LOGINHappy reading all 🫶🩵 Salamat sa nagbabasa at patuloy pang magbabasa ng akda ko. 🫶🩵
Cassie Saw Something Zayver POV "Daddy." Hindi agad tumingin si Zayver. Nasa study siya, nakaupo sa harap ng mesa habang nakatitig sa lumang litrato na parang umaasang magsasalita iyon kung tititigan niya nang matagal. "Daddy." ulit nito na parang wala siyang naririnig. Still nothing respond kasi busy siya sa pagtitig sa lumang litrato. "Daaaaaddy." matinis na sigaw ni Cassie. Napapikit si Zayver. Mag-alburoto na naman ito dahil hindi napansin. "Yes, Little Trouble?" angat ko ng tingin sa kanya. Nakangiting nakasandal si Cassie sa may pintuan. "Akala ko po kailangan mo ng bagong hearing aid, Daddy." Napailing si Zayver. "Excuse me, anak? I'm not deaf." "Kasi tatlong beses na kitang tinawag, Daddy, hindi mo ako naririnig," nguso ng anak. "Busy ako, baby ko." "Ah okay po." Tumango-tango si Cassie. "Busy pala. Akala ko nag-freeze ka po. Kasi ayaw mo akong makausap." Nangunsenya na naman ang batang ito. "I'm thinking here, anak, nothing more," kaila niya. "Pareho lang p
They are safe Zayver/Calista POV Nang makita ng dalawang lalaki ang mga paparating na guwardiya, agad silang umatras at tumakbo palabas ng garahe. Sinubukan silang habulin ng mga security personnel, ngunit mabilis na nakasakay ang dalawa sa sasakyan at nakatakas. Naiwan sina Zayver at Calista sa loob ng garahe, kapwa hinihingal. "Are you hurt?" agad na tanong ni Zayver. Hinawakan niya ang mga braso ni Calista, sinusuri kung may sugat ito. "I'm fine," sagot niya. "Your wrist is hurt." Napatingin si Calista sa sariling kamay. Namumula ang bahaging hinawakan ng lalaki. Sobrang higpit kasi na halos hindi na makahinga ang ugat na nasa pulsuhan niya. "It's nothing," baliwalang sabi ni Calista. "That's not nothing," mariin na sabi niya. "Zayver, ako ang tinatanong mo, hindi ang sarili mo. Ikaw ang nasaktan, hindi ako. Namula lang ang pulsuhan ko pero wala akong sugat." Doon lamang niya napansing may dugo sa gilid ng noo nito. Hindi niya alam kung saan iyon naitama ka
Don't You Dare Touch HerZayver/Calista POV"Your mother's name?"Hindi makapaniwala si Zayver sa narinig. Anong kinalaman ng kanyang ina dito sa isyung ito?Nakatayo si Attorney Gabriel Sarmienez sa tabi ng lumang aparador, hawak pa rin ang litrato na tila ayaw niyang ipakita sa kanila."Bakit kasama ang pangalan ng mama ko sa lahat ng ito? May kinalaman ba siya dito?""Wala na tayong oras para ipaliwanag ko pa ang lahat." sagot naman ng attorney.Muling kumatok ang mga tao sa labas. Mas malakas na ngayon."Attorney Sarmienez! Open the door!"Rinig nila ang sigaw sa labas ng pinto. Hindi sumagot ang attorney.Napalingon si Calista sa bintana. Dalawa na ang sasakyan sa labas. Ang lalaking unang bumaba ay may kausap sa telepono, habang ang isa pa ay nakatayo sa tabi ng gate.Parang nagmamasid kung may paparating na sasakyan. Habang ang isa naman ay nandito sa pinto, kinakalampag ang pinto."Zayver," mahinang tawag niya. "Hindi sila mukhang mga pulis. Mukhang ang mga ito ay mga taong gu
Quarrel Zayver/ Calista POV Nasa dulo ng isang tahimik na residential road ang bahay ni Attorney Gabriel Sarmienez.Luma na ang gate ng bahay nila. Tuyo ang mga halaman sa gilid ng bakod. Halatang hindi na naaalagaan, at may mga dahong naipon sa hagdan ng bahay.Mukhang walang tao dito na naninirahan. Hindi kasi malinis ang bakuran ng bahay. Parang ang boring at ang lungkot.Bumaba si Zayver at sinuri ang paligid bago niya binuksan ang passenger door para kay Calista."Stay close to me.""Zayver, kaya kong maglakad nang hindi nawawala. Hindi ako mapapano dito.""Alam ko.""Then stop looking at me like I'm about to disappear."Napatingin siya rito. Hindi nakasagot si Zayver.Dahil sa isang iglap, bumalik sa isip niya ang limang taon na hindi niya alam kung nasaan si Calista. Ang mga panahong hinanap niya ito, galit at sugatan, nang hindi alam na may anak pala siyang dapat ding hinahanap."I'm trying," mahinang sabi niya.Nawala ang iritasyon sa mukha ni Calista, pero hindi siya ngum
The Man Who Knew Too Much Zayver POV "Hindi ka puwedeng sumama," iyon agad ang sinabi ko nang makita kong nakabihis si Calista. Napatingin si Calista sa akin na kasalukuyang nagsusuot ng aking coat sa entrance ng mansiyon. "Excuse me? Bakit hindi pwede?" "It's not safe there. Baka mapahamak pa tayo pareho." "Hindi mo pa nga alam kung ano ang plano ko," pasimangot na saad nito. "You're planning to come with me to Tagaytay. That's your plan." "Exactly. At paano mo nalaman?" "Because you're holding the address," taas-kilay kong sabi. Napatingin si Calista sa papel na hawak niya. Pagkatapos, tinaasan niya rin ako ng kilay. "Wow. CEO ka talaga. Detective din," sarkastiko niyang sabi. "Calista, I'm serious." "So am I." Inilagay niya ang papel sa bulsa ng kaniyang bag. "May sulat akong natanggap mula sa taong ito limang taon na ang nakalipas. Kung may alam siya tungkol sa nangyari sa atin, may karapatan akong marinig iyon mismo sa kaniya." "I can go alone, Calista!
About the PastZayver Pov Nang gabing iyon, dumating si Zayver sa dining room at nadatnan si Calista na nag-aayos ng mga gamit ni Cassie. "Can we talk?" iyon agad ang sinabi niya kay Calista. Hindi siya tumingin agad. Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa. "About what?" "About the past," diretsong sabi ni Zayver. Napahinto si Calista sa ginawa. "Which part? The part where your grandfather threatened me, or the part where you believed I left you because I stopped loving you?" seryosong tanong ni Calista. Masakit ang bawat salitang iyon, ngunit hindi umiwas si Zayver. "Both." simpleng sagot niya. Dahan-dahan siyang humarap. Tumingin siya ng seryoso kay Zayver. "What did you find?" "An old memo. It suggests someone arranged for you to leave before Cassie was born." Namutla si Calista sa narinig. "May pangalan ba?" "Augustus's initials are on it. But a page is missing, and I don't know if the initials prove he gave the order." mahinahon na sagot ni Zayver. Saglit na natahimi







