Share

The CEO's Secret Twin
The CEO's Secret Twin
Penulis: Araxxcles

KABANATA 1

“Iyong-iyo na si Ken,” malungkot at may halong galit na diin ko sa kaniya.

Mas humigpit ang hawak ko sa aking sling bag nang makita ang pag-ngisi niya. Napapikit ako pero huli na at hindi ko napigilan ang pagpatak muli ng aking mga luha.

Magta-tatlong araw na nga’yon simula nang mahuli ko sila ng boyfriend ko sa mismong kwarto niya. Best friend ko si Michelle, magkasama kami simula noong college pa lang kami, hanggang nga’yon ay hindi ko matatanggap ang ginawa nila sa akin.

I lost my first boyfriend and at the same time I lost her as my bestfriend.

“M-Mich..bakit mo nagawa sa akin ito?! Madami pa namang iba d’yan ah, ba’t ang boyfriend ko pa talaga?! B-Bakit?”

Para akong nagmamakaawa sa kaniya. Kailangan ko nang sagot na kahit man malaman ko ay hinding-hindi ko sila mapapatawad lalong-lalo na siya.

“Okay, then I’m sorry, Sien–”

Ito na ang pinakamasakit na narinig ko, ang salitang binitawan niya. Sana nga mapawi agad ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa isang sorry. Napahagulgol na ako sa iyak.

Gustong-gusto ko siyang saktan. Sa mismong first anniversary ko pa talaga nalaman. Ni hindi niya ako iniisip. Hindi ganito ang pagkakilala ko sa kanya. Sana panaginip at imahinasyon lang ang lahat. Siya lang ang natitirang kaibigan ko at sana bawiin niya ang pag-amin nila.

“S-Simula no’ng pinakilala mo ako sa kanya, sorry kung minahal ko siya agad. Hindi mo naman ako masisi si Sien, sabihin na lang natin na mas masaya siya sa akin. Accept the fact na hindi lahat ay mananatili sa’yo. I’m so sorry,” mahabang saad niya.

Ang sakit lang marinig ang tono ng boses niya na walang bakas na kahit anong pagsisisi.

“Puro ka kasi aral. Palagi kang busy sa kaka-apply mo ng trabaho pero hindi ka naman matanggap-tanggap, alam mo kung bakit? Kasi ang tingin mo naka-deretso lang, ni hindi mo nga alam na ako na pala ang mahal ng boyfriend mo!” dagdag pa nito.

Tama siya, busy person ako sa kakahanap ng trabaho. Hindi naman ako tulad niya na may kaya sa buhay at pagpapaganda na lang ang halos inaatupag.

Pinagmasdan ko ang suot ko sa outfit niya. Naka-white blouse ako at nakapalda na itim samantalang siya ay naka pink dress na floral.

“See? Pati ba naman nga’yon naka-ganyan ka? Come on, siguro you already know the answer kung bakit mas ako ang pinili niya.” Umirap siya at ngumiti na nang-iinis.

Hindi ko na matiis pa ang sarili ko sa mga pinagsasabi niya. Nang tatalikod na siya ay agad ko siyang sinugod.

“Ang lakas rin ng loob mo ano? Aminin mong sadyang malandi at mang-aagaw ka lang talaga! Kasalanan ko pa talaga, huh? Ang kapal-kapal ng mukha, mas malala kapa sa ahas!” sigaw ko.

“A-ano ba!? Bitawan mo ako. A-aray! H-hindi ko naman kasalanan kung ako ang mas mahal at gusto niya! Ano ba, b–bitiwan mo ako!”

Mas na-intriga ako sa sinabi niya kaya mas hinigpitan ko ang paghila sa mahabang buhok niya.

Mabilis naman lumabas si Ken at iniwat kami. Hindi ako tumigil at pati siya ay sinugod ko na rin, pero huminto ako nang tinulak at sinigiwan niya ako.

“Stop it, Sien!” sigaw ni Ken.

“W-Walang hiya kayo!! Ang ka-kapal ng m-mukha niyo para gawin sa akin ‘to…” basag na boses na sigaw ko. “Mga h-hayop kayo! Ginago niyo ako! Alam niyo ba ‘yon!?”

Hindi ko na natiis pa at mas lumakas ang hagulgol sa harapan nila. Patuloy ako sa pag-iyak at nakita ko pa kung paano nag-alala ang boyfriend ko sa nag-iisa kong kaibigan.

Hinaplos nito ang balikat ni Mich at nang nagtama ang tingin namin ay napaiwas na lamang siya.

Okay, wala naman akong magagawa pa. Kahit man ilang balde ang iiyak ko rito ay walang magbabago.

Tumahan ako at inayos ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila, mabilis naman ang kilos ni Mich at nasa likod na siya ng cheater kong boyfriend. Ayoko nang magmakaawa pa. Ayokong maging tanga at hindi dapat ako ang magmukhang kawawa.

Ang dami pang lalaki sa mundo, hindi lang siya.

Huminga ako nang malalim at humugot ng lakas. Malakas kong sinampal si Ken nang dalawang beses. Para sana ang isa kay Mich pero nakatago na agad sa likod niya.

“You two are both the worst! I don’t deserve this! Ipagdarasal ko na lang na sana ay humaba pa ang mga buhay niyo. Tapos na tayo Ken at tapos na rin ang pagkakaibigan natin Mich. Kakalimutan ko na lang ang nangyari nga’yon and for sure maghihiwalay lang rin kayo.”

Maayos at buo ang boses ko. Pinakita ko rin sa kanila na tanggap ko na ang nangyari at kunwari hindi na iyon big deal sa akin. Kahit man ang totoo ay hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatanggap ang nangyari.

Isa siya sa mga naging pangarap ko at hindi ako napagod dahil nandyan siya sa tabi ko pero hindi ko inakala na sa mga oras na kasama namin si Mich sa masasayang araw namin ay iyon na rin ang pagkakataon upang mas magkalapit silang dalawa at pinamukha akong tanga.

Kunwari pa silang todo support sa paghahanap ko ng trabaho pero ang totoo ay ginamit lang nila ang mga oras na wala ako para magawa ang panloloko nila.

*****

Napatakip ko ang magkabilang tainga ko dahil sa lakas nang hiyawan dito sa bar.

Mabilis akong nakahanap ng maupuan sa bartender at mabilis akong humingi ng maiinom.

Sunod-sunod ang paglagok ko sa alak. Humingi na rin ako mismo ng isang bote at iyon ang pinagtunggab.

Mas dumami pa ang mga nakikita kong nagsasayawan sa gitna.

Kadalasan ay ang mga mag-partner, naalala ko naman ang ginawa sa akin ng boyfriend ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko dahil sa alaala na iyon. Kinuha ko ang aking cellphone, bumungad sa akin ang litrato namin dalawa. Malungkot ko pinagmasdan ang itsura niya sa picture. Siya ang first boyfriend ko at hindi ko akalain na best friend ko ang pinalit niya sa akin.

Napasigaw ako habang umiiyak.

“W-Walang hiya kayo! B-bakit niyo nagawa s–sa akin ‘to!?”

Napahagulgol na ako ng malakas, nasira ko rin ang dala kong folder dahil sa galit. Gusto kong itapon ang cellphone ko at ayoko makita ang pagmumukha nila pero imbes na gawin iyon ay tumahan ako. Inayos ko ang sarili ko at humingi ulit ng maiinom sa bartender.

In-open ko ang lahat ng social media accounts ko at pinag-delete lahat ng mga pictures ko na kasama silang dalawa. Hindi pa ako nakontento at ni-reset ko mismo ang phone ko dahil sakaling bumalik pa ang mga pictures nila sa gallery ko.

Mas lumakas ang music sa buong sulok ng bar na ito at kahit man hindi ako marunong sumayaw ay masaya akong nagtungo sa dance floor pero bago iyon ay napansin ko ang isang lalaking mukhang kanina pang nakamasid sa akin.

Ang layo man ng pwesto niya ay kitang-kita ko pa rin ang suot niyang white-polo na nakatupi ang mga dulo ng kaniyang manggas.

Umiwas ito ng tingin at do’n ko napansin ang mga luha sa kaniyang mga mata, umiiyak rin ba siya? Mukhang mag-isa lang din siya kaya napagdesisyunan kong lumapit sa kinaroroonan nito. Hindi na maayos ang lakad ko kaya nang makarating ako couch na inuupuan nito ay bigla na akong natumba at napahiga.

“H-Hey, are you o-okay?”

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita ang kumausap sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko.

Nag-inat ako ng katawan at mas dinamdam ang malambot na sofa.

“H-Hey, miss? Excuse me, c-can you stand? Uhmm..are you okay?” Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko.

“Bitawan mo nga ako! Mukha ba akong okay, ah?!” sigaw ko sa nangungulit sa akin. “Sa tingin niyo, matapos ang ginawa nila sa akin ay magiging okay pa ako?”

Hindi ko ulit mapigilan mapa-hagulgol. “B-Bakit nila nagawa ‘yon? Gano’n na ba ako ka losyang? Or ka-pangit!? Sumagot ka!”

“Uhmm.. you’re beautiful but s-sorry I just need to get my coat. Come on. Stand up.”

Natawa na lang ako ng malakas at bumangon sa pagkakahiga.

“A-alam mo, pare-pareho kayo lahat. Kaya hindi na ako basta-basta mapapaniwala sa lahat ng mga sinasabi kasi malayong-malayo sa katotohanan.” Ngumiti ako sa kaniya at pinantayan ang tangkad niya.

“Kung maganda ako, bakit niya ako pinagpalit? B-Bakit kaya si Mich pa? B-Bakit nila nagawa sa akin ‘yon?”

Alam kong hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko pero isa lang ang alam ko, ang sama ng tingin niya sa akin. Napagmasdan ko tuloy ang paligid. Ang gaganda at sexy ng mga nasa paligid namin. Halos lahat ay nakikipag-landian sa isa’t isa. Siya lang ata ang kauna-unahang taong makikita ko rito na naka-kunot ang mga noo at mag-isa lang.

“Excuse me, I need to go.” Ang manly ng boses niya at ngumisi lang ako habang tinaas ang black coat niya.

“Looking for this?” malandi kong tanong. “Mas hot ka kayang tingnan sa suot mo pero may kulang–”

Kunwari akong nag-iisip sabay tapon ko sa likod ang hawak ko na coat at mabilis na lumapit sa kaniya.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang binuksan ang botunes ng polo niya. Napatigil naman ako ng mabilis niyang hawakan ang kamay ko at tinitigan ako nang masama.

Napatigil tuloy ako at napaisip kung paano kaya naakit ni Mich ang boyfriend ko. Mas maganda naman ako sa kanya ah pero siguro dahil wala pa akong experience at never akong nagpagalaw kay Ken ay mabilis niyang naagaw sa akin ang boyfriend ko.

Unti-unti kong ginalaw ang bewang ko at gumiling. Sayaw lang ata ang kaya kong gawin pero gusto kong subukan kung ano man ang nasa isip ko. Nanatili pa rin kami sa kinatatayuan namin at pinagmasdan niya lang ako.

Binitawan niya na rin ang kamay ko at akmang aalis pero mas lumakas ang loob ko ng makita at marinig ang unggol ng isang babae sa gilid habang kahalikan ang isang lalaki.

Nakaramdam ako ng kakaiba at hindi ko na kayang i-control pa ang katawan ko, mabilis kong nilapat ang labi ko sa namumulang labi niya. Akala ko ay itutulak niya ako pero naramdaman ko na lang ang paghawi niya sa bewang ko at mas dinikit ang katawan namin.

“You’ll see what you’ve done,” bulong nito sa akin. “Then it’s my pleasure.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status