FAZER LOGINMARIANHindi ko mapigilang mapangisi habang mabilis akong umatras at sumiksik sa likod ng poste sa hallway ng hospital. Halos kumabog ang dibdib ko sa bilis ng pangyayari, pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement na ngayon ko lang ulit naramdaman. Nakita ko mismo ang reaksyon ni Shane kanina, at sapat na iyon para patunayan na gumagana ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng maraming buwan.Akala niya ako si Audrey.Hindi iyon simpleng pagkakamali o ilusyon lang. Ibig sabihin, nagawa ko nang lokohin ang mismong lalaking araw-araw nakatingin sa mukha ng totoong Audrey. Ibig sabihin, malapit na akong maging siya hindi lang sa itsura kundi pati sa buhay.“Marian, are you out of your mind?” mahina pero gigil na bulong ni Lea habang hinahatak ang braso ko palayo. “Andiyan ang totoong Audrey pwedeng malaman na may gumagaya sa kanya!”Napalingon ako sa kanya, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “But he didn’t,” sagot ko, “Hindi niya ako nakita nang buo. Just enough pa
AUDREYNakatayo lang ako sa tabi ng crib nila Troy at Tyler, tahimik na pinagmamasdan ang dalawa habang mahimbing silang natutulog. Ang liit pa nila, ang inosente, parang wala silang alam sa gulo na pinagdaanan namin bago sila dumating sa mundo. Dahan-dahan kong hinimas ang maliit na kamay ni Troy, saka tumingin kay Tyler na bahagyang gumalaw, parang nanaginip. Napangiti ako sandali… pero hindi nagtagal ang ngiting iyon.Hindi ako mapakali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko na ayaw mawala. Parang may mali. Parang may paparating. Parang hindi pa tapos ang problema kahit sinasabi ng lahat na okay na.Napahinga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko, pero lalo lang lumalalim ang kaba ko.“Love…” marahan na tawag ni Shane mula sa likod ko.Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Ramdam ko ang init ng katawan niya nang yakapin niya ako mula sa likod, marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Why?” tanong niya, mah
MirandaPagkalabas ni Lea sa visitation room, saka lang ako nakahinga nang malalim, parang ngayon ko lang ulit naramdaman na gumagana ang baga ko nang maayos. Nakaupo pa rin ako sa upuan, pero unti-unti kong ibinaba ang ulo ko, pinipilit ibalik ang sarili ko sa karakter na gusto nilang makita—yung babaeng unti-unti nang nawawala sa katinuan.“Patient 610,” tawag ng nurse habang papasok, may kasama pang dalawang staff na parang mga gwardya. “Time to go back to your room.”Hindi ako sumagot. Instead, tumingin lang ako sa kisame, saka ngumiti ng walang dahilan, yung tipong ngiti na kahit ako alam kong nakakainis tingnan. Pinagalaw ko pa ang ulo ko nang bahagya, parang may kausap na iba, kahit wala naman. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano sila nagtinginan—perfect. They’re buying it.Dahan-dahan nila akong inalalayan palabas ng room, parang fragile ako, parang anytime pwede akong magwala. Pero hindi ako lumaban. Hindi ko kailangang magwala ngayon. Hindi pa.Pagpasok ko sa kwarto k
MARIANNakita ko si Lea mula sa rearview mirror na tumatakbo palabas ng gate ng mental hospital, halos madapa sa pagmamadali habang yakap-yakap ang bag niya. Napangisi ako.There she is. Mukhang buhay pa naman. Alam kong kinakabahan siya, kitang-kita sa galaw niya. Pero at the same time… she did it.Pagbukas pa lang niya ng pinto ng kotse, halos nasigaw na agad siya.“Nabigay ko na kay Miranda yung smart watch! At Hindi siya baliw, matinong matino ang isip niya.”Hindi ko na siya pinatagal pa. Agad kong pinaandar ang kotse, mabilis pero kontrolado. Ayokong tumambay pa doon dahil masyadong risky.“Good,” sagot ko, diretso lang ang tingin sa kalsada. “At least marunong ka pa ring sumunod sa instructions.”“Grabe ka naman,” reklamo niya, napasandal sa upuan. “Hindi biro yung ginawa ko, ha. Halos hindi ako papasukin nung mga guard. Buti nalang dati akong extra sa mga movies. Nagamit ko yung mga acting skills ko.”Napangisi ulit ako.“Pero pinapasok ka pa rin,” sabi ko. “That’s what matter
LEANang mabalitaan ni Marian na inilipat na si Miranda sa isang mental hospital, parang wala lang sa kanya noong una pero kilala ko siya. Malamang ay may iniisip na naman siyang plano.Nasa loob kami ng kotse niya at naka parked sa gilid ng kalsada, medyo madilim dahil palubog na ang araw. Tahimik lang ako habang siya, parang may sariling mundo. Hanggang sa hindi ko na napigilan.Napailing ako at napabuntong-hininga.“Alam mo, Marian, kapag pumasok ka diyan… aakalain na ikaw si Audrey. What if someone recognizes you? What if tawagan nila si Mr. Lincoln? Mabubuking agad yang pang gagaya mo kay Audrey.”Hindi siya agad sumagot. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, tapos… ngumisi.Yung ngising ‘yon? Hindi ko gusto.“Hindi ba, Lea, sabi mo ay gusto mo makabawi sa lahat ng utang mo sa akin?”Parang may kumurot sa sikmura ko. Napakagat ako sa labi ko, hindi agad nakasagot.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta ‘to.“Simple lang,” sagot niya. “Ikaw ang pap
MIRANDADinala na nga nila ako sa mental asylum parang bangkay na walang kalaban-laban, tahimik na tinutulak sa isang lugar na hindi ko alam kung bilanggo ba ako o pasyente. Wala akong nagawa kundi sumunod habang pinapalitan nila ang damit ko.From my own clothes… to this. Isang puting patients uniform. Malinis, oo. Pero para sa akin, parang may kahulugan iyon na hindi ko matanggap parang tinatanggalan nila ako ng pagkatao.Napalunok ako habang tinitigan ko ang sarili ko. May maliit na tatak sa dibdib ng damit.“Patient 610…” bulong ko.Pagkatapos nila akong bihisan, iniwan nila ako sa isang kwarto. Doon ko napansin na sobrang tahimik.Hindi ito yung inaasahan kong lugar.Sa isip ko, dapat maingay. May sumisigaw, may tumatawa ng baliw, may umiiyak. Pero wala. As in wala. Parang ang buong lugar ay sinadyang lunukin ang lahat ng tunog. Nakakabingi ang katahimikan.“Bakit ganito…?” mahina kong sabi habang dahan-dahan akong pumasok sa loob.Sinara nila ang pinto sa likod ko. Narinig ko yu
MarianNapangisi ako. Nagtatago ako sa malayo, nakatingin sa hospital room ni Miranda. Doon na naman siya ginagamot. Balik na naman siya sa dati niyang gawi. Ang sarap sa pakiramdam."Buti nga sa'yo," bulong ko sa sarili.Alam kong paniguradong alam na ni Shane ang nangyari. Nakita na naman niya si
Marian Gulat na gulat ako ng makita sina Miranda, Agnes at Billy na nakangisi na lumalapit. Habang yung dalawang lalake ay may hilang tig isang sako na hindi ko alam kung ano ang laman.Bakit sila nandito? Anong nangyayari? Hindi ko gusto ang tinatakbo nito. May hindi tama!“Hmp! Akala mo siguro a
MARIANNasa loob pa rin ako ng kulungan. Ilang araw na ba? Hindi ko na mabilang. Ang dilim, ang baho, ang sakit sa ulo. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak."Bakit ko ba kasi ginawa ‘yun?" tanong ko sa sarili ko.Biglang bumukas yung pinto ng selda ko. Isang pulis ang nakatayo doon."May bisit
MIRANDA Hindi ko talaga mapigilan ang tumawa habang nakasandal ako sa malambot na upuan ng kotse namin. Ang sarap sa pakiramdam. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Marian bago namin siya iniwan sa lumang bahay na iyon. 'Yung panginginig ng mga kamay niya habang nakatingin sa mga sako ng daga at ip







