Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 24 Admitting One Mistake but Not All

Share

Kabanata 24 Admitting One Mistake but Not All

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-06 18:42:18

Napalunok ako sa narinig ko. Isang maling sagot ko lang… at mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi puwedeng dito matatapos. Hindi pa tapos ang lahat. Ito pa lang ang umpisa ng mga plano ko.

“Ahh!” napasinghap ako nang biglang hilahin ni Wade nang marahas ang buhok ko. Ang sakit ay umakyat mula anit ko hanggang batok, parang apoy na kumakalat sa balat ko.

“Sagutin mo ako!” bulyaw ni Wade. Halata sa kaniyang ekspresyon na inip na inip na siya sa mga pasakalye ko. “Ayaw na ayaw ko sa lahat iyong pinapaulit ang mga sinasabi ko. Akala ko ba matalino ka? Simpleng sagot lang hindi mo pa maibigay?”

“W-Wala akong aami—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Isang malakas na sampal ang dumagundong sa pisngi ko.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo, maalat at mainit, dumadaloy sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sakit at pagkabigla. Ikamamatay ko yata kapag patuloy niya akong sasaktan nang ganito…

Ang mga mata ni Wade ay walang bakas ng pagsisisi, walang kahit isang kisap ng pagdadal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 46 Leaving the mansion (Part 3)

    “I didn’t take advantage of her, Zaid. Alam mong hindi ko gawain ‘yan, kapatid. Ang mga babae ang kusang lumalapit sa akin, kagaya ni Lily–” “Wade!” inis na agap ko. Hindi naman niya kailangang ipangalandakan na may nangyari sa aming dalawa! Bumaling sa akin si Wade. “I am your boyfriend.” “Hindi! Hiwalay na tayo,” giit ko. “I clearly told you, tapos na tayo. At aalis na ako sa bahay mo. Tigilan mo na ang mga kalokohang sinasabi mo, Wade–” “Pumayag ba ako na maghiwalay tayo, Lily? I never said yes. Clearly speaking, you are still my girlfriend. So stop protecting that stupid child,” iritadong sambit ni Wade. “W-Wade!” gulat na bulalas ko nang bigla siyang naglakad papalapit sa amin. “A-Aray!” reklamo ko nang bigla niya akong hilahin patayo at naglakad papalayo ng kaunti kay Zaid. “‘Wag mo siyang saktan!” sigaw ni Zaid. “Oh, please, Zaid. ‘Wag kang makialam sa amin ng girlfriend ko. You go to your room and reflect on your mistakes. Kasi wala sanang mangyayari sa amin ni Lily ku

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 45 Leaving the mansion (Part 2)

    Mabilis na humiwalay si Zaid sa akin. “S-sorry, Miss Russell. Nag-aalala lang kasi talaga ako sa iyo. After that incident, hindi na kita nakita pa kagabi. Nasira rin ang phone ko kaya hindi rin ako nakapagtext o nakatawag man lqng sa‘yo. Ayos ka na ba? Wala ka na bang nararamdamang sakit? May doctor bang nagcheck agad sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Zaid.Sinipat ni Zaid ang kabuuan ko. Huminto ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa handle ng maleta. Unti-unting umawang ang labi niya sa gulat. Bahagyang siyang napaatras. “W-What’s happening? A-Aalis ka? Pinapaalis ka ba ni kuya?” Napahinto si Zaid, tila unti-unti ay may naalala siya. “D-Don’t tell me may ginawang masama sa’yo si Kuya Wade?” Umiling ako. “Z-Zaid, calm down, okay? Walang ginawang masama ang kuya mo sa akin. Kalimutan mo na ang nangyari kagabi, ibaon mo na ‘yon sa limot. Ang importante ay nailigtas ka…nailigtas tayo. That’s what matter the most.”“P-Pero–” “Zaid, let’s just forget what happened last night,” gi

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 44 Leaving the mansion (Part 1)

    Alam kong ang pinaka ayaw ni Wade sa lahat ay ang matalo. Hindi ko alam kong gagana ba ito o hindi. Ang pag-uugali niya na kung saan ayaw na ayaw niyang nalalamangan siya o ayaw niyang mawalan ng kontrol ay gagamitin ko laban sa kaniya. Kahit pa sa loob-loob ko ay naiinis ako dahil nagmumukha akong cheap sa desisyon niyang panatilihin ako sa buhay niya pero bilang parausan niya lang. At wala siyang balak gawin akong, Mrs. Chilton. If it weren’t for the justice I am seeking, wala naman talaga akong pakialam sa pagiging Mrs. Chilton, pero kung iyon ang mas magbibigay sa akin ng daan para mapasok ang mundo ni Wade Chilton ay gagawin ko. Even if it means marrying the demon himself. If he won’t chase after me, then mag-iisip pa ako ng ibang paraan para seryosohin niya ako.‘Pero what if bumalik na lang ako? At humingi ng tawad? That I was just being impulsive? Na babalik na ako sa pagiging masunuring girlfriend?’ Biglang sumagi sa isipan ko ang pagsisisi ng ilang minuto na ang lumipas pero

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 43 Not your girlfriend anymore

    Bahagyang nagtaas ng kilay si Wade, parang natatawa sa sinabi ko. “Mistress? Girlfriend? That’s the same thing for me,” malamig niyang sagot, sabay baling ng tingin sa labas ng bintana na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.Napahawak ako sa kumot. Pinipigilan kong ipakita ang panginginig ng kamay ko sa kaniya. Hindi iyon dahil sa takot, kung hindi dahil sa galit. “So that’s it? Gano'n lang ba ‘yon sa iyo, Wade? Para bang isa lang akong laruan na kapag nagsawa ka na ay puwede mo na akong itapon?”Huminga siya nang malalim, mabigat at walang emosyon. “Lily, huwag mong bigyan ng kulay ang mga bagay. Alam mo naman kung ano ‘to sa simula pa lang. You knew the deal. Isa pa, ikaw ang nagmakaawa sa akin. Ikaw ang unang lumapit.”“Deal?” mapait akong natawa. “Alam kong ako ang nagbigay ng motibo, pero hindi ibig sabihin noon ay pumapayag akong habang-buhay na maging side chick mo lang, Wade. I was so stupid to expect something from you.”Mabagal siyang humarap sa akin, nakakunot ang

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 42 Black Card

    LILY'Z POVNanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Wade, I— I wasn’t myself! You knew I was drúgged!”“Exactly.” Tumitig siya sa akin, malamig at matalim. “That’s why I tried to stop you. But you wouldn’t let me. You were trembling, crying, calling my name—” Huminto siya saglit, parang nag-iisip pa kung ano ang sunod niyang sasabihin. “Don’t make it sound like I forced you, Lily. Ikaw rin mismo ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyong ‘yon. Masyado ka kasing nag-alala sa kapatid ko—na itinaya mo pa ang sarili mo para mailigtas siya.”Umalis si Wade sa pagkakaibabaw sa akin. Agad akong napapikit dahil kagaya ko ay wala rin siyang saplot. “Open your eyes,” mariing utos ni Wade. Napamulat ako ng mata. Napalunok ako sa nakita ko. Nagsiakyatan ang dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Siraulo ba siya? O ito ang fetish niya?“Nakita mo na ’to kagabi, bakit ka pa mahihiya?” nanunuya niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay.“H-Hindi, ah!” mabilis kong tugon

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 41 The Consequence of Saving Zaid

    LILY'S POVNapaungol ako nang magising ako. Ang bigat ng ulo ko at parang binibiyak ang sintido ko sa sakit. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko, kaya’t bahagya akong umupo para uminom ng tubig sa tabi ng kama. Pero bago ko pa iyon magawa, napahinto ako.Malamig. Masyadong malamig.Agad kong ibinaba ang tingin at doon ko napagtanto na wala akong suot na damit. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinila ang kumot at itinakip sa katawan ko. Halos mapahingal ako sa gulat.Ano ‘to? Bakit wala akong suot? Nasaan ako?Kinabahan ako at dahan-dahang tumingin sa kaliwa. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko si Wade. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nakahubad din siya tulad ko at ang puting kumot lang ang nakatakip sa kalahati ng katawan niya.Parang huminto ang mundo ko. Hindi, hindi p'wedeng mangyari ‘to.Napatitig ako sa kaniya. Umaasa akong magigising mula sa isang bangungot. Pero nang marinig kong dahan-dahan siyang huminga at gumalaw, lalo akong nataranta. Napahawak ako nang mahigpit sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status