Share

KABANATA 18: GIRLFRIEND

Nagkulong ako sa kwarto at doon humagulgol dahil sa inis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Noong nag-break kami ni Trevor, hindi naman ako umiyak. Pero pagdating kay senyorito, ang sakit-sakit masabihan ng hindi maganda. Lalo na ngayon na ang tagal ko siyang hinintay tapos ganito pa ang iaasal niya sa akin.

"Rika, anak?"

Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ko nang marinig ang boses ni mama. Isinarado ko ang pinto at nagpunas ng mga luha.

"Rika!" muling tawag niya sa akin.

Tumukhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot. Ayaw ko mahalata niyang umiiyak ako. "N-nagbibihis lang po!"

"Sumunod ka sa kusina, maaga tayong kakain ngayon," utos nito.

"Opo!"

Nang marinig ang pagkasarado ng pinto ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Na-smudge ang eyeliner ko dahil sa kakaiyak. Mabilis kong inalis ang make-up at naghilamos bago marahang pinunasan ang mukha gamit ang tissue. Naglagay ulit ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint sa labi para mas magmukhang presentable bago isinuot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status