Mag-log inNagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw. May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya. Teka, matigas na dibdib. Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan. Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed. Gwapo. Sobrang gwapo pa rin. Biglang gumalaw si Gabriel. Mas humigpit ang yakap nito. Naramdaman ni Mia ang morning reaction ng katawan ng lalaki na dumikit sa hita niya. Matigas. Mainit. Namula si Mia hanggang tenga. Diyos ko. Akmang kakalas siya nang dahan-dahan nang biglang bumukas ang pinto. Blaag! "Papa! Mama! Wake up! Gutom na ako!" Sabay na napabangon si Mia at Gabriel. Dahil sa gulat, nahulog si Mia sa gilid ng kama. "Aray!" daing ni Mia. Mabilis na dumungaw si Gabriel mula sa kama, gulo-gulo ang buhok at naniningkit pa ang mata. "Mia? Are you okay?" Bumangon si Mia, hinihimas ang balakang. "O-Okay lang. Nagulat lang ako." Tumalon si Gabby sa kama at yumakap sa ama. "Papa! Good morning! Sabi ni Manang Fe may bacon daw! Kain na tayo!" Napangiti si Gabriel—isang ngiting bihirang makita ni Mia. Ginulo nito ang buhok ng anak. "Good morning, Champ. Sige, susunod kami. Brush your teeth first." "Okay po!" Tumakbo palabas si Gabby. Nang mawala ang bata, bumalik ang awkward tension sa kwarto. Tumingin si Gabriel kay Mia na nakaupo pa rin sa sahig, suot ang silk pyjamas na medyo nagusot at bumaba sa balikat, na nagpapakita ng maputi niyang balat. Dumilim ang tingin ni Gabriel. Bumaba ang tingin nito sa naka-expose na collarbone ni Mia. "Cover up," paos na utos ni Gabriel habang tumatayo at naglalakad papunta sa banyo. "Or we won't be making it to breakfast." Napalunok si Mia at mabilis na inayos ang damit. Delikado. Sobrang delikado ng lalaking 'to sa umaga. Sa dining area, puno ng pagkain ang mahabang mesa. Bacon, eggs, pancakes, fried rice, at iba't ibang klase ng prutas. Habang kumakain, hindi maalis ni Gabby ang tingin kay Gabriel. "Papa, bakit ang laki ng bahay mo? Para kang King," sabi ni Gabby habang puno ang bibig. "Don't talk when your mouth is full, Gabby," saway ni Mia. "It's okay," sabi ni Gabriel, pinupunasan ang gilid ng labi ng bata gamit ang table napkin. "Yes, this is my castle. And you are the Prince. And your Mama is..." Tumingin si Gabriel kay Mia na tahimik na humihigop ng kape. "...the Queen," pagtatapos ni Gabriel. Muntik nang maibuga ni Mia ang kape niya. "Yehey! Queen Mama!" palakpak ni Gabby. "So kiss na kayo?" "Ano?" sabay na tanong nina Mia at Gabriel. "Sa cartoons po, laging nagki-kiss ang King and Queen bago kumain," inosenteng paliwanag ni Gabby. Nagkatinginan ang dalawa. Gustong lumubog ni Mia sa kinauupuan niya. Ngumisi si Gabriel. "Well, rules are rules." Tumayo si Gabriel at lumapit kay Mia. Hinawakan nito ang sandalan ng upuan ni Mia at yumuko. "G-Gabriel, bata 'yan, wag mong..." Hindi na natapos ni Mia ang sasabihin niya nang dampian siya ni Gabriel ng halik. Hindi sa pisngi, kundi sa labi. Mabilis lang, pero mariin. Malambot ang labi nito at lasang kape. Nanlaki ang mata ni Mia. "Done," sabi ni Gabriel sabay kindat sa anak. "Now eat your vegetables, Champ." Hindi makagalaw si Mia. Hawak pa rin niya ang tinidor, nakatullala. He kissed me. He actually kissed me. Biglang may narinig silang ingay mula sa foyer. Tunog ng mataas na takong ng sapatos na tumatama sa marmol na sahig. "Gabriel! Where are you?" Isang boses ng babae. Matinis. Maarte. Napakunot ang noo ni Gabriel. "Shit." Pumasok sa dining room ang isang babaeng ubod ng ganda. Matangkad, balingkinitan, naka-suot ng pulang designer dress, at may hawak na Hermes bag. Ang buhok nito ay perfectly curled. Si Vanessa. Ang socialite ex-fiancée ni Gabriel na iniwan niya dahil sa pagiging cheater nito, pero pilit pa ring isinisiksik ang sarili dahil sa impluwensya ng pamilya. Natigilan si Vanessa nang makita ang eksena sa hapag-kainan. Si Gabriel, isang bata, at isang babaeng naka-pyjama lang. "Who is this... woman?" nandidiring tanong ni Vanessa habang tinitignan si Mia mula ulo hanggang paa. "At bakit may yagit na bata dito? Gabriel, ginagawa mo na bang orphanage ang penthouse mo?" Tumayo si Mia. Sanay siya sa pang-aalipusta, pero kapag anak na niya ang tinitira, lumalabas ang pagiging nanay niya. "Excuse me—" Pero naunahan siya ni Gabriel. "Watch your mouth, Vanessa," malamig na babala ni Gabriel. Ang kaninang maamong mukha nito sa harap ng anak ay napalitan ng Ruthless CEO mask. "Nasa pamamahay kita." "Oh come on, Gab!" Lumapit si Vanessa at akmang hahawakan sa braso si Gabriel, pero umiwas ang binata. "Don't tell me pinalitan mo ako para sa babaeng 'yan? Look at her! She looks like a maid!" Tinignan ni Vanessa si Mia. "Hey you, kumuha ka nga ng juice. I prefer fresh orange." Namula si Mia sa hiya at galit. Hihirit sana siya nang biglang tumayo si Gabby. "Bad word po ang yagit! At hindi maid ang Mama ko!" sigaw ni Gabby. Napataas ang kilay ni Vanessa. "Oh, it speaks. Kaninong anak ba 'to? Anak ng driver mo?" Blaag! Hinampas ni Gabriel ang mesa. Tumilapon ang mga kubyertos. Natahimik ang buong kwarto. Takot na napaurong si Vanessa. Naglakad si Gabriel palapit kay Vanessa. Ang aura nito ay nakakatakot, parang sasabog. "Get out," bulong ni Gabriel, pero mas nakakatakot ito kaysa sa sigaw. "P-Pero Gab, pinapunta ako ng Mommy mo para—" "I said get out!" sigaw ni Gabriel. "Insult my wife and my son one more time, Vanessa, and I will make sure wala nang kumpanyang tatanggap sa pamilya niyo sa buong Pilipinas." Namutla si Vanessa. "W-Wife? Son?" Tumingin si Gabriel kay Mia, tapos kay Gabby. Lumapit siya sa dalawa at inakbayan si Mia. "Yes. Meet Mrs. Mia Altamirano. And my heir, Gabriel Jr.," pagpapakilala ni Gabriel nang may diin. "Now, leave before I call security to drag you out." Halos mangiyak-ngiyak sa hiya at takot si Vanessa. Padabog itong tumalikod at naglakad palabas, ang takong ng sapatos ay umaalingawngaw sa hallway. Nang mawala na ang babae, bumaling si Gabriel kay Mia at Gabby. "Okay lang kayo?" tanong nito, bumalik ang pag-aalala sa boses. Tumango si Gabby pero mukhang takot pa rin. Binuhat ni Gabriel ang anak. "Sorry, Champ. Bad people are not allowed here. Papa will protect you, okay?" "Talaga Papa? Like Superman?" "Better than Superman. Because I'm rich," biro ni Gabriel. Napatingin si Mia kay Gabriel. Nakita niya kung paano nito ipagtanggol sila. Sa kontrata, fake wife lang siya. Pero kanina... kanina, parang totoo. "Mia," tawag ni Gabriel. "P-Po?" "Magbihis ka na. We are going shopping," utos nito. "Ha? Bakit?" Tinignan siya ni Gabriel nang seryoso. "Dahil ayokong minamaliit ang asawa ko. From now on, you will dress like an Altamirano. No one insults what is mine."Tahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat."Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby."Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak.Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel.Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya."Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito."Napalingon si Mi
Nagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw.May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya.Teka, matigas na dibdib.Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan.Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed.Gwapo. Sobrang gwapo pa r
Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid."Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya."Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hi
"Payag ako."Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina."Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko.""Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na
Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator."Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas h
"Mama, naiihi na po ako!"Napapikit si Mia sa gitna ng mataong lobby ng Altamirano Tower. Hawak niya ang mahigpit na kamay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Gabby."Anak, sandali lang, ha? Tatapusin lang ni Mama i-submit itong files kay Ma'am Tess," bulong ni Mia, pinapahid ang pawis sa noo. "Wag kang malikot."First day niya bilang clerk sa malaking kumpanyang ito. Bawal ang bata, pero walang magbabantay kay Gabby dahil nagkasakit ang kapitbahay nila. Tinago niya si Gabby sa ilalim ng desk kanina, pero break time na at kailangan nilang tumakas palabas."Pero Mama, lalabas na po!" sigaw ni Gabby at biglang bumitaw sa kamay niya."Gabby! Bumalik ka dito!"Tumakbo ang bata papunta sa gitna ng lobby. Sa kamalas-malasan, bumukas ang private elevator—ang elevator na para lang sa mga VIP.Lumabas ang isang grupo ng mga naka-suit na lalaki, at sa gitna nila ay ang isang matangkad, gwapo, ngunit nakakatakot na pigura.Blaag!Bumangga ang maliit na katawan ni Gabby sa mahahabang bi







