홈 / Romance / The CEO's Beautiful Pretender / Chapter 3 : Welcome To Hacienda Salcedo

공유

Chapter 3 : Welcome To Hacienda Salcedo

작가: BelleNocturne
last update 게시일: 2026-09-06 13:31:59

"Sometimes, home is not the place where you belong... but the place where someone chooses to keep you."

********

Dalawang araw matapos ang aksidente...

Tuluyan nang sumikat ang araw matapos ang halos dalawang gabing walang tigil ang ulan.

Nakatayo si Angela sa tabi ng bintana ng kanyang pribadong silid sa Salcedo Medical Center. Suot niya ang simpleng puting bestidang ipinabili ni Grace, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa labas.

May mga pasyenteng masayang inuuwi ng kanilang pamilya.

May mga batang masiglang tumatakbo sa hallway.

May mga nurse na nagmamadaling maghatid ng gamot.

Lahat sila ay tila alam kung saan sila uuwi.

Siya lang ang hindi.

Napabuntong-hininga siya.

Sa loob ng dalawang araw, wala ni isang alaala ang bumalik. Wala pa rin siyang maalalang pangalan, tahanan, o kahit isang taong maaaring naghahanap sa kanya.

Hindi niya alam kung saan magsisimula.

Hindi niya alam kung saan pupunta.

Nang marinig ang mahinang katok sa p***o ay agad siyang napalingon.

Pumasok si Dr. Russell na may hawak na medical chart at nakasanayan na nitong ngiti.

"Magandang umaga."

Ngumiti rin siya.

"Magandang umaga po, Doc."

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Mas maayos na po."

"May hilo pa ba?"

"Paminsan-minsan na lang."

Tumango ang doktor na tila nasiyahan sa sagot.

"Magandang balita."

Isinara nito ang chart.

"Pwede ka nang ma-discharge ngayong araw."

Saglit siyang natigilan.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Napansin iyon ni Russell.

"Ano'ng problema?"

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita.

Saka niya marahang ibinaba ang tingin.

"Kapag umalis po ako rito..."

Huminto siya sandali.

"...saan po ako pupunta?"

Natahimik ang doktor.

Sa totoo lang, iyon din ang tanong nilang lahat.

Bago pa makasagot si Dr. Russell ay bumukas ang p***o ng silid.

"Good morning!"

Masiglang pumasok si Michael na may bitbit na dalawang paper bag at apat na baso ng kape.

"Breakfast delivery!"

Paglapit niya kay Angela ay bahagya siyang ngumiti.

"Buti naman. Mukha ka nang masigla."

Napangiti rin ang dalaga.

"Salamat po."

"Uy, 'po' agad."

Napakamot si Michael sa batok.

"Pwede namang Michael lang. Baka isipin kong matanda na ako."

Hindi napigilan ni Angela ang matawa.

"Sorry po... este, sorry."

"Mas okay."

Kasunod niyang pumasok sina Grace at Dave.

Agad na lumambot ang mukha ni Grace nang makita ang dalaga.

"Kumusta ka na, hija?"

"Mas mabuti na po ang pakiramdam ko."

"Mabuti naman."

Lumapit ito at marahang hinawakan ang kanyang kamay.

"Pwede ka nang umuwi."

Unti-unting yumuko si Angela.

"Iyon nga po ang problema."

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Wala po akong uuwian."

Biglang bumigat ang paligid.

Walang nagsalita.

Lahat ay alam ang sitwasyon niya, ngunit ibang usapan na kapag siya mismo ang umamin.

Huminga nang malalim si Grace bago marahang nagsalita.

"Kung wala kang ibang mapupuntahan..."

Sandali siyang tumingin kay Dave.

"...sa amin ka muna."

Nagulat si Angela.

"A-Ako po?"

Tumango ang matanda.

"Habang hindi pa natin nahahanap ang pamilya mo."

Napailing agad si Angela.

"Huwag na lang po."

"Bakit naman?"

"Ayokong maging pabigat."

Mahina siyang ngumiti kahit halatang nahihiya.

"Makakahanap naman po ako ng trabaho."

Napabuntong-hininga si Grace.

"Hija..."

"Paano ka mag-a-apply?"

Tahimik lang si Angela.

"Wala kang pangalan.Wala kang address. Wala kang kahit anong dokumento." Wika ng ginang.

Isa-isang bumaba ang tingin ng dalaga.

Tama ang matanda.

Ano nga ba ang ilalagay niya sa application form?

Sino ang emergency contact niya?

Saan siya uuwi kapag natapos ang trabaho?

Wala siyang maisagot.

Muling nagsalita si Grace.

"Hangga't hindi mo pa naaalala ang lahat....sa amin ka muna."

Tahimik na napatingin si Angela kay Dave.

Sa dalawang araw na magkasama sila sa ospital, napansin niyang ito ang taong pinakamahirap basahin.

Hindi ito palangiti.

Hindi rin palasalita.

At pakiramdam niya...

Hindi pa rin ito nagtitiwala sa kanya.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Ilang segundo ring walang nagsalita.

Hanggang sa marahang bumuntong-hininga si Dave.

"One month."

Napalingon silang lahat sa kanya.

"Mananatili siya sa Hacienda sa loob ng isang buwan."

Malamig pa rin ang boses nito.

"Kung wala pa ring naghahanap sa kanya pagkatapos noon....mag-iisip tayo ng ibang paraan."

Hindi napigilan ni Grace ang mapangiti.

Kilalang-kilala niya ang anak.

Hindi ito marunong tumanggi kapag alam nitong may tama ang isang bagay.

Napuno ng luha ang mga mata ni Angela.

"Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat."

"Huwag muna."

Ngumiti si Grace.

"Ang mahalaga ngayon, makapagpahinga ka."

Makalipas ang isang oras...

Tahimik na binabaybay ng itim na SUV ang daan palabas ng lungsod.

Sa likurang upuan ay nakaupo sina Grace at Angela.

Paminsan-minsan ay sumisilip ang dalaga sa bintana habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbabago ng tanawin.

Unti-unting nawala ang matataas na gusali.

Napalitan iyon ng malalawak na bukirin, mga punong mangga at palayang sumasayaw sa ihip ng hangin.

"Ang ganda naman dito..." hindi niya napigilang sambitin.

Napangiti si Grace.

"Welcome sa San Isidro."

"Ito ang bayan ng mga Salcedo."

Sa harapan, tahimik na nagmamaneho si Dave.

Samantalang si Michael ay hindi mapakali.

Panay ang tingin nito sa rearview mirror.

Napansin iyon ni Dave.

"Ano?"

"Boss..."

"Hmm?"

"Pwede ba akong magtanong?"

"Hindi."

"Late na."

Napabuntong-hininga si Dave.

"Magtatanong na ako."

Napailing siya.

"Sige."

"Bakit parang allergic ka kay Angela?"

Napalingon si Grace.

Pati si Angela ay hindi sinasadyang napatingin sa salamin.

"She's a stranger," payak na sagot ni Dave.

Napakamot si Michael.

"Eh stranger din naman tayo bago tayo naging magkakaibigan."

Hindi sumagot si Dave.

"Tingnan mo nga."

Mahina ang boses ni Michael.

"Mukha bang kriminal?"

Natahimik ang sasakyan.

Maya-maya ay nagsalita si Dave.

"Hindi lahat ng mabait ang mukha..."

"...mabait."

Tahimik na yumuko si Angela.

Narinig niya ang bawat salita.

At alam niyang may punto ang lalaki.

Kung siya rin ang nasa kalagayan nito, baka ganoon din ang maramdaman niya.

Napansin iyon ni Grace.

Siniko niya nang marahan ang anak.

"David."

"What?"

"Hindi masamang maging maingat."

Tumigil siya sandali.

"Pero puwede ring maging maingat nang hindi nakakasakit."

Hindi na sumagot si Dave.

Habang si Michael naman ay palihim na napangiti.

One point na naman kay Madam Grace. Sa isip nito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bakal na gate.

Pagkabukas nito ay unti-unting bumungad ang malawak na hacienda.

Nagkahanay ang matatandang puno ng acacia sa magkabilang gilid ng daan.

Sa di kalayuan ay nakatayo ang isang engrandeng Spanish-inspired mansion na napapalibutan ng hardin at malawak na damuhan.

Napasinghap si Angela.

"Napakalaki..."

Napatawa si Michael.

"Welcome to Hacienda Salcedo."

"Huwag kang mag-alala."

"Naliligaw pa rin ako rito minsan."

"Michael."

Napakamot siya sa ulo.

"Okay, exaggerated nang konti."

Maging si Angela ay napangiti.

Huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon.

Agad silang sinalubong ng isang babaeng nasa limampung taong gulang.

"Ma'am Grace!"

Masaya itong lumapit.

"Welcome home po!"

"Salve."

Ngumiti si Grace.

"May isa tayong bisita."

Napatingin ang babae kay Angela.

Napangiti ito nang buong lambing.

"Ay, napakaganda naman ng batang ito."

"Halika, hija."

"Ako si Salve."

"Simula ngayon, ituring mo na rin itong tahanan mo."

Unti-unting uminit ang pakiramdam ni Angela.

Sa loob lamang ng ilang araw...

Dalawang beses na siyang nabigyan ng pagkakataong magsimulang muli.

Ngunit hindi niya alam...

Habang tinatahak niya ang pintuan ng Hacienda Salcedo...

May isang pares ng matang tahimik na nagmamasid mula sa ikalawang palapag.

Kasabay nito...

Sa labas ng hacienda, huminto ang isang itim na sasakyan.

Isang lalaki ang bumaba at agad na tumawag sa cellphone.

"Boss."

Mahina ang boses nito.

"Nasa Hacienda Salcedo na po ang babae."

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya.

At kasabay ng malamig nitong tawa ay isang utos ang binitiwan.

"Good."

"...Now let the game begin." He smirked.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 61 : The Missing Laptop

    DAVE'S POV :Maaga pa lang nasa opisina na ako ng Salcedo Tower.Wala pa halos tao sa baba. Mga guards pa lang at mga naglilinis ang nandun.Pero alam kong hindi magiging magaan ang araw na to. Ramdam ko sa dibdib ko.Pagpasok ko sa executive floor, nandun na agad sina Michael at Wolf. Parehong seryoso, parehong nakatayo at may hawak na tablet."Morning, Boss," bati ni Michael.Tumango ako at dumiretso sa mesa ko."Report. Anong meron?" tanong ko.Iniabot ni Wolf ang isang tablet na may CCTV footage na naka-pause.Isang babaeng naka-sunglasses at naka-brown coat. Pumasok sa isang coffee shop kahapon sa Makati. Umupo siya sa dulo. Ilang minuto lang may lalaking umupo sa harapan niya. Nakatalikod sa camera kaya hindi malinaw ang mukha. Pero malinaw ang audio na nakuha ng team natin."...Jessica Santos.""...Salcedo Group.""...Laptop. Kailangan ko access sa laptop.""...Three days lang, Veronica."Humigpit ang panga ko sa narinig ko.Hindi na bago ang pangalan ni Jessica sa bibig nila.

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 60 : Queen's Move

    "Every war begins with a single move... and the smartest enemies always let you celebrate before they strike."**********DAVE'S POV : Mag-aalas siyete pa lang ng umaga nung dumating ako sa opisina. Tahimik pa buong Salcedo Tower, wala pa halos tao sa baba, mga guards pa lang at mga naglilinis.Pero alam kong hindi magiging tahimik araw na to. Ramdam ko sa dibdib ko.Pagkapasok ko sa executive floor, nadatnan ko na agad sina Michael at Wolf na parehong seryoso, parehong nakatayo at may hawak na tablet."Morning, Boss," bati ni Michael.Tumango ako at dumiretso sa mesa ko. "Report, anong meron?"Iniabot ni Wolf isang tablet na may CCTV footage na naka-pause. Isang babaeng naka-sunglasses at naka-brown coat pumasok sa isang coffee shop kahapon ng hapon sa may Makati, umupo siya sa dulo. Ilang minuto lang may lalaking umupo sa harapan niya, nakatalikod sa camera kaya hindi malinaw mukha.Pero malinaw audio na nakuha ng team natin._"...Jessica Santos."__"...Salcedo Group."__"...Laptop

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 59 : The Watchers in the Dark

    "The strongest shield is the one your loved one never realizes is protecting them."*****DAVE'S POV :Tahimik kong isinara laptop sa ibabaw ng mesa. Alas-diyes na ng gabi, tahimik na buong Salcedo Tower. Mahimbing na siguro natutulog si Jessica sa condo ngayon. Kanina pa siya nagpaalam sa akin matapos kaming maghapunan sa labas sa may BGC, sabi ko sa kanya may emergency board meeting pa ako kaya hindi pa ako makakauwi nang sabay sa kanya.Sinadya ko talagang sabihin yun para hindi siya magtaka. Para hindi siya magtanong kung bakit gising pa ako nang ganitong oras.Isa lang naman totoong dahilan kung bakit nandito pa ako — may lihim akong kailangang tapusin na hindi niya pwedeng malaman.Knock. Knock."Come in," sabi ko.Dahan-dahang bumukas pinto, naunang pumasok si Michael, kasunod apat na lalaking pare-parehong naka-civilian clothes lang. Kung hindi mo sila pagmamasdan nang mabuti, iisipin mong ordinaryong empleyado lang sila ng Salcedo na nag-overtime. Pero alam kong lahat sila d

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 58: The First Piece of the Puzzle

    "The truth doesn't reveal itself all at once... it gives you just enough to keep you moving."*******DAVE'S POV :Mahina kong ipinatong tasa ng kape sa mesa habang nakatingin ako sa floor-to-ceiling window ng opisina ko. Mag-aalas nuebe na ng gabi, tahimik na buong Salcedo Group Headquarters, karamihan ng empleyado nakauwi na, ilang ilaw na lang bukas sa buong gusali.Pero ako hindi pa rin makauwi. Hindi dahil sa tambak na trabaho, sanay na ako dun. Hindi ako makauwi dahil sa report na ilang araw ko nang hinihintay mula kay Wolf.Knock. Knock."Come in," sabi ko.Dahan-dahang bumukas pinto, naunang pumasok si Michael, kasunod isang matangkad na lalaki na naka-itim na polo at cargo pants, maiksi buhok, matipuno pangangatawan at bakas sa kilos disiplinang hindi natututunan sa ordinaryong buhay. Kasunod pa dalawa pang lalaki na same tindig.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko."Sir," bati nung unang lalaki."Good evening, Mr. Salcedo," sabi niya at iniabot isang makapal na brown envelope n

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 57 : The Man Form Her Past

    "The past doesn't always return to destroy your future... sometimes, it comes back to protect it."*****JESSICA'S POV :Halos isang linggo na ang lumipas mula nang maging opisyal kaming dalawa ni Dave.Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, pakiramdam ko may tahanan na ulit ako. Hindi na yung parang nakikitira lang ako sa kung saan-saan. Hindi na yung pakiramdam na kailangan kong matakot sa bawat pagising.Gigising akong katabi siya. Yung una kong makikita pag dilat ng mata ko, mukha niya na tulog pa. Sabay kaming mag-aalmusal sa kusina kahit minsan late na kami pareho. Sabay kaming papasok sa opisina na iisang sasakyan lang. Sabay kaming uuwi kahit pagod kami pareho sa trabaho.Parang napaka-normal lang ng lahat. Parang normal na magkasintahan na walang problema.At yun mismo ang kinatatakutan ko. Kasi alam kong sa buhay ko, pag masyadong tahimik, may paparating na bagyo. Alam kong anumang oras, pwedeng mawala lahat ng to. Pwedeng biglang bumalik si Veronica at guluhin na na

  • The CEO's Beautiful Pretender   Chapter 56 : The First Lead

    "Sometimes the truth doesn't knock on your door... it quietly leaves footprints for those patient enough to follow."____DAVE'S POV :Mahigit alas-dose na ng madaling-araw nung matapos ang meeting namin. Isa-isang nagsialisan ang Team Alpha, tahimik at disiplinado, eksakto kung paano ko sila gusto. Walang maraming salita, walang kalat sa lamesa. Ganun sila sanay.Naiwan kaming dalawa ni Michael sa conference room. Pinapatay na niya yung ilaw sa projector habang sinusuot ko yung coat ko. Tahimik lang ang buong penthouse, tanging aircon at yung mahinang ugong ng syudad sa labas ng salamin ang naririnig."Boss..." tawag niya, hindi pa rin lumingon sa akin.Napatingin ako sa kanya. "Ano yun?""Hindi ka ba napapagod?" tanong niya, seryoso.Napangiti ako nang bahagya. Sanay na ako sa ganyan niyang tanong tuwing lagpas hatinggabi na. "Sa alin?""Sa kakaisip," sagot niya at saka lang siya humarap.Napailing ako at kinuha yung folder sa mesa. "Kapag nasa posisyon ka na ganito, hindi ka pweden

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status