I allowed him,” may ngiting sagot na sabi ni Donya Elviria.“And aside from that, I will also transfer the ownership of this lot and the guesthouse to your name, Beatrice," makahulugan niyang sabi.Nanlaki ang mga mata ko. Pero kaagad din akong umiling.Hindi ko matatanggap dahil isa itong ari-arian nila. At pagdating sa ganitong bagay, nasisigurado ako na may mga opinyon ang ibang miyembro ng kanilang pamilya.Baka lumala pa lalo a
BeatriceMabuti na lamang at hapon ng dumating sina mama. Walang nakapansin na umagang-umaga, gumawa kami ng milagro ni Lucien.Instead na magpa-cater pa kami, nagsuggest ako na homemade na lang ang pagkain na ihahanda sa birthday ni Lucien. Since, napagdesisyunan ng kami-kami lang. Sumang-ayon naman sa akin si mama so naglista na kami ng mga putahe. Nandiyan naman sila Nay Lourdes para tulungan kaming mamalengke at magluto. Kinausap ko rin si Venice na turuan niya akong magbake ng cake. Itotodo ko na, ako rin gagawa ng birthday cake. Mabuti na lang at free siya.Kinaumagahan, maaga akong nagising. Natutulog pa si Lucien nang bumaba ako. Nagulat ako nang madatnan ko si mama at Venice sa dining area. kasama si Nay Lourdes. Ang aga nila, mabuti na lang at bumaba ako kaagad.“Good morning, ate!” masiglang bati sa akin ni Venice.“Goood morning,”ngiti kong bati.“Wahhhh,” bulalas ni Venice. “ Ba’t ang blooming mo, ate?”“Ako?” Nailang ako dahil nakita ko ang pagngiti ni mama at Nay Lour
BeatriceNakakagat ko ang labi ko habang patuloy na hinahagkan ni Lucien ang leeg ko habang masuyo niya akong kinukulong sa braso niya. Tumatahip ang dibdib ko sa panlalambing niya.“Lucien…” tinig koTumaas ang labi niya sa taenga ko. “Yes, honey…” paanas niyang bulong.Tumihaya ako at tinitigan siya, pinagmasdan din niya ako.Ngumiti siya sa akin, mabini rin akong ngumiti pabalik sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.Hinaplos niya ang buhok ko, nangusap ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ako. “Kung alam ko lang na ganito pala kaganda ang asawa ko, sana noon pa ako umuwi rito.”“Tsk, nasa huli ang pagsisisi,” sagot ko at sinabayan na lang ang sinabi niya kahit alam ko ang katotohanan. Kinintalan niya ng halik ng labi ko. “I really regret it,” hinga niya at. “Matagal na sana akong masaya,” saad pa niya na ikinatigil ko.Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.Yinapos niya ang pisngi ko. “Bea, anuman ang pinagdadaanan ko ngayon. Mas matimbang ka pa rin sa akin. A
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






