Share

CHAPTER 6

Author: Ellise
last update publish date: 2026-06-04 20:37:40

ENZO MATTEO CORTEZ POV

Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila.

Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nakatalikod ito habang pinupulot ang kanyang kwaderno at mga krayolang nagkalat sa sahig. Ang bawat galaw niya, ang paraan ng pagyuko at pag-abot, ay tila kapareho ng aking sarili noong ako ay kasing-edad o kasing bata pa lamang niya. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking paningin kay Sophia, na nakatayo doon na parang naghihintay na sumabog ang aking galit.

At marahil ay nararapat lang na magalit talaga ako. May bahagi ng pagkatao ko, ang bahaging laging naghahanap ng katotohanan at ayaw sa pagtatago, na gustong magtanong, humingi ng paliwanag, at ilabas ang damdaming unti-unting namumuo sa aking dibdib. Ngunit may isa pang bahagi, ang bahaging laging naghahap ng sagot sa aking mga katanongan, sa nakikita ng aking mga mata.

Cael Matteo.

Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang pangalang iyon.

Matteo.

Matteo.

Matteo.

Iyon ang ipinangalan sa akin ng aking namayapang ama, isang pangalang minsan ko lang gamitin sa publiko dahil masyado itong personal para sa akin, isang paalala ng pamilyang nawala sa akin nang mapahamak ang kanilang sinasakyan na eroplano labin dalawang taon na ang naka raraan.

Iilan lamang sa aking mga pinagkakatiwalaan ko dito sa loob ng kumpanya at ilang kamag anak ang nakakaalam nito. Ang pagbibigay niya ng pangalang iyon sa bata ay higit pa sa nagkataon. Ito ay isang tahimik na pag-amin, isang patunay na alam niya kung sino ang ama ng kanyang anak.

At saka ang batang lalaki. Ang kislap ng kanyang mga mata kapag tumatawa, ang bahagyang pagkunot ng noo kapag nagtatanong, ang hugis ng kanyang mga kamay, maging ang paraan ng pagtagilid ng ulo kapag siya ay nag-iisip, lahat ng iyon ay hindi maikakaila katulad na katulad sa akin. Para akong nakatingin sa salamin ng aking sariling pagkabata.

Ibinalik ko ang aking paningin kay Sophia Elaine. “Sabi mo apat na taong gulang na siya.”

Dahan-dahan siyang tumango, mahigpit na nakadikit ang kanyang mga palad sa harapan na tila naghahanda para sa isang mahabang paliwanag. “Nag apat na siya noong nakaraang tatlong buwan. Ipinanganak ko siya noong sumunod na taon matapos ang gabing iyon.”

“Ibig sabihin ay pinangank siya nung…” hindi ko na itinuloy ang sasabihin, ngunit malinaw ang ibig kong sabihin. Ang petsa ay tumutugma sa gabing iyon, ang gabing pareho kaming nagtago sa dilim upang makalimot.

“…noong gabing iyon,” dugtong niya, halos pabulong na lamang. Humugot siya ng malalim na hininga, tila pinipiling buuin ang natitira niyang lakas ng loob upang harapin ako. “Oo. Hindi ko alam kung sino ka noon. Nagising ako, at takot na takot ako. Katatapos ko lamang makita ang aking kasintahang may ibang babae, pinahiya ako ng kanyang pamilya sa harap ng maraming tao, at nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid kasama ang isang estranghero. Wala akong alam tungkol sa’yo, wala akong pangalan, wala akong numero. Hindi ko alam ang iisipin. Umalis ako bago ka pa magising dahil inakala kong iyon ang pinakamainam na gawin. Hindi ko inakalang magkikita pa tayo sa hinaharap.”

“At nang malaman mong nagdadalang-tao ka?” tanong ko, sumandal sa gilid ng aking mesa at nagsalubong ang aking mga braso sa dibdib. Sinubukan kong panatilihing mahinahon ang aking tono, ngunit hindi ko maitanggi ang bigat na nararamdaman ko. “Bakit hindi mo sinubukang hanapin ako? Bakit kailangang limang taon bago ko nalaman ang pagkakaroon ko ng anak?”

Nakita ko ang pagdidilim ng kanyang mga mata, tila may tumulong na luha sa gilid nito ngunit pilit niyang pinipigilan. “Paano ko hahanapin ang isang taong hindi ko kilala? Ang tanging alaala ko lamang ay ang isang gabing puno ng sakit at paghahanap ng kaunting ginhawa. At saka… noong panahong iyon, puno ako ng hiya at takot. Alam kong mayaman at makapangyarihan ka—kahit hindi ko pa alam ang iyong pangalan noon, ramdam ko ito sa iyong presensya at sa iyong pananalita. Natakot akong isipin mong ginamit kita dahil lamang sa nangyari sa akin. Natakot akong baka isipin mong gusto ko lang ng pera o proteksyon. Wala akong maipagmamalaki, Enzo. Isa akong simpleng empleyado lamang na itinakwil ng pamilya ng aking dating kasintahan. Paano ko ipagtatanggol ang aking sarili at ang aking sanggol laban sa isang taong may kakayahang guluhin ang aming buhay?”

Hindi ako nakasagot agad. Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita. Mula sa labas, narinig ko ang mahinang boses ni Cael na tumatawag sa kanyang ina, at saglit na nagbago ang ekspresyon ni Sophia—mula sa takot ay napalitan ng matinding pag-aalaga at wagas na pagmamahal. Nakita ko sa kanyang mga mata ang katotohanan: ang ginawa niya ay hindi dahil sa kasamaan, kundi dahil sa takot na mawala ang kanyang anak.

“Ngunit ngayon ay nandito ka na,” sabi ko, pinipilit na maging mahinahon kahit na magulo ang aking isipan. “At dala mo ang katotohanang mayroon akong anak. Hindi ko maibabalik ang limang taong lumipas, ngunit hindi ko hahayaang lumipas pa ang panahon nang hindi ko nakikilala ang aking sariling dugo.”

Dahan-dahan siyang tumango. “Hindi ko na itatago pa. Handa akong harapin ang kahit ano. Ang mahalaga sa akin ay lumaki si Cael nang malusog, masaya, at may kaalaman sa kanyang pinagmulan. Kung nais mong makilala siya, kung nais mong maging bahagi ng buhay niya… hindi ko ipagkakait iyon. Ngunit pakiusap, huwag mong hayaang madamay siya sa anumang alitan o hindi pagkakaunawaan natin.”

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa pinto. Tumingin ako sa batang abala pa rin sa pagpulot ng kanyang mga gamit, at naramdaman ang kakaibang init na kumalat sa aking dibdib—isang damdaming hindi ko pa naranasan noon, isang pagnanais na protektahan at mahalin ang isang nilalang na kauri ko. Lumingon ako kay Sophia.

“Siya ang anak ko,” mariing sabi ko, at naramdaman ko ang katotohanan sa aking sariling mga salita. “At simula ngayon, bahagi na rin siya ng buhay ko. Hindi ko siya iiwan, at hindi ko hahayaang may manakit sa kanya o sa’yo.”

Binuksan ko ang pinto at lumabas upang lapitan ang bata. Tumingala siya sa akin, at sa kanyang mga mata ay nakita ko ang parehong kuryosidad at kabaitan na mayroon din ang kanyang ina.

“Cael,” tawag ko sa kanya, at hindi ko namalayang lumalambot ang aking boses. “Tapos ka na ba? Pwede na ba tayong mag-usap nang maayos?”

Tumango siya at inabot ang kanyang kwaderno. “Opo. Pero maguguhit pa po ako mamaya.”

Ngumiti ako nang bahagya—isang ngiting bihira kong ibigay sa iba, ngunit tila kusang lumabas sa aking mga labi sa harap ng bata. “Sige. Gumuhit kalang mona mag uusap lang kami ng iyong mama." pagkatapos ko sabihin yun bumaling ang tingin ko kay Sophia Elaine

"Kailangan mona natin mag usap tungkol sa sitwasyon natin ngayon at sa mga nang yari noong nakara raang taon" dugtong kong sabi habang nakatitig ng mariin kay Sophia Elaine.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 6

    ENZO MATTEO CORTEZ POV Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila. Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nakatalikod ito habang pinupulot ang kanyang kwaderno at mga krayolang nagkalat sa sahig. Ang bawat galaw niya, ang paraan ng pagyuko at pag-abot, ay tila kapareho ng aking sarili noong ako ay kasing-edad o kasing bata pa lamang niya. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking paningin kay Sophia, na nakatayo doon na parang naghihintay na sumabog ang aking galit. At marahil ay nararapat lang na magalit talaga ako. May bahagi ng pagkatao ko, ang bahaging laging naghahanap ng katotohanan at ayaw sa pagtatago, na gustong magtanong, humingi ng paliwanag, at ilabas ang damdaming unti-unting namumuo sa aking dibdib. Ngunit may isa pang bahagi, ang bahaging laging naghahap ng sagot sa aking mga katanongan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 5

    Sophia Elaine Rivera​"Sabi ko naman sa inyo, Aling Nena, okay lang po talaga. Pasensya na po sa istorbo, biglaan lang kasi," mahinang sabi ko habang naka-ipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.​May hawak akong tray kung saan nakalagay ang bagong timplang kape para kay Sir Enzo. Pangatlong linggo ko na rito sa kumpanya, at sa loob ng tatlong linggong 'yon, sinisiguro kong hindi ko tinititigan ang mukha ng boss ko. Trabaho kung trabaho. Pero ngayong araw, nagka-emergency. Biglang sumakit ang ngipin ni Aling Nena at kailangan niyang pumunta sa dentista. Walang ibang pwedeng mag-bantay kay Cael."Opo, opo. O sige po, salamat po." Ibinaba ko ang tawag at napatingin sa gilid ko.Nandoon si Cael, nakaupo sa maliit na upuan sa gilid ng mesa ko rito sa labas ng opisina ng CEO. Naka-blue siyang t-shirt na may tatak na kotse at may hawak na maliit na coloring book. Napakatahimik niya, parang alam niyang bawal siyang mag-ingay.​"Cael, anak," lumuhod ako sa harap niya at hinawakan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 4

    Sophia Elaine Rivera POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na handang magtrabaho sa Cortez International Holdings.​"Kaya mo 'to, Elaine. Para kay Cael," bulong ko sa sarili ko bago huminga nang malalim.Iniwan ko si Cael doon sa nakuha kong apartment sa Mandaluyong kasama si Aling Nena—'yung kapitbahay kong nakiusap akong mag-babysit muna sa kanya. Umiyak pa nga si Cael kaninang umaga dahil naninibago sa ingay ng Maynila, kaya lalo akong nag-alala habang naiwan siya dun.​Sumakay ako sa elevator paakyat sa 25th floor kung nasaan ang executive boardroom. Pagpasok ko, may ilang department heads na ang nakaupo sa mahabang conference table."Good morning, Ms. Rivera. Pwesto ka na doon sa dulo, katabi ng projector. Ikaw ang kukuha ng minutes ng meeting nga

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 3

    Sophia Elaine Rivera POVIsang buwan. Isang buwan ko nang sinusubukang ibalik sa normal ang buhay ko, pero parang may sariling gustong mangyari ang tadhana.Mula noong gabing 'yon sa hotel, nag-resign agad ako sa kompanya ng mga Madrigal. Lumipat ako sa isang maliit na advertising agency sa Pasig. Mas mababa ang sweldo, mas maliit ang opisina, pero kahit paano, tahimik. Walang nagpaparamdam sa akin na isa akong hamak na empleyado lang na pwedeng tapakan."Elaine, okay ka lang? Kanina mo pa pinapaikot 'yang tinidor mo sa pansit," puna ni Maya, ang katabi ko sa cubicle at ang nag-iisang naging kaibigan ko rito sa bagong trabaho.Inilapag ko ang tinidor at pilit na ngumiti. "Ha? Oo, medyo kulang lang sa tulog. Marami kasing hinahabol na bentahe sa bagong campaign."Naningkit ang mga mata ni Maya. Tiningnan niya ang mukha ko, partikular ang ilalim ng mga mata ko. "Sigurado ka ba? Pangatlong araw mo na 'yang maputla. Saka napansin ko, palagi kang huling pumapasok kasi naduduwal ka sa banyo

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 2

    Sophia Elaine Rivera POVUmiikot na ang paningin ko. Ang bigat din ng bawat hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng hotel. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso o bote ng alak ang nainom ko sa bar sa ibaba. Ang natatandaan ko lang, gusto kong lunurin 'yung boses ng nanay ni Jayson na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Isang hamak na empleyado lang.Pumasok ako sa elevator, sumandal sa dingding, at pinindot ang floor kung saan alam kong may kwarto ako. O baka kwarto nina Jayson 'yun? Hindi ko na maisip nang maayos. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, sumuray-suray ako palabas. Malabo na ang mga numero sa pinto.Huminto ako sa tapat ng isang pinto. May hawak akong card key na nakuha ko sa lamesa kanina sa bar bago ako umakyat, o baka naiwan ko sa bag? Tiningnan ko ang hawak ko. Card key nga. Idinikit ko iyon sa sensor. Click.​Bumukas. Ni hindi ko napansin na hindi man lang umilaw nang pula 'yung card reader. Pumasok ako sa madilim na kwarto. May kaunting liwan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 1

    Sophia Elaine Rivera POVGabi na pero maingay pa rin sa loob ng function hall ng hotel sa Makati. Dapat sana masaya ako kasi tatlong linggo na lang, kasal na namin ni Jayson. Suot ko pa nga ang puting cocktail dress na gawa ng designer na kinuha ng pamilya niya. Pero imbis na katabi ko si Jayson, nandito ako sa gilid—mag-isang nakatayo, hawak ang isang baso ng juice, habang pinapanood ang mga board member ng kompanya nila na nagtatawanan."Elaine, nasaan ba si Jayson?"Nilingon ko ang nanay niya, si Tita Alicia. Perpekto ang ayos ng buhok niya at may hawak na baso ng alak. Tulad ng dati, ang lamig pa rin ng tingin niya sa akin.​"Sabi niya po kanina, may kakausapin lang siyang investor sa itaas, Tita," sagot ko. Pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang kawawa sa harap niya.Bumuntong-hininga siya sa inis. "Make sure he’s not wasting his time. At ikaw, ayusin mo naman ang tayo mo. Ang daming camera dito. Huwag mong ipahiya ang pamilya namin.""Opo."Noong umalis siya, doon lang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status