Share

Chapter 3

Author: Gemekek
last update Last Updated: 2025-06-06 07:07:02

Lucienn’s Point of View

Sa Ashford Company.

Isang aninong bakas ng inip ang dumaan sa aking mga mata habang nakatitig sa mga papeles na nakahilera sa mesa ko. Sunod-sunod ang mga meeting, proposals, at kontratang dapat pirmahan—pero kahit anong pilit kong ituon ang sarili ko sa trabaho, iisa lang ang pumapasok sa isip ko: si Eli.

Kinuha ko ang cellphone at mabilis siyang tinawagan. Sana sagutin niya. Sana marinig ko ulit ang boses niyang kaytagal ko nang hindi nararamdaman na para sa akin lang.

“Wife,” malambing kong sabi, pilit na pinapawi ang bigat sa pagitan naming dalawa.

“Sobrang busy lang talaga sa company lately. Kasalanan ko kung hindi kita nasasamahan. Uuwi ako nang maaga ngayon, promise. Huwag ka nang magalit, hmm?”

Sinubukan kong gamitan ng tono na alam kong kahinaan niya—halong lambing at pang-aakit. Pero sa katahimikan sa kabilang linya, unti-unting sumikip ang dibdib ko.

Napakunot ang noo ko, at bubuka na sana ang bibig ko nang marinig ko ang malamig at pagod niyang tinig.

“Anong oras ka uuwi?”

Napalunok ako. Gumaan ang loob ko kahit papaano. Iyon lang ang tanong niya, pero sapat na iyon para magkaroon ako ng pag-asa na okay pa kami.

Tumingin ako sa orasan. Alas-kuwatro pa lang. Bahagya akong nag-alinlangan pero pinilit kong maging tiyak.

“Alas sais.”

“Okay.”

Parang tinaga ang puso ko sa lamig ng boses niya. Bago pa ako makapagsalita, ibinaba na niya ang tawag.

Tinitigan ko ang cellphone, napangiti ako—mahina, pilit, pero may halong pananabik.

Ang Eli ko, kahit galit, clingy pa rin.

Pinilit kong tapusin agad ang mga papeles sa harap ko. Alam kong sumobra na ako. Masyado akong nadala sa mga laro ni Celene nitong mga nakaraang linggo. Napabayaan ko si Caelith. Nasaktan ko siya. Mali iyon.

Alam kong hindi na dapat ako nahulog sa tukso. Ang mga tulad ni Celene—mga ligaw na bulaklak lang—pansamantala, pang-sandaling init lang.

Pero si Caelith? Siya ang tahanan ko. Siya ang hardin kong pinagyayaman ng buong puso.

---

Naputol ang pag-iisip ko nang muling tumunog ang cellphone ko.

“Celene.”

Agad na nagbago ang anyo ng mukha ko. Nanlamig ang loob ko, at ang mga mata ko’y dumilim.

Sinagot ko.

“Ano ‘yon?”

“Namiss na kita, Lucienn,” lambing ni Celene mula sa kabilang linya.

“May bago akong lace nightgown. Bagay sa’kin… bagay sa’tin.”

Bahagya akong napalunok nang marinig iyon, nanuyo ang lalamunan ko. Ilang beses na rin naman akong nadulas sa kanya noon… pero ngayong gabi, iba.

Nangako ako kay Caelith. Hindi ako pwedeng magpatinag.

“Uuwi ako ngayong gabi,” malamig kong tugon.

Hindi natinag si Celene. Lalong naging mapilit.

“Brother-in-law, pwede ba, samahan mo muna ako ngayon? Mahal kita, kasing tindi ng pagmamahal ng ate ko sa’yo!”

Biglang sumiklab ang galit sa loob ko.

“Celene Skyhart, alamin mo ang lugar mo!”

Mariin ang boses ko, puno ng kontrol na pilit kong pinanghahawakan.

“Sinabi ko na sa’yo—ginagamit lang kita para sa pansamantalang init. Bibigyan kita ng pera, pero huwag mong asahan ang pagmamahal ko. Isa lang ang laman ng puso ko, at iyon ay si Eli!”

Tahimik siya. Ilang segundo na parang walang hangin sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa marahan siyang umiyak.

“Lucienn… Hindi mo ba ako minahal kahit minsan? Akala ko, ‘pag palagi mo akong ginugusto—pitong beses sa isang gabi pa nga—akala ko… baka meron ding emosyon!”

Nanlaki ang mga mata ko. Napahinto ako. Hindi ko agad naibaba ang tawag.

Pero kailangan kong maging malinaw.

“Si Eli lang ang mahal ko.”

Tahimik ulit. Hanggang sa marinig ko ang mapait na tawa ni Celene.

“Cienn, may ipapakita ako sa’yo…”

Nag-init ang mukha ko sa galit. Walang ibang may karapatang tawagin akong Cienn kundi si Caelith.

Bago pa ako makapagsalita, nag-vibrate ang phone ko. May pinadala siyang larawan.

Tiningnan ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanlamig ang buong katawan ko.

“Celene… buntis ka?”

---

Caelith’s Point of View

Sa loob ng Mansion.

Gaya ng nakagawian tuwing anibersaryo ng kasal namin, pina-dayoff ko ang lahat ng kasambahay. Gusto ko kasing magkaroon ng katahimikan kahit sandali. Binigyan ko pa sila ng sobre—parang bonus.

Noong mga nakaraang taon, palaging nasa likod ko si Lucienn. Tahimik lang, pero ramdam ko ang titig niyang puno ng pagmamahal habang pinagmamasdan ako.

Ngayon, wala ni anino niya. Wala ni isang text bago maghapon.

Lahat ng tao, iniidolo ang pagmamahalan namin. Pero kung alam lang nila…

Nang makaalis na sila, ako na lang mag-isa sa napakalaking bahay.

Masakit sa tainga ang katahimikan.

Umupo ako sa hapag. Nasa harap ko ang paborito niyang putahe.

Candles and wine. Maayos ang pagkaka-set up ng lamesa.

Lahat perpekto… maliban sa isang bagay—wala ang asawa ko.

Tumunog ang phone. Tumalon ang puso ko. Cienn.

Agad kong binasa ang message.

> [Wife, emergency sa company. Bukas na lang tayo mag-dinner. May gift ako sa’yo, then we’ll go on a vacation, okay?]

Napakagat ako ng labi. Alam kong hindi “company emergency” ang totoo. Alam kong hindi ako ang pinili niya ngayong gabi.

Pinili niya si Celene.

Hinaplos ko ang tiyan ko. Mainit sa palad ko. Tahimik akong ngumiti habang pinipilit hindi lumuha.

“Baby… ayaw na natin sa daddy, ha? Si Mommy na lang. Ako na lang ang magmamahal sa’yo ng sobra-sobra.”

Hindi lang para sa kanya ang mga salitang iyon. Para rin sa sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi iyon para maniwala rin ako.

Hindi na karapat-dapat si Lucienn. Hindi na ako papayag na mabuhay sa kasinungalingan kahit pa may bagong buhay akong dinadala.

Nag-reply ako sa kanya.

> [Okay, I understand… Three months from now, birthday mo na. May regalo ako sa’yo.]

Alam kong magtataka siya. Hindi ko ugaling magsabi ng gift ng maaga.

At hindi nga ako nagkamali.

> [Anong gift? Excited na ako! Patingin naman, Wife?]

Napangiti ako. Malamig. Mapakla. Pero may sakit na pilit kong kinakaya.

> [Surprise dapat, eh.]

Bigla, may isa pang message na pumasok.

Kay Celene.

> [Akin na si Lucienn! Buntis ako, Caelith. Matagal na akong panalo! Tulad noon, aagawin ko lahat ng meron ka. Bitch, never kang mananalo sa’kin.]

Napasinghap ako. Parang may sumaksak sa dibdib ko.

At doon na dumilim ang paningin ko.

**********

Gemekek

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 19

    "37.1, ito ay normal na temperatura."Iniisip ang tawanan niya at ni Celindra kanina, sinabi niya sa malalim na boses: "Huwag ka nang gumawa ng gulo. Manatili ka sa bahay at ililipat ko sa iyo ang pera sa tamang oras."Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod siya at aalis na sana."Teka!" Humakbang si Celindra na nakatayo sa tabi at hinarangan ang kanyang daan.Sa pagkakita sa lalong sumasamang ekspresyon ni Lucienn, nagsalita siya, "Si Celene ay nagdadala ng gintong apo ng pamilya Lucienn. Walang dapat mangyari na masama. Bilang ama ng bata, dapat kang manatili at protektahan siya."Lihim na inirapan ni Lucienn. Wala pa siyang anak, pero may common sense siya.Basta't ligtas na manatili si Celene sa bahay, paano may masamang mangyayari sa bata?Nang aayaw na sana siya, narinig niya si Celene na sumigaw sa sakit, "Ah!”Agad na lumingon si Lucienn: "Anong problema?"Mahigpit na hinawakan ni Celene ang kamay nito, "Lucienn, masakit ang buong katawan ko, sobrang hindi kumportable..."Habang n

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 18

    “Sabi ko sa'yo, kung may kailangan ka, puwede kang lumapit sa akin kahit kailan."​Tumingala si Caelith, ang mga mata niya ay parang naantig, "Salamat."​Ang tanging taong tumulong sa kanya sa mundong ito ay isang outsider.​"Anong ginagawa mo!?"​Bigla na lang, dumating si Lucienn nang nagmamadali at galit.​Pagkatapos niyang aliwin si Celene, nagmamadali siyang pumunta dito, pero hindi niya inaasahang makikita si Aziel.​Silang dalawa ay nag-uusap at nagtatawanan, na parang bagong kasal.Pero malinaw na asawa siya ni Caelith.​"Aziel? Bakit ka nandito? Anong relasyon mo?"​Biglang nawala ang ngiti ni Caelith.​Hindi pa nga siya nakakapagsalita para tanungin siya, pero siya na ang nagalit?​Nanghihina siya at hindi na nag-abala pa na makipag-usap sa kanya, kaya't tinalikuran niya ito.​"Hehe."​Ang tawa ni Ji Bei ay matagumpay na nakuha ang atensyon ni Lucienn.​"Bakit ka tumatawa?"Tinaas ni Aziel ang kanyang kilay at sarkastikong sinabi, "Ang asawa mo ay nandidito na sa ward. Tinan

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 17

    ​Sa pagkakarinig nito, kumunot ang noo ni Aziel.​"Nahulog ako sa tubig, kaya bakit masakit pa rin ang tiyan ko?"​Pagkatapos, binuhat niya si Caelith at nagtungo sila sa ospital.​Sa ospital, ang daanan ay puno ng amoy ng disinfectant. Umupo si Aziel sa isang upuan malapit doon at naghintay.​Naisip niya ang masakit na ekspresyon ni Caelith, hindi niya maiwasang mag-alala.​Makalipas ang kalahating oras, bumukas ang pinto ng klinika at lumabas ang doktor.​"Doktor, ano ang sitwasyon?" Lumapit si Aziel at nagtanong.​"Ang pasyente ay buntis at dapat iwasan ang mga mataong lugar!" Tinanggal ng doktor ang kaniyang maskara at kumunot ang noo.​Nakatayo lang si Aziel sa gulat.​Buntis si Caelith?​Nang makita ito, seryosong sinabi ng doktor, "Kayo talagang mga kabataan ay walang hiya. Hindi niyo man lang alam na buntis ang nobya niyo, at hinayaan niyo pa siyang mahulog sa tubig."​Nabalik sa sarili si Aziel at sasabihin sana na hindi siya ang nobyo ni Caelith nang muling nagsalita ang dok

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 16

    Walang balak si Celene na bigyan ng easy time si Caelith. May nakita siyang swimming pool sa malapit at bigla siyang naisipang ideya.Habang nakatalikod si Caelith, inabot ni Celene ang kamay niya at tinulak si Caelith. Pero naramdaman ni Caelith ang bigat sa likod niya, kaya bigla siyang ngumiti. Gusto niya akong itulak sa swimming pool? Sus, ridiculous! Agad niyang kinuha ang kamay ni Celene. "Plop!" Pareho silang nahulog sa swimming pool, na nagdulot ng malakas na splash. Ang ingay na ito ay umakit sa atensyon ng maraming tao, at nagsimula silang maglapitan."Hindi ba 'yan ang asawa ni Mr. Ashford? Paano siya nahulog sa swimming pool?" tanong ng isa. "Ang babae sa tabi niya, mukhang sister-in-law ni Mr. Ashford!" sabi ng isa pa. "Kung may mangyari sa kanila, baka magalit si President Ashford!" Panic ang lahat at dali-dali nilang tinawag si Lucien. "Brother-in-law, save me!" sigaw ni Celene. "Hindi ko na kaya!" "Anak ko! Ang anak ko!" Patuloy na nag-struggle si Celene sa tub

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 15

    Caelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 14

    Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status