Share

Chapter 3

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2023-02-12 08:20:01

DAHIL sa kalagayan ni Ivan, pinauwi daw ni Tito si Maureen at sinabihan na kung puwede huwag nang magpakita dito dahil nagugulo lang nito lalo ang sitwasyon. Sinabi daw dito na may asawa na si Ivan kaya dumistansya na siya dito.

Nagulat talaga ako na bumalik na siya ng bansa. Nang makasal kami ni Ivan, galit na galit siya sa akin. Sinugod niya ako at halos kalbuhin niya ako sa lakas ng pagsabunot niya sa aking mga buhok.

"Malandi kang babae! Ahas!" Paulit-ulit niyang sigaw sa aking pagmumukha. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang. Niyakap siya ni Ivan. Humingi ng sorry ng paulit-ulit.

Umalis sila ng bahay at gabi na siya umuwi. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila o kung ano ang pinag-usapan nila.

Pero may takot ako sa dibdib na baka magtuloy-tuloy pa din ang kanilang relasyon kahit na kasal na kaming dalawa. Lalo at sa papel lang naman kami mag-asawa. Papel lang ang pinanghahawakan ko at hindi ang kaniyang puso.

Pero pagkaraan ng isang linggo, nabalitaan ko na lumipad si Maureen kasama ang kaniyang pamilya papuntang America.

At ni minsan hindi naman nagpunta si Ivan sa bansang iyon. Kaya kahit paano naging panatag ang loob ko.

Pero kahit wala na si Maureen, nagtuloy-tuloy ang panlalamig niya sa akin. Halos ayaw niya akong kausapin.

Ayaw kainin ang mga niluluto ko para sa kaniya. Pero kahit na ganoon, pinagsisilbihan ko pa din siya.

Kahit may pasok ako sa trabaho maaga akong gumigising upang ipaghanda siya ng almusal. Ako din ang naghahanda ng susuotin niyang damit sa pagpasok niya sa opisina.

Kaso kulang pa din ang ginagawa ko dahil sarado ang kaniyang puso. At wala siyang balak na buksan ito at papasukin ako.

Pero ngayon na bumalik na si Maureen baka tuluyan nang mawalan ako ng papel sa kaniya. Ito din kasi ang paulit-ulit niyang sinasabi noon sa akin. Na hihiwalayan niya ako pagkatapos ng isang taon. At walang magagawa ang kaniyang mga magulang para kontrahin ang kaniyang pasya.

Tama na daw ang isang taon na pagdurusa niya sa piling ko.

"Tara na sa loob," aya sa akin ng aking byenan.

"Tingin ko makabubuti kung samantalahin mo na wala siyang maalala. Asikasuhin at alagaan mo siya tulad ng iyong ginagawa. Nang sa ganoon, tuluyan nang mahulog ang loob niya sa'yo."

Duda ako sa sinabi ng byenan ko dahil ngayon na wala siyang maalala, harap-harapan niyang hinahayag ang pagmamahal niya kay Maureen.

Naunang pumasok si mommy sa silid ni Ivan. Sumunod naman ako. Gising pa din si Ivan. At nang tuluyan akong pumasok, tinuon niya ang buong atensyon niya sa akin.

Tinitigan niya ako. Hindi nga talaga niya ako maalala. Dahil ni minsan hindi naman niya ako nagawang titigan ng husto at matagal. Para bang diring-diri siya noon sa akin.

Pinilit kong ngumiti.

"Hi, k-kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa pilit na pinatatag na boses.

Nagkibit balikat lang siya. "Puwede na daw po ba siyang kumain?" Tanong ko sa aking byenan na tahimik na nagmamasid sa amin sa sulok.

Ngumiti siya at tumango. "Gusto mo ng lugaw?" Marahan kong tanong kay Ivan.

Tahimik siya ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang. Hindi kasi ako sanay na Tinitigan niya ako. Sanay ako sa masamang tingin na pinupukol niya sa akin dati, lalo kapag ganiyan na nagdadrama ako.

Kahit hindi siya sumagot, naghanda pa din ako ng pagkain niya. Kumuha ako ng mangkok at kutsara na nasa gilid. Kinuha ko ang thermos food jar na may lamang porridge. Dala ko 'to kanina.

Sinahugan ko ito ng hinimay na karne ng manok. Marahan akong lumapit sa kaniya. Dahil sa kaba, nanginginig ang aking mga kamay. Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama malapit sa kaniya, na para bang normal para sa amin na magkalapit dahil mag-asawa kami. Hindi naman siya makaalala kaya samantalahin ko na na gaya ng sinabi ng kaniyang mommy.

Hinalo-halo ko ang porridge. Umuusok pa ito.

Naglagay ako sa kutsara saka inumang sa kaniyang bunganga. Hindi siya ngumanga. Kahit hindi makaalala, talaga namang hindi niya ako hahayaang pagsilbihan siya.

"Mainit pa," sabi niya. "Hipan mo." Napamaang ako sa kaniyang sinabi. Hipan ko? Sigurado siya? Ni kahit maramdaman nga ang hininga ko sa tabi niya dati, naiirita siya. Tapos ngayon gusto niyang hipan ko ang pagkain niya?

Mukhang nakabuti naman pala ang pagkakaroon niya ng amnesia. Mukhang ma-e-enjoy ko ito.

Hinipan ko ang kaniyang pagkain gaya ng sinabi sa kaniya. Nang mabawasan na ang init, sinubo ko sa kaniya.

"Niluto mo 'to?" Tanong niya pagkatapos niya itong lunukin.

"O-Oo. Nagustuhan mo ba?"

Tumango siya. Muli akong naglagay sa kutsara. Naging magana siya sa pagkain. Naubos niya ang pagkain na hinanda ko para sa kaniya.

Matapos uminom ng tubig at uminom ng gamot, nahiga na siyang muli. Masakit pa ang kaniyang katawan. Kulay ube pa ang kaniyang mga pasa sa tagiliran, braso at mga binti kaya hirap din siyang kumilos. Inalalayan ko siya.

Alas-otso nang magpaalam ang mga magulang niya na uuwi na. Aagahan na lang daw nilang bumalik bukas upang ako naman ang makauwi at makapagpahinga.

Natutulog na si Ivan. Ako naman ay nakaupo sa malaking sofa sa gilid. Dito na lang ako iidlip, sakaling makaramdam ako ng pagkaantok.

Alas-dies na ng tuluyan akong antukin. Mahimbing naman ang tulog ni Ivan kaya umidlip na lang din muna ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatulog nang may maulinigan akong mga boses na pabulong na nag-uusap.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata ngunit agad ko din itong pinikit nang mabosesan ko ang nag-uusap.

Si Maureen! Bumalik si Maureen dito sa ospital. Nag-uusap sila ni Ivan.

"Miss na miss na kita, Ivan," umiiyak na sabi ni Maureen.

"I miss you too," sagot naman ng magaling kong asawa.

"Bumalik ako gaya ng usapan natin noon. Bumalik ako pagkatapos ng isang taon."

Hindi ko alam kung may amnesia ba talaga si Ivan, sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya ni Maureen.

"Naguguluhan ako, Maureen. Alam ko ikaw ang mahal ko pero bakit ako kinasal sa kaniya?"

Nanigas ako dahil sa narinig kong sinabi ni Ivan. Hindi ko kayang marinig ang sagot ni Maureen kaya nagpanggap akong magigising na kahit na ang totoo ay kanina pa ako gising. Malayang narinig ang usapan ng dalawa.

"Magigising na yata siya. I need to go at baka magsumbong pa siya sa magulang mo. I love you, Ivan."

Narinig ko na ang mga yabag ni Maureen papunta sa pintuan. Ilang minuto na din siyang nakaalis pero nanatili pa ding nakapikit ang aking mga mata. Ayaw kong malaman ni Ivan na gising ako. Ayaw kong makita niya ang kalungkutan sa aking mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 6

    Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 5

    Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 4

    Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 3

    Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 2

    "Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 1

    Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status