Sunod-sunod na napabuntong hininga si Cecelia habang nakatayo sa dambuhalang double door ng De Silva Estate. Gaya ng sinabi ni Magnus ay dadalo s'ya kasama ito. Kanina pa pinipigilan ang gumagapang na kaba, sandali s'yang naghintay sa binata dahil may tumawag dito.
Nanginginig ang kamay niya nang hinawakan ang gold handle ng pinto. Malaki ang duda n'ya na mawawalan s'ya ng ulirat kapag haharapin muli ang pamilya ng dating asawa. The truth is they're not in good terms, his ex-husband's family hate her so much! Minamaliit s'ya noon dahil isa s'yang bulag kaya malamang isa ito sa nag-trigger kay Maxwell na pagtaksilan siya. She never actually saw their faces, so this is her first time seeing them. "Are you ready?" Muntik s'yang tumikso sa malalim na boses ni Magnus. Tapos na pala ito at saka n'ya nalaman na nakaabrisyete ang mga kamay nilang naglalakad papasok sa loob. "Baka hindi ko kaya," nakayuko niyang bulong. Naningkit si Magnus. "Ano ba'ng hindi mo kaya?" Pet peeve niya kasi ang mahihina. Isa rin ito sa dahilan kaya gusto n'yang maasawa si Cece. He likes feirce women. Unang kita pa lamang niya noon sa night club, sumakto na agad sa mahabang listahan ng ideal woman n'ya. "Natatakot ako. Ano na lang kaya ang sasabihin nila sa akin?" kabadong tapat ni Cece. Hinila niya ang kamay nito. "Parehas lang kayong tao, kung kumakain sila, kumakain ka rin, kung natatae sila, tumatae ka rin. Remember your real intentions, why you're here?" Bigla niyang nagustuhan ang pagiging crude nito at diretsahang pananalita. Sakto 'yun para matutu siyang maging crude sa harap ng dalawang taong sumira ng kanyang buhay. Pinisil niya ang braso nito. "I hope his not here also," bulong niya. Nasa boses nito ang inis. "Sa pagkakaalam ko, pinagtaksilan ka niya sa bestfriend mo. So, why are you afraid to see her? It's your time to make a retribution, you know!" Bumuga s'ya ng hangin. Saka lang niya narinig ang mahinang tugtog ng classical music at napuna ang kumikinang na mga chandilier sa kisame. Hindi siya umimik, sa halip ay tinuwid niya ang tingin. Dire-diretso silang pumasok na nakataas ang noo. ... "Balita ko, dadalo ang black sheep ng pamilya De Silva ngayon." Nagpanting sa tainga ni Maxwell sa narinig niya dulot para magising siya sa kasalukuyan nagaganap. Mapakla s'yang natawa, inayos ang bow tie at humugot ng malalim na hininga. "Malamang naghahanap ng moral support," dugtong ng mataba niyang pinsan, kumikinang ang mga gintong suot nito. Wala s'yang balak makisasaw rito pero pinipilit s'ya ng Mom niya. Gusto kasi nitong ipakilala niya ang asawang si Valentina sa iba pa niyang distant relatives. Bihira ang ganitong family reunion saka hindi ordinaryo ang lahat ng myembro ng pamilya De Silva. Dapat niyang matutunan kunin ang suporta ng lahat para sa ikaunlad ng negosyo niya. Sa tulong ng mga pinsan niya ay muli siyang nakabangon matapos kunin ng dati niyang asawa ang pinaghirapan noon. Pinakasalan niya ito upang makuha ang negosyo nito pero hindi s'ya nagtagumpay. If the door will close, the windows will be open. Dumuble ang natanggap n'yang oportunidad noong nakipaghiwalay sila. "Tanga lamang ang magsusuporta sa sampid na 'yan! Ginamit niya si Don Yosef De Silva para makuha ang gusto niya. What a fvcking bastard!" pagmumura ng tito Anton niya. Bahagyang nag-angat ang dulo ng labi niya. Nanigas s'ya nang may kumapit sa braso niya. Gumaan ang loob niya nang matantong si Valentina pala—hinimas ang tyan at medyo kabadong sinalubong ang mga mata niya. "Why are you even talking about him?" usal niya, bahagyang naningkit ang mga mata. "You're just stressing yourself out. That bastard is not even worth a second thought." Sarkastikong tumawa ang tatlo eleganteng lalaking kausap niya. Malayo pa lang ay maamoy na sa mga ito ang pera. These people are his vassals—loyal supporters who uphold him in the business world. Without them, he’s nothing. "Well, well, well... baby De Silva is coming," anang ng Tita Marga niya, asawa ng Tito Anton niya. "Masaya ako dahil tama ang babaeng napili mo, Maxwell. Hindi lang siya mabait, masipag din siyang bata. Hindi katulad n'ong ex-wife mo. Ang kapal ng mukha na sirain niya ang buhay mo." Bumaba ang tensyon sa pagitan nila. Tumikhim ang pinsan niyang si Ricco. "Sana pagsisihan ng bulag na 'yon ang ginawa nila sa'yo!" "Let's forget abou her, Tita. Baka mamaya sumama pa ang tyan natin imbes na mag-enjoy tayo sa reunion ngayon," malambing na wika ni Valentina. Pinapalabas niya na isa siyang maamo at mabuting babae. "Tama ka hija. Bakit ba pinag-uusapin pa natin ang mga taong wala namang silbi sa buhay natin?" anito saka lumapit sa kanya. "Come with me. Ipapakilala kita sa second cousins ko. They're from London, you know." Bumaling si Valentina kay Maxwell para humingi ng pahintulot. Tipid siyang ngumiti at h******n ito sa ulo. Pagkaalis nito ay saglit siyang nakipag-usap tungkol sa negosyo. Malalim na ang usapan nila nang biglang may tumikhim. "Speaking of the devil..." Sinundan n'ya ang tingin ni Tito Anton niya. Humantong iyon sa entrada ng banquet hall. Napatda siya, at tila binuhusan ng tubig na may sandamakmak na yelo. Pinipikot ba s'ya ng paningin niya? "The audacity of showing up here like a newly crowned king—he’s ridiculous." "Halatang gusto niyang kunin ang loob ng dalawang Don." "Nandito 'yan para magpasikat ng achievements niya sa buhay." Kinuyom n'ya ang mga palad, totoong naaasar s'ya dahil nandito si Magnus Quinn De Silva, ngunit ibang tao ang nagpatagis ng kanyang bagang. "How dare she showing herself here?!"Thank you for reading po. Hope you support me until the end :) God bless you all!
Kanina pa pumaroon at parito si Lucrezia. Nakatangas nga siya sa pinangyarihan ng sunog pero alam niyang tutugisin siya ng mga pulis dahil may matibay na ebidensiya si Cecelia. Wala siyang ideya kung paano at saan nito nakuha. Natural pumasok siya sa lungga ng kanyang kaaway at maraming mga mata ito. Sa kagagawan niya ay madadamay si Valentina–ang minamahal niyang mangugang.Nanginginig siyang kinuha ang cellphone, mabilis na pinindot ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang manugang. Malapad ang ngiti na tila wala kamuwang sa mundo habang pinapadede ang anak. Lumalaking malusog ang kanyang apo at natatakot siya na baka hindi na ito masisilayan habang buhay.“Mom, what’s wrong?” Medyo garagal ang boses nito dahil mahina ang signal pero halata sa mga mata na batid nito ang pinagdadaanan niya.Matagal bago niya sinagot. “I-I don’t know. What if huhulihin nila ako. Wala pa naman ang dad mo. Walang tutulong sa akin.”“Bakit naman kayo huhulihin kung di kayo guilty. ‘Wa
Pinasuot ni Magnus kay Cecelia ang kanyang coat jacket nang buhat s’ya nito palabas ng hotel. Mabilis s’yang inagaw kay Louie kanina at muntik pa’ng magsapakan ang dalawa. Gusto n’yang bulyawan ang asawa kaso napuno ng usok ang kanyang lalamunan hanggang baga. Samantala ngayon, masikip ang dibdib niya, parang tinutusok ang puso niya, nangagalaiti siya sa kalaspatangang ginawa sa kanyang pinaghirapan at puno ng determinasyon ang kanyang isipan na dalhin sa bilanguan si Lucrezia at Valentina. Sana ito na ang magiging katapusan ng mga ito.Nagdatingan din ang mga bombero, rescue team, mga pulisya at iba pang media practitioner. Simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay magiging laman sila ng balita. Saglit niyang sinilip ang natutupok niyang bagong rinnovated na hotel. Humigpit ang pagkapit niya sa batok ng asawa, saka sinubsob ang ulo sa balikat nito. Nanginginig siya sa magkahalong lungkot, hinayang, takot at galit. Sa tinding ng emosyon ay di na namalayan na nahimatay siya.“Cece
Sinira ng dalawa ang magandang gabi ni Cecelia. Talagang sinadya na dumalo para maghasik ng lagim. "Oh, it's nice to see you here, my beloved friend. Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang biyenan mo. Binabalak ko pa lamang ikutin ang ulo niya. Salamat dumating ka para iligtas siya," pang-uuyam niya.Umasim ang mukha ni Valentina. "Ang sahol mo! Sino ka ba sa inakala mo? Porket naasawa mo lang si Magnus ay namamataas ka na!"Inangat niya ang kamay at pinaglapit ang hintuturo at hinalalaki. "Kunti na lang, Valentina. Kapag mawala itong pasensiya ko, ihanda mo na sarili mo dahil puputulin ko yang dila mo! Hindi lang iyon, ibabalik kita sa lansangan kung saan ka nangaling." Nakataas ang kilay niyang umikot-ikot dito. "Huwag kang makampante dahil may katapusan ang lahat! Babawiin ko ang inagaw mo sa akin!"Tinawanan siya dahilan para lingunin sila ng lahat. Wala silang takas ngayon dahil nandito ang iilang media personnel. "Ilusyunada na ka pa rin eh 'no? Ba't hindi mo matanggap na a
Nakahinga ng maluwag si Cecelia matapos ang mahaba at mainit na pagbati sa kanyang bisita. Binalewala niya muna ang mga asungot. Tinapos ang cutting of ribbon ceremony at inaugaration speech. Saka sandali siyang nagpaalam para mag-retouch ng kanyang make up. Para siyang nalalantang gulay. "Where's that bitch? Nauubusan na ako ng pasensiya!" naiiritang wika ni Valentina. Kahit na nasa loob siya ng cubicle ay alam niyang iyon ang kaibigan niya. Humaba ang nguso niya habang pinapakinggan ang usap ng dalawa. "Oh, relax. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon. Di pa naman tapos ang gabi. Magagawa rin natin ang gusto nating gawin," pampakalma nito. Bigla niyang naisipan na i-record ang usapan ng dalawa, malakas ang kutob niya na may gagawing kalokohan ang mga ito laban sa kanya. Kinuha niya an saka pinindot ang vioce recorder. "Heto na nga kaso kinakabahan ako. Itutuloy mo talaga ito. Sayang naman ang hotel." Bumakas sa boses nito ang pag-alinlangan. "Iyon lang ang tanging paraan
"You're so beautiful tonight," bulong ni Magnus sa tenga ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi subalit likas itong nakakaakit. Pinisil nito ang braso niya."Nililinlang ka lang ng mga mata mo," hirit nito. Pumalatak siya at napahugot ng malalim na hininga."Galing sa puso ko ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Kunwari nagtatampo siya. Nakaabresite silang binabagtas ang carpeted floor ng hotel nito.Inipit ni Cecelia ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nakalimutan niyang nakaayos pala ang mukha niya at masisira iyon kapag ginulo niya. Naaasar kasi siya sa pagiging malandi ni Magnus. Sa katunayan, na-flattered siya. Hindi niya pinakita dahil natatakot siyang malaman nito na nahulog siya sa patibong nito.Umaangat ang dulo ng labi niya nang masilayan ang mala-fairytale na dekorasyon ng pinakamalaking bulwagan ng hotel. Tila may pumapatak na kumikinang na mga luha mula sa kisame. Sumasabog na parang bahaghari ang kinang ng chandeliers na sumasayaw sa makinta
Samantala, ilang araw ng pabalik-balik sa isipan ni Cecelia ang ginawang kalokohan ng kanyang asawa. Aba! Naging headline siya sa tsimis dahil sa iniwan nitong chikinini sa leeg niya. Dinagdagan pa ng panunukso ng kanyang kaibigan. Matapos niyang bisitahin ang hotel ay agad siyang umuwi para sa maghanda sa inaugaration party. Sumalpok ang kilay niya nang masalubong ang di kilalang mga tao pero ayon sa pananamit ng mga ito ay tila mga fashion stylist. Kasama ang bagong recruit niyang personal assistant na si Ginger Flores at ang body guard Graziano ay maingay silang pumasok sa loob. "Sino-sino kayo at sino ang nagpapasok sa inyo rito?" tanong niya, sandaling pinakalma ang sistema. "I'm Messy, personal stylist ni Sir Magnus. Pinatawag po ako rito para tulungan kayo sa susuotin niyo ngayong gabi," magalang nitong pakilala sa kabila ng pagiging mataray niya. Lumambot ang mukha niya. "Tsk! Nag-abala pa siya. Hindi ko na kailangan—" Huminyo siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone