"Hindi na ako nagtaka kung bakit ikaw ang napili ni Boss," matapos niyang pindutin ang numero 7 sa elevator ay umiiling siyang tumingin sa akin mula paa hanggang sa aking ulo.
"Bakit po?" "Wala, pero kailan ka pa nag-apply?" tanong niya. Buti na lamang ay nakasabay ko siya papasok dito. Narinig niya kasi na hinahanap ko ang office ng CEO, buti isinabay niya ako, since parehas lang din daw ang floor kung saan ang table niya. "Kahapon lang po ako nagbigay ng resume." Nagsalubong ang kaniyang kilay at tinignan muli ako. "Na-interview ka ba?" "Hindi po." "Ay, so hindi ka niya nakita ng personal?" Umiling naman ako sa kaniya. "Bakit naman kaya?" Parang gulat na gulat niyang tanong. "Anong natapos mo kurso or anong maipagmamalaki mo?" "Ah, cumlaude po at natapos ko ang business management, wala na po akong ibang na-achieve, bukod doon." sagot ko at napayuko. "Cumlaude? Kaya... siguro dahil doon, hindi dahil sa nakita niya ang physical mong itsura." "Po?" "Ay, hindi ka nag-background check? Naku, delikado ka sa bagong CEO." "Bakit po? Masungit ba siya sobra?" Bumukas na ang elevator at nauna siyang lumabas, sumunod naman ako sa kaniya. "Masungit at makati ang boss natin, halika. Dito ka muna sa tabi ko, saktong 8 a.m. pa dumarating si Boss." sabi niya at sumunod naman ako sa kaniya, kinuhanan niya muna ako ng upuan, bago siya umupo at tumabi naman ako sa kaniya. Kahit hindi ko binibigyan ng pansin ang ibang empleyado rito, ramdam ko na nasa akin ang atensyon nila. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayoko sa labas magtrabaho, ayokong binibigyan ako ng atensyon, pakiramdam ko may hindi sila magandang sinasabi sa akin. "Payo ko lang ah, sa susunod mag-slacks ka na lang kapag papasok ka rito. Alam mo ba, isang buwan pa lang ang si Sir Ken dito pero halos lahat ng babae dito ay napasukan na niya ng sandata niya?" "Mahaba at masarap naman," isang magandang babae ang biglang sumulpot, nakaupo siya sa swivel chair at nasa tabi ngayon ng babae na kanina ko pa kausap. "Hi, I'm Kaina, isa ako sa napasukan ni Sir." humagikgik nitong sabi, pilit naman akong napangiti sa kaniya. Napasukan? "Ay, talagang proud ka pa, huh?" sarkastika niyang sabi kay Kaina. "Oo nga pala, ako si Trina, 'wag kang gagaya dito, isa ring makati." Kahit nahihiya at naguguluhan sa kanilang usapan, bahagya akong tumawa. "Ako si Chaira." "Taray, ikaw ang secretary? Hindi naman nakakapagtaka, magpapasok ka rin ba kay Boss Ken? Mahaba at malaki 'yon. Tapos pogi at sobrang hot. Perfect! Kailan kaya mauulit ang ginawa niya sa akin?" sambit ni Kaina at tumingala habang nakapikit, animoy inaalala ang pangyayari sa kanilang dalawa. Mukhang alam ko na ang kanilang ibig-sabihin. "Ikaw po ba, napasukan na rin?" tanong ko kay Trina at narinig ko ang pagtawa ng lahat ng nandito na empleyado, dahilan upang taka-taka akong mapatingin sa kanila. "Loka! Pinsan ko 'yon," sagot ni Trina. "Pero Trina, pwede na—" "'Yang kalandian mo, ilugar mo, Kaina." sambit ni Trina, dahilan upang mapakagat-labi si Kaina. "Ewan ko ba sa inyo at patay na patay kayo diyan sa pinsan ko, tuwang-tuwa pa kayo na ginagawa kayong laruan ng lalaking 'yon." Umiiling-iling niyang sabi. "At ikaw? Ganiyang babae ka rin ba tulad ng mga babae dito? Ang ikli pa sobra ng suot mo," tanong niya sa akin kaya agad akong napailing. "Hindi, nandito ako para magtrabaho. At ito'ng suot ko," sabi ko at binaba ang kaunti ang laylayan ng suot kong red na fitted dress. "Hinirama ko lang kasi 'to sa best friend ko e, wala kasi akong ibang damit." "Hays, pero kahit anong suot mo, kung ganiyan ang katawan at itsura mo, kakati talaga si Ken. Basta 'wag kang bibigay." sabi niya. Naku naman, nagkaroon pa ako ng iisipin agad pagpasok ko pa lang dito. Ganoon ba talaga kababaero ang bagong CEO? Talagang halos lahat ng babae dito nakatalik niya? Grabe naman. Ilang minuto pa ang dumaan at nasa baba na raw ang CEO at sinamahan na ako ni Trina sa office ng CEO kung saan doon rin daw ang office ko. Nang makapasok ako ay iniwan na ako ni Trina, nagbigay pa siya muli sa akin ng babala na mag-ingat kay Boss Ken— "Kendrick Darrell Rosales." Halos mailuwa ko ang mata ko sa gulat ng mabasa ko na nakaukit sa isang desk nameplate. Ano!? Siya ang bagong CEO ng KSales Play & Co. Inc.? Ano na namang kalokohan ang nangyayari sa buhay ko? Bakit siya na naman? Narinig ko na bubukas na ang pinto ng office kaya dali-dali akong tumungo sa magiging lamesa ko raw sabi ni Trina, medyo malayo sa lamesa ni Kendrick pero sa tabi niya pa rin nakapwesto. Nang pabukas na ang pinto ay ibinaba ko na ang aking bag sa lamesa, inayos ko pa ang aking suot, at napahinga ng malalim. Nang maramdaman ko na nakapasok siya ay yumuko agad ako. Sana hindi niya ako kilala o namumukhaan. Please.... "Good morning, Sir." nakayuko kong sabi, ngunit narinig ko lamang ang yabag ng kaniyang mga paa patungo sa kaniyang lamesa. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nakayuko. Tahimik na naupo si Kendrick sa kanyang swivel chair, at ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina. Sa dinami-rami, bakit siya na naman? Hindi ko inaasahan na magtatagpo ulit kami. Kinalimutan ko na ang tungkol sa nangyari noon nang nalasing ako sa club, tapos ngayon nakita ko na naman siya? Narinig ko ang tunog ng papel na iniikot niya sa kanyang mesa, at kasunod niyon ay ang malalim niyang boses. "Ano ang schedule ko ngayon?" Napakurap ako. Schedule? Oo nga pala. Wala pang nagtuturo sa akin kung ano mga dapat kong gawin! Halos kanina lang ako dumating, paano ko malalaman kung ano ang schedule niya? Mabilis kong iniikot ang paningin ko, hinahanap ang kahit anong pwedeng pagkunan ng sagot. Nanginginig pa ang kamay ko nang mapansin kong may isang clipboard na nakapatong sa lamesa ko. Mabilis kong binuklat ang mga papel doon, at doon ko nakita ang nakasulat na schedule ni Kendrick. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Sir, you have a board meeting at 10 AM, followed by a lunch meeting with Mr. Marquez at 12 noon. Then, at 2 PM, you have an interview with the press regarding the company's new project. At 4 PM, you have a conference call with our international partners." sabi ko at tahimik lamang siya. Napatigil ako at muling yumuko, kinakabahan sa kung tama ba ang mga sinabi ko. Narinig ko ang mahinang tunog ng ballpen na ipinang-tap niya sa kanyang desk. "Hmmm. Not bad." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pagsasabihan niya ako. "Pumunta ka kay Mr. Gonzales sa labas at sabihin mong ipasa niya sa akin ang latest financial report ng kumpanya," utos niya. "Okay, Sir." Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay tumango ako at halos nagmamadali nang lumakad papunta sa pinto. Gusto kong makalabas agad sa opisina para makalayo sa presensya niya... Pero bago ko pa maabot ang doorknob, napahinto ako. "Oh, and before I forget—Did I make you happy that night?" Nanigas ang buong katawan ko.... Hindi ko alam kung narinig ko lang ba ng mali ang sinabi niya o… totoo talaga 'yon? Dahan-dahan akong napalingon sa kanya, at nakita kong nakasandal siya sa kanyang upuan habang hawak ang ballpen sa kanyang kamay. Seryoso at walang emosyon siyang nakatingin sa akin. P*tng*na! Tama ba ako ng iniisip? Tungkol ba'to noong gabi na pinilit ko siya? Alam niya. Naalala niya. At ngayon, ano ang isasagot ko?"Ken," tawag ko sa kanya habang pinunasan ang pisngi kong basang-basa ng luha. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti.Nasa sala kami ngayon ng aking condo, nakaupo sa dining chair. Magaan pa rin niyang hinahawakan ang aking pulso."Thank you," sabi ko nang mahina. Pinunasan niya rin ang aking pisngi at panandaliang iniwan ang kanyang palad doon, ngayon ay natigil na rin ako sa pagluha."If you ever feel like you're not okay, can you please tell me?" tanong niya dahilan upang hindi ako makapagsalita. Ilang saglit pa, tinanggal na niya ang kanyang kamay sa aking pisngi at binitawan ang pulso ko. "Am I the reason you're crying?" muli niyang tanong, dahilan para mapailing ako."Ako ang dahilan, sarili ko lang," sagot ko nang nakayuko."That's exactly why you feel this way, because you keep blaming yourself," sagot niya, dahilan para mapakagat ako sa aking pang-ibabang labi."You are never wrong if your intentions and actions come from a good place, especially if it's for yourself." Iniha
"I really like you, Chaira," muli niyang sabi dahilan para maramdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "I want to be your man. I want to protect you, just like he protects his girl." Sabi nito at napatingin sa t.v. na pinapanood namin, nakita ko sa screen ang pagprotekta ni Hyung Sik sa partner niya sa mga zombies.Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniyang sinabi sa akin, kaya pilit na lamang akong napatawa ng mahina."'Wag kang mag-alala, hindi naman magkaka-zombie, hindi mo ako kailangan protektahan." Natatawa ko pang sabi."I'm serious, Chaira Espejo," sabi niya dahilan para matigil ako sa aking pagtawa. "I like you, and you don't have any idea how deep my feelings are.""Matulog na kaya tayo," sabi ko, at tatayo na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko.Bakit biglang ganito? Akala ko ba chill? Parang stress na 'to sa akin e."I'm not done. Can you listen to me first? Please?" sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko, at ang mga mata niya parang mapungay, napakaganda
"Sorry, nakaistorbo ba ako, lalabas na lang 'uli ako.""We're done talking," sabi ni Ken sa akin dahilan para matigil ako sa paglabas ng office. "And you can leave now, Trina," sabi naman ni Ken kay Trina na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.Iniwas na niya ang tingin sa akin, nilagpasan niya lamang ako at nagpatuloy na sa paglabas ng office.Hindi niya man lang ako binigyan ng tingin at ngiti na palagi niyang ginagawa kapag alam niyang nasa paligid ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung ano bang nagawa ko at biglang parang galit sa akin si Trina."How was it?" tanong ni Ken dahilan para mabalik ako sa wisyo."Umalis na po ang media, at nakausap ko ang isa sa kanila na gusto po nila mag-set tayo ng date kung kailan ka puwede mag-interview," sabi ko at umupo na sa table ko. Sinimulang tignan rin ang mga papers na nasa lamesa ako."Is it a one-on-one interview?""Yes, sir. But I already told them there was no need to schedule one since you don’t do interviews now. Sigur
"Wait!" biglang sabi ni Kaina at tumayo, dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kanya. "Gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sa team natin. Alam nating lahat kung gaano kahirap pero fulfilling ang journey na ‘to. Congrats sa atin!" sabi niya, dahilan upang mapangiti kaming lahat.Nandirito kami ngayon sa isang VIP room sa isang restaurant para sa isang Quick Toast & Casual Dinner, at magkakasama kaming lahat na team."Congrats, team! Ngayong gabi, mag-celebrate muna tayo dahil naging maayos ang project launch natin kanina, agaw-pansin tayo sa lahat at sa buong mundo. Bukas, mag-focus na 'uli tayo sa outcome, pero ngayon, celebrate muna tayo. Congrats! Cheers pa—" Natigil si Trina sa pagtaas ng baso niyang may lamang sparkling wine nang biglang nagsalita si Kaina."Saglit, Ms. Trina!" sabi ni Kaina. "Sila Ms. Chaira at Boss Ken naman, wala po ba kayong masasabi?" tanong niya sa amin, dahilan upang mapatingin ako kay Ken, na nakita kong seryoso naman na nakatingin sa akin. "Ha?
("Kumain ka na?")"Ken? Kakahatid mo lang sa akin, 'di ba?" sabi ko, hindi naiwasang matawa ng kaunti, at ibinaba ko ang aking bag sa lamesa.("Mali, dapat pala. Make sure you eat, okay? Don’t skip meals.")"Okay, babaan na kita ng linya, mag-focus ka sa pagda-drive," sabi ko at agad ko siyang binabaan ng linya. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Umiiling ako habang may kinukuha sa aking bag.Nang makuha ko ang underwear ko, naalala ko na naman ang pag-abot niya nito sa akin habang ako ay umiiyak sa balikat niya. At saka ko lang narealize, ngayon niya lang talaga binalik ito sa akin, ilang buwan na ang dumaan."Naku naman! Ba't ka tumawa, Chaira?" sabi ko at napasapo sa aking mukha nang mapansin kong tumawa ako dahil naalala ko iyon. "'Wag mong sabihin.... Naku naman! May gusto ka ba ulit sa kaniya?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa aking sarili. "Grabe! Talaga ba, Chaira?!"Bigla akong napahiga sa aking kama habang iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Nagugu
"Ayoko po," sagot ko agad, dahilan upang mapakrus siya ng kaniyang mga braso."Pasensiya na po, pero hindi ko po ugali ang magsinungaling. Sasabihin ko po sa kaniya na sinabi ko ang totoo sa inyo, at maghanap na lang po kayo ng ibang babae para magpanggap," sabi ko, at narinig ko ang biglang pagtawa niya."Earlier, you even asked for ten million, and now you're turning it down?""Yes po, kasi hindi ko akalain na kaya ninyong gawin iyon sa anak ninyo. Kung totoong girlfriend ako ng anak ninyo at mahal ako, kawawa naman pala si Sir Ken kung ganoon," sabi ko, dahilan upang tawanan niya lamang muli ako.May sapak rin pala sa utak itong si Mr. Rosales. Mag-ama talaga sila. "And what's your name again?" nakangiti niyang tanong."Chaira Espejo," sagot ko at tumayo na. "Puwede na po akong bumalik sa trabaho?" tanong ko, at tinanguan naman niya ako.Hala ka! Saglit? Tinanong niya ang pangalan ko? Paano kung paimbestigahan niya ako? Tapos gantihan niya ang pamilya ko dahil sa pagsagot ko sa ka