Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 25 Bravery Kills Doubt

Share

Kabanata 25 Bravery Kills Doubt

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-06 18:44:25

Marahang lumuwag ang kamay ni Wade sa leeg ko. Isang maliit na biyayang nagbigay sa akin ng lakas para huminga at mag-isip.

“T-Totoong nagbasa ako ng mga libro rito,” pag-amin ko, halos pabulong.

Kumunot ang noo ni Wade. “Ano pa ang ginawa mo bukod doon?” tanong niya, kalmado ang boses pero mabigat, parang bagyong naghihintay lang ng dahilan para sumabog.

Ramdam ko ang malamig na pawis na gumapang sa batok ko. Napapikit ako, pilit pinapakalma ang sarili, kahit alam kong anumang maling sagot ay katumbas ng isa na namang parusa.

“Nakita ko ang computer mo sa mesa—ahh!”

Napasigaw ako nang biglang tumama ang kamao ni Wade sa mesa, kasabay ng malakas na kalabog na umalingawngaw sa buong silid. Nanginginig akong napamulat. Kaunting sentimetro na lang, at mukha ko na sana ang tinamaan.

Napatitig ako sa kamay niyang nakatukod sa gilid ko. Kita ko ang pulang marka ng pwersa ng suntok, ang ugat sa braso niyang nangingintab sa galit. Napalunok ako, ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko, b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
ty po sa pag update mis docky....
goodnovel comment avatar
Chanel Louis
Saved by Zaid ...
goodnovel comment avatar
Chanel Louis
Saved Zaid... Makakalabas k n Lily..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 45 Leaving the mansion (Part 2)

    Mabilis na humiwalay si Zaid sa akin. “S-sorry, Miss Russell. Nag-aalala lang kasi talaga ako sa iyo. After that incident, hindi na kita nakita pa kagabi. Nasira rin ang phone ko kaya hindi rin ako nakapagtext o nakatawag man lqng sa‘yo. Ayos ka na ba? Wala ka na bang nararamdamang sakit? May doctor bang nagcheck agad sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Zaid.Sinipat ni Zaid ang kabuuan ko. Huminto ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa handle ng maleta. Unti-unting umawang ang labi niya sa gulat. Bahagyang siyang napaatras. “W-What’s happening? A-Aalis ka? Pinapaalis ka ba ni kuya?” Napahinto si Zaid, tila unti-unti ay may naalala siya. “D-Don’t tell me may ginawang masama sa’yo si Kuya Wade?” Umiling ako. “Z-Zaid, calm down, okay? Walang ginawang masama ang kuya mo sa akin. Kalimutan mo na ang nangyari kagabi, ibaon mo na ‘yon sa limot. Ang importante ay nailigtas ka…nailigtas tayo. That’s what matter the most.”“P-Pero–” “Zaid, let’s just forget what happened last night,” gi

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 44 Leaving the mansion (Part 1)

    Alam kong ang pinaka ayaw ni Wade sa lahat ay ang matalo. Hindi ko alam kong gagana ba ito o hindi. Ang pag-uugali niya na kung saan ayaw na ayaw niyang nalalamangan siya o ayaw niyang mawalan ng kontrol ay gagamitin ko laban sa kaniya. Kahit pa sa loob-loob ko ay naiinis ako dahil nagmumukha akong cheap sa desisyon niyang panatilihin ako sa buhay niya pero bilang parausan niya lang. At wala siyang balak gawin akong, Mrs. Chilton. If it weren’t for the justice I am seeking, wala naman talaga akong pakialam sa pagiging Mrs. Chilton, pero kung iyon ang mas magbibigay sa akin ng daan para mapasok ang mundo ni Wade Chilton ay gagawin ko. Even if it means marrying the demon himself. If he won’t chase after me, then mag-iisip pa ako ng ibang paraan para seryosohin niya ako.‘Pero what if bumalik na lang ako? At humingi ng tawad? That I was just being impulsive? Na babalik na ako sa pagiging masunuring girlfriend?’ Biglang sumagi sa isipan ko ang pagsisisi ng ilang minuto na ang lumipas pero

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 43 Not your girlfriend anymore

    Bahagyang nagtaas ng kilay si Wade, parang natatawa sa sinabi ko. “Mistress? Girlfriend? That’s the same thing for me,” malamig niyang sagot, sabay baling ng tingin sa labas ng bintana na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.Napahawak ako sa kumot. Pinipigilan kong ipakita ang panginginig ng kamay ko sa kaniya. Hindi iyon dahil sa takot, kung hindi dahil sa galit. “So that’s it? Gano'n lang ba ‘yon sa iyo, Wade? Para bang isa lang akong laruan na kapag nagsawa ka na ay puwede mo na akong itapon?”Huminga siya nang malalim, mabigat at walang emosyon. “Lily, huwag mong bigyan ng kulay ang mga bagay. Alam mo naman kung ano ‘to sa simula pa lang. You knew the deal. Isa pa, ikaw ang nagmakaawa sa akin. Ikaw ang unang lumapit.”“Deal?” mapait akong natawa. “Alam kong ako ang nagbigay ng motibo, pero hindi ibig sabihin noon ay pumapayag akong habang-buhay na maging side chick mo lang, Wade. I was so stupid to expect something from you.”Mabagal siyang humarap sa akin, nakakunot ang

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 42 Black Card

    LILY'Z POVNanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Wade, I— I wasn’t myself! You knew I was drúgged!”“Exactly.” Tumitig siya sa akin, malamig at matalim. “That’s why I tried to stop you. But you wouldn’t let me. You were trembling, crying, calling my name—” Huminto siya saglit, parang nag-iisip pa kung ano ang sunod niyang sasabihin. “Don’t make it sound like I forced you, Lily. Ikaw rin mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyong ‘yon. Masyado ka kasing nag-alala sa kapatid ko—na itinaya mo pa ang sarili mo para mailigtas siya.”Umalis si Wade sa pagkakaibabaw sa akin. Agad akong napapikit dahil kagaya ko ay wala rin siyang saplot. “Open your eyes,” mariing utos ni Wade. Napamulat ako ng mata. Napalunok ako sa nakita ko. Nagsiakyatan ang dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Siraulo ba siya? O ito ang fetish niya?“Nakita mo na ’to kagabi, bakit ka pa mahihiya?” nanunuya niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay.“H-Hindi, ah!” mabilis kong tugon

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 41 The Consequence of Saving Zaid

    LILY'S POVNapaungol ako nang magising ako. Ang bigat ng ulo ko at parang binibiyak ang sintido ko sa sakit. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko, kaya’t bahagya akong umupo para uminom ng tubig sa tabi ng kama. Pero bago ko pa iyon magawa, napahinto ako.Malamig. Masyadong malamig.Agad kong ibinaba ang tingin at doon ko napagtanto na wala akong suot na damit. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinila ang kumot at itinakip sa katawan ko. Halos mapahingal ako sa gulat.Ano ‘to? Bakit wala akong suot? Nasaan ako?Kinabahan ako at dahan-dahang tumingin sa kaliwa. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko si Wade. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nakahubad din siya tulad ko at ang puting kumot lang ang nakatakip sa kalahati ng katawan niya.Parang huminto ang mundo ko. Hindi, hindi p'wedeng mangyari ‘to.Napatitig ako sa kaniya. Umaasa akong magigising mula sa isang bangungot. Pero nang marinig kong dahan-dahan siyang huminga at gumalaw, lalo akong nataranta. Napahawak ako nang mahigpit sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 40 It's your fault

    Zaid’s POV“Nasa’n si Miss Lily?” agad kong tanong pagkapasok pa lang sa sasakyan. Ramdam ko ang kirot sa mukha at tagiliran ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba.Nag-aalala ako sa kalagayan ni Miss Russell lalo pa’t nasa ilalim siya ng droga. Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ang sinapit niya sa kamay ng mga barumbadong ‘yon!“Wala kang dapat ipag-alala, young master,” sagot ng assistant ni Kuya na si Wayne. Kalmado ang tono niya. “She’s safe with your brother. Sa ngayon ay dadalhin muna kita sa hospital para ipagamot—”“What?” mabilis kong putol. Medyo tumaas ang boses ko. “Hospital? Hindi ba puwedeng sa bahay na lang? May sarili naman kaming doktor, ‘di ba? Papuntahin mo na lang doon. Baka nasa bahay rin sila Kuya Wade at least… ma-check rin si Miss Russell ng doktor. Baka may magawa siya para maalis sa sistema ni Miss Russell ang droga.”Mabilis na umiling si Wayne. Halatang naiilang siya. “Mahigpit na bilin ni Master Wade na kayo po mismo ay dadalhin ko sa hospital. At

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status