Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 7 Rejecting Zaid

Share

Kabanata 7 Rejecting Zaid

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-01 20:42:23

“Miss Russell, have you forgotten that this is my house? Whatever you do or whatever my stupid brother does, may pakialam ako,” mariing giit ni Wade saka bumaling sa kapatid niya. “Focus on your studies, Zaid. Tigilan mo ‘yang iniisip mo. ‘Wag kang mag-aksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay. Mag-aral ka na sa study room mo!”

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Wade. Ako ba ang tinutukoy niyang walang kwentang bagay? Gusto kong sumabog sa inis pero pinigilan ko ang sarili ko at pinanatiling kalmado ang sarili.

“Mr. Chilton, with all due respect. Mas mabuting kami lang dalawa ng kapatid mo ang mag-usap hinggil sa isyu. Tulad ng sabi ko kanina, hindi mo na kailangan pang makialam. I can handle it–” Huminga ako nang malalim bago nagsalitang muli. “Walang namamagitan sa amin ng kapatid mo–”

“Miss Russell!” palahaw ni Zaid. “‘Wag ka namang gan'yan, oh.”

Tiningnan ko si Zaid at umiling. “Malinaw kung ano ang relasyon nating dalawa, Zaid. I'm yout tutor and you are my student. No more.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 77 Do it or not?

    LILY'S POVKinuha ko ang bag ko at mabilis na inayos ang mesa ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, lalo na si Nina na nakasimangot habang pinagmamasdan akong nagmamadaling umalis.“Oras ng trabaho pero mas uunahin ang paglalamierda,” pahaging ni Nina sa mga katrabaho namin.Hindi ko na siya pinansin. Tumungo na lang ako sa elevator. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tono ng boses ni Wade.Anong nangyayari, Wade? Bakit parang bigla kang nagbago? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakaalam ko ay maayos naman kaming naghiwalay kanina. Nag-agahan pa nga kami sa hotel kanina. Kaya anong nangyari? Pagkapasok ko sa opisina ay halos mapaatras ako nang biglang hatakin ni Wade ang braso ko at bago ko pa man mabuksan ang bibig ko ay mariin na niyang idinikit ang labi niya sa akin.“W–Wade!” halos pabulong kong sigaw habang sinusubukang kumawala sa yakap niya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at parang wal

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 76 Sudden Call

    LILY'S POVBandang alas tres ng hapon ay nasa pantry ako, nagkakape. Ito ang pangalawang araw ko sa opisina. May iilang mga taong maayos ang pakikitungo sa akin. Iyong tipong ngumiti kapag nagkasalubong kami sa hallway o mag-offer ng tulong kapag may hindi ako alam. Pero may iilan ding bulgar kung magpakita ng pag-ayaw. ‘Yong tipong hindi man lang nagtatago ng masamang tingin o ‘yong mga tahimik nga pero halata namang pinag-uusapan ako kapag napapadaan ako sa tabi nila. Well, whether they like me or not, I don't care. I'm not here to please anyone. I'm here for a mission.Tahimik lang akong naupo sa isang mesa sa sulok. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid habang hinahalo ko ang kape ko. Ramdam ko ang mga lihim na sulyap, ang mga bulungan na parang hanging dumadaan sa pagitan ng bawat lagok ko ng kape.“Wala naman talagang hiring, ‘di ba?” mahinang sabi ng isang babae sa kabilang mesa.“Oo, bigla na lang siyang lumitaw rito kahapon. Sabi pa ni Nina, baka raw may koneksyon ‘yan kay

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 75 The Loyal Man

    WAYNE'S POVPagbalik ni Lily sa mesa, agad niyang sinara ang laptop at ngumiti. “Oh, Wayne! Nandito ka pala. May kailangan ka?”“Wala naman,” sagot ko. Ngumiti ako nang pilit. “Napadaan lang ako. Ang sipag mo ha, malapit ng mag lunch break pero nagtatrabaho ka pa rin.” Ngumiti si Lily. “Mas mabuti na ‘tong maaga matapos, baka kasi maipasa agad.” “Ano bang tinatrabaho mo?” “Ah, reports lang sa mga previous projects ng department.”Tumango ako, pero sa loob-loob ko, hindi ako kumbinsido.Pagkaraan ng ilang oras, nakita ko si Lily na lumapit sa ilang empleyado sa kabilang mesa. Hindi ko sinasadya pero rinig ko ang boses niya, kaya bahagya akong lumapit.“Uy, may tanong lang ako,” sabi ni Lily sa isa. “Matagal na ba kayong nagtatrabaho rito?”“Almost five years na,” sagot ng babae. “Ah, gano’n ba. Curious lang ako. Bakit parang laging sarado ang opisina ni Mr. Wade? Hindi ba siya lumalabas madalas?”Napatingin sa isa’t isa ang mga empleyado bago nagsimulang magbulung-bulungan. “Eh k

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 74 What's her plan?

    Wayne’s POVTahimik ang buong opisina nang pumasok ako sa private room ni Wade. Nakaupo siya sa swivel chair, nakasandal habang tinitingnan ang monitor ng computer. Ilang sandali muna bago siya nagsalita, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.“Wayne,” mahinahon niyang sabi. “I want you to assist Lily with her workload starting tomorrow. She’s new and I don’t want her to feel that she's out of place.”Nanatili akong nakatayo sa tapat ng mesa niya. “Master, kung iyon ang gusto niyo, susundin ko. Pero… sigurado ba kayong tama ‘yan?”Napatingin siya sa akin nang diretso. Malamig ang kaniyang mga mata na nagdulot ng kilabot sa buong katawan ko. “What do you mean, Wayne?”Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “I’ve been observing her. Masyado siyang maingat. Parang bawat galaw niya ay kalkulado. It’s weird that she approached you and then stepped back when she was almost caught. Mas mabuti pang gumawa na po tayo ng hakbang habang wala pa siyang naidudulot na pinsala.”Matagal siyang

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 73 Stay with me

    “Alam mo, ikaw ang pangalawang taong gumawa nito sa akin,” kuwento ko pa.“What do you mean?” “‘Yong pag blow dry mo sa buhok ko, ikaw ang pangalawang taong gumawa niyan sa akin.”Huminto ang tunog ng hair dryer. “Sino ang ibang gumawa niyan sa ‘yo?” Nag-iba ang boses ni Wade. Nag-iba rin ang ihip ng hangin kaya nilingon ko siya. Salubong ang kilay niya at halatang hindi natuwa sa narinig. Mahina akong natawa. “Alam mo ang seloso mo. Wala ka naman dapat ikaselos. Si mama ang unang gumawa niyan sa akin kaya ikaw ang pangalawa.”“How about your dad?”Nanigas ako nang marinig iyon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi niya mahalatang tumataas ang emosyon na nararamdaman ko.Hinawakan ni Wade ang mukha ko at doon ako kumalma. Ngumiti ako sa kaniya.“Matagal na niya kaming iniwan. Matagal na siyang wala sa buhay namin ni mama. Kaya nga alagang-alaga ko si mama dahil kami na lang dalawa. Siya na lang ang mayroon ako kaya gusto kong maging maayos at maibigay ang lahat sa kaniya.”

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 72 You did well

    Tahimik na sa buong opisina. Ang dating maingay na click ng mga keyboard at kaluskos ng papel ay napalitan ng tunog ng wall clock sa gilid ng pader. 5:47 p.m. na. Ako na lang ang natitira sa department. Nagsiuwian na ang lahat matapos nilang itambak sa akin lahat ng mga gawain nila.Nakayuko ako sa harap ng computer. Tinatapos ko ang huling report na ipinasa sa akin. Wala nang ibang ilaw kung hindi ang sa desk lamp ko, at kahit pagod na pagod na ang mga mata ko ay pilit kong tinatapos ang trabaho.Kailangan kong magpanggap na masipag. Kailangan kong makuha ang loob nila. First day ko pa lang at hindi ko pa p'wedeng ipakita ang tunay kong kulay. “Working hard, I see.”Napapitlag ako. Mabilis kong inangat ang ulo ko, at doon ko siya nakita. Si Wade, nakasandal sa frame ng pinto, may suot na dark gray suit at may hawak na cell phone sa kaniyang kamay.“W-Wade?”“Who else would it be?” Ngumiti siya at lumapit.“I’m here to pick you up.”“Pick me up?” Nagulat ako. “Akala ko busy ka pa sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status