LOGINSophia Elaine Rivera POV
Umiikot na ang paningin ko. Ang bigat din ng bawat hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng hotel. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso o bote ng alak ang nainom ko sa bar sa ibaba. Ang natatandaan ko lang, gusto kong lunurin 'yung boses ng nanay ni Jayson na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Isang hamak na empleyado lang.
Pumasok ako sa elevator, sumandal sa dingding, at pinindot ang floor kung saan alam kong may kwarto ako. O baka kwarto nina Jayson 'yun? Hindi ko na maisip nang maayos. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, sumuray-suray ako palabas. Malabo na ang mga numero sa pinto.
Huminto ako sa tapat ng isang pinto. May hawak akong card key na nakuha ko sa lamesa kanina sa bar bago ako umakyat, o baka naiwan ko sa bag? Tiningnan ko ang hawak ko. Card key nga. Idinikit ko iyon sa sensor.
Click.
Bumukas. Ni hindi ko napansin na hindi man lang umilaw nang pula 'yung card reader. Pumasok ako sa madilim na kwarto. May kaunting liwanag lang na nanggagaling sa mga city lights sa labas, tumatagos sa malaking glass window. Amoy mamahaling pabango ang buong paligid. Matapang pero nakakarelax ang amoy, malayong-layo sa pabango ni Jayson.
"Sino ka?"
Isang malalim na boses ang bumasag sa katahimikan sa loob ng suite.
Napahinto ako, muntik nang mawalan ng balanse. Lumingon ako kung saan nanggaling 'yun. May bulto ng isang matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa bintana, may hawak na baso. Hindi ko makita ang mukha niya, pero ramdam ko ang bawat titig niya.
"Jayson...?" bulong ko, lumalabo na talaga ang paningin ko. Ang buong akala ko, sinusundan niya ako para magmakaawa. Humakbang ako paitaas, pero biglang na-out of balance ang heels ko sa carpet. "Sandali..."
Bago pa ako sumubsob sa sahig, may mabilis na humawak sa braso ko. Malalaki at maiinit na kamay. Napaangat ang tingin ko. Kahit madilim, sapat na ang liwanag ng buwan para makita ko ang seryoso niyang tingin, matangos na ilong, at ang bahagyang salubong niyang kilay. Hindi ito si Jayson. Mas matangkad ito, mas malapad ang mga balikat.
"You're in the wrong room, Miss," sabi ng lalaki. Mababa ang boses niya, walang emosyon, pero hindi niya binitiwan ang braso ko. Medyo bumaon ang mga daliri niya sa balat ko para lang mapanatili akong nakatayo.
"Bitawan mo ako..." Pilit kong binawi ang kamay ko, pero sa sobrang lambot ng mga tuhod ko, sa dibdib niya ako bumagsak. Naamoy ko ulit 'yung pabango niya, at mas lalo akong nahilo. Bigla namang sumikip ang dibdib ko nang bumalik sa isip ko ang hitsura ni Jayson—na may kalong na ibang babae sa kama.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, basang-basa ang mamahalin niyang polo shirt. "Bakit ba palagi na lang? Kulang pa ba 'yung apat na taon? Bakit kailangang palitan ako nang ganoon kadali?"
Hindi sumagot ang lalaki. Nanatili siyang tuwid at matigas, pero naramdaman kong dahan-dahan niyang inilapat ang isa niyang kamay sa likod ko para hindi ako tuluyang mapaupo sa sahig. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya
"Sino ang tinutukoy mo?" tanong niya, medyo lumambot nang bahagya ang tono ng boses niya, o baka guni-guni ko lang dahil sa alak.
"Ang hayop na 'yun..." Umangat ang mukha ko, sinalubong ang mga mata niya. Sa sobrang lapit namin, nararamdaman ko ang init ng hininga niya. "Gusto ko lang makalimot. Kahit ngayon lang."
Hinawakan ko ang kuwelyo ng polo niya. Sa halip na itulak ako palabas, nanatili lang siyang nakatitig sa akin. May tensyong nabuo sa pagitan naming dalawa. Kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya nang lumunok siya.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" mahinang tanong niya. May babala sa boses niya, pero may iba ring pahiwatig.
Hindi ako sumagot gamit ang salita. Sa halip, hinila ko siya pababa at idinikit ang mga labi ko sa kaniya. Lasing ako, alam ko. Pero sa sandaling iyon, ang init ng labi niya ang tanging bagay na nagparamdam sa akin na buhay ako—na hindi ako basura na pwedeng itapon lang ng pamilya Madrigal.
Sandaling natigilan ang lalaki, nanigas ang buong katawan. Pero bago ko pa maisip na lumayo, humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Binuhat niya ako paitaas, dahilan para mapakapit ang mga binti ko sa balakang niya habang hindi napuputol ang halik na unti-unting naging malalim, mapusok, at puno ng pagnanasa.
Ikinulong niya ako sa ibabaw ng malambot na kama. Sa bawat haplos at halik niya sa akin buong gabi, walang Jayson na pumasok sa isip ko. Ang tanging natira ay ang bawat mabibigat na paghinga ng estrangherong ito.
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Pakiramdam ko ay pinupukpok ng martilyo ang bungo ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puti ang kisame. Malawak ang kwarto. At bago ko pa marealize kung nasaan ako, naramdaman ko ang lamig ng aircon sa hubad kong katawan. Agad kong hinila ang kumot para takpan ang sarili ko.
Nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama. Wala na siya.
May narinig akong mahinang agos ng tubig mula sa banyo. May naliligo. Doon biglang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kagabi—ang pagpasok ko sa maling kwarto, ang pag-iyak ko, at ang mga haplos ng isang lalaki na hindi ko man lang kilala.
"Diyos ko, Sophia Elaine..." bulong ko sa sarili ko, nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ang nagkalat kong damit sa sahig.
Mabilis akong bumangon kahit umiikot pa ang paningin ko. Isinuot ko ang puting cocktail dress na lukot-lukot na ngayon. Ni hindi ko na magawang mai-zipper nang maayos ang likod kaya hinila ko na lang ang buhok ko para matakpan 'yun. Kinuha ko ang pouch ko sa sahig.
Palabas na ako ng pinto nang biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Huminto ako at dahan-dahang lumingon. Lumabas ang lalaki na may tuwalya lang na nakapulupot sa bewang niya. Basa pa ang buhok niya, at may mga patak pa ng tubig na gumagapang sa dibdib niya pababa sa abs niya. Doon ko lang nakita nang malinaw ang mukha niya sa ilalim ng liwanag ng umaga. Mukha siyang mayaman, seryoso, at sa totoo lang—napaka-gwapo at napaka-macho niya.
Tumitig siya sa akin, walang emosyon ang mukha habang pinatutuyo ang buhok gamit ang isang maliit na tuwalya.
"Aalis ka na?" tanong niya, kaswal lang ang boses, na tila normal na bagay lang ang nangyari sa amin.
Hindi ako makapagsalita. Agad kong pinihit ang hawakan ng pinto at mabilis na lumabas nang hindi sumasagot. Takbo-lakad ang ginawa ko sa hallway habang umiiyak sa kahihiyan, walang lingon-lingon sa likod. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo sa hotel na 'yon, kay Jayson, at sa lalaking hindi ko man lang nalaman ang pangalan.
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Mula sa bintana ng kwartong inilaan para sa amin, nakatingin ako sa malayo habang mahigpit na yakap ni Cael ang braso ko. Kanina pa siya tahimik, paminsan-minsan ay tinitingnan ako bago ibaling ulit ang tingin sa madilim na daan. Ang ulan na kanina pa pumapatak ay parang lalong bumubuhos, tila ba sumasabay sa kabog ng dibdib ko. Ilang oras na kaming narito sa lugar na hindi ko pa nakikita noon malayo, tahimik, at puno ng pag-iingat na inihanda ni Enzo para sa amin. Pero kahit gaano man kaligtas dito, hindi ko mapigilan ang pangungulila at pag-aalala para sa kanya.“Nay, darating pa ba si Tito Enzo?” tanong ni Cael nang mahina, ang boses niya ay may halong takot at pag-asa.Yumuko ako at hinaplos ang pisngi niya, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang mga labi ko. “Darating siya, anak. Pangako niya ‘di ba? At alam nating hindi niliwinawala ni Tito Enzo ang mga pangako niya. Nag-aasikaso lang siya ng mga bagay para sa atin.”Tumango siya, pero hindi nawala ang
ENZO MATTEO CORTEZ POV Nang tuluyan nang mawala ang sasakyan sa paningin ko at maging ang alikabok na iniwan nito ay humupa na rin, nanatili pa rin akong nakatayo sa tapat ng lumang tarangkahan. Matagal akong nakatingin sa daang papalayo, tila ba may bahagi ng sarili ko ang sumama sa kanila. Ang dati kong tahimik na tirahan ay biglang naging masyadong maluwag at masyadong tahimik nang wala sina Sophia at Cael. Huminga ako nang malalim, sinubukang alisin ang bigat sa dibdib ko. Ngayon na ligtas na sila sa bagong pwesto, nasa akin na ang tungkuling tapusin ang simula harapin ang mga aninong matagal nang nagtatago sa dilim, at siguraduhing hindi na muling makakalapit ang sinuman sa kanila. “Sir Enzo?” tawag ni Kardo, ang pinaka-matandang tauhan ko at ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko nang lubusan. Lumapit siya sa akin habang pinupunasan ang pawis sa noo. “Nakaalis na sila nang ligtas. Ang mga bantay sa bundok ay nakapwesto na rin at handa na sa anumang mangyari. Huwag po k
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Akala ko ay magiging payapa ang mga susunod na araw, tila ba ang mga salita ni Enzo at ang guhit ni Cael ay sapat na upang itaboy ang lahat ng pangamba. Sa loob ng ilang araw na pananatili namin doon, naramdaman ko ang kapayapaang matagal ko nang hindi nararanasan yung tipong hindi mo kailangang laging lumingon sa likod sa bawat hakbang, o magising sa gitna ng gabi dahil sa masamang panaginip. Ngunit hindi ganoon kadaling itago ang katotohanan. Parang anino na sumusunod sa atin kahit sa pinakamaliwanag na liwanag, at sa huli ay lilitaw pa rin upang harapin tayo nang walang pasabi. Ika-tatlong araw na mula noong ibinigay ni Cael ang kanyang guhit. Katatapos lang naming maghapunan nagluto si Aling Mila ng paborito naming sinigang na baboy at pritong isda, at halos hindi namin namalayan ang oras sa dami ng kwentuhan habang kumakain. Ngayon ay nagpapahinga na kami sa sala habang pinapanood si Cael na masiglang nagbabasa ng kuwento sa kanyang paboritong libro.
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Mula noong gabing iyon, tila nagbago ang bigat ng hangin sa loob ng aming munting kanlungan. Hindi na ito purong takot ang bumabalot sa akin, kundi isang halo ng pag-iingat at kakaibang kapanatagan—isang pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman noong mga panahong mag-isa ko pang kinakaharap ang mga anino ng aking nakaraan. Kahit alam kong sa labas ng matibay na bakod ay may mga panganib na naghihintay, ang presensya ni Enzo ay nagsisilbing pader na pumipigil sa akin na tuluyang madala ng pangamba. Nagising ako nang maaga, bago pa man tuluyang sumikat ang araw at bago pa magising ang buong paligid. Ang tanging liwanag na tumatagos sa kwarto ay galing sa buwan na unti-unti nang naglalaho, at ang mahinang huni ng mga ibon na tila naghahanda na rin sa pagsisimula ng bagong araw. Tumingin ako sa tabi ko kung saan mahimbing na natutulog si Cael. Kahit sa pagtulog ay makikita sa kanyang mukha ang kapayapaang nais kong manatili sa kanya habambuhay. Dahan-daha
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Matapos ang mainit na yakap at ang panata ng pagtutulungan, dahan-dahan akong humiwalay kay Enzo. Ang init ng kanyang katawan at ang katiyakan sa kanyang mga salita ay tila isang kalasag na bumabalot sa aking puso, kahit na sa kaibuturan ng isip ko ay hindi maikakaila na may nananatiling kaba. Mula sa bintana, pinanood ko si Cael na masayang tumatakbo sa damuhan, humahabol sa isang paru-parong tila walang pakialam sa mga panganib na nakapaligid sa amin. Nais ko sanang maging kasing gaan ng pakiramdam ng aking anak—malaya, walang alalahanin, at puno ng pag-asa. “Halika na,” yaya ni Enzo habang marahang hinahawakan ang aking siko. “Samahan natin si Cael. Sayang ang panahon kung uubusin lang natin sa pag-iisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari.” Tumango ako at sabay kaming lumabas papunta sa bakuran. Ang sariwang hangin ay humaplos sa aking mukha, dala ang amoy ng mga namumulaklak na halaman at basang lupa mula sa ulan noong nakaraang gabi. Sa isang s
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Matapos ang mahabang pag-uusap namin ni Enzo, dahan dahan akong humiga sa tabi ni Cael at ipinikit ang aking mga mata. Sa labas, tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, ang tunog nito ay tila himig na unti-unting nagpapakalma sa aking isipan. Hindi tuluyang nawala ang kaba sa aking dibdib, pero iba na ang bigat nito ngayon hindi na ito takot na dulot ng kawalan ng katiyakan, kundi isang uri ng pag-aalala na may kasamang katiyakan na may kasama ako sa labanang ito. Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang dumalaw ang malalim na pagtulog, at nang magising kinabukasan, ang unang bumungad sa akin ay ang maaliwalas na silid at ang malambot na hininga ng aking anak. Ngumiti ako nang kusa habang tinititigan siya. Salamat, Diyos, bulong ko sa aking isipan. Kahit anong mangyari, nandiyan pa rin siya ang aking lakas at dahilan ng lahat ng aking pagsisikap. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Sa sala, naroon na si Enzo, nakaupo sa mesa habang binabasa ang i
ENZO MATTEO CORTEZ POV Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila. Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nak
Sophia Elaine Rivera"Sabi ko naman sa inyo, Aling Nena, okay lang po talaga. Pasensya na po sa istorbo, biglaan lang kasi," mahinang sabi ko habang naka-ipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.May hawak akong tray kung saan nakalagay ang bagong timplang kape para kay Sir Enzo. Pang
Sophia Elaine Rivera POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na
Sophia Elaine Rivera POVGabi na pero maingay pa rin sa loob ng function hall ng hotel sa Makati. Dapat sana masaya ako kasi tatlong linggo na lang, kasal na namin ni Jayson. Suot ko pa nga ang puting cocktail dress na gawa ng designer na kinuha ng pamilya niya. Pero imbis na katabi ko si Jayson, n







