Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 8 Testing His Temper

Share

Kabanata 8 Testing His Temper

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-01 20:43:09

“Mr. Chilton, hindi kahibangan ang pagmamahal…ang magmahal.”

“So you’re telling me that you’re accepting my brother's feelings for you?” Umangat ang isang sulok ng labi ni Wade. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

Tinitigan ko si Wade sa mata, walang bakas ng takot o anuman. Isang saglit pa ay ngumiti ako at umiling.

“Hindi pero ang ibig kong sabihin ay hindi magandang balewalain ang nararamdaman ni Zaid. He's in his teenage years, Mr. Chilton. Mas maganda siguro kung gabayan mo siya kung paano niya makokontrol ang emosyon niya. Gusto ko lang din linawing wala akong balak na tanggapin ang nararamdaman niya para sa akin, Mr. Chilton. Matanda ako ng ilang taon sa kapatid mo at estudyante ko siya. Mahalaga sa akin si Zaid dahil para ko na s’yang nakababatang kapatid.” Bumaling ako kay Zaid at tiningnan siya nang diretso sa mata. “Pero mas mahalaga ang trabaho ko. Nirerespeto ko ang nararamdaman mo pero hanggang doon lang talaga. I’m sorry, Zaid. At sigurado akong hindi pa naman gano
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
ang ganda po.ty po mis docky.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 73 Stay with me

    “Alam mo, ikaw ang pangalawang taong gumawa nito sa akin,” kuwento ko pa.“What do you mean?” “‘Yong pag blow dry mo sa buhok ko, ikaw ang pangalawang taong gumawa niyan sa akin.”Huminto ang tunog ng hair dryer. “Sino ang ibang gumawa niyan sa ‘yo?” Nag-iba ang boses ni Wade. Nag-iba rin ang ihip ng hangin kaya nilingon ko siya. Salubong ang kilay niya at halatang hindi natuwa sa narinig. Mahina akong natawa. “Alam mo ang seloso mo. Wala ka naman dapat ikaselos. Si mama ang unang gumawa niyan sa akin kaya ikaw ang pangalawa.”“How about your dad?”Nanigas ako nang marinig iyon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi niya mahalatang tumataas ang emosyon na nararamdaman ko.Hinawakan ni Wade ang mukha ko at doon ako kumalma. Ngumiti ako sa kaniya.“Matagal na niya kaming iniwan. Matagal na siyang wala sa buhay namin ni mama. Kaya nga alagang-alaga ko si mama dahil kami na lang dalawa. Siya na lang ang mayroon ako kaya gusto kong maging maayos at maibigay ang lahat sa kaniya.”

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 72 You did well

    Tahimik na sa buong opisina. Ang dating maingay na click ng mga keyboard at kaluskos ng papel ay napalitan ng tunog ng wall clock sa gilid ng pader. 5:47 p.m. na. Ako na lang ang natitira sa department. Nagsiuwian na ang lahat matapos nilang itambak sa akin lahat ng mga gawain nila.Nakayuko ako sa harap ng computer. Tinatapos ko ang huling report na ipinasa sa akin. Wala nang ibang ilaw kung hindi ang sa desk lamp ko, at kahit pagod na pagod na ang mga mata ko ay pilit kong tinatapos ang trabaho.Kailangan kong magpanggap na masipag. Kailangan kong makuha ang loob nila. First day ko pa lang at hindi ko pa p'wedeng ipakita ang tunay kong kulay. “Working hard, I see.”Napapitlag ako. Mabilis kong inangat ang ulo ko, at doon ko siya nakita. Si Wade, nakasandal sa frame ng pinto, may suot na dark gray suit at may hawak na cell phone sa kaniyang kamay.“W-Wade?”“Who else would it be?” Ngumiti siya at lumapit.“I’m here to pick you up.”“Pick me up?” Nagulat ako. “Akala ko busy ka pa sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 71 Working in my Boyfriend's Company (Part 3)

    Maya-maya, lumapit si Nina na may hawak pang kape. “Oh, careful ka r’yan, baka matapon mo ‘to sa mga important files,” aniya, sabay lapag ng tasa sa dulo ng desk ko, sadyang malapit sa gilid kung saan ako nagsusulat.Tumigil ako sa pagta-type at tumingala kay Nina. “Thanks for the warning,” malamig kong sagot.“Oh, don’t mention it,” sabay irap ni Nina habang tinakpan ng pilit na ngiti.Naririnig ko ang mahihinang tawa ng mga nasa paligid, ‘yong mga halakhak na parang pabulong, pero malinaw kong alam kung sino ang pinagtatawanan–ako. Pero sa halip na mag-react ako, marahan kong inayos ang mga papel at sinimulan kong isa-isahin ang bawat report. Kung akala nila’y mapapagod nila ako, nagkakamali sila.Habang nag-ta-type ako, lihim kong tiningnan ang reflection ni Nina sa screen ng laptop ko. Nakita kong nagulat siya nang mapansing hindi ako nagreklamo o nagpakita ng kahit anong inis.You can throw all the work at me, Nina, naisip ko, pero sa huli, ako pa rin ang mapapansin.Bitbit ko a

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 70 Working in my Boyfriend's Company (Part 2)

    Halos marinig ko ang sama-samang paghugot ng hininga ng mga empleyado. Hindi kasi araw-araw na bumababa mismo ang CEO sa department. Lalo na’t walang nakaschedule na meeting ngayon.Agad na tumayo si Mr. Samson. “S-Sir Wade! Good morning po. Hindi po namin inaasahan—”Itinaas ni Wade ang kamay niya, senyales na hindi na kailangan ng pagpapaliwanag. Tumigil si Samson at mabilis na umurong nang bahagya.“Actually, I’m here to personally check on our new staff.”Napalingon ang lahat sa akin. Ramdam kong halos sumabog ang ingay ng mga bulungan sa paligid. Kahit mismo ako ay nagulat sa ginawa niya. Buong akala ko ay hindi niya ako magagawang kausapin o pansinin man lang sa harap ng mga empleyado niya. “Siya talaga ang hinahanap ni sir?” “Grabe! CEO mismo ang nag-orient?” “Sabi ko na nga ba, may koneksyon ‘yan.”Bulong-bulungan pa rin ng iba, halatang hindi narinig ni Wade pero narinig ko. Masyado ba namang matalas itong pandinig ko at naririnig ko na naman ang bulungan ng mga bubuyog sa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 69 Working in my Boyfriend's Company (Part 1)

    Unang araw ko ngayon sa kumpanya ni Wade. At kahit ilang beses ko pa sabihing kalmado ako, hindi ko maitatangging kabado rin ako. Iba pa rin kasi ang pakiramdam kapag mismong sa teritoryo ng kalaban mo ka nagtatrabaho.Pagsapit ko sa lobby ay sinalubong agad ako ng isa sa mga HR staff. Nakaayos ang buhok niya sa bun at tila kabisado na niya ang lahat ng protocol. “Miss Lilibeth Russell? Please, follow me. Dadalhin ko po kayo sa Finance Department.”Tahimik akong sumunod habang pinagmamasdan ang paligid. Ang mga empleyado, ang paraan ng kilos nila, ang mga CCTV sa bawat kanto. Typical for Wade. Lahat ay planado, kontrolado.Pagdating namin sa loob ng department ay sinalubong ako ng mahigit sampung pares na mga mata. Ang ilan ay tila curious, ang iba naman ay parang nagtataka kung paano ako nakapasok dito. Ang HR staff ay ngumiti at pinakilala ako.“Everyone, this is Miss Lilibeth Russell. She’ll be joining us starting today. She’ll work under Mr. Samson’s supervision.”May ilang puma

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 68 Work for me (Part 2)

    Napasinghap ako. “Wade, trabaho ko ‘to. Hindi ko kailangan ng pahintulot mo sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa sarili kong desisyon. Isa pa gusto kong magtrabaho, Wade.”“You don’t have to work, Lily. I can provide everything for you. Lahat ng kailangan mo,” seryosong sabi ni Wade habang nakatingin diretso sa akin.Ngumiti ako, pilit pero mahinahon. “Alam ko naman ‘yon, Wade. Pero may mga bagay na responsibilidad ko bilang ako. Gusto kong kumita sa sarili kong paraan. Isa pa, maayos naman ang pasahod doon kapag natanggap ako at sigurado akong makukuha ko ang inaplyan kong posisyon.”Bahagya siyang nagkunot ng kaniyang noo. “Bakit ‘yan pa ang pinili mo? You have a high level of education, Lily. You could go for something bigger. Something more fitting for you.”Napabuntong-hininga ako at tinitigan siya. “Alam ko namang pinaimbestigahan mo ako,” diretso kong sabi. “Kaya siguro alam mo na rin ang tungkol kay mama. She’s in a mental facility. Madalas siyang magkaroon ng emergency at g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status