Masuk“DID SOMEONE SEND YOU TO KILL ME? TELL ME!"
I could feel his anger just like how I feel the tip of my own knife on my neck. Bumibilis na rin ang aking paghinga. Hindi ko akalain na ganito kabilis niya ako mahuhuli. Hindi. Hindi niya malalaman ang plano ko kung hindi ako aamin. Kailangan kong umisip agad ng isasagot sa kaniya. Kailangan kong umisip ng paraan para iligaw siya. “You came to me intentionally, tama ba Miss Russell? Akala mo ba ay hindi ko mapapansin kung paano mo sinadyang kunin ang atensyon ko kanina sa auction? Anong palagay mo sa akin? Ipinanganak kahapon?” Wala akong magawa ngayon kung hindi ang lunukin ang sarili kong laway. Gano'n pa man, kailangan ko pa ring maging kalmado. Ngumisi si Wade. Binitiwan niya ang kutsilyong hawak niya at saka ako dahan-dahang sinàkal sa leeg. “Your bàg is fake. I can tell it just by looking at it. So tell me, where did you get your money to compete with me at the auction earlier?" Mas diníinan pa ni Wade ang pagkakasàkal sa akin. Halos hindi na ako makahinga pero pilit ko pa ring ikinakalma ang aking sarili. “Wala ka bang balak magsalita, Miss Russell? Gusto mo bang mamatay na lang dito, HA?" I choked. Tinapik ko ang kamay niya bilang senyales na magsasalita na ako. Agad naman niyang niluwagan ang pagkakasàkal sa akin, sapat lang para makapagsalita ako nang maayos. “Nobody sent me. I'm just like those women na patay na patay sa'yo!" Please, gumana ka. Hindi ko na alam kung ano pang klaseng dahilan ang paniniwalaan niya. Dahan-dahan siyang nagpakawala nang malakas na tawa. Para talaga siyang demonyo kung tumawa. Sabagay, isa naman talaga siyang kampon ng kasamaan! “Sa tingin mo, maniniwala ako sa sinasabi mo?" Nanlaki ang mga mata niya at muling hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko. Muli kong tinapik ang kamay niya. Sa wakas, binitiwan na niya ang leeg ko! Hinawakan ko ang aking leeg at saka ako umubo. Namilog ang mga mata ko nang makita kong dinampot niyang muli ang kutsilyong itinapon niya kanina. Relax, Lily. Hindi sa ganitong paraan matatapos ang lahat. “Hindi kita pipiliting maniwala sa akin. Tungkol sa pera, wala talaga akong gano'ng halaga. As I have said earlier, I just did it to catch your attention," kalmado kong sabi nang nakakahinga na ako nang maayos. Wade smirked. “'Yong kutsilyo. Paano mo iyon ipapaliwanag? Bakit ka may itinatagong kutsilyo sa likod ng night gown mo?” Tumaas pa ang kaniyang dalawang kilay. "I'm not going to use it against you. Nagkataon lang na nakapa mo ang kutsilyong ‘yon sa likuran ko. It's normal to me. Palagi akong nagdadala ng armas saan man ako pumunta, kahit sa aking pagtulog. I have some trauma when I was a teenager. At dahil sa nangyaring ‘yon, muntik na akong mamatay. My mom taught me to carry a weapon, anytime, anywhere. She actually gave it to me. Tulad ng sabi mo kanina, men are dangerous. I'm just protecting myself. Accidents and casualties happen suddenly. Walang makakapagsabi kung kailan tayo tatamaan ng kamalasan kaya ayan. Palagi akong nagdadala ng armas. It's up to you kung maniniwala ka o hindi pero kung tutuusin, kung balak ko ‘yang gamitin sa'yo, I should've done it earlier. I had a lot of opportunities to do it. Nakita mo bang kinuha ko ‘yon sa likod ko? Hindi, ‘di ba?" Hindi ko alam kung saan ko napulot ang alibi na ‘yon. Ang alam ko lang, mukhang effective. "Matapang ka. Nanatili kang kalmado sa harapan ko, kahit nahihirapan ka nang huminga kanina." "Is that a compliment, Mr. Chilton? If so, then, thank you. I'm glad that you adore me for being like that. I...I really like you a lot... Napaka guwapo mo sa personal at napaka talino rin. I really admire how cunning you are when it comes to your line of work." Ngumiti ako. Sinungaling ka rin talaga, Lily. Pinulot ni Wade ang kutsilyo sa sahig at inilagay sa ibabaw ng mesa. Inayos niya ang kaniyang damit at saka muling humakbang palapit sa akin. Hinapit niya ang bewang ko dahilan para maglapit na naman ang aming mga katawan. “If you're into me, then, give me an unforgettable night, Miss Russell. You're lucky. I usually don't accept a woman's feelings towards me,” he whispered. Napapikit ako nang hagurín niya ang aking likod. Agad ko namang hinalíkan ang kaniyang leeg para mapawi ko ang natitirang pagdududa sa kaniyang isipan. "Sige. You can stay here tonight. We can—” Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. “Speak," he said with full authority. “Mr. Chilton, nahuli na po ng mga tao natin ang hudas. Narito po kami ngayon sa inyong opisina," ani ng tao sa kabilang linya. “Sige. Papunta na ako." Itinulak ako ni Wade sa sofa. Gagó ba siya? Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang hinawakan niya ang leeg ko. “Do you really think that I will buy your story, Miss Russell? Let me tell you this. Minalas ka dahil nakilala mo ako. I will keep my eyes on you. Once I discovered that you are plotting something against me, I will not hesitate to kíll you. Tandaan mo ‘yan," mahina ngunit mariing sambit ni Wade bago niya ako binitiwan. Dali-dali siyang lumabas ng hotel room ko at hindi man lang niya ako nilingon. Napahawak ako sa aking dibdib. Sa sobrang takot ko ay nahagip ko ang bote ng alak at nagsalin ako noon sa kopita sabay laklak. “Wade Chilton, hindi ako magpapasindak sa'yo. Sisiguraduhin kong mapapatày kita. Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para muling mapalapit sa'yo pero bago ‘yon, kailangan ko munang alisin ang takot at kaba sa sistema ko. I should expect this already. You are ruthless and heartless. A cunning man like you deserves a cunning woman like me." Muli akong nagsalin ng alak sa kopita at ininom iyon hanggang sa naubos ko ang laman ng bote. Kailangan kong makatulog nang mahimbing ngayong gabi. Kailangan kong paghandaan ang muli nating pagkikita.LILY'S POV“It has come to my attention,” panimula niya habang tinatanggal niya ang kaniyang kamay mula sa bulsa ng kaniyang coat. “That there are rumors circulating within the company regarding my personal life.”Tahimik lang ang lahat. Parang walang gustong huminga at walang gustong magsalita. Ngumiti si Wade at saka bahagyang tumingin sa akin. “Let me make it clear.” Tumindig siya nang tuwid, taas-noo, parang nasa harap ng isang board meeting. “This woman beside me, Miss Lilibeth Russell, is my fiancée. Not Miss Cecilia Vernjor.”Parang sabay-sabay na umalingawngaw ang malakas na bulungan sa paligid. May napasinghap, may natigilan, at may halatang hindi makapaniwala. At ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Wade. Hindi ko magawang ngumiti o magsalita. Lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa lang.“From this day forward,” dagdag pa niya, malamig pero buo ang tono. “She will be recognized as the future Lady of the Chilton Group, my partner in business and in life.”Parang may umaling
LILY'S POVNakaupo ako sa harap ng desk ni Wade. Pinagmamasdan ko siyang nakasandal sa upuan — elegante, composed na parang isang hari sa sarili niyang kaharian. Ang navy blue suit niya ay perpektong plantsado. Ang relo sa kaniyang pulso ay kumikislap sa liwanag, at ang bawat kilos niya ay naghuhumiyaw ng awtoridad. He’s aura’s screaming the Chilton’s power – that he is Wade Chilton. Tama nga siya, bakit ako matatakot kung alam ko namang makapangyarihan siya. Matapos ang usapan namin kagabi ay napaisip ako at narealize kong he’s willing to help me. Hindi pa rin naman nawawala ang takot na nararamdaman ko para sa kapakanan niya. “Wade…” mahinang tawag ko. “Sigurado ka ba talaga rito?”Itinaas niya ang tingin niya mula sa dokumentong binabasa niya, at nang magtama ang mga mata namin… “Of course,” sagot niya, diretso. “We have to do this, Lily.”Huminga ako nang malalim. “Pero… hindi ba masyadong mabilis? Hindi mo kailangang—”“Lily,” putol niya. Tumayo siya at tinanggal ang butones n
Cecilia's POVMalambing siyang ngumiti sa akin. Ilang beses pa lang kaming nagkausap na dalawa at alam kong siya ang uncle ni Wade.“Cecilia,” sabi niya sabay tango.“Matagal na tayong hindi nagkikita.”“Magandang gabi, Sanders,” sabi ni papa, mahinahon pero mabigat. “Mukhang matagal mo nang gustong bumisita rito sa amin.”Ngumiti lang si Sanders at dahan-dahan siyang naupo sa single-seate, opposite ni papa. Ako naman ay nanatiling nakatayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Papalit-palit ang tingin ko mula kay papa at kay Uncle Sanders.“I suppose you already know why I’m here,” sabi ni Sanders. Bahagya siyang nag-angat ng kilay.“Kung tungkol ‘yan kay Wade,” putol kong sabi. “Hindi ko na kailangang magpaligoy-ligoy pa.”Tumagilid ang ngiti niya, parang naaaliw. “Good. I like a woman who speaks directly. You can drop the formalities, Cecilia.”Huminga ako nang malalim at naupo sa kabilang sofa. Tinitigan ko siya nang diretso. “Fine,” sabi ko, kalmado pero mariin. “Wade ca
Cecilia's POV“Fuck!” sigaw ko, sabay hampas ng flower vase sa pader. Tumilapon ang mga bubog sa sahig, kasabay ng luha kong matagal ko nang pinipigilang bumagsak.Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang natalo ako — na siya ang pinili ni Wade. Nang araw na mailigtas ni Wade ang babaeng iyon ay kitang-kita ko kung paano niya aluin ang babae. Kung paano ito yakapin ni Wade habang ako ay naroon nakamasid lang sa kanila. Napaupo ako sa sahig, hawak-hawak ang ulo ko. “Dapat patay ka na, Lily,” bulong ko sa pagitan ng aking mga hikbi. “Dapat namatay ka na!”Pinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong iwinawaglit sa isipan ko ang tagpong gusto kong makalimutan pero para iyong sirang plakang ayaw mawala sa isip ko. Napahagulgol akong muli. Hindi ko matanggap na naglaho ang pinangarap kong lalaki. Dapat ngayon ay ikakasal na kaming dalawa. “She ruined everything,” bulong ko, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. “She took everything from me. Lahat.”Tumayo ako muli at tu
LILY'S POV“Of course I know,” sabi niya “I have my connections, Lily. I don’t want you to lie to me. I want you to be completely honest with me. Bare everything you have and I will do the same.”Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. “It’s not easy as you say, Wade.”Sandaling nanlaki ang mata ni Wade, pero mabilis siyang nakabawi. Nag-iba ang tono ng mukha niya — mula sa lambing, naging seryoso iyon.“I had a feeling,” mahina niyang sabi. “And to be honest, matagal ko nang pinaghihinalaan ang taong ‘yon.”Napakunot-noo ako. “Si Sanders? Pero uncle mo siya, ‘di ba?”Tumango siya nang mabagal. “Oo. Pero matagal na akong may duda sa kaniya. Isa siya sa mga suspect sa kidnapping ko noon.”Parang huminto ang mundo ko sa narinig. Mariin ko siyang pinakatitigan. “Wade… seryoso ka?”“Yeah,” sagot niya, diretso lang ang tingin niya sa akin. “Hanggang ngayon, minamanmanan ko pa rin siya. May mga tao akong nagbabantay sa kilos niya. I am still collecting evidence against him. Hindi naman sigur
LILY'S POVPagkatapos naming kumain, tahimik na naming inayos ang mesa. Si Wade pa mismo ang nag prisintang maghugas ng pinggan kahit ilang ulit ko siyang sinabihan na ako na lang. “Ayaw kitang mapagod. Ikaw na ang nagluto kaya dapat ako naman ang maghuhugas ng pinggan,” sabi niya kanina. May ngiti sa labi niya pero halatang seryoso siya sa sinasabi niya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Marunong ka bang maghugas?” “Ah, there’s a dishwasher machine here?” inosenteng sambit niya. Natawa ako. “Akala ko pa naman ikaw mismo ang maghuhugas.” Napailing ako. “Sige na. Ilagay mo na ang mga pinggan sa dishwasher.”“Maupo ka na ro’n sa salas. Ako na ang bahala rito.”Nauna akong maupo roon sa salas at sumunod din siya matapos niyang ayusin ang lahat sa dishwasher machine. Ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa sofa. Naka-sandal ako sa gilid, at siya naman ay nakahilig. Isang braso ang nakapalibot sa akin habang marahan niyang hinihimas ang braso ko. Ang lamig ng aircon, pero mainit ang pakiramdam







