LOGINLeander’s POV
“Oh my God! I can’t believe na makakakilala ako ng mahalagang tao ngayong gabi. Lucky charm ka nga, Gwen!” Baling nito kay Gwen. Muntik pa ngang mahalikan sa sobrang saya. Alanganin ang ngiti sa amin ni Kenjie ni Gwen. Kilala ni Gwen si Kenjie dahil kaibigan ko siya at nakikita niya rin sa mga party. “Nga pala, meet my date tonight, Mr. Chavez. Her name is Gwen. Pero kung gusto mo siya, available siya tonight. Just for you. Right, Gwen?” “Mr. Fajardo, wala ito sa—” “Shut up,” putol ng matanda sa sasabihin ni Gwen. “Just entertain him tonight, makukuha mo ang kailangan mo sa akin. Pangako,” dinig kong bulong ni Fajardo na ikinakunot ko ng noo. ‘Wag sabihin ni Gwen na nakikipag-trade ang sampid na ito? Ng ano naman kaya? Tumaas ang aking kilay at ngumisi. “Is she available, Mr. Fajardo?” “Of course, Mr. Chavez! Of course!” papalatak niya. Binalingan ulit ng matanda si Gwen. Bakas sa mukha niya ang ayaw kaya muli akong nagsalita. “I like her, Mr. Fajardo. Pero parang hindi niya yata gusto na entertain ako. Sayang naman ang pagkakataong ito.” Bahagya akong nadismaya para maipakita sa matanda. Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Gwen. Alam kong naiinis na siya. Kung nasa bahay kami, kanina pa siya nagbunganga sa akin. Hindi ko inaasahan ang gagawin ng matanda. Hinila niya si Gwen at tinulak sa akin, at saktong napasubsob siya sa aking dibdib kaya napasinghap ako. Bahagyang bukas ang suot kong black polo kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa hininga ng dalaga. “I’m sorry,” pabulong na sabi ni Gwen nang magtama ang paningin namin. Namumula siya ng mga sandaling iyon. Naamoy ko rin ang alak pero mukhang nasa katinuan pa naman siya. Akmang aalis siya nang pigilan ko siya dahil mukhang nag-aabang si Fajardo. Sigurado akong itutulak pa rin niya sa akin si Gwen. “Stay,” bulong ko rin na ikinatingin niya sa akin. Bahagya siyang tumango at umayos nang upo pero bigla akong napamura sa isipan dahil may natamaan siya, dahilan para manigas iyon. Umisang galaw pa siya kaya nahawakan ko ang pulsuhan niya. “Stop moving. Damn it!” Sabay kuyom ko ng ngipin. Hindi yata narinig ni Gwen dahil talagang kumilos paharap kila Mr. Fajardo. Ako lang mag-isa sa single chair na iyon kaya walang nakakakita ng reaksyon ko. Mabuti na lang at tumigil ito sa pagkilos kaya bahagyang kumalma ang kaibigan ko. Sa pag-aakalang makakbalik pa ako sa usapan, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Pero hindi na pala. Wala akong ginawa ng mga sumunod na sandali kung hindi ang mapakagat ng labi dahil sa ayaw kumalma ng aking kaibigan, lalo na kapag gumagalaw si Gwen sa aking kandungan. Minsan nga, napapamura ako sa aking isipan. Kung naisatinig ko iyon, marahil nagulat na sila sa akin. As in wala akong maintindihan sa pinag-uusapan. Mabuti na lang at nasa paligid lang si Aldrin. Mababalikan ko ang mga na-miss na usapan namin. Recorded din sa pamamagitan ng gamit kong hidden cam sa damit. Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam si Mr. Fajardo. Mabuti at mabilis ang tayo ni Gwen. Napatingin silang lahat sa akin nang magpakawala ako nang buntong hininga, na sinundan ko rin nang mura. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Huh?” inis na tanong ko sa kanya. “Kasalanan mo ito, e! Masisira mo pa ang plano ko!” “Wow? Ikaw itong nagsabi ng ‘I like her’ malamang magugulo ka talaga! Kaloka kang bata ka! Alam mo naman kung bakit ako nandito. Dahil may hinahanap ako. ‘Di ba, atat ka nang mawala ako sa bahay? Kaya heto, hinahanap ko ang pinagmulan ko!” Natigilan ako sa sinabi niya. Right, atat nga akong mawala siya sa bahay namin. Sobrang atat! Binalikan ko ang mga huling sinabi niya. So, ginagamit niya lang si Fajardo para mahanap ang Tatay niya? The fvck! Hindi ba niya alam na binubugaw na siya sa akin? Mabuti na lang at ako lang ‘to. Wala akong balak na patulan siya. ‘Anong ikaw lang ‘yan?’ biglang echo sa aking isipan ang katanungang iyon. Bigla kong hinilot ang ulo ko dahil sa tanong na iyon. “Pabalik na po siya,” ani ni Aldrin na ikinatingin ko kay Gwen. “Dito ka maupo at naiinis ako sa presensya mo. Si Millie lang ang gusto kong kumakandong sa akin,” ani ko, sabay tampal ko ng armrest ng upuan ko. Sinamaan lang niya ako nang tingin. “As if gusto ko rin!” usal niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Palipat-lipat nang tingin sa amin si Kenjie at Aldrin kaya tiningnan ko sila nang masama. Naupo naman si Gwen sa armrest ng upuang iyon at ngumiti nang makita si Fajardo. Ang galing talagang umarte. “For you, Gwen,” ani ni Fajardo, sabay abot ng kopita na may lamang alak. “And for you, Mr. Chavez. Ako ang taya for tonight kaya no need to worry sa bill. Alright?” Ngumiti siya sa amin kaya ganoon din ang ginawa ko. Sa pagkakataong iyon, nakasabay na ako sa pinag-uusapan nila ni Kenjie. Nawala saglit sa isipan ko si Gwen. Pero napapitlag ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay. Nagulat ako dahil sa init na nagmumula sa kamay niya. Tumingin sa akin si Gwen. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko na siya pinansin. “I-I need to use the comfort room, Mr. Fajardo,” basag niya sa amin maya-maya sa malakas na boses. “Oh, sure, Gwen.” Tumingin sa akin ang matanda. “I think she needs help, Mr. Chavez.” Tumingin ako kay Aldrin. “Pakisamahan si Miss—” “No! Ikaw dapat ang sasama, Mr. Chavez!” biglang agaw niya sa aking sasabihin. Pero huli na dahil umalis na si Gwen, nagmamadali. Sumunod naman si Aldrin dito. Inilapit ni Mr. Fajardo ang sarili niya sa akin sabay bulong, “Mukhang umepekto na ang gamot sa kanya. Pagkakataon mo na para masolo siya ngayong gabi. Consider Gwen a special gift from me to greet you, Mr. Chavez.” Awang ng labi ang ginawa ko matapos na marinig iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal akong natigilan, napapitlag na lang ako nang tumunog ang telepono ko. Nang makita ko ang pangalan ni Aldrin ay sinagot ko iyon. Napatingin din ako kay Mr. Fajardo na noo’y nakangiti. He drugged Gwen!Gwen’s POVNATIGILAN ako sa paghakbang pababa nang makita si Leander. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya kinabahan ako. Nagmadali akong tinungo ang medyo malayo sa mga bisita nang makababa. Sa mga tingin niya, mukhang kokomprontahin niya ako. Nakasunod lang sa akin si Miguel noon.He’s here! Sigurado akong narinig niya ang announcement ni Daddy kaya ganyan siya makatingin sa akin. Nabigla din ako sa inanunsyo niya pero hindi ito ang tamang lugar pag-usapan ang kasal namin ni Miguel. At mas lalong hind ito ang tamang lugar para kumprontahin si Daddy.Naramdaman ko ang paghawak ni Miguel sa kamay ko, kasunod niyon ang pagsiklop niya. Binabawi ko dahil sa mga tingin ni Leander pero hinigpitan ni Miguel.“Let go of Gwen’s hand,” mariing utos ni Leander nang harangan niya ang dadaanan namin.“Excuse me?” Si Miguel.“I won’t repeat myself. Do it now.”“Bakit ko naman gagawin iyon, Mr?!”Natawa nang mapakla si Leander. Napahawak din siya sa tungki ng ilong niya kaya alam kong hindi
Leander’s POVAKMANG pipikit ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Good news, Sir!” biglang sabi ni Aldrin.Napamulat ako. “About Gwen?” Tumango siya. “Opo. P-pero m-may bad news po.”“What?”“S-si Miguel Estrella po talaga ang kasama niya.”“Fvck!”“Where is she now?”“Hindi pa po ako binabalikan, e. Pero kapag nakuha ko na po ang kinaroroonan ni Ma’am, ibabalita ko agad sa ‘yo.” Tumango ako kay Aldrin.Muli akong napapikit. Ilang araw ko nang hinahanap si Gwen. Hindi ko mantindihan kung bakit pati numero niya, hindi ko makontak. Sabi ni Nanay, kakaiba ang mga kilos ni Gwen nang gabing iyon. Hindi naman biglang yayakap si Gwen sa kanya at magsasabi ng ganoon. Ang dating sa kanya, parang namamaalam.Dahil ba sa nakita niya? Dahil kay Livia?Ang inaalala ko, baka nakakaalala na talaga siya, kaya ayaw na niya akong makita. Minsan, pinapanalangin ko na hindi siya nakakaalala dahil alam kong magagalit siya sa akin ng sobra. Pero may explanation naman ako, e. Kung papakinggan niy
Gwen’s POV“MANANG, pakiinit ng pagkain. Kakain na yata si Gwen.” “Yes, Sir.”“Hindi pa ako nagugutom, Dad.” Dumeretso ako sa ref para kumuha lang ng mineral water.“Ilang araw ka nang ganyan, Gwennyth. Ano ba ‘yan?” Pabagsak pa niyang nilapag ang newspaper na hawak.“Wala lang po akong gana.”Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya.“Ilang araw nang pabalik-balik si Leander sa bahay. Nag-away ba kayo?” Natigilan ako. Ilang araw na kaming nandito sa hacienda na pag-aari ni Miguel. Dito niya ako dinala after kong umalis sa bahay ng mga Madrid. Halos kararating lang din ni Daddy. Hindi rin nakatiis si Miguel, umamin siya kay Daddy na kasama niya ako rito.“Hindi na matutuloy ang kasa, Dad.”“What?! Bakit?”“Hindi ko na siya mahal,” mabilis kong sagot.“Huh? Ganoon kabilis?” Kunot ang noo ni Daddy.“Oo. Na-realize kong hindi pala kami bagay.”“Dahil sa sinabi ko?”“Maybe?”“Gwen, seryoso ka ba?”Napaikot ako ng mata. “Tingin niyo po ba?” Lumagok ako at naupo saka humarap sa
Gwen's POVKINAPA ko ang dibdib ko bago humakbang palayo sa pintuang iyon. Hindi ko marinig ang boses nila Leander kaya naipagpasalamat ko. Maging si Tatay, wala rin. Hindi ko na naman alam kung paano magpaalam kaya mas mabuti talaga. Kay Nanay nga, kinuntsaba ko pa si Miguel at sinabing tawagan ako. Kaya heto, nakapag-alam ako at sinabi kong may urgent sa bahayNagmamadali akong bumaba noon para makaiwas kay Leander at Livia, pero natigilan din ako nang marinig ang boses ni Livia. Nagmumula iyon sa kusina. Napatingin din tuloy ako dala ng kuryusidad. Pero hindi lang ito, namalayan ko na lang na palapit ako sa kusina. Bahagya pa akong sumilip para makita ang ginagawa nila.Nakatalikod si Leander sa akin pero si Livia, kita ko mula sa kinatatayuan ko.l dahil nakaharap siya sa binata. Kumapit si Livia sa leeg ng binata kaya parang magkadikit na ang mukha nila kapag nasa kinatatayuan ko ang tingin.“I never imagined I’d see you again after our little moment in New York, much less have
Gwen’s POVNATIGILAN ako sa pagtawa nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Tatay, agad kong sinagot iyon.“Anak, pwede ka bang makausap ngayon? Nandito ako sa bahay,” aniya.At first, nag-hesitant ako na sumagot, pero kalaunan, pumayag din ako dahil saglit lang naman. Wala naman siguro doon si Leander at Livia.Hindi ko matanaw ang sasakyan ni Aldrin kaya tumingin ako kay Miguel.“Busy ka ba?”“Hindi naman. Tapos na ang errands ko kanina pa kaya huminto talaga ako.”Tumango ako. “Pwede mo ba akong samahan?”“Sure!” Mabuti na lang at nandoon si Miguel. May maghahatid sa akin papunta sa bahay ng mga Madrid. Wala naman kasi akong sasakyan nang pumunta rito dahil kasama ko nga si Leander.“Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako rito?” ani ko nang huminto ang sasakyan niya sa labas. “Sandali lang naman siguro ako.”“Sige. Dito lang ako, Gwen.”Napalabi ako. “Thanks.”Mukhang alam ko na ang pag-uusapan namin ni Tatay— ang tungkol kay Livia at Leander. Magtatanong
Gwen’s POV “NEED company?” Napaangat ako nang tingin nang marinig iyon. Pamilyar din sa akin ang boses niya. “M-Miguel,” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo rito?” Luminga pa ako para hanapin si Aldrin. Hindi ko siya makita. Pagkagaling na pagkagaling sa restaurant, dumaan ako rito sa malaking simbahan at pagkatapos na magdasal ay lumabas ako at naupo sa may bench. Hindi ko akalain na makikita rito si Miguel. “Napadaan lang,” aniyang nakangiti. “Hindi, nakita kita. Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga,” bawi niya kapagkuwan. “Kaya pala.” Tumango-tango din ako. “Kumusta ka na nga pala?” “Ito, busy-busyhan.” “Busy ka pala tapos huminto ka rito?” “Eh, nakita kita, e. Gusto ko lang bumati.” “Ganoon?” “Oo.” Tumawa pa siya. “Para ka kasing binagsakan ng langit dito kaya tumigil ako.” Natawa ako pero bigla ring napalis. “Ganoon? Halata ba?” Tumango ang binata. Nagbaba rin ako nang tingin sa paa. “May nang-away ba sa ‘yo? Sabihin mo lang.” Tumatawa siya nito







