LOGINI'm sick kaya hindi ako naka-update ng ilang araw. Mag-ingat ang lahat. SALAMAT SA MGA MAGBABASA NG AKDA KONG ITO. Feel free to drop comments and review sa akda kong ito.🫶🩵
Told a storyCalista POVSunod-sunod na namalisbis ang luha sa aking pisngi. Sobrang bigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko nasaktan ko na naman ng sobra si Zayver dahil sa paglilihim ko sa anak namin.Isa kasi ito sa plano ng matanda dahil sa takot ko na saktan niya kami ng anak ko. Nagawa kong itago hanggang ngayon kay Zayver.At iyon ang isang malaking pagkakamali na nagawa ko kay Zayver. Sana talaga mapatawad pa niya ako."I tried...""Then you should have tried harder, Calista! You should have trusted me over anything. If you love me, why did you lie and hurt me like this?" Nanginginig ang boses ni Zayver habang nagsasalita."Calista, I would've protected you," dagdag pa ni Zayver."How?" Napatingin ako sa kanya nang diretso."You were twenty-something, furious with your grandfather, and he controlled everything around you even you."Tumahimik si Zayver. "I didn't have power against him. But you had me, Calista.""That's exactly why I was afraid."Hindi niya naintindihan ang sinabi k
Emotional Calista POV Maybe guilty ako sa parte na pinaglayo ko sila, pero ginawa ko ang alam kong tama. "Kailan mo sasabihin, Calista? Noong nag-first birthday siya? Noong unang araw niya na pumasok sa school? O baka kapag malaki na siya at hindi na niya kailangan ng ama?" "Please... Zayver. May dahilan ako kaya ko iyon nagawa. I'm... I'm s-so..." Hindi ko na kasi kaya pa ang nakikita kong sakit sa mga mata ni Zayver. Nasaktan ko na siya noon, pero ngayon nasaktan ko na naman siya ulit. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Dahil kahit yakapin ko pa siya, hindi ko na maibabalik ang lahat ng nagawa ko sa kanya noon. "Don't say those words dahil hindi mo naman na maibabalik ang nakaraan." Umiling-iling lang si Zayver. Huminga siya nang malalim. Hindi siya narito para manigaw. Pero hindi rin niya kayang itago ang sakit. "Do you know what I thought all these years?" Napatitig lamang ako sa kanya. Gusto kong umiwas ng magkatitigan kami pero hi
Why Did You Take Her Away From Me? Calista POV Hindi ko binuksan ang p***o nang husto. Naiinis pa kasi ako dahil sa pamimilit nitong sunduin si Cassie sa paaralan. Nasa trabaho pa lang ako, nasa paaralan na siya, naghihintay kay Cassie. Hindi ako pumayag, pero matigas ang ulo niya na gaya ng anak ko. Bwesit siya! Nanggagalaiti pa rin talaga ako sa kanya. Hayaan na lang sana niya ako, kami ng anak ko. 'Pero hindi habang buhay ay itago mo sa anak mo na ama niya ang Mister na tinatawag niya. Lalo na kay Zayver na sinaktan mo sa kasinungalingan.' irita na sabi ng utak ko. Mas ligtas kami kapag wala siya dahil kapag nalaman ng Lolo niya na may ugnayan ulit kami ni Zayver, lalo na't malaman nitong may anak na kami, hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin sa amin ng anak ko. Kaya sapat lamang ang pagkakabukas ko ng p***o para makita ko ang lalaking nakatayo sa labas. Si Zayver. Pero may kakaiba sa mukha nito. Wala na ang karaniwang kalmadong ekspresyon. Wala rin ang bahagyang ng
The Daughter I Never Knew Zayver POV Pagkabasa ni Zayver sa resulta, matagal siyang hindi gumalaw. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya muling tiningnan ang papel. Nakatitig lang siya sa isang bahagi ng report na tila may kapangyarihang baguhin ang buong buhay niya. CONFIRMED. Sigaw ng utak niya. Iyon lang ang dalawang salitang paulit-ulit na nakikita ni Zayver. Nakatayo pa rin siya sa likod ng kanyang desk, hawak ang DNA report. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel. Napaupo siya sa swivel chair na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masaya ba siya? Galit ba siya? At kung nasasaktan ba siya? O dapat ba siyang umiyak? Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayong alam na niya na anak niya ang bata. Hindi na ito coincidence. Totoong anak niya si Cassie. Hindi na lang pagkakahawig nilang dalawa. Hindi lamang kakaibang pakiramdam. Anak niya talaga ang bata. Anak niya si Cassie. God! Lima
The Test Zayver POV Hindi na maalis sa isip ko ang isang simpleng tanong. Na ikinakaba ko na baka hindi ko anak ang bata. Baka assumero lang ako dahil lang sa marami kaming similarities ng bata. Na baka ayaw sabihin ni Calista na hindi ko anak si Cassie dahil baka ayaw lang niya masaktan ulit ako. Malalim akong bumuntong-hininga sabay iling. Dapat positive lang ako. I know na Cassie is mine. I can feel it. Mula nang makita ko ang birthmark ni Cassie, hindi na sapat para sa akin ang mga pagkakahawig. Hindi rin sapat ang parehong kilos, ang parehong ugali. Hindi sapat ang pakiramdam na may kung anong pamilyar sa batang iyon. At lalong hindi sapat ang isang lumang medical record na may pangalan ng isang Devereux family doctor. Kailangan ko ang tamang sagot. Isang sagot na walang puwang para sa pagdududa. Kaya kinabukasan, bago pa man magsimula ang aking mga meeting, tinawagan ko ang assistant ko. "Marco." "Yes, sir?" "I need you to arrange a DNA test." Saglit na k
Don't Tell Mommy Third POV "Mr. Devereux, may problema po tayo." Napalingon si Zayver kay Cassie. Maka-Mr. Devereux, wagas ang batang ito. Naiiling siyang tumingin sa bata. Nakatayo ang bata sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa hawak nitong maliit na papel. "What's the problem, little trouble?" Itinaas ni Cassie ang papel. "May kailangan po akong malaman." Nasa isang maliit silang café noon, malapit sa school ni Cassie. Hindi sana sasama si Zayver, pero may meeting siyang nakansela sa building na malapit doon at nakita niya si Calista na naghihintay sa labas ng school. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. Nagulat pa nga ito at bahagyang umiwas sa kanya. Yayain sana niya ang mag-ina na kakain ng lunch. Kaya lang si Cassie naman ay may ibang plano. Nang makita siya nito, agad siyang tumakbo papunta sa kanya. "Hello, Mister! Since you're here, may favor po ako." "Hello, how's school?" bati niya sa bata. "Good and I'm always very good," ma







