Kahit gusto ko pa sana siyang bantayan, pinilit nina mommy na umuwi na lang muna ako sa bahay upang makapagpahinga. Mamayang hapon na lang daw ako bumalik.
Kaso hindi ko naman magawang matulog ng maayos kaya bago pa mananghalian, bumalik na ako ng ospital.Nagulat ako nang hindi ko na makita si Ivan sa ICU. Mabuti na lang at sakto namang tumawag si Mommy."Nagising siya kanina kaya nilipat na namin siya sa regular room."Salamat po, Diyos ko!Nagmamadali kong hinanap ang private room na kinuha ng mga in laws ko para kay Ivan.Marahan kong binukan ang pintuan. Sinalubong naman ako ni mommy ng mahigpit na yakap. Hindi ko naman mapigilang maging emosyonal.Nagpapasalamat ako sa Diyos na ligtas na siya sa panganib. Masaya ako na maayos na si Ivan pero hindi ko din maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil ibig sabihin, nalalapit na ang paghihiwalay naming dalawa ng landas.Nilapitan ko siya. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko din ang kaniyang labi dahil ngayon ko na lang ito magagawa at malayang gawin sa kaniya."I'm glad that you're fine now. I love you so much, Ivan," bulong ko sa kaniyang tainga.Sabi ng doktor any moment ay magigising na daw ulit siya kaya hindi na muna umuwi ang mga in laws ko. At kung kailan patapos na kaming kumain ng meryenda, parang napansin ko na gumalaw ang talukap ni Ivan. Agad ko siyang nilapitan.Pinaligiran namin siya at hinintay na muli siyang gumalaw. Napangiti ako nang galawin niya ang mga daliri niya sa kamay na hawak ko."Tatawagin ko ang doktor niya," sabi ni Kuya. Ilang sandali pa nga ay dahan-dahan nang minulat ni Ivan ang kaniyang mga mata.Ilang beses siyang kumurap-kurap."Ivan, Anak," tawag sa kaniya ni Mommy.Hinaplos nito ang isa niyang braso. Ako naman ay nanatiling hawak ang isa niyang kamay.Hindi nagsalita si Ivan. Kunot ang kaniyang noo at nanatiling nakatitig sa kaniyang ina, bago nito binaling ang mga mata sa ibang myembro ng kaniyang pamilya na narito."Mommy, bakit po ako nandito?" Sa wakas nagsalita din siya. Marahil nanunuyo ang kaniyang lalamunan kaya hirap siyang magsalita.Bumukas ang silid at pumasok sina Kuya at ang Doktor. Doon pa lang din ako binalingan ni Ivan ng tingin.Pinilig niya ang kaniyang ulo at ang kaniyang noo ay nagdalawang guhit dahil sa pagkakakunot.Ang sunod niyang sinabi ay nakapagpagimbal sa amin."Sino ka?" Tanong niya sa akin na halos ikaguho ng aking mundo.Napatingin ako kay Mommy."Sino siya, mommy?" Tanong niya sa kaniyang ina. napatingin din siya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay. Dahan-dahan ko itong binitawan. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Hilam ng luha ang aking mga mata.Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kilala."Siya ang asawa mo, Anak. Hindi mo siya naaalala?" Tanong ni mommy. Umiling si Ivan."Hindi ko siya kilala," sambit niya sa lito at seryosong boses.Bagsak naman ang balikat ko. Tuluyan na akong lumayo sa kaniya. Tumayo ako sa gilid sa tabi ng doktor na lumapit sa kaniya upang suriin siya."Paano ko siya naging asawa?" He asked, still confused. Mukhang may amnesia siya."Where's Maureen?" tanong niya na halos ikadurog ng aking puso. Si Maureen pa din talaga. Kahit nagka-amnesia siya, nanatili si Maureen sa kaniyang alaala."Paano ko siya naging asawa, mommy?" Frustrated at medyo pagalit na niyang tanong."Hindi ko siya kilala. Si Maureen lang ang mahal ko paano ko siya naging asawa?"Tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa aking mga mata. Ang mga katagang binibitawan niya ay tila patalim na paulit-ulit na sinasaksak ang aking puso."Ivan," marahang saway ng kaniyang mommy."Ivan?!" Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Maureen mula sa pintuan.Napatingin kaming lahat kay Ivan na agad nagliwanag ang mukha."Honey!" Sambit niya sa kaniyang ex. Kita ang pagkagulat sa mukha ni Maureen pero ilang sandali lang ay nakabawi din agad siya. Ngumiti siya at agad nilapitan si Ivan. Niyakap niya ito at si Ivan naman ay mahigpit na sinuklian ang mga yakap sa kaniya ng babae.Hindi ko sila kayang tignan na dalawa, kaya pinili ko na lang na lumabas ng silid. Nasasaktan ako. Ang asawa ko at ang babaeng mahal niya ay masaya at yakap ang isa't isa.Ako ang asawa pero wala akong karapatan sa kaniya. Ako lang ang asawa pero hindi ako ang mahal niya.Lumabas ako ng ospital at nagpasya na maupo na lang muna sa mga benches na nasa ilalim ng mga mahogany trees.Tahimik akong umiyak dahil ayaw ko namang maagaw ang pansin ng ibang mga tao na naririto.Ang sakit. Napakasakit.Akala ko kaya ko silang makita na masaya at magkasama pero hindi pa pala.Ngayon hindi ko na alam kung may bilang pa ba ako sa pamilya ni Ivan ngayon na hindi na niya ako maalala at ngayon na bumalik na si Maureen.Pinunasan ko ang aking luha. Tumingin ako sa kalangitan at pilit winawaksi ang sakit na nararamdaman ko.Inalala ko ang masasayang alaala nang buhay pa ang mga magulang ko. Wala man lang akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Wala man lang puwedeng makinig sa mga hinaing ko. Wala man lang dadamay sa akin sa pinagdadaanan ko ngayon.Ngayon na tuluyan na akong nakalimutan ni Ivan, iniisip ko na umalis na ng tuluyan sa kaniyang buhay.Kaso, saan ako pupunta? Naisip ko na ang bagay na ito noon, pero hindi ko pa naisip kung saan ako pupunta."Hija..." Napalingon ako sa aking byenan. Sinundan niya ako dito."Pagpasensyahan mo na sana si Ivan. May amnesia siya. Pero hayaan mo at tutulungan ka namin. Ipapaintindi namin sa kaniya na ikaw ang asawa niya."Mapait akong ngumiti."Ayos lang po, Mommy. Nauunawaan ko naman po siya kung bakit si Maureen lang ang naaalala niya."Hinaplos niya ang kamay ko at marahang umiling-iling."Magdasal tayo na sana bumalik agad ang kaniyang alaaala.""Kahit bumalik po ang kaniyang alaala, sa puso po niya nag-iisa lang po si Maureen.""Don't say that. Naniniwala ako na magiging maayos din kayong mag-asawa. Trust me."Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n
Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala
Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray
Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami
"Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa
Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw