Share

Kabanata 29

Nang makauwi kami sa bahay ay halatang tulog na ang mga tao roon. Sarado na ang tindahan ni nanay at ang mga ilaw sa loob ng bahay. Dahan-dahan kaming pumasok sa bahay para hindi kami makaisturbo kila nanay.

Nang malaya kaming makapasok at walang ingay na na nilikha ay napahangos kami ng maluwag. Medyo lasing na ang aking kasama kaya pasuray-suray na itong naglakad papuntang kwarto ko. Bigla ko naman siyang pinigilan.

“Hindi ka riyan matutulog,” saad ko sa kaniya.

“Gusto kong katabi kita, hindi naman ako makatulog sa sofa,” nakangusong saad niya sa akin. Napabuntong hininga ako. “Basta kapag madaling araw ay babangon ka na?” tanong ko sa kaniya.

“Opo,” sagot niya.

Sabay kaming pumasok sa aking kwarto. Nagpalit naman ako ng pampatulog, madilim naman kaya hindi na ako nailang na maghubad sa harap niya. Nang matapos akong magpalit ay agad na sumampa ako sa aking kama. Nakahiga na ito at titig na titig it

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status