Caelith's Point of View
Namumugto ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng asking phone. "Cienn." Ilang letra lang ito pero dati, sapat na 'yon para magaan ang araw ko kahit puyat, gutom, o pagod. Pero ngayon? Para akong tinusok ng karayom sa puso. Ang pangalan niya na minsang naging tahanan ko—ngayon, tila lason na. Hindi ako makahinga. Para bang may batong nakapatong sa dibdib ko, mabigat at malamig. Hindi dahil sa katawan kong nanghihina, kundi dahil sa totoo—dahil sa kanya. Tumunog ulit ang tawag. Still, hindi ko pa rin sinagot. Sa halip, binuksan ko ang gripo. Pinaghilamos ko ang malamig na tubig sa aking mukha ng paulit-ulit, parang gusto kong hugasan ang lahat ng galit at sakit. Pero habang bumabagsak ang tubig, sabay din itong iniluha ng mga mata kong ilang araw nang nananahimik. Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil din ang tunog ng tawag. Pero hindi pa man ako nakagalaw, tumunog ulit ang ito. Napapikit ako, huminga ng malalim, at saka ko sinagot. “Eli!” bulalas agad ng pamilyar na boses sa kabilang linya. “Bakit hindi mo agad sinagot? Masama ba pakiramdam mo? May nangyari ba sa'yo? Are you okey?” May pag-aalala sa tono niya. Pero sa tenga ko, lahat 'yon peke. O baka totoo nga—pero ang problema, huli na. Hindi ko na maramdaman. Hindi ko na kayang paniwalaan. “Ayos lang ako.” Malamig at walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang mukha. Matapos niyon, dinampot ko ang pregnancy test kit at diretsong itinapon sa basurahan. Pumikit ako nang mariin. Pilit pinapatatag ang sarili. Narinig ko ang kaba sa boses niya. “Eli, umiiyak ka ba? Did someone upset you? Sabihin mo lang. Ako na ang bahala sa kanila. Hindi kita hahayaang saktan ng kahit sino.” Napangiti ako... Ngiting mapait at malamig. Nakakatawa. Ikaw yun, Cienn. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngayon wasak. minsang akala ko'y magiging protektor ko. Pero hindi pala ako ligtas sa’yo. Sa mata ng iba, perpekto siya. Matalino, magalang, mapagmahal na ideal na lalaki. Pero ako? Ako ang nakakakita sa tunay niyang anyo. Ako ang saksi kung paano siya magbago. At sa lahat ng kaya niyang sirain... ako ang una. “Oo, May taong nagpasama ng loob ko.” tahimik kong sagot. Mahinahon, pero sa puso ko, nag-aalab. Tumahimik siya sa kabilang linya. Ramdam ko ang pag-init ng boses niya nang magsalita muli. “Sino? Sino’ng hayop na ‘yon? Sabihin mo, Eli. Wawasakin ko.” Napatawa ako. Pero walang saya. Isang tawang puno ng galit, ng pagkasuklam, ng pagkawasak. Kaya mo ba talaga, Lucienn? Kaya mo bang wasakin ang sarili mo kung ikaw pala ang salarin? Biglang nag-vibrate ang phone ko. Isang mensahe at mula ito kay Celene. [Ate, sinabi ko na sa brother-in-law ko na buntis ako. Hulaaan mo, sino kaya ang pipiliin niyang makasama sa wedding anniversary niyo? Ikaw ba… o ako, at ang magiging tagapagmana ng Ashford family?] Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Wedding anniversary namin ngayon. Ang araw na dapat ay para sa pagmamahalan namin, pero eto ako. Nakaupo sa gilid ng kama, nanginginig, tulala at luhaan. At siya? Kasama ang kapatid ko. Buntis pa. Ilang beses ko nang tinanggap ang sakit. Ilang ulit na akong nilamon ng lungkot. Pero ngayon, hindi na lang puso ko ang sugatan. Buong pagkatao ko, nilalamon ng pagkamuhi. Dahan-dahan kong nilapit muli ang cellphone sa tainga. Nanginginig ang boses ko, pero buo ang loob. “Cienn...” Huminga ako ng malalim. “Ang taong nagpasama ng loob ko... walang iba kundi ikaw.” At sa araw ng anibersaryo natin, pinatay mo ako—hindi sa katawan, kundi sa puso. ********** GemekekCaelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W
Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi
Celene’s Point of View*"This is a gift for Eli, don’t think about it."Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko sa bawat salitang binitawan ni Lucienn.Kitang-kita ko pa kung paano niya tinitigan ito na animo'y nagiisip na kung ano ang reaksyon ng kanyang Asawa pag ibinigay niya na ito sa kanya, like it meant everything just for her and only her!Eli... Of course, palagi nalang.Pinilit kong ngumiti, ‘yung tipong classy pero hindi clingy. Ayokong magpaka-desperada sa harap niya. Hindi pa ngayon.Pero sa totoo lang, gusto kong hablotin ‘yung kwintas at isuot ito, pagakatapos ipamukha ko sa kanyang Eli, dahil sa akin dapat ito!Kaya imbes na gumawa ng eksena, dahan-dahan kong kinuha ang phone ko mula sa bag, at sekreto kong kinunan ng litrato.Isang picture lang. Isang paalala kung anong meron siya—at kung anong kailangang mawala sa kanya.Focus pa rin si Cienn sa kwintas, too absorbed in his perfect-husband-to-Caelith role to even notice me.Napatawa naman ako ng mariin sa a
Lucienn's Point of View*Bago ako tuluyang umalis ay limingon ako uli sa gawi ng aking asawa.Pero diretso siyang umakyat sa hagdan na parang walang nangyari. Para bang hindi niya ako nakita.Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng nakita ito.Usually, sinusundan pa niya ako hanggang pinto. Yung tipong parang pusang ayaw pakawalan ang amo. Kahit napipilitan minsan, hindi siya umaalis hangga’t hindi ako nakalabas ng mansion.Pero ngayon? Wala man lang goodbye, na animo'y deadma.Galit pa rin ba siya sa akin?Napangiti ako, pero may halong lungkot. Grabe, ganyan ka na ba ka-attach sa 'kin, Eli?Kung iisipin, nakakatuwa rin. Kasi kung hindi siya galit, hindi niya ako kayang dedmahin ng ganyan.Pagdating ko sa office, hindi pa ko nakaupo, nagsimula na agad ako mag-utos."Maghanda kayo ng grand dinner. I want to celebrate ulit yung anniversary naming ni Eli, ang pinakamamahal kong asawa."Napatingin yung secretary ko, halos lumiwanag ang mukha sa tuwa.“Mr. Ashford, grabe talaga kayo magm
Caelith’s Point of ViewKinabukasan…Tahimik lang ako sa terrace, nakatingin sa kawalan habang hawak ang isang mug ng kape. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang lamigin ang bigat sa dibdib ko.Hanggang sa marinig ko ang mahina pero malinaw na pag-uusap ni Lucienn at ng butler. Nasa baba sila ng terrace, kaya hindi nila alam na nando’n ako sa taas.“Sir,” narinig kong sabi ng butler. “Hindi na po namin nakikita si Ma’am Caelith na ngumiti simula po nung hindi kayo umuwi nung anniversary niyo. Buong gabi po siyang naghintay sa inyo.”Napapikit ako nang mariin, ilang araw na yun nakalipas pero masakit pa rin isipin, sobrang sakit.Eh paano naman kasi, busy siya kakasama ng kabit niya.Napailing ako sa sarili ko. Ewan ko kung makakainis ba ako o matatawa.Ilang oras pa akong nakaupo ro’n, pilit pinapatahan ang puso kong sugatan. Nang medyo gumaan ang loob ko, bumaba na ako. Sana, wala siya. Sana nasa trabaho na siya. Ayoko siyang makita.Pero malas yata ako.Pagbaba ko, na
Caelith's Point of View "Medyo hindi ako okay ngayon. Gusto ko munang mapag-isa."May saglit na katahimikan bago niya ako sinagot. Kita ko agad ang pagbabago sa kanyang ekspresyon—may namuong inis sa kanyang mga mata. Parang gusto pa niyang magsalita, pero pinigilan niya ang kanyang sarili."Okey, fine."Yun lang ang nasabi niya, sabay talikod at mabigat ang hakbang palayo.***Kinabukasan, habang madilim pa ang paligid, bumaba na agad si Lucienn papuntang kusina. Tahimik ang bahay, pero ramdam ang bigat ng hangin.Mukha siyang pagod. Halatang kulang sa tulog—namumugto ang mga mata at tila ba parang may dinaramdam. Nakasuot pa rin siya ng paborito niyang gray hoodie, at ang buhok niya’y magulo, parang hindi man lang nag-ayos bago bumaba.Pero kahit ganun ang itsura niya, bumungad pa rin ang pamilyar niyang ngiti—yung tipong pinilit lang, para lang maayos ang tensyon.Ako nama’y dahan-dahang bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang bigat sa dibdib ko habang palapit