Share

CHAPTER 4

Author: Ellise
last update publish date: 2026-05-30 15:32:12

Sophia Elaine Rivera POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na handang magtrabaho sa Cortez International Holdings.

​"Kaya mo 'to, Elaine. Para kay Cael," bulong ko sa sarili ko bago huminga nang malalim.

Iniwan ko si Cael doon sa nakuha kong apartment sa Mandaluyong kasama si Aling Nena—'yung kapitbahay kong nakiusap akong mag-babysit muna sa kanya. Umiyak pa nga si Cael kaninang umaga dahil naninibago sa ingay ng Maynila, kaya lalo akong nag-alala habang naiwan siya dun.

​Sumakay ako sa elevator paakyat sa 25th floor kung nasaan ang executive boardroom. Pagpasok ko, may ilang department heads na ang nakaupo sa mahabang conference table.

"Good morning, Ms. Rivera. Pwesto ka na doon sa dulo, katabi ng projector. Ikaw ang kukuha ng minutes ng meeting ngayon," bati sa akin ni Ginny, 'yung HR manager na nag-asikaso ng mga papeles ko nung isang linggo.

​"Good morning po," sagot ko habang mabilis na inilalapag ang notebook at laptop ko.

​Eksaktong alas-nuwebe, biglang bumukas ang pinto ng boardroom. Bigla ring tumahimik ang lahat. Naputol ang bulungan ng mga manager at pumasok ang isang lalaking may hawak na makapal na asul na folder, kasunod ang dalawa pang nakasuot ng suit.

"Good morning, CEO Cortez," halos sabay-sabay na bati ng mga tao sa loob.

Hindi siya sumagot. Tumango lang siya, isang beses, habang diretso ang lakad patungo sa dulo ng lamesa—ang upuan na nakareserba para sa kaniya. Isinuot niya ang kaniyang coat habang umuupo, mabilis at walang sinasayang na oras.

Nung nag-angat siya ng tingin para tingnan ang screen ng projector, doon na ako natigilan.

​'Yung mga mata niya. 'Yung hugis ng panga niya na may maliit na nunal. Ang paraan ng pagpisil niya sa ilong niya habang nagbabasa ng report.

​Siya talaga.

​Siya 'yung lalaki sa Suite 1004 limang taon na ang nakakalipas. 'Yung estrangherong tinakasan ko sa kama habang nakatuwalya lang. Ang ama ni Cael.

Nabitawan ko 'yung hawak kong ballpen. Gumulong ito sa sahig at huminto malapit sa upuan ni Ginny. Doon ko na naramdaman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang naririnig ko na sa tenga ko sa sobrang lakas. Napakapit na lang ako sa gilid ng mesa dahil pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba.

​Siya ang may-ari ng kumpanyang 'to? Siya 'yung bilyonaryong madalas sa balita? Sa loob ng limang taon, 'Enzo' lang ang tawag ko sa kanya sa isip ko kasi 'yun lang ang narinig kong tawag ng bartender bago ako umakyat sa kwarto niya. Hindi ko alam ang buong pangalan niya. Hindi ko alam na Cortez pala siya.

"Ms. Rivera? Are you okay?" mahinang kalabit sa akin ni Ginny nang mapansing natulala ako bigla.

​"A-Ah, opo. Pasensya na," pilit kong inayos ang sarili ko. Yumuko ako para pulutin 'yung ballpen para maitago ang mukha ko na pakiramdam ko ay namumutla na sa kaba. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko nung makuha ko ito.

"Let's start," malamig na utos niya. 'Yung boses niya, eksaktong-eksakto dun sa boses na narinig ko sa hotel room noon—mababa, malalim, at seryoso.

​Nagsimulang magsalita ang head ng marketing tungkol sa quarterly sales report, pero wala na akong naintindihan sa mga sinasabi niya. Nakapatong lang ang mga kamay ko sa keyboard ng laptop pero hindi ako makapag-type. Nakatitig lang ako sa kanya mula rito sa dulo.

Inilipat niya ang tingin sa mga papel na hawak niya, tapos dahan-dahang nag-angat ng ulo para tingnan ang mga tao sa boardroom. Isa-isa niyang tiningnan ang mga mukha ng mga empleyado niya, hanggang sa huminto ang tingin niya sa dulo ng mesa.

​Sa akin.

​Nataranta ako nung mga sandaling 'yon. Pinilit kong huwag umiwas ng tingin para hindi magmukhang kahina-hinala, pero naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng mukha at leeg ko. Naningkit nang bahagya ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Sumandal siya nang kaunti sa swivel chair niya, na parang pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ko.

 Naaalala niya ba ako?

​Madilim nung gabing 'yon, at limang taon na ang nakakalipas. Mukha namang wala siyang reaksyon, seryoso pa rin ang mukha niya na parang trabaho lang talaga ang iniisip. Pero masyadong matalim ang titig niya, na parang may inaalala sa isip niya.

​"Who is she?" biglang tanong niya, dahilan para maputol ang pagsasalita ng marketing head. Itinuro niya ang hawak niyang ballpen sa direksyon ko.

​Tumayo si Ginny. "Sir, she's Sophia Elaine Rivera. Our new Executive Secretary. Siya po ang pumalit kay Ms. Santos na nag-retire nung isang linggo."

Tumingin uli sa akin ang lalaki. Tumaas ang isang kilay niya habang pinapanood ang bawat galaw ko. "Rivera."

​"Good morning po, Sir," pilit kong pinatatag ang boses ko, kahit ang totoo ay gusto ko na lang tumakbo palabas ng opisina at bumalik sa probinsya.

​Hindi siya ngumiti, at hindi rin siya tumango. Tinitigan niya lang ako nang ilang segundo bago binalikan ang mga papel na hawak niya.

​"Make sure she can keep up with the schedule, Ginny. Ayoko ng mabagal sa opisina ko," sabi niya bago sumenyas sa marketing head na ituloy ang presentasyon. "Proceed."

Nakahinga ako nang maluwag, pero hindi pa rin nawawala ang panginginig ng mga kamay ko. Mukhang hindi niya ako natatandaan. Para sa kanya, isa lang akong bagong mukha na kailangang magtrabaho nang maayos. Mas mabuti na 'to. Mananatili akong sekretarya niya, kukuha ng sweldo, at hinding-hindi ko ipapaalam na may anak kami.

​Matapos ang dalawang oras, natapos din ang meeting. Mabilis na nag-alisan ang mga manager. Nagmamadali ko ring nililigpit ang laptop ko nang marinig ko ang pag-usog ng upuan ng boss.

​"Ms. Rivera," tawag niya habang nakatayo malapit sa pinto, nakapamulsa ang isang kamay.

​Napatigil ako sa pag-zip ng bag ko. "Po, Sir?"

​"Dalhin mo ang hard copy ng Q2 marketing report sa opisina ko ngayon din," utos niya bago tuluyang lumabas nang hindi man lang naghihintay ng sagot.

Nang makalabas siya, mabilis na lumapit sa akin si Ginny para tulungan akong mag-ayos ng mga papel. "Huwag kang matakot doon kay Sir Enzo Matteo Cortez, Elaine. Ganyan talaga 'yun, medyo nakakatakot sa simula, pero basta maayos ka magtrabaho, walang magiging problema."

​Doon ko lang nalaman ang buong pangalan niya mula kay Ginny. Enzo Matteo Cortez. Ang pangalang alam kong magdadala sa akin sa mas malaking gulo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 6

    ENZO MATTEO CORTEZ POV Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila. Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nakatalikod ito habang pinupulot ang kanyang kwaderno at mga krayolang nagkalat sa sahig. Ang bawat galaw niya, ang paraan ng pagyuko at pag-abot, ay tila kapareho ng aking sarili noong ako ay kasing-edad o kasing bata pa lamang niya. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking paningin kay Sophia, na nakatayo doon na parang naghihintay na sumabog ang aking galit. At marahil ay nararapat lang na magalit talaga ako. May bahagi ng pagkatao ko, ang bahaging laging naghahanap ng katotohanan at ayaw sa pagtatago, na gustong magtanong, humingi ng paliwanag, at ilabas ang damdaming unti-unting namumuo sa aking dibdib. Ngunit may isa pang bahagi, ang bahaging laging naghahap ng sagot sa aking mga katanongan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 5

    Sophia Elaine Rivera​"Sabi ko naman sa inyo, Aling Nena, okay lang po talaga. Pasensya na po sa istorbo, biglaan lang kasi," mahinang sabi ko habang naka-ipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.​May hawak akong tray kung saan nakalagay ang bagong timplang kape para kay Sir Enzo. Pangatlong linggo ko na rito sa kumpanya, at sa loob ng tatlong linggong 'yon, sinisiguro kong hindi ko tinititigan ang mukha ng boss ko. Trabaho kung trabaho. Pero ngayong araw, nagka-emergency. Biglang sumakit ang ngipin ni Aling Nena at kailangan niyang pumunta sa dentista. Walang ibang pwedeng mag-bantay kay Cael."Opo, opo. O sige po, salamat po." Ibinaba ko ang tawag at napatingin sa gilid ko.Nandoon si Cael, nakaupo sa maliit na upuan sa gilid ng mesa ko rito sa labas ng opisina ng CEO. Naka-blue siyang t-shirt na may tatak na kotse at may hawak na maliit na coloring book. Napakatahimik niya, parang alam niyang bawal siyang mag-ingay.​"Cael, anak," lumuhod ako sa harap niya at hinawakan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 4

    Sophia Elaine Rivera POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na handang magtrabaho sa Cortez International Holdings.​"Kaya mo 'to, Elaine. Para kay Cael," bulong ko sa sarili ko bago huminga nang malalim.Iniwan ko si Cael doon sa nakuha kong apartment sa Mandaluyong kasama si Aling Nena—'yung kapitbahay kong nakiusap akong mag-babysit muna sa kanya. Umiyak pa nga si Cael kaninang umaga dahil naninibago sa ingay ng Maynila, kaya lalo akong nag-alala habang naiwan siya dun.​Sumakay ako sa elevator paakyat sa 25th floor kung nasaan ang executive boardroom. Pagpasok ko, may ilang department heads na ang nakaupo sa mahabang conference table."Good morning, Ms. Rivera. Pwesto ka na doon sa dulo, katabi ng projector. Ikaw ang kukuha ng minutes ng meeting nga

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 3

    Sophia Elaine Rivera POVIsang buwan. Isang buwan ko nang sinusubukang ibalik sa normal ang buhay ko, pero parang may sariling gustong mangyari ang tadhana.Mula noong gabing 'yon sa hotel, nag-resign agad ako sa kompanya ng mga Madrigal. Lumipat ako sa isang maliit na advertising agency sa Pasig. Mas mababa ang sweldo, mas maliit ang opisina, pero kahit paano, tahimik. Walang nagpaparamdam sa akin na isa akong hamak na empleyado lang na pwedeng tapakan."Elaine, okay ka lang? Kanina mo pa pinapaikot 'yang tinidor mo sa pansit," puna ni Maya, ang katabi ko sa cubicle at ang nag-iisang naging kaibigan ko rito sa bagong trabaho.Inilapag ko ang tinidor at pilit na ngumiti. "Ha? Oo, medyo kulang lang sa tulog. Marami kasing hinahabol na bentahe sa bagong campaign."Naningkit ang mga mata ni Maya. Tiningnan niya ang mukha ko, partikular ang ilalim ng mga mata ko. "Sigurado ka ba? Pangatlong araw mo na 'yang maputla. Saka napansin ko, palagi kang huling pumapasok kasi naduduwal ka sa banyo

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 2

    Sophia Elaine Rivera POVUmiikot na ang paningin ko. Ang bigat din ng bawat hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng hotel. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso o bote ng alak ang nainom ko sa bar sa ibaba. Ang natatandaan ko lang, gusto kong lunurin 'yung boses ng nanay ni Jayson na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Isang hamak na empleyado lang.Pumasok ako sa elevator, sumandal sa dingding, at pinindot ang floor kung saan alam kong may kwarto ako. O baka kwarto nina Jayson 'yun? Hindi ko na maisip nang maayos. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, sumuray-suray ako palabas. Malabo na ang mga numero sa pinto.Huminto ako sa tapat ng isang pinto. May hawak akong card key na nakuha ko sa lamesa kanina sa bar bago ako umakyat, o baka naiwan ko sa bag? Tiningnan ko ang hawak ko. Card key nga. Idinikit ko iyon sa sensor. Click.​Bumukas. Ni hindi ko napansin na hindi man lang umilaw nang pula 'yung card reader. Pumasok ako sa madilim na kwarto. May kaunting liwan

  • The CEO's Hidden Son   CHAPTER 1

    Sophia Elaine Rivera POVGabi na pero maingay pa rin sa loob ng function hall ng hotel sa Makati. Dapat sana masaya ako kasi tatlong linggo na lang, kasal na namin ni Jayson. Suot ko pa nga ang puting cocktail dress na gawa ng designer na kinuha ng pamilya niya. Pero imbis na katabi ko si Jayson, nandito ako sa gilid—mag-isang nakatayo, hawak ang isang baso ng juice, habang pinapanood ang mga board member ng kompanya nila na nagtatawanan."Elaine, nasaan ba si Jayson?"Nilingon ko ang nanay niya, si Tita Alicia. Perpekto ang ayos ng buhok niya at may hawak na baso ng alak. Tulad ng dati, ang lamig pa rin ng tingin niya sa akin.​"Sabi niya po kanina, may kakausapin lang siyang investor sa itaas, Tita," sagot ko. Pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang kawawa sa harap niya.Bumuntong-hininga siya sa inis. "Make sure he’s not wasting his time. At ikaw, ayusin mo naman ang tayo mo. Ang daming camera dito. Huwag mong ipahiya ang pamilya namin.""Opo."Noong umalis siya, doon lang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status