Share

Chapter 18

"Sigurado ka ba talaga na kaya mo ng bumalik sa trabaho?" tanong ni Daddy kay Ivan. Kumakain kami ng agahan. Maaga kaming nagising kanina dahil nag-walking kami sa may malapit na park dito din sa loob ng village.

"Yes, dad. I know that you need my help already. I'm fine. Magaling mag-alaga ang asawa ko, e."

Nanunuksong tumingin sa amin ang kaniyang pamilya. Ngumiti naman ako sabay nguso kay Ivan ngunit basta na lang niya akong hinalikan. Nag-init ang aking pisngi. Hindi ko na magawang tumingin sa kaniyang magulang at mga kapatid dahil sa labis na hiya.

"Masaya kami na mas pinili mong ayusin ang pagsasama niyo ni Myla kaysa—

Hindi na naituloy ng ate ni Ivan ang kaniyang sinasabi dahil tumikhim ang daddy nila. Ngumiti ito at binago ang sinasabi.

"Masaya kami para sa inyo. Baby na ba ang kasunod?"

Dumating ang period ko kanina kaya walang nabuo. At plano ko ding pumunta sa obgyne mamaya upang bumili ng pills para wala kaming mabuo kapag maulit pa ang pagtatalik naming mag-asawa.

W
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status