Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 4 Stepping into his Den

Share

Kabanata 4 Stepping into his Den

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-09-28 21:03:24

“Kuya, bakit dumudugo ang kamay mo? Anong nangyari?"

"Huwag ka nang magtanong. Bakit ang aga mo yatang nagising? Sabihin mo sa kusinera natin na ipagluto ako ng paborito kong dish. Aakyat lang ako sa taas para maligo at magbihis.”

"Pero Kuya Wade, ang kamay mo…"

Napatigil ako sa pagtitimpla ng kape nang marinig ko ang pangalan niya. Matapos kong magpakalasing noong isang araw, maingat kong pinlano at pinag-isipang mabuti kung ano ang susunod kong hakbang. At heto. Nakatungtong na ako sa mansyon ng lalaking kinamumuhian ko.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng dalawa. Nakita ko ang dumudugong kamay niya. Marahil ay tungkol pa rin iyon sa nabalitaan kong ipinatapon daw niya sa Iran ang isa sa mga head ng kaniyang company dahil nag traydor ito sa kaniya. May isang USB siyang hinahanap. Ang hindi ko sigurado sa ngayon ay kung alam na ba niyang ako mismo ang nakakuha ng bagay na nawawala sa kaniya. Hindi ko mapigilang matuwa dahil naisahan ko ang isa sa mga tao niya.

“Hindi ko ito ikamamatay. Pagbaba ko, nais kong nakahayin na sa mesa ang pagkaing ipinahahanda ko.”

Nang masiguro kong nakaalis na si Wade ay saka ako lumabas ng kusina para salubungin ang nag-iisang kapatid niyang si Zaid. Agad akong ngumiti sa kaniya.

“P'wede na ba tayong magsimula, Zaid?"

"Miss Russell, p'wede ka nang pumunta sa may living area. May kailangan lang akong asikasuhin.”

"Sige. Hintayin na lang kita roon.”

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa living room ay inaaral ko ang bawat sulok ng mansyon. Dalawa lang silang nakatira rito kasama ang mga piling tauhan. Maingat si Wade kaya hindi siya basta-basta nagpapapasok ng kung sino sa kaniyang teritoryo pero kabaligtarang-kabaligtaran ng ugali niya ang ugaling mayroon ang kapatid niya. Mas madaling paikutin si Zaid kumpara sa kuya niya.

Nang makarating ako sa may living area ay agad kong nakita ang piano na malapit sa may bintana. Hilig ko ang tumugtog noon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na umupo at gamitin ang instrumento. Isa pa, malapit nang bumaba mula sa kaniyang silid si Wade. Bago pa man niya marating ang dining area ay dadaan muna siya sa living area kaya sigurado akong mapapansin niya ako.

Ngumisi ako nang marinig ko ang mga yabag na nagmumula sa may hagdanan. Sigurado akong siya ‘yon. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtugtog sa piano hanggang sa…

“Multo by Cup of Joe. Well played but it will be better if you will try to sing it while playing the piano.”

Umupo si Wade sa aking tabi. Tumigil agad ako sa pagtugtog at saka tumayo para harapin siya. I acted like I was surprised to see him at his own house.

“Mr. Chilton, what a coincidence.” I smiled at him as if nothing happened between us when we met last time. He almost killed me for Pete's sake!

He smiled back. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nais kong umatras pero hindi ko ginawa. Kung iiwasan ko siya, ipapakita ko lang sa kaniya na natatakot na ako sa kaniya. At kapag nangyari ‘yon, he will surely use that fear to control and to manipulate me.

“Coincidence?” He smiled then he gave me a deadly stare. "Miss Russell, sa tingin mo, maniniwala akong nagkataon lang ang paglitaw mo sa harapan ko, sa mismong pamamahay ko?”

Napatingala ako sa kaniya nang bigla niyang pinisil ang aking mga pisngi.

“You're here to sedúce me, aren't you?"

Ngumisi ako habang pisil-pisil pa rin niya ang aking mga pisngi.

“Believe it or not, I am not here for you, Mr. Wade Chilton." Ang nakangiti kong mga mata ay biglang naging seryoso. I need to intimidate him too.

Lumabas na naman ang dimples niya.

“You don't need to pretend in front of me, Lily. Hindi ba’t nabitin ka last time kaya hinanap mo ang bahay ko para ipagpatuloy ang naudlot mong plano? Don't act foolish. Let me see how serious you are."

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang niya akong hínalikan. Kinarga niya ako at iniupo sa may piano. Ang parehong kamay niya ay nakahawak na sa pwét ko. Fúck! He's kissing me aggressively! Hindi p'wedeng magpatuloy ang ganito!

Marahas kong itinulak si Wade dahilan para makagat niya ang kaniyang labi. Namewang siya at saka ako tiningnan na para bang hinuhúbaran na niya ako sa kaniyang isipan.

“Hindi ba’t ito ang gusto mo, Miss Russell? Why act so reserved?"

I composed myself. “Tulad ng sinabi ko kanina, hindi ikaw ang ipinunta ko rito. Last time, pinaghinalaan mo ako, hindi ba? Bakit bigla yatang nagbago ang isip mo? Naniniwala ka nang may gusto lang ako sa'yo at wala akong ibang binabalak na iba tulad ng inaakala mo?”

I saw how he clenched his fists.

"Kung hindi ako ang pakay mo, sino?”

"Miss Russell, p'wede na tayong mag-umpisa.”

Napalingon si Wade sa kaniyang likuran. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo.

"Sige, Zaid."

Ngumiti ako nang maramdaman ko ang matatalim na titig sa akin ni Wade. I could feel his disappointment. It was drawn all over his face.

Nilampasan ko si Wade. Nasa tabi na ako ngayon ng kapatid niya. Marahan kong inakbayan si Zaid.

“Let's go to your study room, Zaid.”

Hahakbang pa lamang kaming dalawa ni Zaid nang biglang nagsalita si Wade. Ngumisi ako. Hindi ko akalaing mag-re-react siya nang ganito kabilis.

"Zaid, magkakilala kayo ni Miss Russell?”

Humarap si Zaid kay Wade.

“She's my new math tutor, kuya. Bakit? Magkakilala ba kayong dalawa?" tanong ni Zaid habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Wade.

Nagulat kaming pareho nang biglang tumawa nang mahina si Wade.

“She’s just one of my acquaintances. By the way, nakahayin na ba ang paborito kong dish? Nagugutom na ako.”

"Oo, kuya. Nakahanda na ang mesa,” mabilis na tugon ni Zaid.

"Kung gano'n, bakit hindi mo muna imbitahing kumain si Miss Russell? Sigurado akong labis-labis ang mga nakahaying pagkain para sa akin. Baka hindi pa rin siya nag-uumagahan.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang malagkit akong tiningnan ni Wade mula ulo hanggang paa. Binasa pa niya ang labi niya na para bang nagpapaalala nang nangyari sa amin kanina. Talaga bang naniniwala na siyang may gusto lang ako sa kaniya kaya ko siya intensyonal na nilapitan? Hindi na kaya siya naghihinala sa akin?

“Salamat sa paanyaya pero busog pa ako. Nag breakfast na ako bago pa man ako pumunta rito." Bumaling ako kay Zaid. “Halika na."

“Zaid, when and where did you meet your math tutor?”

"She was Miss Rei’s substitute when she's on maternity leave. Dalawang buwan ko rin siyang niligawan kuya para maging private math tutor ko. Fortunately, she said yes yesterday. She taught us Algebra in a span of three months. Bakit mo natanong, kuya?”

“Wala naman. Umuna ka na sa study room mo, Zaid. May pag-uusapan lang kami ni Miss Russell."

“P-Pero, ku—…"

Tututol pa sana si Zaid.

“Zaid, sige na. Mauna ka na muna. Ihanda mo ang mga activities at topics na ididiscuss ko sa'yo buong araw. Susunod din agad ako," nakangiti kong sambit kay Zaid.

“Sige, Miss Russell."

Nang makaalis si Zaid ay biglang pumalakpak si Wade.

“What's that for?" kunot-noo kong tanong.

“Tell me, Miss Russell. Kailan mo pa ako ini-stalked? Are you…”

Muli na naman siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga hibla ng buhok ko at saka iyon isinumping sa aking tainga.

“Are you willing to go this far para lang mapansin kita? Para lang mapalapit ka sa akin? Gaano…”

Napasinghap ako nang bigla niya akong sinunggaban ng halík sa leeg. This man!

"Gaano mo ba ako kagusto?”

Ramdam ko ang biglaang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. Napalunok ako habang napapatingala. Ang kaniyang kamay ay nagsimula na namang maglakbay sa aking katawan.

“Mamaya, pagkatapos mong magturo sa kapatid ko, ako naman ang turuan mo."

Napataas ang isa kong kilay. Anong ibig niyang sabihin?

“Nagpapatawa ka yata, Mr. Chilton. Ano naman ang ituturo ko sa'yo?"

Biglang sumeryoso ang mga mata niya.

“Turuan mo akong magustuhan ka, Miss Russell."

Muntik na akong mapaubo sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Hindi ko akalaing may side na ganito ang isang ruthless na Mr. Chilton.

Tumawa ako nang mahinhin.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko, Miss Russell?"

Pilit kong itinigil ang aking pagtawa. “W-Wala naman. Hindi ko lang akalain na may pagka corny ka rin pala."

Hinaplos niya ang aking mukha. Nagkunwari akong nagulat nang makita ko ang sugat sa kaniyang kamay. Agad ko iyong hinawakan.

"Anong nangyari sa kamay mo, Mr. Chilton?”

I need to act concerned. Kahit na binalaan ako ng best friend ko tungkol sa delikadong pamilyang ito, itutuloy ko pa rin ang aking plano. Gagawin ko ang lahat para lang maging girlfriend ni Wade. At kung kinakailangang makipaglaro ako ng apoy sa kaniya, gagawin ko. To beat your enemy, you should gain all access not only to his house, office and private life. You also need to know how he thinks and how he respond to his emotions. In short, you need to invade his mind and his heart.

Bigla niyang inagaw ang kamay niya sa akin.

“Ito ba? Wala ‘to. Kaunting sugat lang. Kinailangan ko lang turuan ng leksyon ang isa sa mga tauhan ko.”

"B-Bakit?”

"He betrayed me. Bukod sa may naiwala siyang importanteng file, nanakawan pa ako ng malaking halaga dahil sa kaniya. Hindi ko akalaing maiisahan siya ng isang maganda, hot at matalinong babae.”

Umatras ako palayo sa kaniya pero umabante siya palapit sa akin. Alam na ba niya na ako ang tinutukoy ng tao niya?

“Kilala mo na ba ang babaeng ‘yon?" nakangiti kong tanong. Inalis ko ang kaba at takot sa aking sistema.

Umiling si Wade. “Hindi pa nga eh pero hindi titigil ang mga tao ko hangga't hindi nila nalalaman kung sino ang babaeng ‘yon."

“Miss Russell, nakahanda na ang lahat."

Nakahinga ako nang maluwag sa biglaang pagsulpot ni Zaid.

“Excuse me, Mr. Chilton. Ayokong masayang ang perang ibinabayad sa akin ng kapatid mo."

Tumalikod ako sa kaniya at naglakad palapit kay Zaid. Hinawakan ko ang kamay nito. "Tara na, Zaid.”

Narinig ko ang pagtunog ng cell phone ni Wade pero hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila ng kausap niya.

"Dig all the information about Miss Lily Russell. Nais kong malaman lahat ng importanteng detalye sa kaniya mula pagkabata hanggang sa edad niya ngayon. I want her profile to be on my table tomorrow morning,” ani Wade bago pumunta sa may dining area.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
paupdate po mis docky
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 201 The End (Part 2)

    LILY'S POVKinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipigilan kong maiyak. Ang sarap marinig na tawagin niya ako sa pangalang iyon. Parang bumabalik ako sa nakaraan na pareho kaming masayang mag-ina.“Anak, bakit ka umiiyak?” tanong ni mama at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko napigilang maiyak nang magbago ang emosyon sa mga mata niya. Minsan ko na lang makita iyon simula nang magkasakit siya. Madalas pa nga ay hindi niya ako kilala at naaalala.“Ma…” “Anong problema, anak? May masakit ba sa iyo?” malambing pa niyang tanong. “Miss na miss na kita, mama.” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.“Miss na miss na rin kita, anak. Masaya ako at dinalaw mo ako ngayon. May ipapakilala sana ako sa iyo!” Napakurap ako sa gulat. “Ha? Anong ibig mong sabihin, mama? May kaibigan ka na rito?” Ngayon ko lang nakitang ganito si mama. Madalas kasi ay may sarili siyang mundo. Ang private nurse niya lang ang kasama at kausap niya. Kaya nakakapagtaka lang na may kinakausap na siyang iba. “S-Si

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 200 The End (Part 1)

    LILY'S POV“Teh!” gulat na bulalas ni Alena nang makita niya akong pumasok sa unit niya. Kagigising lang niya. Medyo namamaga pa ang mukha dahil sa pagtulog. “Anong ginagawa mo rito? At ang aga mo? Nasa’n ba ang lover boy mo at nandito ka?”“Kumalma ka nga!” putol ko sa kaniya. “Sunod-sunod ang mga tanong mo, ha! Paum upuin mo kaya muna ako o painumin man lang ng kape?” reklamo ko pa. “Eh, ‘di umupo ka. Wala namang pumipigil sa‘yo. Ngayon ka pa ba mahihiya? Sa tagal nating magkaibigan, hindi mo na kailangang ipaalam sa akin kung anong gagawin mo.” Umismid pa siya.Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili kong maupo sa sofa. Hinatid ako ni Wade rito sa bahay ni Alena. Sinabihan ko kasi siyang sasamahan ako ni Alena sa facility ngayon. May kailangan kasing asikasuhin si Wade jaya hindi niya ako masasamahan. Mag-te-text o tatawag na lang ako sa kaniya kapag ready nang makipag-usap si mama sa kaniya. Na hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Kailangan ko rin kasing i-asses

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 199 Wade's Proposal (Part 2)

    LILY'S POV“G-Good morning.” Sinubukan kong huwag mautal pero wala…tiklop ako kay Wade. Tumikhim ako. “Napaka agang surpresa naman yata nito.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “I want to express my love for you, sweetheart. Sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay hindi ko maayos na naipadama sa iyo kung gaano kita kamahal…kung gaano ako kaseryoso sa’yo–““Hey,” putol ko sa kaniya. “Sinabi mo na sa aking mahal mo ako. Hindi ko naman kailangan ng isang engrandeng pamamaraan ng pag-amin ng nararamdaman mo. Pareho nating alam kung ano ang sitwasyon natin. We couldn’t be romantic at that time dahil marami pang mga bagay ang hindi natin nareresolba noon.”He smiled softly. “I know. That’s why I am confessing my feelings for you again. Natapos na ang problema natin kahapon kaya naisip kong gawin ito. Maraming bagay akong narealize kahapon : Una, ay mahal na mahal kita. Pangalawa, mahal na mahal ulit kita. Pangatlo–”“Wade!” nahihiya kong saway sa kaniya.Hi

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 198 Wade's Proposal (Part 1)

    LILY'S POV Nakaramdam ako ng bahagyang uhaw at pagod nang imulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang bakanteng p'westo sa tabi ko. Matapos ang nangyari kagabi, umuwi kami sa penthouse ni Wade. Pagod na pagod ako at matapos maligo ay nakatulog na ako. Gano’n din siya. Hindi na kami masyadong nag-usap dahil pareho kaming overwhelmed sa mga nangyari. Pero kahit gano’n ay hindi niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Magdamag niya akong niyakap hanggang sa nakatulog na ako nang tuluyan.“Wade?” tawag ko sa kaniya. Baka sakaling nasa banyo lang siya pero walang sumagot doon. Umupo ako at bumungad sa akin ang isang bouquet ng bulaklak na nakalagay sa bedside table. Kinuha ko iyon at napansin ko ang letter na nakasiksik doon. May nakasulat sa mallit na papel: Meet me downstair…“Ano na naman kayang pakulo ito?” bulong ko sa sarili ko.Sa halip na magmadaling bumaba ay nagpasya muna akong maligo. Gusto kong alisin sa sistema ko ang mga nangyari kagabi. Matapos ang ilang taon kong pagha

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 197 End of Beginning (Part 2)

    LILY'S POVRamdam ko ang galit ni Wade. Ang kamay niya ay nanginginig habang hawak-hawak niya ako. Pinoprotektahan niya ako kung sakaling may gawin sa akin si Sanders.Parang may pumitik sa loob ni Sanders. Doon tuluyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nakangiti pa ito ngayon ay kunot ang noo nito, at ang mga mata niya ay puno ng talim. Puno na lang iyon ng galit.“Inagaw mo ang dapat sa akin,” singhal ni Sanders. “Sapat na ‘yon para pagmulan ng galit ko!” Humakbang siya pero pinanatili pa rin niya ang distansya sa pagitan namin. Parang nanunumbat siya ng isang kasalanang hindi naman namin alam.“Papa chose your father to be the successor, kahit na mas matalino ako sa ama mo! Kahit mas magaling ako sa lahat! Pero hindi niya nakita iyon! Dahil ang ama mo ang panganay na anak kaya napunta sa kaniya ang lahat. Kahit pa hindi matalino ang ama mo, kahit pa walang pakialam ang papa mo noon sa negosyo. Yet, he fúckin’ chose your father!” Humigpit ang kamao ni Sanders.

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 196 End of Beginning (Part 1)

    LILY'S POV Unti-unti akong nagmulat ng mata. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Wade. Nakayakap siya sa akin, parang ayaw niya akong pakawalan. Pinoprotektahan niya ako sa lahat ng bagay at taong maaring manakit sa akin. Humigpit ang yakap niya nang gumalaw ako. “Wade…” mahinang bulong ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tinapik siya upang kunin ang atensyon niya. Napatingin siya agad sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala at takot. Napatigil ako nang maalala ko kung ano ang nangyari. May dumukot sa akin kanina habang naghihintay ako kay Wade na matapos sa pakikipag-usap. Ang huli ko lang naalala ay nawalan ako nang malamay matapos takpan ng kung sino ang ilong ko ng panyo. Dalawang tao lang ang maaaring gumawa nito sa akin. “You’re safe,” he whispered.Niligtas na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon.Napansin kong nandoon din si Cecilia. Nakatayo siya ilang metro mula sa amin, pero halatang nahihirapan siyang huminga dahil siguro sa sobrang galit. Nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status