Share

Chapter 4

Auteur: Eckolohiya23
last update Dernière mise à jour: 2026-01-13 22:54:26

Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.

Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid.

"Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.

Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya.

"Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hindi ka bisita dito. You are the mistress of this house now."

Lumabas ang isang matandang babae na naka-uniporme, kasunod ang dalawa pang katulong.

"Sir Gabriel," bati nito, pero natigil nang makita ang bata sa carpet at ang babaeng hawak ng amo. "May... may bisita po pala kayo."

"Manang Fe, meet my son, Gabriel Jr.," pakilala ni Gabriel sa bata. Pagkatapos ay hinigpitan niya ang hawak sa bewang ni Mia. "And this is Mia. My wife."

Nanlaki ang mata ng matanda. "W-Wife? Asawa? At... anak?"

"Yes. Prepare the Blue Room for Gabby. I want everything child-proofed by tomorrow. For now, ayusin niyo ang gamit ni Mia. Ilagay niyo sa kwarto ko."

"Sa... kwarto niyo po, Sir?" paninigurado ni Manang Fe, na tila hindi makapaniwalang magpapasok ng babae si Gabriel sa sagradong Master's Bedroom.

"Did I stutter?" malamig na tanong ni Gabriel.

"S-Sorry po, Sir. Masusunod po."

Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Si Gabby naman ay tuwang-tuwa nang bigyan ng cookies ni Manang Fe. Habang abala ang anak, hinila ni Gabriel si Mia paakyat sa grand staircase.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mia, halos madapa sa paghabol sa mahahabang hakbang ni Gabriel.

"To our room," sagot ni Gabriel. "Kailangan mong maligo. Amoy opisina ka."

"Ang arte mo!"

Huminto si Gabriel sa tapat ng isang malaking double door na gawa sa mahogany. Binuksan niya ito.

Napasinghap si Mia.

Ang Master's Bedroom ay isang santuwaryo ng karangyaan. Ang pader ay pinaghalong charcoal grey at glass. May sariling lounge area na may sofa at minibar. Pero ang umagaw ng atensyon ni Mia ay ang kama. Isang California King bed na may itim na silk sheets at makakapal na unan. Mukha itong kayang magkasya ng limang tao.

"Dito tayo... matutulog?" mahinang tanong ni Mia.

"Oo," sagot ni Gabriel habang nagtatanggal ng coat. Inihagis niya ito sa sofa. "Unless gusto mong sa sahig matulog."

"Wala bang guest room?"

Lumapit si Gabriel sa kanya. Unti-unting umatras si Mia hanggang sa tumama ang likod niya sa malambot na kutson ng kama. Nakatayo si Gabriel sa harap niya, tinatanggal ang butones ng cuffs nito.

"We are married, Mia. People expect us to sleep together. My staff talks. Kapag nalaman ni Lolo na hiwalay tayo ng kwarto, magdududa 'yon. And I don't want doubts."

"Pero..." Tumingin si Mia sa kama. "Isang kama lang."

"Malaki 'yan. Kasya tayo kahit hindi magdikit," kibit-balikat ni Gabriel. "Assuming you can resist touching me."

Namula si Mia. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi kita hahawakan!"

Tumawa nang mahina si Gabriel. Isang tawa na malalim at sexy. "We'll see. Go take a shower. Nasa walk-in closet ang mga damit na ipinabili ko kanina. Itapon mo na 'yang suot mo."

Walang nagawa si Mia kundi sumunod. Pumasok siya sa walk-in closet at halos malula sa dami ng branded clothes—dresses, blouses, at... lingerie. Puro lace at silk na pantulog ang nandoon.

Namili siya ng pinaka-konserbatibong pantulog—isang silk pyjama set na kulay navy blue. Kahit paano ay balot ang katawan niya.

Pumasok siya sa banyo. Jacuzzi, rain shower, at mga sabon na amoy expensive sandalwood. Naligo siya nang mabilis, takot na baka biglang pumasok si Gabriel.

Paglabas niya ng banyo, patay na ang main light ng kwarto. Tanging ang lampshade sa gilid ng kama at ang ilaw mula sa veranda ang nagbibigay liwanag.

Wala si Gabriel sa kwarto.

Nakahinga ng maluwag si Mia. Baka nasa opisina pa ito o nasa baba. Dahan-dahan siyang umakyat sa kama. Ang lambot. Parang lumulubog siya sa ulap. Sobrang pagod sa mga nangyari ngayong araw—ang pagkikita, ang DNA test, ang kasal—kaya't pumikit agad siya.

Ilang minuto pa lang siyang nakapikit nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo.

Nagmulat si Mia. At halos tumigil ang puso niya.

Lumabas si Gabriel mula sa banyo. Basa ang buhok nito at tumutulo ang tubig sa leeg pababa sa dibdib.

At wala itong suot na pang-itaas.

Kitang-kita ni Mia ang sculpted abs ni Gabriel, ang malapad na balikat, at ang V-line na nawawala sa ilalim ng suot nitong grey sweatpants na mababa ang pagkakasoot sa bewang.

Napalunok si Mia. Ang imaheng ito... ito ang imaheng binabalik-balikan niya sa panaginip niya sa loob ng limang taon.

Napansin ni Gabriel na nakatitig siya. Ngumisi ito habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya.

"Enjoying the view, wife?"

Mabilis na nagtakip ng kumot si Mia hanggang leeg. "H-Hindi! Bakit ka n*******d?!"

"Kwarto ko 'to. I sleep topless," sagot ni Gabriel. Naglakad ito palapit sa kama. Sa side kung saan nakahiga si Mia.

"D-Doon ka sa kabila!" tarantang sabi ni Mia.

"That's my side," turo ni Gabriel sa pwesto ni Mia. "Gusto ko malapit sa lampshade."

"Edi lumipat ka!"

Hindi nakinig si Gabriel. Umakyat ito sa kama, ang bigat ng katawan nito ay nagpalubog sa kutson dahilan para gumulong nang kaunti si Mia palapit sa kanya.

Sobrang lapit nila. Naamoy ni Mia ang body wash nito—mint at fresh masculine scent. Ramdam niya ang init na nagmumula sa hubad na balat ni Gabriel kahit hindi sila nagdidikit.

Humiga si Gabriel at inilagay ang kamay sa ilalim ng ulo. Tumingin ito sa kisame.

"Goodnight, Mia," sabi nito, parang walang katabing babae na halos mamatay na sa kaba.

Tumalikod si Mia, nakaharap sa pinto, nakatalikod kay Gabriel. Pinilit niyang ipikit ang mata. Matulog ka na, Mia. Matulog ka na.

Pero hindi siya makatulog. Ramdam niya ang bawat galaw ni Gabriel. Narinig niya ang malalim na paghinga nito.

Biglang naramdaman ni Mia ang isang mabigat na braso na yumakap sa bewang niya.

Nanigas si Mia. "G-Gabriel..."

Hinila siya ni Gabriel paatras hanggang sa dumikit ang likod niya sa matigas na dibdib nito. Ang init. Sobrang init. Ang binti ni Gabriel ay sumingit sa pagitan ng mga hita ni Mia, isang posisyon na sobrang intimate.

"G-Gabriel, anong ginagawa mo?" nanginginig na bulong ni Mia. "Sabi mo hindi mo ako pipilitin."

"I'm not doing anything," bulong ni Gabriel sa tapat ng tenga niya. Ang boses nito ay paos at inaantok. "Nilalamig ako. You're warm. Just sleep."

"Pero..."

"Shhh," suway ni Gabriel. Mas hinigpitan pa nito ang yakap, ang ilong nito ay nabaon sa buhok ni Mia. "Unless gusto mong ituloy natin ang hindi natin natapos sa Boracay... tumahimik ka at matulog."

Natahimik si Mia. Ang puso niya ay kumakalabog na parang tambol. Nasa loob siya ng bisig ng lalaking kinasusuklaman niya... at mahal pa rin niya.

Sa likod ng kanyang isip, alam niyang delikado ito. Pero sa gabing iyon, sa init ng yakap ni Gabriel, naramdaman ni Mia ang isang bagay na matagal na niyang hinahanap: Tahanan.

"Goodnight, Gabriel," mahinang bulong ni Mia.

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Gabriel sa kanyang balikat bago ito tuluyang nakatulog.

"Goodnight, my Mia."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 6

    Tahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat."Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby."Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak.Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel.Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya."Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito."Napalingon si Mi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 5

    Nagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw.May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya.Teka, matigas na dibdib.Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan.Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed.Gwapo. Sobrang gwapo pa r

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 4

    Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid."Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya."Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 3

    "Payag ako."Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina."Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko.""Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 2

    Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator."Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas h

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 1

    "Mama, naiihi na po ako!"Napapikit si Mia sa gitna ng mataong lobby ng Altamirano Tower. Hawak niya ang mahigpit na kamay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Gabby."Anak, sandali lang, ha? Tatapusin lang ni Mama i-submit itong files kay Ma'am Tess," bulong ni Mia, pinapahid ang pawis sa noo. "Wag kang malikot."First day niya bilang clerk sa malaking kumpanyang ito. Bawal ang bata, pero walang magbabantay kay Gabby dahil nagkasakit ang kapitbahay nila. Tinago niya si Gabby sa ilalim ng desk kanina, pero break time na at kailangan nilang tumakas palabas."Pero Mama, lalabas na po!" sigaw ni Gabby at biglang bumitaw sa kamay niya."Gabby! Bumalik ka dito!"Tumakbo ang bata papunta sa gitna ng lobby. Sa kamalas-malasan, bumukas ang private elevator—ang elevator na para lang sa mga VIP.Lumabas ang isang grupo ng mga naka-suit na lalaki, at sa gitna nila ay ang isang matangkad, gwapo, ngunit nakakatakot na pigura.Blaag!Bumangga ang maliit na katawan ni Gabby sa mahahabang bi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status