LOGINSophia Elaine Rivera POV
Isang buwan. Isang buwan ko nang sinusubukang ibalik sa normal ang buhay ko, pero parang may sariling gustong mangyari ang tadhana.
Mula noong gabing 'yon sa hotel, nag-resign agad ako sa kompanya ng mga Madrigal. Lumipat ako sa isang maliit na advertising agency sa Pasig. Mas mababa ang sweldo, mas maliit ang opisina, pero kahit paano, tahimik. Walang nagpaparamdam sa akin na isa akong hamak na empleyado lang na pwedeng tapakan.
"Elaine, okay ka lang? Kanina mo pa pinapaikot 'yang tinidor mo sa pansit," puna ni Maya, ang katabi ko sa cubicle at ang nag-iisang naging kaibigan ko rito sa bagong trabaho.
Inilapag ko ang tinidor at pilit na ngumiti. "Ha? Oo, medyo kulang lang sa tulog. Marami kasing hinahabol na bentahe sa bagong campaign."
Naningkit ang mga mata ni Maya. Tiningnan niya ang mukha ko, partikular ang ilalim ng mga mata ko. "Sigurado ka ba? Pangatlong araw mo na 'yang maputla. Saka napansin ko, palagi kang huling pumapasok kasi naduduwal ka sa banyo tuwing umaga. Huwag mo sabihing..." Huminto siya, nilapit ang mukha sa akin, at bumulong. "Buntis ka?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig. Agad akong kumuha ng tissue para magpunas. "Ano ka ba, Maya. Ang lakas ng boses mo. Hindi, no. Baka stress lang talaga."
"Sabi mo, eh. Pero iba ang kutob ko, girl. Mag-test ka na kaya para sigurado?"
Hindi ko na sinagot si Maya. Ibinalik ko na lang sa tupperware 'yung pagkain ko kahit halos hindi ko pa naman iyon nagagalaw. Ang totoo, natatakot talaga ako. Dalawang linggo na akong delayed. Noong una, akala ko stress lang ito dahil sa break-up namin ni Jayson. Pero iba na ngayon—madalas na akong mahilo, at bigla na lang akong naduduwal kapag naaamoy ko 'yung paborito kong kape. Doon na ako totoong kinabahan.
Nang matapos ang shift ng alas-singko ng hapon, dumiretso ako sa pinakamalapit na botika. Palihim akong bumili ng dalawang pregnancy test kit. Parang akong magnanakaw habang nagbabayad sa cashier, patingin-tingin sa paligid baka kasi may makakilala sa akin.
Pagkauwi sa maliit kong inuupahang apartment sa Mandaluyong, hindi ko na hinubad ang sapatos ko. Dumiretso ako sa banyo. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang maliit na plastic ng pregnancy test.
Tatlong minuto. Sabi sa instruction, kailangang maghintay ng tatlong minuto.
Umupo ako sa sahig ng banyo habang naghihintay. Pakiramdam ko ang bagal-bagal ng oras. Isang gabi lang 'yon. Isang gabi ng pagkakamali kasama ang isang lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan ni kung saan nakatira.
Tumunog ang timer sa cellphone ko.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang tumayo. Nilapitan ko ang ibabaw ng lababo kung saan ko iniwan ang test kit.
Dalawang pulang guhit.
Nanghina ang mga tuhod ko,Napaupo ako pabalik sa sahig at napakapit sa lababo. Positive. Buntis ako. Buntis ako sa isang lalaking hindi ko man lang kilala, kung kailan kaka-break lang namin ng ex-fiancé ko.
Kung malalaman ito ng pamilya Madrigal, paniguradong gagamitin nila ito para baligtarin ang sitwasyon at palabasin na ako ang may kasalanan kaya nasira ang kasal namin. Iisipin nilang bago pa mangyari ang gabing 'yon, nanglalaki o may ginagawa na akong kalokohan.
At 'yung lalaki kaya? Paano kung mahanap niya ako? Mukha pa namang mayaman at makapangyarihan ang isang 'yun. Baka kunin niya lang ang bata sa akin.
"Hindi pwedeng mangyari 'yun," bulong ko habang hinahawakan ang flat ko pang tiyan. May buhay na rito sa loob. Isang buhay na walang kasalanan.
Kinabukasan, hindi na ako pumasok sa trabaho. Nag-email na lang ako kay Maya at sa HR na nagre-resign na ako, effective immediately. Alam kong iisipin nilang nababaliw na ako, pero kailangan ko talagang umalis. Kailangan kong magtago sa lahat ng nakakakilala sa akin dito sa Maynila.
Inimpake ko ang lahat ng gamit ko sa dalawang malaking maleta. Iniwan ko ang mga gamit na binili namin ni Jayson para sa dapat sana ay lilipatan naming bahay. Ang tanging dinala ko lang ay ang mga personal kong damit at ang kaunting ipon ko sa bangko.
Sumakay ako ng bus patungong probinsya, sa isang maliit na bayan sa Laguna kung saan may lumang bahay ang yumao kong lola. Habang umaandar ang bus palabas ng expressway, tumingin ako sa bintana. Ang mga matataas na building ay unti-unting napapalitan ng mga puno at malalawak na bukid.
Limang taon ang lumipas...
"Mama! Tignan mo 'to, nakahuli ako ng malaking tipaklong!"
Nilingon ko 'yung pinto ng kusina. Patakbong pumasok ang apat na taong gulang kong anak. Medyo marumi ang tuhod niya, at may hawak siyang maliit na plastic na garapon. Kulot ang dulo ng buhok niya, at 'yung mga mata niya—'yun ang mga matang gabi-gabi kong nakikita kapag pumipikit ako dahil sa sobrang pamilyar.
"Cael Matteo, ilang beses ko bang sinabi sa 'yo na huwag kang magtatatakbo sa labas nang walang tsinelas?" saway ko habang ibinababa ang sandok na hawak ko. Nilapitan ko siya at lumuhod para punasan ang pawis sa kaniyang likod.
Ngumiti lang ang anak ko, ipinapakita ang dalawang maliit na dimple sa pisngi. Ang ngiting 'yon, pati ang hugis ng kaniyang panga, ay kopya ng lalaking huli kong nakita limang taon na ang nakakaraan. Si Cael ang buhay ko—ang dahilan kung bakit kinaya kong magtrabaho bilang freelance virtual assistant habang nagtatago rito sa probinsya.
"Sorry po, Mama, Pero matalino po itong si Mr. Grasshopper, natulungan niya akong mag-solve ng puzzle kanina," seryosong paliwanag ng bata habang itinataas ang garapon. Sa edad na apat, masyadong matalino si Cael. Minsan, nakakatakot ang talas ng memorya niya.
Bumuntong-hininga ako at hinalikan siya sa noo. "O sige na, hugas ka muna ng kamay. Kakain na tayo."
Habang kumakain kami, biglang tumunog ang laptop ko sa lamesa. May pumasok na email. Binuksan ko ito habang sinusubuan si Cael.
From: Cortez International Holdings
Subject: Job Offer - Executive Secretary to the CEO
Napatitig ako sa screen. Ilang linggo na ang nakakaraan noong mag-apply ako online dahil paubos na ang ipon ko para sa pag-aaral ni Cael sa kindergarten sa darating na pasukan. Malaki ang sweldo na inaalok ng kompanyang ito sa Maynila, sapat para makuha ko ang isang maayos na apartment at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak ko.
"Mama, aalis ba tayo?" tanong ni Cael habang nakatingin sa mukha ko.
Tiningnan ko ang anak ko, tapos ay muling binalingan ang email. Oras na para harapin ang Maynila. Limang taon na ang nakalipas, sigurado akong nakalimutan na ako ng mga Madrigal, at ang estrangherong yun ay isang malabong alaala na lang.
"Oo, anak. Babalik na tayo sa Manila," sabi ko, hinawakan ang kaniyang maliit na kamay.
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Mula sa bintana ng kwartong inilaan para sa amin, nakatingin ako sa malayo habang mahigpit na yakap ni Cael ang braso ko. Kanina pa siya tahimik, paminsan-minsan ay tinitingnan ako bago ibaling ulit ang tingin sa madilim na daan. Ang ulan na kanina pa pumapatak ay parang lalong bumubuhos, tila ba sumasabay sa kabog ng dibdib ko. Ilang oras na kaming narito sa lugar na hindi ko pa nakikita noon malayo, tahimik, at puno ng pag-iingat na inihanda ni Enzo para sa amin. Pero kahit gaano man kaligtas dito, hindi ko mapigilan ang pangungulila at pag-aalala para sa kanya.“Nay, darating pa ba si Tito Enzo?” tanong ni Cael nang mahina, ang boses niya ay may halong takot at pag-asa.Yumuko ako at hinaplos ang pisngi niya, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang mga labi ko. “Darating siya, anak. Pangako niya ‘di ba? At alam nating hindi niliwinawala ni Tito Enzo ang mga pangako niya. Nag-aasikaso lang siya ng mga bagay para sa atin.”Tumango siya, pero hindi nawala ang
ENZO MATTEO CORTEZ POV Nang tuluyan nang mawala ang sasakyan sa paningin ko at maging ang alikabok na iniwan nito ay humupa na rin, nanatili pa rin akong nakatayo sa tapat ng lumang tarangkahan. Matagal akong nakatingin sa daang papalayo, tila ba may bahagi ng sarili ko ang sumama sa kanila. Ang dati kong tahimik na tirahan ay biglang naging masyadong maluwag at masyadong tahimik nang wala sina Sophia at Cael. Huminga ako nang malalim, sinubukang alisin ang bigat sa dibdib ko. Ngayon na ligtas na sila sa bagong pwesto, nasa akin na ang tungkuling tapusin ang simula harapin ang mga aninong matagal nang nagtatago sa dilim, at siguraduhing hindi na muling makakalapit ang sinuman sa kanila. “Sir Enzo?” tawag ni Kardo, ang pinaka-matandang tauhan ko at ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko nang lubusan. Lumapit siya sa akin habang pinupunasan ang pawis sa noo. “Nakaalis na sila nang ligtas. Ang mga bantay sa bundok ay nakapwesto na rin at handa na sa anumang mangyari. Huwag po k
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Akala ko ay magiging payapa ang mga susunod na araw, tila ba ang mga salita ni Enzo at ang guhit ni Cael ay sapat na upang itaboy ang lahat ng pangamba. Sa loob ng ilang araw na pananatili namin doon, naramdaman ko ang kapayapaang matagal ko nang hindi nararanasan yung tipong hindi mo kailangang laging lumingon sa likod sa bawat hakbang, o magising sa gitna ng gabi dahil sa masamang panaginip. Ngunit hindi ganoon kadaling itago ang katotohanan. Parang anino na sumusunod sa atin kahit sa pinakamaliwanag na liwanag, at sa huli ay lilitaw pa rin upang harapin tayo nang walang pasabi. Ika-tatlong araw na mula noong ibinigay ni Cael ang kanyang guhit. Katatapos lang naming maghapunan nagluto si Aling Mila ng paborito naming sinigang na baboy at pritong isda, at halos hindi namin namalayan ang oras sa dami ng kwentuhan habang kumakain. Ngayon ay nagpapahinga na kami sa sala habang pinapanood si Cael na masiglang nagbabasa ng kuwento sa kanyang paboritong libro.
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Mula noong gabing iyon, tila nagbago ang bigat ng hangin sa loob ng aming munting kanlungan. Hindi na ito purong takot ang bumabalot sa akin, kundi isang halo ng pag-iingat at kakaibang kapanatagan—isang pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman noong mga panahong mag-isa ko pang kinakaharap ang mga anino ng aking nakaraan. Kahit alam kong sa labas ng matibay na bakod ay may mga panganib na naghihintay, ang presensya ni Enzo ay nagsisilbing pader na pumipigil sa akin na tuluyang madala ng pangamba. Nagising ako nang maaga, bago pa man tuluyang sumikat ang araw at bago pa magising ang buong paligid. Ang tanging liwanag na tumatagos sa kwarto ay galing sa buwan na unti-unti nang naglalaho, at ang mahinang huni ng mga ibon na tila naghahanda na rin sa pagsisimula ng bagong araw. Tumingin ako sa tabi ko kung saan mahimbing na natutulog si Cael. Kahit sa pagtulog ay makikita sa kanyang mukha ang kapayapaang nais kong manatili sa kanya habambuhay. Dahan-daha
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Matapos ang mainit na yakap at ang panata ng pagtutulungan, dahan-dahan akong humiwalay kay Enzo. Ang init ng kanyang katawan at ang katiyakan sa kanyang mga salita ay tila isang kalasag na bumabalot sa aking puso, kahit na sa kaibuturan ng isip ko ay hindi maikakaila na may nananatiling kaba. Mula sa bintana, pinanood ko si Cael na masayang tumatakbo sa damuhan, humahabol sa isang paru-parong tila walang pakialam sa mga panganib na nakapaligid sa amin. Nais ko sanang maging kasing gaan ng pakiramdam ng aking anak—malaya, walang alalahanin, at puno ng pag-asa. “Halika na,” yaya ni Enzo habang marahang hinahawakan ang aking siko. “Samahan natin si Cael. Sayang ang panahon kung uubusin lang natin sa pag-iisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari.” Tumango ako at sabay kaming lumabas papunta sa bakuran. Ang sariwang hangin ay humaplos sa aking mukha, dala ang amoy ng mga namumulaklak na halaman at basang lupa mula sa ulan noong nakaraang gabi. Sa isang s
SOPHIA ELAINE RIVERA POV Matapos ang mahabang pag-uusap namin ni Enzo, dahan dahan akong humiga sa tabi ni Cael at ipinikit ang aking mga mata. Sa labas, tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, ang tunog nito ay tila himig na unti-unting nagpapakalma sa aking isipan. Hindi tuluyang nawala ang kaba sa aking dibdib, pero iba na ang bigat nito ngayon hindi na ito takot na dulot ng kawalan ng katiyakan, kundi isang uri ng pag-aalala na may kasamang katiyakan na may kasama ako sa labanang ito. Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang dumalaw ang malalim na pagtulog, at nang magising kinabukasan, ang unang bumungad sa akin ay ang maaliwalas na silid at ang malambot na hininga ng aking anak. Ngumiti ako nang kusa habang tinititigan siya. Salamat, Diyos, bulong ko sa aking isipan. Kahit anong mangyari, nandiyan pa rin siya ang aking lakas at dahilan ng lahat ng aking pagsisikap. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Sa sala, naroon na si Enzo, nakaupo sa mesa habang binabasa ang i
Sophia Elaine Rivera POVUmiikot na ang paningin ko. Ang bigat din ng bawat hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng hotel. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso o bote ng alak ang nainom ko sa bar sa ibaba. Ang natatandaan ko lang, gusto kong lunurin 'yung boses ng nanay ni Jayson na pa
Sophia Elaine Rivera POVGabi na pero maingay pa rin sa loob ng function hall ng hotel sa Makati. Dapat sana masaya ako kasi tatlong linggo na lang, kasal na namin ni Jayson. Suot ko pa nga ang puting cocktail dress na gawa ng designer na kinuha ng pamilya niya. Pero imbis na katabi ko si Jayson, n
ENZO MATTEO CORTEZ POV Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila. Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nak
Sophia Elaine Rivera POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na







