"Sigurado ka ba talaga na kaya mo ng bumalik sa trabaho?" tanong ni Daddy kay Ivan. Kumakain kami ng agahan. Maaga kaming nagising kanina dahil nag-walking kami sa may malapit na park dito din sa loob ng village. "Yes, dad. I know that you need my help already. I'm fine. Magaling mag-alaga ang asawa ko, e." Nanunuksong tumingin sa amin ang kaniyang pamilya. Ngumiti naman ako sabay nguso kay Ivan ngunit basta na lang niya akong hinalikan. Nag-init ang aking pisngi. Hindi ko na magawang tumingin sa kaniyang magulang at mga kapatid dahil sa labis na hiya. "Masaya kami na mas pinili mong ayusin ang pagsasama niyo ni Myla kaysa—Hindi na naituloy ng ate ni Ivan ang kaniyang sinasabi dahil tumikhim ang daddy nila. Ngumiti ito at binago ang sinasabi. "Masaya kami para sa inyo. Baby na ba ang kasunod?" Dumating ang period ko kanina kaya walang nabuo. At plano ko ding pumunta sa obgyne mamaya upang bumili ng pills para wala kaming mabuo kapag maulit pa ang pagtatalik naming mag-asawa. W
Knowing Maureen mukhang sinadya niya iyon. Alam niyang makikita ko iyon kaya sinadya niya upang mapraning ako. Umakyat na ako sa silid at ang mag-ama ay nag-usap naman muna sa study room. Pinilit kong i-relax ang aking isip. May araw ka din sa akin Maureen. Madaling araw na ng pumasok ng silid si Ivan. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo siya. Ngunit agad din akong nakabalik sa pagtulog. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa higaan at ang pagyakap ng katawan niya na preskong-presko mula sa pagligo. Humarap ako at yumakap sa kaniya pabalik. "Matulog ka na..." paungol kong sambit. Ang kaniyang kamay ay sumuot sa loob ng aking tshirt. "Hindi mo ba ako mapagbibigyan?" Pinilit kong imulat ang aking isang mata. "Mayroon akong period." "Puwede iyan. Doon tayo sa cr para hindi mag-mantsa." Nanlaki ang aking mga mata. Tawang-tawa naman siya. "That's gross. Hintayin mo na lang ang ilang araw. Matatapos din 'to. Kung hindi makapaghintay ng ilang araw, hayaan mo, bukas
Lumalabas din naman ako noon para mag-party lalo na nang nasa college pa lang ako. Pero nang mag-asawa na kami ni Ivan, kahit ano'ng aya ng aking mga kaibigan hindi ako sumasama. Ayaw ko na may masabi sa akin ang mga tao. Ayaw ko ding isipin ni Ivan na nagbubuhay dalaga ako kahit na alam ko namang wala siyang pakialam sa akin. Before six bumaba na kami sa basement parking. May tatlumpong minuto ang byahe namin patungong meeting place nilang magkakaibigan. Sa isang bar and restaurant daw sa Makati sila magkikita-kita na magkakaibigan. Kilala ko ang kaniyang mga kaibigan pero bilang lang sa kamay na nakausap o nakasalamuha ko sila noon. Kapag pumupunta sila sa bahay namin ni Ivan nang kasal na kami, hindi naman ako pinapaharap ni Ivan sa mga ito. Pero ako ang tagapagsilbi nila dahil wala kaming katulong. Kung saan-saan na naman papunta itong iniisip ko. Humilig ako sa balikat ni Ivan, upang agawin ang kaniyang pansin. Nakatanaw kasi siya sa may bintana ng sasakyan at parang kay lalim
Parang walang nangyari kagabi. Maaliwalas ang mukha ni Ivan na gumising. Hindi siya pumasok sa trabaho at pinadala na lamang niya sa kaniyang sekretarya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Sa garden kami nakaupo. Nagbabasa ako ng libro habang siya ay nagtatrabaho. Hindi na din namin napag-usapan iyong nangyari kagabi. Sa totoo nga ay nagpaplano pa siyang magbakasyon kami next weekend. Friday daw ng gabi kami aalis at uuwi kami ng sunday ng gabi. Nagpaalam na din siya sa kaniyang mga magulang. Wala namang sinabi ang mga magulang niya bukod sa gumawa na daw kami ng baby. Pero after breakfast, palihim akong kinausap ni mommy. Nakarating sa kanila iyong nangyari kagabi sa bar. Sinabi ko sa kanila ang ginawa ni Maureen. Mula sa opisina hanggang sa bar. "Natatakot ako, mommy. How many days from now, I'm sure, Ivan's memory will come back.""Huwag mo iyan isipin, Anak. Ikaw ang asawa. Kahit bumalik ang alaala niya, I'm sure hindi na din noon mabubura iyong magandang napagsamah
Hindi ko alam kung ano'ng oras na nang dumating si Ivan, dahil pagkatapos naming mag-usap ni Mommy umakyat na ako ng silid at pinilit na matulog. Ayaw kong mag-overthink at mag-iiyak. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin ng aking asawa. May binubulong siya sa akin ngunit dala ng labis na antok, hindi ko naintindihan. Nauna akong magising kinaumagahan. Naligo ako at bumaba sa kusina upang tumulong sa paghahanda ng almusal. Gising na din sina Mommy at Daddy. Nagkakape sila habang nagbabasa ng dyaryo. "Hindi kami nakatulog ng maayos ng mommy niyo..."Nilingon ko si daddy habang nag-i-slice ako ng gulay. Gusto kasi ni Ate ng salad tuwing breakfast—ako na ang gumawa ng almusal niya. "Bakit po, daddy?" "Iniisip ka namin, anak..."Kinagat ko ang aking labi at hindi nakapagsalita. Kung hindi dahil sa kanilang mag-asawa na kumupkop sa akin ewan ko na lang kung saan na ako ngayon. I'm thankful na mayroong mabait na kaibigan ang mga magulang ko na kumupkop sa akin. Ramdam ko ang pagm
Pinilit kong lumabas ng restaurant, kahit hinang-hina ako dahil sa labis na panginginig ng aking katawan. Pumasok ako sa sasakyan. Nagpunas ng luha bago kinibo ang driver na tahimik at naghihintay na magsalita ako. "Tara na po, Manong..." "Sa airport po, Ma'am?" "Basta mag-drive ka lang po..." Think, Myla. Focus. Focus. Limang minuto ang lumipas bago ko napagpasyahang tawagan ang aking kaibigan. Ang tagal pa bago nito sinagot ang tawag ko. "Oh, friend..."Tumikhim ako at suminghap. Bumuntong hininga naman siya. Wala pa man akong sinasabi pero tila alam na niya. Ganoon siya. Kaya alam kong mahal na mahal niya ako. Isa siyang totoong kaibigan. "Hindi kita susumbatan. Pero kung buo na ang pasya mo, susunduin kita. I'll text you the other details."Binaba na niya ang tawag. "Manong, itabi mo po sa gilid.""Po?" Nataranta si Manong at hindi agad sinunod ang utos ko. "Sa tabi na lang po." Pero kalaunan sinunod naman niya ako. Tinulungan niya akong na ibaba ang dalawang maleta ko
Mag-uumaga na at ngayon pa lang matutulog si baby Heather. Napahikab ako at dahan-dahang bumaba ng kama. Inayos ko ang pagkakapusod ng magulo at halos hindi ko na nasusuklay na buhok, bago ako lumabas ng silid upang kumuha ng kape sa may kusina. Magtatrabaho muna ako ng tatlong oras bago ako matulog. May dalawa hanggang apat na oras pa akong maitutulog mamaya, bago gumising ang aking anak. Ang hirap pala. Sobrang struggle din pero kailangang kayanin. Paano kaya magkaroon ng katuwang? Tsss! Hayan ka na naman, Myla. "Good morning..." Sabay kaming pumasok ni Rachelle sa kusina. Bitbit niya ang kaniyang laptop. "Good morning! Tulog na ang prinsesa?""Yup..." Hinilot ko ang aking balikat. Nangalay kasi ito. Ang bigat niya tapos magdamag na nagpakarga. Napangiti ako. Mabilis lang lumipas ang panahon, kaya sulitin na habang baby pa siya. Hindi mamamalayan, naglalakad na siya, tumatakbo at ayaw ng magpakarga. Kahit kulang sa tulog at pahinga, laban lang. Ganiyan talaga maging isang si
Y-Yes..." Tumikhim ako. "This is H-Heather's mom...""She's with us." Sinabi niya ang address niya. Hindi ko man gaanong naintindihan pero alam kong sa address ng mga magulang niya ang kaniyang binanggit. Nandoon si Heather. At kung paano siya napunta doon, iyon ang hindi ko alam. Hindi pa ako ready para rito. Ano ba'ng ginawa mo, Anak? Tumayo ako at kinuha ko ang aking bag. "Tara, puntahan na natin si Heather." Wala akong magagawa kung hindi harapin ang taong ayaw ko pa sanang makita. Kumusta kaya si Heather doon? Nandoon kaya si Maureen? Sana naman pinakitunguhan niya ng maayos ang aking anak. Ayaw kong masaktan ang damdamin ni Heather. Ito mismo ang dahilan kung nakit ayaw ko pa sana na magkakilala sila. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Hindi niya alam na mayroon ng ibang pamilya ang kaniyang daddy. Nag-book ako ng grab. And in less than thirty minutes nakarating ako sa mansyon ng mga Greco. Ganoon pa din ang mansyon, walang binago gaya noon. Kabadong-kabado akong bum