LOGINWade's POV “Wade…” tawag muli ni Lily sa akin. “Hindi ko sinasabing tapos na ang lahat,” putol ko, diretso ang tingin. “Pero… salamat.”Hindi ako madalas nagpapasalamat. Kahit kay Wayne na assistant ko ay hindi ko naman talaga pinapasalamatan. Pero kapag si Lily ang kaharap ko ay kusang lumalabas ang salitang ‘yon sa bibig ko.Tahimik lang siya. Ilang segundo, walang gumalaw hanggang sa marahan siyang tumango. “Walang anuman.”Nagtagal kami sa gano’ng katahimikan. Dalawang taong parehong sugatan, parehong hindi alam kung saan magsisimula. At sa labas, unti-unting sumikat ang araw, tumatama ang liwanag sa mukha niya, at sa unang pagkakataon mula nang magising ako, naisip kong baka hindi pa nga tuluyang huli ang lahat.“Uy, buhay na pala si master.”Si Wayne iyon, nakangisi at may bitbit pang kape, pero halatang hindi rin nakatulog nang maayos. Lumapit siya at tumayo sa paanan ng kama. Tumingin siya sa akin na parang gusto niyang siguraduhing hindi siya nananaginip.“Kala ko tuluyan
Wade's POV Mainit. Iyon agad ang unang naramdaman ko pagdilat ng mga mata ko. Mainit at mabigat ang pakiramdam ko, parang ilang araw akong tulog. Saglit kong sinubukang igalaw ang kamay ko pero parang may nakakabit — may benda, may linya ng IV.Mabagal kong inikot ang paningin ko, at doon ko siya nakita. Si Lily. Nakaupo siya sa tabi ng kama, nakasandal, nakatulog habang hawak pa rin ang kamay ko. Magulo ang buhok niya at may bahid ng pagod sa mukha, pero sa kabila noon, may kakaibang katahimikan sa paligid. Ang kamay niyang nakahawak sa akin, mahigpit na parang takot siyang mawala ako.Hindi ko alam kung bakit, pero kahit anong galit o sakit ang dapat kong maramdaman, nawala iyon sa isang iglap.Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Kaya mong patawarin nang paulit-ulit. Kahit gaano pa kasakit ang nagawa niya?Gumalaw ako nang kaunti, at napakislot siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, at pagtingin niya sa akin, para bang huminto ang oras.“Wade…” mahina n
LILY'S POVLumayo ako sa kama ni Wade at nagpasyang maupo sa mahabang sofa. Kinuha ko ang wrist watch ko sa bulsa ko. Hinubad ko kasi iyon kanina dahil naghugas ako ng mga kamay. Sinilip ko ang oras. Mag-aalas-diyes na ng gabi.Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng kama. May bagong mensahe mula kay Alena.ALENA: Kumusta ka na?Napabuntong-hininga ako bago nag-type ng sagot.AKO: Ayos lang ako, ikaw ba? Nandito ako ngayon sa ospital.Ilang segundo lang, tumawag siya. Sinilip ko muna si Wade—mahimbing pa rin ang tulog niya, marahan ang paghinga. Saka ko sinagot ang tawag.“Lily?” agad na sabi ni Alena, may halong pag-aalala sa boses niya. “Bakit ka nasa hospital? May nangyari ba?”Napahinga ako nang malalim. “May nangyari… kay Wade.”“Si Wade?” mabilis niyang tanong. “Ano’ng nangyari sa kaniya?” Tahimik ako saglit. Parang nanigas ang lalamunan ko. “Nilason siya,” mahina kong sabi.Natigilan si Alena. “Ano?” “Nilason siya,” ulit ko, halos pabulong. “At ako… ako ang dahilan kung baki
LILY'S POV Tahimik ang gabi sa labas ng hospital. Sa loob ng kwartong iyon, tanging tunog lang ng heart monitor at mahinang ugong ng aircon ang maririnig. Mula sa couch kung saan ako nakaupo, tanaw ko si Wade na mahimbing na natutulog. Nakasuot pa rin siya ng oxygen cannula. Maputla siya pero mukhang kalmado naman ang kaniyang mukha.Hindi ako umuwi kagabi. Hindi ko kayang iwan siya sa ganitong kalagayan. Hindi ko rin alam kung paano ako pinayagang manatili rito — siguro utos ni Wayne, o baka dahil ayaw ko talagang lumabas nang hindi ako sigurado kung hihinga pa siya sa susunod na minuto.Napahawak ako sa dibdib ko, pakiramdam ko’y ang bigat-bigat. Kanina lang, sinabi kong ginamit ko siya. Sinaktan ko siya sa paraang hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot. At ngayong nakikita ko siyang nakahiga ro’n, parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Pero paano pa? Hindi naman niya kailangang marinig ang kahit ano mula sa isang gaya ko. Ito ang gusto ko noon – ang saktan siya at ip
Wayne's POVTahimik akong nakaupo sa hallway ng hospital. Nakasandal ako sa malamig na pader habang nakatingin sa ilaw ng emergency sign. Ilang oras na rin akong naroon, pero kahit ilang tasa ng kape ang inumin ko, hindi pa rin mawala ang bigat at kaba sa dibdib ko.Nang lumabas ang doktor mula sa silid ni Wade, agad akong tumayo. “Doc,” tawag ko, at agad siyang huminto, nilingon ako. “Mr. Serrano, right?” sabi niya, habang inaayos ang hawak na chart. “You’re a close associate of Mr. Chilton?”Tumango ako. “Yes, doc. Ako po ang business partner niya. Kumusta siya?”Huminga nang malalim ang doktor bago sumagot. “Stable na siya, but still weak. The poison caused strain in his system at kung patuloy siyang ma-stress, babagsak ulit ang katawan niya. He needs to rest not just physically, but mentally. He has to be in a calm environment if we want him to recover completely.”Natahimik ako sandali. “I see,” mahina kong sagot. “So bawal siyang maistorbo. Bawal ang masyadong emosyon.”Tum
LILY'S POVDahan-dahan kong inilayo ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niyang dati kong pinaniniwalaang ligtas na kanlungan.“Kumalap ako ng impormasyon, ng paraan para makaganti. At kumagat ka, Wade. Bawat pain ko, kumakagat ka.”Bahagya akong natawa pero mapait iyon at puno ng luha. “Sa tuwing hinahalikan mo ako… sa tuwing tinitingnan mo ako gamit ang iyong mga mata ay diring-diri ako sa sarili ko. Kasi alam kong niloloko kita. Pero buong akala ko noon, tama ‘yon. Akala ko ay ikaw ang pumatay kay papa. Akala ko, karapat-dapat ka sa lahat ng sakit na maibibigay ko.”Napatigil ako saglit. “Lahat ng ginawa ko,” tuloy ko, mas humina ang boses ko. “Lahat ng mga sinabi ko, lahat ng ipinakita kong emosyon ay parte lang lahat ng plano kong mapalapit sa’yo. Wala akong naramdaman para sa’yo, Mr. Chilton.”At sa huling salitang iyon, napatingin ako sa kaniya. Tahimik pa rin siya. Pero kitang-kita ko kung paano unti-unting bumagsak ang mga balikat niya, kung paano na







