“To find the Y-intercept, you have to replace the variable x with zero. After the replacement, you can now solve for Y-intercept. Here, the answer is (0,7). The final answer should be an ordered pair.”
"Miss Russell, how about finding the X-intercept?” tanong ni Zaid habang nakatitig sa akin. Kanina ko pa napapansin na sa akin naka focus si Zaid. He's not looking at the equation. Hindi ko alam kung nagsasayang lang ba ako ng laway rito o ano. Hindi siya nakikinig nang mabuti. “In finding the X-intercept, you just need to use the same process on how we found the Y-intercept. Replace the variable y with zero then solve it. The final answer should also be an ordered pair where Y equals zero and X will be the number that you get from solving.” "Thank you, Miss Russell. Marami akong natutunan sa ilang oras nating session.” Ngumiti ako kay Zaid. Isinara ko ang libro niya at saka tumayo. "That will be all for today, Zaid. I wish you luck on your upcoming midterm exam.” "Thank you, Miss Russell. I'm going to ace it and I will give my papers to you as a sign of gratitude,” nakangiting sambit ni Zaid. "No need to do that, Zaid. I'm just doing my job as your tutor.” Kinuha ko na ang bag ko at saka tumalikod kay Zaid. Aalis na sana ako nang makita kong dumaan si Wayne, and assistant at kanang-kamay ni Wade. “Aalis ka na ba agad, Miss Russell? Magmeryenda muna tayo." Humarap ako kay Zaid nang nakangiti. “Sige pero kailangan ko munang gumamit ng banyo. Saan pala ang restroom na pinakamalapit dito?" “Just walk straight from here. Makikita mo ang personal space ni Kuya Wade. May restroom sa tabi noon. Liligpitin ko lang ang mga gamit ko, Miss Russell tapos magkita na lang tayo sa may living area." “Sige." Mabilis akong tumalikod kay Zaid. Hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko at saka buong tapang na naglakad palabas ng study room ni Zaid. Nilakihan ko ang mga hakbang ko hanggang sa marating ko ang silid kung saan naroroon sina Wade at Wayne. Panay ang lingon ko sa paligid at baka may makakita sa akin. Mas inilapit ko pa ang tainga ko sa may tabi ng pinto para marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawa. “Sir Wade, narito na po ang report na hinihingi niyo kay Mr. Conan." Kumunot ang noo ko nang makita kong may inabot na folder si Wayne kay Wade. Tungkol saan kaya iyon? “Mabilis siyang magtrabaho. Send him his bonus later," ani Wade habang binubuksan ang folder na hawak niya. Agad niyang binasa ang nilalaman noon. Lilibeth Russell. 27. Female. Line of work: finance analyst, writer and tutor. Previous work: researcher. “I'm amazed. She's talented," pabulong na sambit ni Wade. Mas lumapit pa ako sa may pinto dahil pahina nang pahina ang usapan nina Wade at Wayne. Wala akong gaanong maintindihan. Dàmn it! “Wala siyang kapatid?" “Wala po, Sir Wade. Tanging ang kaniyang ina na lang ang natitira niyang pamilya na ngayon ay kasalukuyang ginagamot sa isang private mental facility." “So, it explains why she works so hard. She's a breadwinner." Nakita kong tumango si Wayne pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. "There's nothing intriguing in her profile. Wala akong makitang kakaiba at kahina-hinala—Sandali, how about his father? There's no information about him,” nagtatakang tanong ni Wade. "Iyon din po ang ipinagtataka ko. Wala raw pong mahalungkat na detalye si Mr. Conan tungkol sa ama ni Miss Russell. There's no trace even in the PSA office. I think someone ordered and paid to delete his records. Mukhang sinadyang burahin ang bakas ng katauhan ng kaniyang ama,” ulat ni Wayne. Nakita kong ibinaba ni Wade ang hawak niyang folder. Babasahin ko sana ang labi niya kaso humarang namang bigla si Wayne. Peste! Wala akong napala ngayong araw. Ni hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Bakit ba kasi ang hina-hina ng mga boses nila? "That's it. Sa tingin ko ay sinadyang itago ni Lily ang impormasyon tungkol sa kaniyang ama. Call Mr. Conan later. Wala akong pakialam kung humingi pa siya ng tulong sa mga kasamahan niya. I want to know the details about Lily’s father. Kung buhay pa ba ito o patay na. Kung patay na, ano ang ikinamatay nito at bakit itinago ni Lily ang tungkol sa kaniyang ama. Even though it will take time, I am willing to wait. Sa ngayon, makikipaglaro muna ako kay Lily. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong motibo niya…kung bakit siya lumapit sa akin.” Sumandal si Wade sa kaniyang swivel chair. Napaatras ako nang bigla na lamang siyang napatingin sa may pintuan. Halos manlambot ang mga tuhod ko dahil muntik na niya akong makita! Nang mapansin kong bumubukas na ang pinto mula sa study room ni Zaid ay dali-dali akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng restroom. Halos tumingkayad na ako para lang hindi ako mapansin nina Wade at Wayne kaso… “Miss Russell, may sasabihin ka ba sa akin?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Wade. Napapikit ako. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil hindi na magkaintindihan ang puso ko sa pagtibok nang malakas at mabilis! Halos mabingi na nga ako sa lakas ng heartbeat ko! Huminto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang papalapit na presensya ni Wade. Kalma, Lily. You have been practicing to stay calm in this kind of situation. Focus. “Miss Russell…” Inayos ko ang mukha ko at inalis ang kahit anong bakas ng kaba sa mukha at katawan ko. Nakangiti kong hinarap si Wade habang sapu-sapo ko ang aking puson. "Pasensya na sa abala, Mr. Chilton. Sasabog na kasi ang pantog ko. Walang restroom sa study room ni Zaid kaya naghanap ako rito sa labas. Kakatok na sana ako sa pinto kanina para magtanong sa'yo kaso nakita kong may bisita ka. Ayokong makaabala kaya…” Inilukot ko ang aking mukha at mas lalong sinapo ang aking puson. "Kaya napagpasyahan kong ako na lang ang maghahanap ng restroom.” Tumaas ang isang kilay ni Wade. Hindi ba siya naniwala sa sinabi ko? Lintik na! "Maling daan ang tinatahak mo. Dito sa kanan ang patungong banyo.” Nabunutan ako ng tinik nang sinabi niya iyon. Mabuti naman at lumusot ang palusot ko. Muntik na ako ro’n. Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon na itinuro ni Wade sa akin. Pagdating ko sa may pinto ng restroom ay agad akong pumasok. Tumayo ako nang maayos at tiningnan ang aking sariling repleksyon sa salamin. "Lily, it's time to level up this game.”Wade's POV Bahagya akong yumuko, pinaglalaruan ang ballpen sa pagitan ng mga daliri ko. “If she’s really what I think she is, she’ll take the bait. Umpisa pa lang ng laro, Wayne. Paano ako masisiyahan kung ihihinto ko agad ang lahat? Ang palay na mismo ang lumalapit sa manok.”Nagtagal ulit ang katahimikan. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalitang muli si Wayne. Tila ba ay naintindihan na nito ang pinupunto ko. Pero kahit anong pagkumbinsi ni Wayne ay desisyon ko pa rin ang masusunod. And that is to keep Lily by my side… for now.“Understood, Master Wade. I’ll keep an eye on her from a distance. Pero sana nagkakamali lang ako sa kutob ko.”“Let’s hope so,” malamig kong tugon.Habang nakayuko si Wayne ay nagsalita pa ako, mahina pero malinaw.“If she’s loyal, she’ll deliver that file untouched. But if not…” Tumigil ako, saka ngumiti. “Then she just proved my point.”Tahimik si Wayne, saka marahang tumango. Nakasandal ako sa upuan habang pinagmamasdan ko ang envelope copy sa mesa. P
Wade’s POVTahimik sa loob ng opisina. Tanging tik-tak ng relo ang naririnig habang binubuklat ko ang ilang papeles sa mesa. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang umalis si Lily dala ang envelope na ipinahahatid ko kay Mr. Rodriguez.Kumatok si Wayne at agad kong sinenyasan na pumasok.“Master Wade,” mahinahon niyang bati. “You called for me?”“Yeah, have a seat,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa hawak kong dokumento.Umupo siya sa tapat ko, kita sa mukha niya na parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang.“Did you assign Miss Russell to do something today?” tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.“I did,” sagot ko saka ko inilapag ang hawak kong folder. “I told her to deliver some files for me.”May bahagyang kunot sa noo ni Wayne. “Master… iyon bang mga file para sa Celestial Project?”Itinaas ko ang paningin ko sa kaniya. “Why do you ask?”“Because those files are confidential,” sagot niya nang diretso. “And honestly, I’m not comfortable with her
LILY'S POVKinuha ko ang bag ko at mabilis na inayos ang mesa ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, lalo na si Nina na nakasimangot habang pinagmamasdan akong nagmamadaling umalis.“Oras ng trabaho pero mas uunahin ang paglalamierda,” pahaging ni Nina sa mga katrabaho namin.Hindi ko na siya pinansin. Tumungo na lang ako sa elevator. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tono ng boses ni Wade.Anong nangyayari, Wade? Bakit parang bigla kang nagbago? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakaalam ko ay maayos naman kaming naghiwalay kanina. Nag-agahan pa nga kami sa hotel kanina. Kaya anong nangyari? Pagkapasok ko sa opisina ay halos mapaatras ako nang biglang hatakin ni Wade ang braso ko at bago ko pa man mabuksan ang bibig ko ay mariin na niyang idinikit ang labi niya sa akin.“W–Wade!” halos pabulong kong sigaw habang sinusubukang kumawala sa yakap niya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at parang wal
LILY'S POVBandang alas tres ng hapon ay nasa pantry ako, nagkakape. Ito ang pangalawang araw ko sa opisina. May iilang mga taong maayos ang pakikitungo sa akin. Iyong tipong ngumiti kapag nagkasalubong kami sa hallway o mag-offer ng tulong kapag may hindi ako alam. Pero may iilan ding bulgar kung magpakita ng pag-ayaw. ‘Yong tipong hindi man lang nagtatago ng masamang tingin o ‘yong mga tahimik nga pero halata namang pinag-uusapan ako kapag napapadaan ako sa tabi nila. Well, whether they like me or not, I don't care. I'm not here to please anyone. I'm here for a mission.Tahimik lang akong naupo sa isang mesa sa sulok. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid habang hinahalo ko ang kape ko. Ramdam ko ang mga lihim na sulyap, ang mga bulungan na parang hanging dumadaan sa pagitan ng bawat lagok ko ng kape.“Wala naman talagang hiring, ‘di ba?” mahinang sabi ng isang babae sa kabilang mesa.“Oo, bigla na lang siyang lumitaw rito kahapon. Sabi pa ni Nina, baka raw may koneksyon ‘yan kay
WAYNE'S POVPagbalik ni Lily sa mesa, agad niyang sinara ang laptop at ngumiti. “Oh, Wayne! Nandito ka pala. May kailangan ka?”“Wala naman,” sagot ko. Ngumiti ako nang pilit. “Napadaan lang ako. Ang sipag mo ha, malapit ng mag lunch break pero nagtatrabaho ka pa rin.” Ngumiti si Lily. “Mas mabuti na ‘tong maaga matapos, baka kasi maipasa agad.” “Ano bang tinatrabaho mo?” “Ah, reports lang sa mga previous projects ng department.”Tumango ako, pero sa loob-loob ko, hindi ako kumbinsido.Pagkaraan ng ilang oras, nakita ko si Lily na lumapit sa ilang empleyado sa kabilang mesa. Hindi ko sinasadya pero rinig ko ang boses niya, kaya bahagya akong lumapit.“Uy, may tanong lang ako,” sabi ni Lily sa isa. “Matagal na ba kayong nagtatrabaho rito?”“Almost five years na,” sagot ng babae. “Ah, gano’n ba. Curious lang ako. Bakit parang laging sarado ang opisina ni Mr. Wade? Hindi ba siya lumalabas madalas?”Napatingin sa isa’t isa ang mga empleyado bago nagsimulang magbulung-bulungan. “Eh k
Wayne’s POVTahimik ang buong opisina nang pumasok ako sa private room ni Wade. Nakaupo siya sa swivel chair, nakasandal habang tinitingnan ang monitor ng computer. Ilang sandali muna bago siya nagsalita, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.“Wayne,” mahinahon niyang sabi. “I want you to assist Lily with her workload starting tomorrow. She’s new and I don’t want her to feel that she's out of place.”Nanatili akong nakatayo sa tapat ng mesa niya. “Master, kung iyon ang gusto niyo, susundin ko. Pero… sigurado ba kayong tama ‘yan?”Napatingin siya sa akin nang diretso. Malamig ang kaniyang mga mata na nagdulot ng kilabot sa buong katawan ko. “What do you mean, Wayne?”Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “I’ve been observing her. Masyado siyang maingat. Parang bawat galaw niya ay kalkulado. It’s weird that she approached you and then stepped back when she was almost caught. Mas mabuti pang gumawa na po tayo ng hakbang habang wala pa siyang naidudulot na pinsala.”Matagal siyang