Share

Chapter 4

Author: Gemekek
last update Last Updated: 2025-06-06 07:07:35

Caelith's Point of View

Mahilig magnakaw si Celene—lalo na kapag akin.

Nung bata pa ako, kaunti lang ang laruan at damit ko. Halos wala. Pero siya? Laging may bago, laging pinapaboran. Ngayon, hindi na lang ito tungkol sa mga gamit. Lalaki na ang pinag-aagawan namin.

Pag inalala ko ang pagkabata namin, si Celene palaging naaawa ang mga magulang namin. Dahil daw sa itsura niyang parang laging kawawa.

Ako? Tahimik. Hindi ako marunong magsalita ng maayos noon. At dahil sa paulit-ulit niyang paninira sa akin, naging masama akong anak sa paningin ng sarili kong magulang.

“Ikaw ang panganay, magparaya ka sa kapatid mo!”

“Caelith, hindi ka ba marunong matuto kay Celene? Puro magagandang salita ang sinasabi n’ya sa amin!”

“Isa kang malas sa buhay!”

Ang paboritismo nila ang naging malaking anino sa maliit kong pagkatao. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ‘yon.

Ang pagkabata ko? Isa lang ‘yang kulay-abo—madilim, malamig.

Lumaki akong inuulan ng panlalait at pananakit—hindi lang pisikal, kundi emosyonal.

College lang ako tuluyang nakatakas. Noon ko nakilala si Lucienn Ashford—si Lu Guan.

Akala ko noon, kami ang isa’t isa. Akala ko walang makakaagaw sa taong nagsabing mahal ako.

Pero ngayong araw… sa mismong anibersaryo ng kasal namin… siya pa rin ang pinili ni Lucienn. Si Celene.

Wala man akong inaasahan sa taong tulad niya ngayon, pero masakit pa rin. Kasi minahal ko siya nang totoo.

Hindi ako nalulungkot para kay Lucienn. Nalulungkot ako para sa sarili ko—dahil ibinigay ko ang buong puso ko sa maling tao.

Nasa harap ko ang paborito niyang putahe, pero sumama ang sikmura ko. Wala akong ganang kumain.

Saglit akong napapikit, pinilit ang sarili kong huminga nang malalim habang nilulunok ang pait.

Isa-isa kong ni-screenshot ang mga mensaheng ipinadala sa akin ni Celene.

Hindi lang basta gusto kong iwan si Lucienn.

Gusto kong pagbayarin silang dalawa. Si Lucienn at si Celene.

Sisiguraduhin kong masisira sila. Mawawalan ng lahat.

***

Third Person Point of View

Bukas lahat ang mga ilaw sa buong Mansion buong magdamag.

Nang makabalik si Lucienn kinabukasan, agad siyang dumiretso sa loob.

Sa unang pagbukas pa lang ng pinto, bumungad agad sa kanya si Caelith—nakahiga sa sofa, nakatagilid, ang isang kamay ay nakaprotekta sa kanyang tiyan.

Magaan ang pagkakahiga niya pero halatang hindi mahimbing ang tulog. Bahagyang naka-kunot ang noo, at may mapulang bakas pa sa ilalim ng kanyang mga mata—parang galing sa pag-iyak.

Napahigpit ang hawak ni Lucienn sa doorknob. Napabuntong-hininga siya.

Masakit sa kanya na makita si Caelith sa ganitong estado.

Kagabi, bigla siyang pinadalhan ni Celene ng ultrasound result. May kasamang iyak sa tawag. Sinabi niyang buntis siya.

At sa isip ni Lucienn—limang taon na silang kasal ni Caelith, pero hindi pa rin ito nagkakaanak. Samantalang ang pamilya Ashford ay nangangailangan ng tagapagmana.

At doon siya nanghina.

Hindi niya maatim na magbuntis si Caelith at magbago ang katawan nito at ayaw niyang mahirapan ito.

Pero kung si Celene ay buntis na, hindi ba’t puwede niyang kunin ang bata pagkatapos ng dalawa o tatlong taon? Palakihin ito bilang ampon nila ni Caelith?

Kaya siya pumunta kay Celene kagabi.

Habang hinihimas niya ang tiyan ni Celene, may kakaibang kilig at saya siyang naramdaman—ang unang beses niyang maramdaman ang maging isang ama.

Isang saya na kailanma’y hindi naibigay ni Caelith sa kanya.

Sa isang iglap, muntik na niyang maisip na walang silbi si Caelith.

Na ang limang taon nila ay hindi kasing tindi ng tatlong buwang relasyon nila ni Celene.

Pero mabilis ding nawala ang pag-iisip na iyon. Dahil mahal pa rin naman niya si Caelith… di ba?

Kaya kinaumagahan, nagmamadaling umuwi si Lucienn.

Handa na siyang humingi ng tawad. Buong biyahe, inisip niya kung anong matatamis na salita ang pwede niyang sabihin para mapatawad siya ni Caelith.

Ngunit nang makita niya ang maputlang mukha ng asawa, ang lungkot sa mga mata nito, parang tinaga ang puso niya ng paulit-ulit.

Lumapit siya ng dahan-dahan, handang buhatin si Caelith pabalik sa kama.

Pero bago pa man siya makalapit, bahagyang nagising si Caelith at dahan-dahang dumilat.

Amoy niya agad ang pabango ni Lucienn—isang pamilyar na halimuyak na dati'y nagbibigay ng kapanatagan. Pero ngayon, tila ibang-iba na ang epekto nito. Parang may malamig na kuryente na gumapang sa likod niya.

"Nagising ba kita, Wife?" malambing na tanong ni Lucienn habang nilapitan siya nito at agad siyang niyakap. Sanay na sanay, parang ito lang ang alam ng katawan niya.

Pero nanigas si Caelith.

Ayaw na niyang dumikit. Lalo na sa kanya.

Napansin ni Lucienn ang pag-iwas, kaya napakunot ang kanyang noo.

"Eli, masama ba pakiramdam mo? Tatawagan ko ang family doctor kung gusto mo—"

"Okay lang ako," umiling si Caelith, pilit ang ngiti. "Pagod lang siguro. Kaya hindi ako nakatilog ng mahimbing."

"Pasensya na kung late akong nakauwi. Dami lang talagang trabaho sa kompanya, year-end na kasi," sagot ni Lucienn, habang ginugulo ng konsensya ang kanyang puso.

Muling tumingin si Caelith sa kanya. Pero ngayon, wala nang ningning sa mga mata nito—kundi malamig na pagdududa.

Sa isip niya, Ang galing mo talaga magkunwari, ni hindi mo man lang naramdaman ang bigat ng kasinungalingan mo.

"Eli, sorry talaga. Dapat sinamahan kita kagabi. Dapat tinupad ko 'yong pangako ko. Sige na, sampalin mo 'ko, sigawan mo ako, basta mailabas mo lang 'yang galit mo."

Muli siyang niyakap ni Lucienn—mahigpit. Parang gusto siyang ipaloob sa kaluluwa nito.

Napakagat-labi si Caelith. May kirot sa bandang ibaba ng tiyan niya.

Pinilit niyang kumawala, pero lalo lang humigpit ang yakap ni Lucienn.

At sa isip ni Lucienn, Mahal na mahal pa rin niya ako… Hindi niya ako kayang saktan. Kaya niya ako pinaglalaban.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

May ilalabas na sana siya sa kanyang bulsa...

**********

Gemekek

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 19

    "37.1, ito ay normal na temperatura."Iniisip ang tawanan niya at ni Celindra kanina, sinabi niya sa malalim na boses: "Huwag ka nang gumawa ng gulo. Manatili ka sa bahay at ililipat ko sa iyo ang pera sa tamang oras."Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod siya at aalis na sana."Teka!" Humakbang si Celindra na nakatayo sa tabi at hinarangan ang kanyang daan.Sa pagkakita sa lalong sumasamang ekspresyon ni Lucienn, nagsalita siya, "Si Celene ay nagdadala ng gintong apo ng pamilya Lucienn. Walang dapat mangyari na masama. Bilang ama ng bata, dapat kang manatili at protektahan siya."Lihim na inirapan ni Lucienn. Wala pa siyang anak, pero may common sense siya.Basta't ligtas na manatili si Celene sa bahay, paano may masamang mangyayari sa bata?Nang aayaw na sana siya, narinig niya si Celene na sumigaw sa sakit, "Ah!”Agad na lumingon si Lucienn: "Anong problema?"Mahigpit na hinawakan ni Celene ang kamay nito, "Lucienn, masakit ang buong katawan ko, sobrang hindi kumportable..."Habang n

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 18

    “Sabi ko sa'yo, kung may kailangan ka, puwede kang lumapit sa akin kahit kailan."​Tumingala si Caelith, ang mga mata niya ay parang naantig, "Salamat."​Ang tanging taong tumulong sa kanya sa mundong ito ay isang outsider.​"Anong ginagawa mo!?"​Bigla na lang, dumating si Lucienn nang nagmamadali at galit.​Pagkatapos niyang aliwin si Celene, nagmamadali siyang pumunta dito, pero hindi niya inaasahang makikita si Aziel.​Silang dalawa ay nag-uusap at nagtatawanan, na parang bagong kasal.Pero malinaw na asawa siya ni Caelith.​"Aziel? Bakit ka nandito? Anong relasyon mo?"​Biglang nawala ang ngiti ni Caelith.​Hindi pa nga siya nakakapagsalita para tanungin siya, pero siya na ang nagalit?​Nanghihina siya at hindi na nag-abala pa na makipag-usap sa kanya, kaya't tinalikuran niya ito.​"Hehe."​Ang tawa ni Ji Bei ay matagumpay na nakuha ang atensyon ni Lucienn.​"Bakit ka tumatawa?"Tinaas ni Aziel ang kanyang kilay at sarkastikong sinabi, "Ang asawa mo ay nandidito na sa ward. Tinan

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 17

    ​Sa pagkakarinig nito, kumunot ang noo ni Aziel.​"Nahulog ako sa tubig, kaya bakit masakit pa rin ang tiyan ko?"​Pagkatapos, binuhat niya si Caelith at nagtungo sila sa ospital.​Sa ospital, ang daanan ay puno ng amoy ng disinfectant. Umupo si Aziel sa isang upuan malapit doon at naghintay.​Naisip niya ang masakit na ekspresyon ni Caelith, hindi niya maiwasang mag-alala.​Makalipas ang kalahating oras, bumukas ang pinto ng klinika at lumabas ang doktor.​"Doktor, ano ang sitwasyon?" Lumapit si Aziel at nagtanong.​"Ang pasyente ay buntis at dapat iwasan ang mga mataong lugar!" Tinanggal ng doktor ang kaniyang maskara at kumunot ang noo.​Nakatayo lang si Aziel sa gulat.​Buntis si Caelith?​Nang makita ito, seryosong sinabi ng doktor, "Kayo talagang mga kabataan ay walang hiya. Hindi niyo man lang alam na buntis ang nobya niyo, at hinayaan niyo pa siyang mahulog sa tubig."​Nabalik sa sarili si Aziel at sasabihin sana na hindi siya ang nobyo ni Caelith nang muling nagsalita ang dok

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 16

    Walang balak si Celene na bigyan ng easy time si Caelith. May nakita siyang swimming pool sa malapit at bigla siyang naisipang ideya.Habang nakatalikod si Caelith, inabot ni Celene ang kamay niya at tinulak si Caelith. Pero naramdaman ni Caelith ang bigat sa likod niya, kaya bigla siyang ngumiti. Gusto niya akong itulak sa swimming pool? Sus, ridiculous! Agad niyang kinuha ang kamay ni Celene. "Plop!" Pareho silang nahulog sa swimming pool, na nagdulot ng malakas na splash. Ang ingay na ito ay umakit sa atensyon ng maraming tao, at nagsimula silang maglapitan."Hindi ba 'yan ang asawa ni Mr. Ashford? Paano siya nahulog sa swimming pool?" tanong ng isa. "Ang babae sa tabi niya, mukhang sister-in-law ni Mr. Ashford!" sabi ng isa pa. "Kung may mangyari sa kanila, baka magalit si President Ashford!" Panic ang lahat at dali-dali nilang tinawag si Lucien. "Brother-in-law, save me!" sigaw ni Celene. "Hindi ko na kaya!" "Anak ko! Ang anak ko!" Patuloy na nag-struggle si Celene sa tub

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 15

    Caelith’s POVNapatigil si Lucienn, halatang nagulat at agad naghanap ng palusot.“Eli, I was just... worried lang. Baka hindi ka safe kapag siya—”Pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinutol ko na agad.Tama na. Sawa na ako sa mga palusot niya.“So, ang sinasabi mo… ‘yung party na ikaw mismo ang nag-organize, hindi safe?”Napayuko siya saglit, halatang nahiya at napatingin sa ‘kin na may paawa effect pa ang mga mata.“Safe… of course safe, Wife.”Pero kita ko ang pag-kuyom ng kamao niya at ang tingin niya kay Aziel—matalas.Pareho sila ng edad, parehong gwapo, pero si Aziel… mas may dating. At ‘yan ang kinatatakutan niya.Hindi pa rin siya nakaka-move on. At never siyang magiging kampante.Bumitaw siya sa ‘kin, dahan-dahan, saka bumuntong-hininga.“Since kaibigan ka naman pala niya dati… I’ll give you space. I won’t bother.”Pagkasabi niya nun, tumalikod siya at naglakad palayo. Pero every few steps, lumilingon pa rin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.“W

  • The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!   Chapter 14

    Caelith’s POV“Eli, sa loob ng limang taon tayong mag kasama bilang mag-asawa, ang dami kong pagkukulang. Pero ikaw, andiyan ka pa rin—tahimik, maunawain. Sobrang nagpapasalamat ako sayo.”Nakatingin pa rin siya sa akin.“Alam kong hindi ako naging perpekto, pero pinapangako ko… mula ngayon, ikaw lang ang nasa puso at mga mata ko. Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda.”Paulit-ulit niyang sinabi ‘yan, with his practiced sincerity na parang eksena sa pelikula. Kung ibang babae siguro, kikiligin.Pero ako?Ang lahat ng kanyang sinabi, sa tenga ko… tunog kabastusan.Dati, pinaniwalaan ko ‘yan, kinikilig ako sa mga ganyang pangakong matatamis niyang mga salita.Kung hindi lang siya nangaliwa, baka totoo pa ngang rare find si Lucienn.Mayaman, gentle, marunong gumawa ng surpresa—perfect boyfriend type kung tutuusin.Pero kahit gaano siya kagaling… lalaki pa rin siyang marupok. At ang mga taksil, hindi na dapat pinagkakatiwalaan.Napangiti ako. Pinabayaan ko siyang isuot sa’kin ang kwi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status