LOGIN"Sometimes, the safest place is not where you were born... but where someone opens the door and tells you to come in."
********* Hindi agad nakagalaw si Angela nang tumigil sila sa harap ng napakalaking mansyon ng mga Salcedo. Sa unang tingin pa lamang, alam na niyang hindi iyon ordinaryong bahay. May matatayog na haliging bato sa harapan, malalawak na hardin na hitik sa makukulay na bulaklak, at mga punong mangga na tila ilang dekada nang nakatayo sa paligid ng hacienda. Sa gitna ng bakuran ay isang lumang fountain na patuloy na umaagos ang malinaw na tubig. Napahigpit ang hawak niya sa maliit na paper bag na naglalaman ng iilan niyang gamit. Pakiramdam niya'y maling tao siya sa maling lugar. "Hija?" Napalingon siya kay Grace na nakangiting naghihintay sa kanya. "Bakit hindi ka pa pumapasok?" "Nahihiya lang po." Lumapit ang matanda at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Walang dapat ikahiya." "Simula ngayon, bisita ka ng bahay na ito." Hindi niya namalayang napangiti siya. Kasabay nilang pumasok sa loob ng mansyon. Lalong lumaki ang kanyang mga mata. Napakataas ng kisame. May malalaking chandelier na kumikislap sa liwanag ng umaga. Nakahanay sa dingding ang mga lumang larawan ng pamilya Salcedo, habang ang malapad na hagdanang yari sa narra ang nagsisilbing sentro ng buong bahay. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid. Hindi dahil sa mamahalin itong tingnan. Kundi dahil may kakaibang init siyang nararamdaman. Parang... tahanan. "Welcome home, Ma'am Grace." Sunod-sunod na bumati ang mga kasambahay nang makita ang kanilang amo. Isa-isang ngumiti si Grace bago ipinakilala ang dalagang nasa kanyang tabi. "Si Angela." "Magiging panauhin natin siya rito." Magalang na yumuko ang mga kasambahay. "Magandang hapon po." Nahihiyang ngumiti si Angela. "Magandang hapon din po." Lumapit ang isang babaeng nasa limampung taong gulang na may maamong mukha. "Ako si Salve." "Housekeeper ako rito." Pagkatapos ay marahan niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin." "Opo." "Maraming salamat po." Mula sa likuran ay biglang sumingit si Michael. "Warning lang." Napalingon silang lahat. "Kapag pinakain ka ni Aling Salve..." "...tataba ka." Napahalakhak ang housekeeper. "Ikaw talaga." "Totoo naman." "Ikaw ang pinakamalakas kumain dito." Nagkibit-balikat si Michael. "May ebidensya ba?" "Marami." Pati si Grace ay natawa. Maging si Angela ay hindi napigilang mapangiti. Habang ang isang tao ay nanatiling tahimik. Si Dave. Nakatayo lamang ito sa may pintuan habang pinagmamasdan ang buong eksena. Hindi siya nakisali sa tawanan. Ngunit wala ring bakas ng pagtutol sa kanyang mukha. "Halika." "Aakyat muna tayo." Inakay siya ni Grace paakyat ng ikalawang palapag. Habang umaakyat sila, napansin ni Angela ang mga lumang larawan ng pamilya sa dingding. May mga litrato ng batang si Dave na nakangiti habang nakasakay sa kabayo. May larawan din ng mag-asawang Salcedo kasama ang mga manggagawa sa hacienda. Simple ang mga ngiti. Ngunit ramdam ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Huminto sila sa harap ng isang silid. Dahan-dahang binuksan ni Grace ang p***o. Napasinghap si Angela. Maluwang ang kuwarto. May malaking kama, isang aparador na yari sa narra, sariling banyo at balkonaheng tanaw ang malawak na manggahan. Hindi iyon marangya. Ngunit napakainit tingnan. "Magugustuhan mo ba?" Halos hindi siya makapagsalita. "Ako po ba talaga ang titira rito?" Tumango ang matanda. "Matagal nang walang gumagamit ng kuwartong ito." "Mas gusto kong may taong tatawa rito kaysa puro alikabok ang kasama nito." Napangiti si Angela. "Masyado na po kayong mabait." Hinawakan ni Grace ang magkabila niyang balikat. "Hija." "Huwag mo nang isipin na pabigat ka." "Habang nandito ka..." "...ituring mong tahanan mo rin ang lugar na ito." Biglang kumirot ang dibdib ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit ang salitang *tahanan* ay tila matagal na niyang gustong marinig. Napayuko siya upang itago ang namumuong luha. "Salamat po..." Mahina niyang bulong. "Maraming salamat." Hindi na nagsalita si Grace. Sa halip ay marahan lamang niya itong niyakap. ________ Pagsapit ng tanghalian ay bumaba silang lahat sa dining room. Huminto si Angela sa may pintuan. Napakahaba ng mesa. Naroon ang iba't ibang lutong bahay na pagkain—sinigang, inihaw na bangus, kare-kare, sariwang gulay at mga prutas na bagong pitas mula sa hacienda. "Halika." Ngumiti si Grace. "Sabay-sabay tayong kumain." Nahihiya siyang naupo. Hindi niya maiwasang ilibot ang tingin. Sa kabilang dulo ng mesa ay tahimik na kumakain si Dave. Hindi ito nagsasalita. Paminsan-minsan lamang itong sumasagot kapag may itinatanong ang kanyang ina. Napansin ni Angela na iba ang pagtrato rito ng mga kasambahay. Walang takot. May respeto. Ngunit may pagmamahal. Ibig sabihin... Hindi ito ang tipo ng amo na kailangang katakutan. Pagkatapos ng tanghalian ay niyaya siya ni Grace na libutin ang buong hacienda. Habang naglalakad sila ay mas lalo niyang nakilala ang lugar. May malawak na palayan. May taniman ng mangga. May packing house kung saan inaayos ang mga prutas para sa export. Sa di kalayuan ay nakita niyang kausap ni Dave ang farm manager. Hindi ito nagtataas ng boses. Tahimik lamang itong nagbibigay ng utos. "Kapag may prutas na hindi pasado sa quality, huwag nang isama." "Opo, Sir." "At idagdag ninyo ang incentive ng harvesting team." Nagulat ang manager. "Sir?" "Naabot nila ang target nang mas maaga." "Deserve nila." Napangiti ang matandang manager. "Maraming salamat po." Tahimik lamang iyong pinanood ni Angela. Unti-unti niyang binabawi ang unang impresyon niya sa binata. Malamig nga ito. Ngunit hindi mayabang. Mahigpit. Pero patas. Napansin ni Grace ang direksiyon ng kanyang tingin. "Masungit ang anak ko." Mahina siyang natawa. "Pero mabuti ang puso niyan." Napangiti si Angela. "Naniniwala na po ako." Sa di kalayuan, tila may nakamasid sa kanilang bawat kilos. Sa labas ng bakod ng hacienda, isang lalaki ang marahang ibinaba ang binoculars na hawak nito. Agad siyang tumawag sa cellphone. "Boss." "Nasa loob na po siya." Ilang segundo siyang nakinig bago tumango. "Hindi po sila naghihinala." Pinatay niya ang tawag saka muling tumingin sa malawak na Hacienda Salcedo. Unti-unting sumilay ang malamig na ngiti sa kanyang labi. Ang tahanang unti-unting nagbibigay ng pag-asa kay Angela... Ang siya ring magiging unang target ng taong nais sumira sa kanya."Every war begins with a single move... and the smartest enemies always let you celebrate before they strike."**********DAVE'S POV : Mag-aalas siyete pa lang ng umaga nung dumating ako sa opisina. Tahimik pa buong Salcedo Tower, wala pa halos tao sa baba, mga guards pa lang at mga naglilinis.Pero alam kong hindi magiging tahimik araw na to. Ramdam ko sa dibdib ko.Pagkapasok ko sa executive floor, nadatnan ko na agad sina Michael at Wolf na parehong seryoso, parehong nakatayo at may hawak na tablet."Morning, Boss," bati ni Michael.Tumango ako at dumiretso sa mesa ko. "Report, anong meron?"Iniabot ni Wolf isang tablet na may CCTV footage na naka-pause. Isang babaeng naka-sunglasses at naka-brown coat pumasok sa isang coffee shop kahapon ng hapon sa may Makati, umupo siya sa dulo. Ilang minuto lang may lalaking umupo sa harapan niya, nakatalikod sa camera kaya hindi malinaw mukha.Pero malinaw audio na nakuha ng team natin._"...Jessica Santos."__"...Salcedo Group."__"...Laptop
"The strongest shield is the one your loved one never realizes is protecting them."*****DAVE'S POV :Tahimik kong isinara laptop sa ibabaw ng mesa. Alas-diyes na ng gabi, tahimik na buong Salcedo Tower. Mahimbing na siguro natutulog si Jessica sa condo ngayon. Kanina pa siya nagpaalam sa akin matapos kaming maghapunan sa labas sa may BGC, sabi ko sa kanya may emergency board meeting pa ako kaya hindi pa ako makakauwi nang sabay sa kanya.Sinadya ko talagang sabihin yun para hindi siya magtaka. Para hindi siya magtanong kung bakit gising pa ako nang ganitong oras.Isa lang naman totoong dahilan kung bakit nandito pa ako — may lihim akong kailangang tapusin na hindi niya pwedeng malaman.Knock. Knock."Come in," sabi ko.Dahan-dahang bumukas pinto, naunang pumasok si Michael, kasunod apat na lalaking pare-parehong naka-civilian clothes lang. Kung hindi mo sila pagmamasdan nang mabuti, iisipin mong ordinaryong empleyado lang sila ng Salcedo na nag-overtime. Pero alam kong lahat sila d
"The truth doesn't reveal itself all at once... it gives you just enough to keep you moving."*******DAVE'S POV :Mahina kong ipinatong tasa ng kape sa mesa habang nakatingin ako sa floor-to-ceiling window ng opisina ko. Mag-aalas nuebe na ng gabi, tahimik na buong Salcedo Group Headquarters, karamihan ng empleyado nakauwi na, ilang ilaw na lang bukas sa buong gusali.Pero ako hindi pa rin makauwi. Hindi dahil sa tambak na trabaho, sanay na ako dun. Hindi ako makauwi dahil sa report na ilang araw ko nang hinihintay mula kay Wolf.Knock. Knock."Come in," sabi ko.Dahan-dahang bumukas pinto, naunang pumasok si Michael, kasunod isang matangkad na lalaki na naka-itim na polo at cargo pants, maiksi buhok, matipuno pangangatawan at bakas sa kilos disiplinang hindi natututunan sa ordinaryong buhay. Kasunod pa dalawa pang lalaki na same tindig.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko."Sir," bati nung unang lalaki."Good evening, Mr. Salcedo," sabi niya at iniabot isang makapal na brown envelope n
"The past doesn't always return to destroy your future... sometimes, it comes back to protect it."*****JESSICA'S POV :Halos isang linggo na ang lumipas mula nang maging opisyal kaming dalawa ni Dave.Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, pakiramdam ko may tahanan na ulit ako. Hindi na yung parang nakikitira lang ako sa kung saan-saan. Hindi na yung pakiramdam na kailangan kong matakot sa bawat pagising.Gigising akong katabi siya. Yung una kong makikita pag dilat ng mata ko, mukha niya na tulog pa. Sabay kaming mag-aalmusal sa kusina kahit minsan late na kami pareho. Sabay kaming papasok sa opisina na iisang sasakyan lang. Sabay kaming uuwi kahit pagod kami pareho sa trabaho.Parang napaka-normal lang ng lahat. Parang normal na magkasintahan na walang problema.At yun mismo ang kinatatakutan ko. Kasi alam kong sa buhay ko, pag masyadong tahimik, may paparating na bagyo. Alam kong anumang oras, pwedeng mawala lahat ng to. Pwedeng biglang bumalik si Veronica at guluhin na na
"Sometimes the truth doesn't knock on your door... it quietly leaves footprints for those patient enough to follow."____DAVE'S POV :Mahigit alas-dose na ng madaling-araw nung matapos ang meeting namin. Isa-isang nagsialisan ang Team Alpha, tahimik at disiplinado, eksakto kung paano ko sila gusto. Walang maraming salita, walang kalat sa lamesa. Ganun sila sanay.Naiwan kaming dalawa ni Michael sa conference room. Pinapatay na niya yung ilaw sa projector habang sinusuot ko yung coat ko. Tahimik lang ang buong penthouse, tanging aircon at yung mahinang ugong ng syudad sa labas ng salamin ang naririnig."Boss..." tawag niya, hindi pa rin lumingon sa akin.Napatingin ako sa kanya. "Ano yun?""Hindi ka ba napapagod?" tanong niya, seryoso.Napangiti ako nang bahagya. Sanay na ako sa ganyan niyang tanong tuwing lagpas hatinggabi na. "Sa alin?""Sa kakaisip," sagot niya at saka lang siya humarap.Napailing ako at kinuha yung folder sa mesa. "Kapag nasa posisyon ka na ganito, hindi ka pweden
"The strongest people don't always fight in the open... sometimes, they win because no one knows they're already making their move."*******DAVE'S POV :Halos alas-diyes na ng gabi nung ihinto ko ang sasakyan sa basement ng Salcedo Group Tower at tahimik ang buong building dahil halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Ganito talaga ang gusto ko na walang nakakaalam at walang nagtatanong at walang nakikialam sa ginagawa ko lalo na kapag ganitong oras ng gabi.Pagkapasok ko sa private elevator ay pinindot ko ang button ng penthouse office at hindi yun yung opisina na ginagamit ko araw-araw dahil iba ito at dalawang tao lang ang may access sa elevator na yon. Ako at si Michael lang ang may access at walang ibang tao na pwedeng umakyat sa floor na yon kahit executive pa.Ding at pagbukas ng elevator ay agad akong sinalubong ni Michael at seryoso ang mukha niya at halatang kanina pa siya naghihintay sa akin sa taas. "Nandito na sila, Boss, at kanina pa sila naghihintay sa conference room,







