Share

KABANATA 19.3: BABY...

Dahan-dahan ko siyang hinarap at tumango. "Opo, senyorito. May practice po kasi ako sa pageant namin," paliwanag ko at nag-iwas nang tingin. "Pero kung may iuutos ka, pwede ko namang gawin muna 'yon o mag-absent na lang muna ako sa practice namin."

"Nah, it's okay. Magpahatid at magpasundo ka sa papa mo," utos pa niya na mabilis sinundan ni Gavin.

"Ako na ang gagawa no'n! Sasamahan ko siya."

"What?" Nagsalubong ang kilay ni senyorito. "No way, Gav. You need to come with us," seryosong aniya.

"Iwan ko po muna kayo," pagsingit ko dahil nabibigatan na ako sa dalang mga pinagkainan. Iniligpit ko iyon nang maayos at nang makabalik do'n ay naroon pa rin silang dalawa.

"Rika, ang papa mo ang sasama sa 'yo, maliwanag?" utos sa akin ni senyorito.

"Opo," sagot ko at bumaling kay Gavin.

Nakangisi ito na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. "Maybe next time, Rika," sambit niya.

"Opo," ulit ko sa sagot at tinignan si senyorito. Nakatingin siya sa akin habang seryoso at parang yelo ang mga mata.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status