Beatrice
Naabutan ko siyang naghuhubad ng kanyang polo.
Tumingin siya sa akin at natigil siya. Matagal niya akong tinitigan.
Problema niya?
Umiwas din siya ng tingin at tinuloy niyang tanggalin ang polo niya. Ipinatong niya ito sa kama at umupo siya.
“Just put that on the bedside table, then go out.”
I scoffed in disbelief. Siya pa ang may ganang magpalayas.
“Iyon talaga ang gagawin ko,” asik ko sa kanya. Hindi siya kumibo.
Naglakad ako palapit sa kama at pinatong nga ang pitsel sa bedsidetable. Pero tiningnan ko rin siya mula sa likod niya. Nakayuko siya.
“Tsk,” sinalinan ko ng tubig ang baso tsaka ko siya linapitan.
“Heto,” kibo ko.
Umangat ang ulo niya at tumingin sa akin.
“Uminom ka ng tubig, makakatulong para hindi ka madehydrate,” sabi ko pa.
Lumipat ang tingin niya sa baso, kapagkuwan kinuha niya rin ito at uminom.
Pagkatapos binigay niya rin sa akin ito, “Get me more,” utos niya.
Nanggigil na lang talaga ako. Bukod sa masama pa ang ugali niya, bossy pa siya.
Pero sinunod ko na lang siya dahil baka may mangyaring hindi maganda sa kanya. Marami akong makakalaban kung sakali. Buong angkan niya at buong korporasyon ng Gran Aria. Tapos mapapatalsik ako sa trabaho.
Hindi ko iyon naisip kanina sa inis ko sa kanya.
“Tsk, ba’t kase pinilit mo pang ubusin ang alak,” sabi ko.
Tiningnan niya ako, “How can you say that to me? Ikaw ang nagdala sa akin sa harap ng Lolo mo.”
Tumikhim ako. “Kailangan mo pa ng tubig?”
“Ano sa tingin mo?”
Inirapan ko siya sa pagsusungit niya.
Pagbalik ko ulit sa harapan niya, “Oh heto, last na iyan ha. Bahala ka na sa sarili mo dahil itutulog ko na rin,” sabi ko.
Madaling araw akong babalik sa Ramilla dahil papasok din ako sa trabaho bukas.
Aalis na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Tiningnan ko siya, “May kailangan ka pa?” tanong ko.
Basta na lang niya binaba ang baso sa kama kaya kukunin ko na sana ito pero pinigilan niya ako at pinatingin niya ako sa kanya.
“Answer me. Why did you act like you didn’t know me?”
Deretso lang naman ang reaksyon ko sa tanong niya.
“Why would I act like I know you when you didn’t show yourself to me during our wedding, nor the two years I was in your villa’s guest house?”
Nanatili ang mga mata niya sa akin.
“And I will continue acting like I don’t know you at all because you don’t deserve my acknowledgement. I have a marriage certificate, but I don’t have a husband–”
Natigil ako ng tumayo siya at hilain niya ako palapit sa kanya.
Nagulantang ako ng sakupin niya ang labi ko at siilin ako ng halik.
Tinulak ko siya palayo sa akin pero hinapit niya ang bewang ko palapit lalo sa kanya.
Naging marubdob at mapusok ang halik niya sa akin.
Buong lakas ko siyang tinulak. “What do you think you are doing right now?” tanong ko sa kinakapos kong hininga.
Hindi siya sumagot bagkus lumapit siya at yumuko siya sa leeg ko. Heto naman ang hinalikan niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
“Lucien!”
He turned deaf as he trailed his lips on my neck. And I felt like my feet were stuck on the ground, unable to move.
Naipikit ko ang mga mata ko nang tumaas ang labi niya patungo sa panga ko hanggang sa ilapit niya ito sa taenga ko.
“I will claim my rights as your husband. But I won’t do it now, so leave this room,” sambit niya tsaka niya inalis ang mga kamay niyang nasa bewang ko.
Mabilis naman akong lumabas sa kwarto. Mabibilis ang mga paa kong naglakad paalis sa harapan nito.
“San ka pupunta?” tanong sa akin ni Tita ng malagpasan ko siya.
“Wala akong pasensya sa pag-aalaga ng lasing,” sabi ko at tuloy-tuloy kong tinungo ang kwarto ng pinsan kong babae.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto, nasapo ko kaagad ang dibdib ko.
“Ate Bi? Ba’t nandito ka at bakit namumula ka?”
“Dito ako matutulog,” sabi ko.
Humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Never in my wildest thoughts did I imagine that our first face-to-face encounter would be disastrous.
Kinaumagahan, pagkagising ko, nakaalis na sila Lucien. Pagkatapos ko rin mag-ayos ng sarili ko, nagpaalam na ako kina Lolo dahil tiyak mahuhuli ako sa trabaho.
Kailangan kong bumalik na sa trabaho para idouble check ang mga papel na ipinasa sa akin ng kumpanya ni Dad, baka may hindi ako nakita dun. Hindi pwedeng nakalusot ang quarrying niya rito.
Dumeretso ako sa Gran Aria pero nang marating ko ang opisina namin, dalawang tao lang ang nakita ko.
“Saan iyong mga iba?” nagtataka kong tanong.
“Nasa conference hall na sila,” sagot sa akin ng kasamahan ko.
“Huh? Bakit?”
“May emergency meeting daw, halika na, late na tayong tatlo.”
Lakad-takbo ang ginawa namin para marating namin ang conference hall ng mabilisan. Sa front door ng conference hall ang pinasukan namin dahil iyon na ang mas malapit sa amin.
Mabilis na nagpaumanhin ang mga kasamahan ko nang makapasok kami.
“Sorry po,” yuko ko rin tsaka ko inangat ang tingin ko–
Bumagal ang pagdiretso ko ng ulo ko ng makita ko ang taong nakatayo sa harapan namin.
“Sinabi ba sa gc natin na ang presidente ang nagpatawag ng meeting?” mahina at kinakabahang tanong ng kasama ko.
“Hindi, emergency meeting lang ang nandun. Kung nasabi nila edi sana nag-absent na lang ako ng tuluyan,” mahina ring sagot ng isa.
“Find your seats,” maawtoridad na utos sa amin ni Lucien.
“Opo sir, sorry po.”
“Good morning, po. Sorry po.”
Natatarantang sagot ng dalawa.
“Beatrice, tara na, ano pang tinatayo mo diyan,” hila nila sa akin. Mabilis naman akong kumilos.
Nang maka-upo ako, iniyuko ko kaagad ang ulo ko.
Oh God, I’m doomed!
Bakit kung kailan kilala na niya ang pagkatao ko, ngayon pa nagtagpo landas namin dito sa kumpanya!?
“I’ll ask again, who manages the agreements of the corporation with QuarryTorre Company?”
Nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko ito napaghandaan!
Siniko ako ng kasamahan ko, “Beatrice, ikaw ang may hawak ng QT diba?”
“Ang alin?”
“QuarreTorre daw,” mahina pero gigil na sabi naman ng isa sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
“Tinatanong ni Sir Lucien kung sino raw may hawak sa agreements ng QuarreTorre.”
“Ah-.”
Dun ko naramdaman na nakatingin na sa akin lahat ng kasamahan ko.
“Tayo na at sumagot ka,” paniniko ulit sa akin ng kasamahan ko.
Sa huli, tumayo rin ako. “Ako po, sir.”
Sa tingin pa lang na pinupukol sa akin ngayon ni Lucien, alam kong naglalagablab na ang galit niya sa akin.
Jusko Lord, kabilang ba talaga ako sa matatapang mong mga sundalo!
BeatriceNagpakawala ako ng malalim na hininga, inaalala ko ang naging reaksyon kanina ni Lucien.As if naman talaga may care siya sa akin. Dahil lamang sa kanyang prinsipyo kaya siya ganun.Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang labi ko.But why does he need to do things that will shake me?Ipinilig ko rin ang ulo ko sa kaisipang ito. At binaba rin ang kamay ko. Hindi ko hahayaan na didiktahan ako nito. Hindi ako aatras, ngayon pang pinaplano talaga ni Daddy na galawin ang bundok ng Ellagoro.Nakakainis, noon at ngayon, siya pa rin talaga ang may kontrol sa lahat–“You’re really hard-headed. Hindi ba’t uuwi tayo ng sabay.”Umangat ang ulo ko at ginawi ko sa gilid ko.Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng napagtanto kong si Lucien ang nasa gilid.Saglit akong hindi ako makapagsalita bago ako nakabalik sa presensya ko.“What are you doing here–”Hindi siya sumagot bagkus tumabi siya sa akin. Tapos dinukot niya ang cellphone niya at basta na lang tinapat sa amin ito at nagpic
Lucien“Mr. Lucien Don Magioon, you barged into my office and asked to play chess out of nowhere. Yet you’re just staring at the board.”I looked up at my friend, Alistair. “What? Ano ba problema mo?”“Nothing,” sagot ko at dinampot ko na ang piyesa.Ang gusto ko na lang ngayon ay tumahimik ang utak ko.“Sabihin mo na nang matapos na ito. Ako ang governor ng probinsya, wala akong oras na hintayin kang sabihin ang problema mo.”Ibinalik ko ang piyesa at napipikon ko siyang tinignan ulit.“Maayos at lumalago lalo ang Gran Aria, tiyak naman ako na hindi ito ang problema mo. So ano?”Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin. Hindi ko pa nabanggit sa kanya na nagkita na kami ng babaeng pinakasalan ko noon.“Tungkol na naman ba sa mga kamag-anak mong ganid sa pera?”“No,” sagot ko.Huminga ako ng malalim, “Kamusta ang imbestigasyon sa QuarryTorre?” pag-iiba ko ng usapan namin.“Ah so, ang Ellagoro ang problema mo,” wika niya at tumango-tango siya, “Well, fath
BeatriceSinundan ko siya sa loob ng opisina niya.Dumeretso naman siya sa mesa niya at binuksan niya kaagad ang laptop niya. Mabilis ko naman siyang linapitan.“What are you planning to do?”tanong ko.“I will write my resignation letter,” simple niyang sabi.Kaagad kong sinara ang laptop, galit naman siyang tumingin sa akin.“Pag-usapan natin ito ng maayos,”saad ko.“Wala na tayong pag-uusapan pa. Dalawa lang ang pupuntahan nito, susundin sila o may aalis sa ating isa,” matabang niyang sagot.Tumindig ako, “Hindi ako pwedeng umalis sa kumpanyang ito,” mariin kong sabi.“O kaya nga, ako na ang aalis.”“Hindi rin pwede,” sagot ko.Imposibleng gumana ang kumpanyang ito kung hindi siya ang magpapatakbo nito.Magaspang man ang ugali niya pero alam ng lahat ang husay niya bilang presidente ng Gran Aria. Hindi ko iyon maikakaila kahit si Donya Elviria.Maaaring ang sinabi ng Donya ay pantakot lang sa kanya. Pero walang makakapalit sa kanya.Lumaki at lumawak ang Gran Aria sa kanyang pamum
BeatricePagkatapos kong magpaalam sa kanila. Lumabas din ako.Pagsara ko ng pinto, nasapo ko ang dibdib at ilang ulit ko itong napalo. Tsaka ako nakapagkawala ng malalim na hininga.Everything that’s happening is overwhelming. So anong mangyayari na? Titira na talaga ako sa mansyon?Anong magiging setup namin ni Lucien?Napahawak ako sa ulo ko. Talagang magkakaroon kami ng wedding shoot?“Ayos ka lang, ma’am?” tanong sa akin ng staff.Naibaba ko naman ang kamay ko at bumaling ako sa counter.Nakatingin sa akin ang mga staff ni Donya Elviria.“Ayos lang ako–”“Are you going crazy now?”Dumeretso ang mga mata ko at suminghap ako ng makita ko si Lucien na nakasandal sa pader ng pasilyo, halatang hinintay talaga ako.“Nandiyan ka pa pala,” utal kong sabi.“Oh, so you’re looking guilty now. Didn’t you expect this after gaining sympathy from my family?”Pumakla ang ekspresyon ko at bumaba ang kamay ko. “Wala na ba talagang lalabas sa bibig mo kundi pagdududa sa akin,” pikon kong sabi sa k
BeatriceNaigilid ko ang katawan ko at tiningnan si Lucien, marahas siyang tumayo.“Ako? Nagseselos? Come on, mom, pwede ba, hinding-hindi iyan mangyayari.”Nameywang siya, “I’m just saying that she’s not here working for Gran Aria, she’s here because…”Bumaba ang tingin niya sa akin at seryoso siyang nakatingin sa akin.“Because of…guys,” nang-iinsulto niyang dugtong.Tagpo naman ang mga kilay ko, “May cctv ang bawat sulok ng building na ito. Check mo kung talagang ginagawa ko ang sinasabi mo,” sagot ko naman sa kanya.“Anong ichecheck ko? Meron pang iba? Iyon pagtabi mo pa lang sa lalake, mali na ‘yun,” pandidiin pa niya sa akin.“And why is it wrong?” tanong sa kanya ni Donya Elviria.“Grandma, she’s clearly flirting with guys.”Tumawa ang mommy niya at pinagsabihan siya, “Walang malisya na tumabi sa ibang lalake, nak. Hindi iyon pakikipaglandian.”Tumango-tango naman ako. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin pero nagkibit balikat ako at sumisilip sa labi ko ang mapang-asar na
Beatrice“You made the mess, Lucien. You take responsibility for it,” giit ni Sir Leo.“Dad, this shouldn’t have happened if she had not worked here. I told her many times to quit her job, but she’s hard-headed.”Nagtagpo ang kilay ko, “Why would I quit my job just because of my connection to you?” tanong ko.At this point, I want to let it all out. I want them to know all these piled-up resentments toward this family.Hinarap niya ako. “You’re still my wife in paper. And I couldn’t just stay still when I’m aware that you’re roaming around my workplace.”“I’m not roaming around. I’m working here. This is not only your workplace, this is also my workplace.”Lumukot ang ekpresyon niya. “Talagang magmamatigas ka?” asik niya.“Oo dahil gusto ko ng kalayaan. Ikinulong niyo ako sa guesthouse ng isang taon. Ni hindi ka nagpakita sa akin, Lucien,” hindi makapagpigil kong litanya.“Kulong? Ikaw pa talaga ang nakulong? Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. “And your family for