LOGINSophia Elaine Rivera
"Sabi ko naman sa inyo, Aling Nena, okay lang po talaga. Pasensya na po sa istorbo, biglaan lang kasi," mahinang sabi ko habang naka-ipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.
May hawak akong tray kung saan nakalagay ang bagong timplang kape para kay Sir Enzo. Pangatlong linggo ko na rito sa kumpanya, at sa loob ng tatlong linggong 'yon, sinisiguro kong hindi ko tinititigan ang mukha ng boss ko. Trabaho kung trabaho. Pero ngayong araw, nagka-emergency. Biglang sumakit ang ngipin ni Aling Nena at kailangan niyang pumunta sa dentista. Walang ibang pwedeng mag-bantay kay Cael.
"Opo, opo. O sige po, salamat po." Ibinaba ko ang tawag at napatingin sa gilid ko.
Nandoon si Cael, nakaupo sa maliit na upuan sa gilid ng mesa ko rito sa labas ng opisina ng CEO. Naka-blue siyang t-shirt na may tatak na kotse at may hawak na maliit na coloring book. Napakatahimik niya, parang alam niyang bawal siyang mag-ingay.
"Cael, anak," lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang balikat niya. "Dito ka lang muna kay Mama, ha? Huwag kang aalis sa upuan na 'yan. May ibibigay lang si Mama na mga papel at kape kay Sir sa loob. Mabilis lang 'to."
Tumango si Cael, nanlakaki ang mga matang tumingin sa akin. "Opo, Mama. I will just color the big truck."
"Good boy." Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumayo, kinuha ang tray ng kape, at huminga nang malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Enzo.
"Come in," narinig kong sagot mula sa loob.
Pumasok ako. Nakaupo si Enzo sa likod ng malawak niyang glass desk, nakatitig sa kaniyang laptop habang mabilis na nagta-type. Tulad ng dati, seryoso ang mukha niya, nakakunot ang noo, at nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang polo shirt.
"Your coffee, Sir," maingat kong inilapag ang tasa sa gilid ng kaniyang lamesa.
"Did you double-check the financial reports from the Cebu branch, Ms. Rivera?" tanong niya nang hindi man lang ako nililingon.
"Yes, Sir. I already sorted out the discrepancies. It's on page four of the document I sent to your email," sagot ko habang pormal na nakatayo sa harap ng mesa niya.
Huminto siya sa pag-type, tapos dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin. Sumandal siya sa upuan niya habang nakatitig nang ilang segundo—'yung uri ng titig na laging nagpapabilis ng kabog ng dibdib ko, na parang may pamilyar siyang hinahanap sa mukha ko pero hindi niya lang matandaan kung ano.
"Good," maikling sabi niya. Inabot niya ang tasa ng kape at humigop nang kaunti. "Tell marketing to adjust the budget. I don't want any wasted resources on local ads."
"Noted, Sir. Gagawin ko po agad."
Palabas na ako ng pinto nang biglang mag-ring ang telepono sa lamesa ko sa labas. Medyo malakas ang tunog kaya narinig hanggang sa loob ng opisina. Nagmamadali akong lumabas para sagutin 'yon.
"Cortez International, CEO's office, good morning," sabi ko habang hinahawakan ang cord ng telepono.
"Elaine, si Ginny 'to. May pipirmahan lang si Sir Enzo na kailangan para sa clearance ng bagong hire sa accounting. Pwede mo bang dalhin dito sa 24th floor? Emergency lang, hinahanap na ng VP," medyo nagmamadaling boses ni Ginny sa kabilang linya.
"Sige, sige. Pababa na ako," sagot ko.
Binalingan ko si Cael. Nandoon pa rin naman siya, seryosong nagkukulay ng gulong ng trak. "Cael, bababa lang si Mama sa ibabang floor, ha? May kukunin lang akong papel. Don't move."
"Opo, Mama."
Mabilis akong sumakay sa elevator pababa. Wala pang limang minuto, nakuha ko na ang folder mula kay Ginny at pabalik na ako. Pero pagkabukas pa lang ng pinto ng elevator sa 25th floor, bigla akong kinabahan.
Bakante ang maliit na upuan sa tabi ng mesa ko.
Nakalapag ang coloring book sa sahig, nakabukas sa pahina ng trak, at gumulong pa ang green na crayon sa ilalim ng cabinet.
"Cael?" tawag ko. Mahina lang ang boses ko pero nanginginig na ang mga kamay ko sa takot. Lumingon ako sa magkabilang dulo ng hallway, pero walang tao.
Tumingin ako sa malaking pinto ng opisina ni Enzo. Bahagya itong nakabukas.
Hindi... Huwag naman sana.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto, nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Nang itulak ko nang kaunti ang pinto, tuluyan na akong napatulala sa nakita ko.
Nandoon si Cael, nakatayo sa mismong gilid ng upuan ni Enzo. Ang maliit niyang kamay ay nakahawak sa armrest ng swivel chair nito. At ang mas nakakatakot? Nakaharap si Enzo sa kanya, nakayuko nang bahagya habang seryosong nakatitig sa mukha ng anak ko.
"Sir... Pasensya na po, ang anak ko—" Mabilis akong pumasok at akmang kukunin si Cael, pero napatigil ako sa nakita ko.
Tumingala si Cael kay Enzo na walang katakot-takot. Sa halip, ngumiti pa siya nang malawak—at lumabas ang dalawang dimple sa mga pisngi niya. Kaparehong-kapareho ng dimple na mayroon si Enzo, na halatang natigilan din habang nakatingin sa bata.
"You have a nice chair," sabi ni Cael habang tinatapik ang leather ng upuan. "My name is Cael Matteo. Are you the big boss?"
Naningkit ang mga mata ni Enzo. Tinitigan niya ang buhok ni Cael na medyo kulot sa dulo, ang hugis ng panga nito, at ang mga mata ng bata na parang kopya ng sarili niyang mga mata. Biglang tumahimik sa loob ng opisina.
Dahan-dahang tumingin sa akin si Enzo, seryoso ang mga mata, bago muling ibinalik ang tingin sa bata.
"Mama! Tignan mo, kamukha ko siya oh!" masayang sabi ni Cael habang nakatingin sa akin, bago bumaling muli kay Enzo. Hinawakan ng bata ang kamay ni Enzo. "Hello po, ikaw ba ang Daddy ko?"
Napatitig si Enzo sa bata. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin sa akin. "Ms. Rivera... anong ibig sabihin nito?"
ENZO MATTEO CORTEZ POV Ilang sandali kaming natahimik. Mabigat ang hangin sa loob ng silid, tila dinadala ang katotohanang limang taon na niyang ibinaon at ngayon ay biglang lumutang, matalas, malinaw, at hindi na maikakaila. Tinitigan ko muna ang batang nakatayo pa rin sa labas ng salamin. Nakatalikod ito habang pinupulot ang kanyang kwaderno at mga krayolang nagkalat sa sahig. Ang bawat galaw niya, ang paraan ng pagyuko at pag-abot, ay tila kapareho ng aking sarili noong ako ay kasing-edad o kasing bata pa lamang niya. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking paningin kay Sophia, na nakatayo doon na parang naghihintay na sumabog ang aking galit. At marahil ay nararapat lang na magalit talaga ako. May bahagi ng pagkatao ko, ang bahaging laging naghahanap ng katotohanan at ayaw sa pagtatago, na gustong magtanong, humingi ng paliwanag, at ilabas ang damdaming unti-unting namumuo sa aking dibdib. Ngunit may isa pang bahagi, ang bahaging laging naghahap ng sagot sa aking mga katanongan
Sophia Elaine Rivera"Sabi ko naman sa inyo, Aling Nena, okay lang po talaga. Pasensya na po sa istorbo, biglaan lang kasi," mahinang sabi ko habang naka-ipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.May hawak akong tray kung saan nakalagay ang bagong timplang kape para kay Sir Enzo. Pangatlong linggo ko na rito sa kumpanya, at sa loob ng tatlong linggong 'yon, sinisiguro kong hindi ko tinititigan ang mukha ng boss ko. Trabaho kung trabaho. Pero ngayong araw, nagka-emergency. Biglang sumakit ang ngipin ni Aling Nena at kailangan niyang pumunta sa dentista. Walang ibang pwedeng mag-bantay kay Cael."Opo, opo. O sige po, salamat po." Ibinaba ko ang tawag at napatingin sa gilid ko.Nandoon si Cael, nakaupo sa maliit na upuan sa gilid ng mesa ko rito sa labas ng opisina ng CEO. Naka-blue siyang t-shirt na may tatak na kotse at may hawak na maliit na coloring book. Napakatahimik niya, parang alam niyang bawal siyang mag-ingay."Cael, anak," lumuhod ako sa harap niya at hinawakan
Sophia Elaine Rivera POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa banyo ng ground floor. Inayos ko ang pinalantsa kong itim na slacks at sky blue na button-down shirt. Malinis, presentable, at mukhang propesyonal—eksaktong hitsura ng isang Executive Secretary na handang magtrabaho sa Cortez International Holdings."Kaya mo 'to, Elaine. Para kay Cael," bulong ko sa sarili ko bago huminga nang malalim.Iniwan ko si Cael doon sa nakuha kong apartment sa Mandaluyong kasama si Aling Nena—'yung kapitbahay kong nakiusap akong mag-babysit muna sa kanya. Umiyak pa nga si Cael kaninang umaga dahil naninibago sa ingay ng Maynila, kaya lalo akong nag-alala habang naiwan siya dun.Sumakay ako sa elevator paakyat sa 25th floor kung nasaan ang executive boardroom. Pagpasok ko, may ilang department heads na ang nakaupo sa mahabang conference table."Good morning, Ms. Rivera. Pwesto ka na doon sa dulo, katabi ng projector. Ikaw ang kukuha ng minutes ng meeting nga
Sophia Elaine Rivera POVIsang buwan. Isang buwan ko nang sinusubukang ibalik sa normal ang buhay ko, pero parang may sariling gustong mangyari ang tadhana.Mula noong gabing 'yon sa hotel, nag-resign agad ako sa kompanya ng mga Madrigal. Lumipat ako sa isang maliit na advertising agency sa Pasig. Mas mababa ang sweldo, mas maliit ang opisina, pero kahit paano, tahimik. Walang nagpaparamdam sa akin na isa akong hamak na empleyado lang na pwedeng tapakan."Elaine, okay ka lang? Kanina mo pa pinapaikot 'yang tinidor mo sa pansit," puna ni Maya, ang katabi ko sa cubicle at ang nag-iisang naging kaibigan ko rito sa bagong trabaho.Inilapag ko ang tinidor at pilit na ngumiti. "Ha? Oo, medyo kulang lang sa tulog. Marami kasing hinahabol na bentahe sa bagong campaign."Naningkit ang mga mata ni Maya. Tiningnan niya ang mukha ko, partikular ang ilalim ng mga mata ko. "Sigurado ka ba? Pangatlong araw mo na 'yang maputla. Saka napansin ko, palagi kang huling pumapasok kasi naduduwal ka sa banyo
Sophia Elaine Rivera POVUmiikot na ang paningin ko. Ang bigat din ng bawat hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng hotel. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso o bote ng alak ang nainom ko sa bar sa ibaba. Ang natatandaan ko lang, gusto kong lunurin 'yung boses ng nanay ni Jayson na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Isang hamak na empleyado lang.Pumasok ako sa elevator, sumandal sa dingding, at pinindot ang floor kung saan alam kong may kwarto ako. O baka kwarto nina Jayson 'yun? Hindi ko na maisip nang maayos. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, sumuray-suray ako palabas. Malabo na ang mga numero sa pinto.Huminto ako sa tapat ng isang pinto. May hawak akong card key na nakuha ko sa lamesa kanina sa bar bago ako umakyat, o baka naiwan ko sa bag? Tiningnan ko ang hawak ko. Card key nga. Idinikit ko iyon sa sensor. Click.Bumukas. Ni hindi ko napansin na hindi man lang umilaw nang pula 'yung card reader. Pumasok ako sa madilim na kwarto. May kaunting liwan
Sophia Elaine Rivera POVGabi na pero maingay pa rin sa loob ng function hall ng hotel sa Makati. Dapat sana masaya ako kasi tatlong linggo na lang, kasal na namin ni Jayson. Suot ko pa nga ang puting cocktail dress na gawa ng designer na kinuha ng pamilya niya. Pero imbis na katabi ko si Jayson, nandito ako sa gilid—mag-isang nakatayo, hawak ang isang baso ng juice, habang pinapanood ang mga board member ng kompanya nila na nagtatawanan."Elaine, nasaan ba si Jayson?"Nilingon ko ang nanay niya, si Tita Alicia. Perpekto ang ayos ng buhok niya at may hawak na baso ng alak. Tulad ng dati, ang lamig pa rin ng tingin niya sa akin."Sabi niya po kanina, may kakausapin lang siyang investor sa itaas, Tita," sagot ko. Pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang kawawa sa harap niya.Bumuntong-hininga siya sa inis. "Make sure he’s not wasting his time. At ikaw, ayusin mo naman ang tayo mo. Ang daming camera dito. Huwag mong ipahiya ang pamilya namin.""Opo."Noong umalis siya, doon lang a







