Share

KABANATA 2

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Humikab ako sabay kusot ng aking mata. Akmang tatayo na sana ako pero napadaing ako nang makaramdam nang pananakit sa gitnang hita ko.

Doon ko lang napagtanto na hubo’t hubad ako at napansin ko rin na may kulay pula sa bed sheet na aking hinihigaan.

Gusto kong sumigaw pero inaalala ko muna kung bakit at paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Nang maalala ko ang lahat ay hinahanap ko siya pero mag-isa lang ako sa kama.

Napansin ko naman ang cellphone malapit sa akin. Mabilis ko itong kinuha pero bumungad sa akin ang gwapong lalaki sa wallpaper. Siya nga.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto na ito at sinigurado kong wala na siya.

“Holy Mercy!” napasigaw ako sa gulat sabay ang pagbitaw ko sa hawak na cellphone.

Mabilis naman akong tumahimik nang muntik na siyang magising. Nasa sahig siya at mahimbing pa rin ang tulog. Umiling ako at napa-iwas nang mapadpad ang tingin ko sa pwet niya.

Mabuti na lang at nakadapa siya habang walang saplot. Mabilis kong nahanap ang mga damit ko at agad na nagbihis. Kailangan ko nang makaalis dito bago pa siya magising. Sa pagmamadali ko ay natisod ako dahil sa haba ng Paa niya.

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto bago niya pa makita ang mukha ko.

“Hey! Wait!” rinig kong sigaw nito.

Nagising ko tuloy siya. Mabilis akong napunta sa pintuan. Buti na lang at hindi gano’n kalaki ang condo na ito.

Nguni’t, pagbukas ko siya rin ang pagbungad sa akin ng isang lalaki sa labas. Nagulat ito nang makita ako kaya mabilis kong sinirado ulit ang pintuan at ni-lock.

Napasapo ako sa ulo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mukhang hindi isang ordinaryong lalaki ang nakakuha ng pagka-babae ko.

“Open this door, I am secretary George Hidalgo.” Sunod-sunod ang pagkatok nito at pilit na binubuksan ang pintuan.

Pinagmasdan ko ang kabuuang silid at nagbabakasakaling may iba akong madadaanan. Pero wala na akong nagawa pa nang naabutan niya ako rito sa mini-kitchen.

Napansin ko ang gulat na itsura niya, hindi sa akin kundi sa kumakatok sa labas.

“Mr. Ace Villamor, open this door! I know you hear me!”

“Wait, give me a sec!” sagot niya sa kumakatok sa labas.

Napakamot na rin siya sa ulo at napadpad ang tingin sa akin. Mabilis siyang lumapit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Naiilang ako sa ginagawa niya.

“E-Excuse me,” sabi ko.

 Kailangan ko nang makaalis dito pero bago man ako makahakbang ay hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.

“W-Wait—”

 Malakas naman akong nakawala sa kaniya at mabilis na nagtungo sa bintana.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, matapang akong dumaan sa bintana palabas.

“W-Wait,” rinig kong saad nito. Hindi ko mabilang kung naka-ilang ulit na siya sa kakasabi ng ‘wait’.

Hindi ko na siya pinansin pa. Ramdam ko naman ang panginginig nang buo kong katawan. Huminga ako ng malalim at naiisipang huwag tumingin sa baba ng building na ito.

Muling nagtama ang tingin namin nang sinilip niya ako rito sa labas.

“I’m sorry,” tanging sabi niya at mabilis na sinirado ang bintana. Tinakpan niya pa ito ng kurtina kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

Pinilit ko na lamang maabot ang exit stairs na gawa sa bakal at mabilis na nakababa sa mahabang building.

Nang makababa ako ay napansin ko ang mga nagkukumpulang media anouncer at reporters. Napansin ko rin maging ang iba na dumadaan ay ini-interview nila.

Mabilis akong dumaan sa likod ng mga tao. Busy rin sila sa kung sino ang lalabas sa harapan ng entrance ng building kaya hindi nila ako napansin.

“W-Wait!”

Napatigil ako sa pagtakbo. Kilala ko ang boses na iyon at imbes na lumingon ay dumiretso na lang ulit ako ng lakad. Mas umingay ang paligid at sari-saring tanong ang naririnig ko. Papalapit ng papalapit ang mga ingay at pagsabay din no’n ang patuloy na pagsigaw niya sa akin kaya mas binilisan ko ang aking kilos.

Dahil busy ang guard sa kaka-awat sa mga nagkukumpulang-tao ay mabilis na akong nakalabas sa malaking gate.

Hindi ko na narinig pa ang boses niya at bago ako tuluyang umalis ay lumingon ako sa kinaroroonan nito.

Tama. Siya nga ang pakay ng mga reporters, hindi tuloy sya maka-alis sa pwesto niya dahil mas dumami pa ang mga taong sumalubong sa kanya.

“Sir, is it true that you were with another woman last night?”

“Mr. Ace Villamor, is your fiance know about this?”

“Sir, you’re already engage–?”

Pinagsisisihan ko tuloy na hindi pa ako umalis rito. Sa dami ng narinig ko ay parang mas gusto ko na lang na matapos ang buhay ko sa mismong araw na’to.

Naramdaman ko rin ang unting-unti pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi. Bumalik ang lahat ng alaala kung paano ako niloko ng boyfriend at bestfriend ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng aking kamay at hindi ko mapigilang mapa-atras nang pinipilit niya pa ring lumapit sa akin.

Hindi. Hindi p’wede ‘to. Bakit sa dinami-daming lalaki, bakit siya pa? Bakit ‘yong taong engaged pa ang naka-one night stand ko.

Hindi ko kailan man mapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari. Ano na lang ang mararamdaman ng fiance niya? Mas malala pa ba ako kay Mich? Ahas at kabit na rin ba ako dahil sa ginawa ko?

Nagtama ang tingin namin at kahit man hindi ko marinig ang sinasabi niya ay alam ko kung ano ‘yon.

Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano sya ka inosente, na hindi niya intensyong saktan ang fiance niya? Nakakunot na naman ang mga noo nito at wala siyang imik sa mga taong patuloy sa pagbabatikos sa kaniya.

Alam kong pareho naming hindi ginusto ang nangyari no’ng gabing iyon pero bakit parang ramdam kong wala siyang pinagsisisihan. Wala talagang bahid na pagsisi at pagkadismaya ang itsura niya.

Ibig-sabihin ba ay pare-pareho ang lahat ng lalaki. Na kung sakaling may lalapit sa kanila na ibang babae ay balewala na agad kung may girlfriend or kung taken ba sila?

“Please, wait!” rinig kong malakas na naman niyang sigaw. Mabuti at hindi pa rin ako napapansin ng mga reporters.

Pero hindi ko na siya pinansin pa. Tuluyan akong tumalikod habang siya ay patuloy na pinipilit na maka-alis sa mga tao.

Napapikit ako at iniisip na dapat ko ng kalimutan ang nangyari. May fiance at ikakasal na siya at gaya nga ng sabi ko ay one night stand ang nangyari. Kahit man siya ang unang lalaking nakakakuha ng pagka-babae ko ay tatanggapin kong hindi siya kilalanin ng lubos.

“I said wait! Damn, you woman!”

Mabilis na tumakbo palabas at pumara ng taxi.

Hindi ko siya kilala at ang nangyari sa amin ay one night stand. Walang dapat pag-usapan do’n at hindi ko na siya dapat pang makita lalo na’t hindi siya isang ordinaryong stranger lang. Base sa buong pangyayari nga’yon masasabing kong, mayaman at kilala siya.

Napa-hinga naman ako ng malalim nang makalayo-layo na ako sa lugar na iyon. Hindi ko tuloy mapigilang magtanong kung bakit siya pa, mas gugustuhin ko na lang siguro ang maka-one night stand ang isa sa mga tambay sa labas basta huwag lang ang tulad niya.

He’s not an ordinary stranger.

After 2 weeks.

Masaya ako at may nahanap na akong trabaho. Graduated ako as a business management at masaya ang boss ko dahil mas ginagalingan ko ang mga gawain ko pero simula kahapon ay sunod-sunod naman ang sermon niya sa akin.

“Miss, Sienna Legazpi. Pinapatawag ka ni ma’am.”

Iniisip ko pa lang ang mga nangyari ay ito na naman.

“Sige, salamat,” sagot ko sa aking ka-trabaho.

Dumeretso na ako sa office ni ma’am. Agad kong napansin ang bagong babae na kasama niya.

“Ma’am, good morning po. Pinapatawag niyo raw ho—”

“Yes, miss Legazpi. I’m so sorry to tell you this but you’re fired. No more explanations, okay?”

Hindi ako nakapagsalita pa sa sinabi niya. Inabot niya sa akin ang half sahod ko para sa buwan na ito.

“You’re always late sa work. Lamon ka rin ng lamon kahit dis-oras ng trabaho mo at madalas pinagtaasan mo ng boses ang mga client natin. Madami pang reklamo sa’yo kaya I don’t have any choice.”

Hindi na ako naka-angal pa at tumango na lamang sa paliwanag ni ma’am. Tinanggap ko na rin ang sahod ko at maagang akong naka-uwi rito sa tinutuluyan kong apartment.

Hindi ko mapigilang umiyak. Halos mag-iisang buwan ako nagtiyaga para makahanap ng magandang trabaho. Kaya nga rin ako niloko ng boyfriend at bestfriend ko dahil sa kakahanap ko ng trabaho tapos mawawala lang ng ganito.

Tama, naman sila. Hindi ko na rin maipaliwanag pa ang mga nararamdaman ko this past week. Mabilis din nauubos ang pinambili ko at parang tumataba rin ako.

Kahit man nakakaramdam ako ng hilo at imbes na magpahinga ay pumunta ako sa malapit na clinic. Pinaliwanag ko lang ang mga nararamdaman ko.

Hindi ko naman kinaya ang sinabi ng doctor sa akin at parang mas lalo akong nahilo.

“Congratulations, ma’am. You’re pregnant.”

Agad akong umalis sa clinic na iyon dahil wala naman akong pakialaman sa mga payo na binibigay niya.

Hindi p’wede ‘to! Mabilis akong nakahanap ng solusyon sa problema ko nga’yon.

“M-Meron po ba kayong gamot pampa-laglag ng bata?”

Ang mahal ng mga gamot pero wala akong choice. Halos lahat ng pampa-laglag ay binili ko dapat masigurado kong hindi mabubuo ang bata sa sinapupunan ko.

Saktong paglabas ko ay siyang pagbungad sa akin ng naka-black suit.

“H-Hindi ko po kilala. W-Wala po akong alam sa i-ssue na yan. Pasensya na.”

Yumuko ako at mabilis na tumakbo palabas ng pharmacy. Pinapahanap ako pero bakit?

Mahigpit ang hawak ko sa mga gamot pero nabitawan ko naman iyon nang mabasa ang buong detalye sa diyaryo.

“I-isang milyon?” basa ko sa nakasulat.

H-Hindi maaari. Hindi niya dapat ako mahanap mas lalo na ang magiging anak niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status