Share

Kabanata 2

NAGISING ako sa malakas na ingay ng bunganga ni Aira.

“Hoy Scarlet! Gumising ka na riyan! May trabaho pa po tayo baka nakakalimutan mo!” sigaw sa akin ng aking kaibigan at niyugyog pa ang aking katawan.

“Oo na sige na! Babangon na!” sabi ko sa kaniya.

Bumangon naman ako at naghilamos.

“Aba Scarlet, akala mo ba nakalimutan ko na iyong ginawa mo kagabi?” sigaw niya pa sa akin

Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Naalala ko iyong kagabi, pero winaksi ko agad iyon sa aking isipan. May papaamuhin pa kasi akong halimaw. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nakaupo kasi siya sa sala ngayon.

“Sorry na best friend, masakit po talaga ang aking tiyan kagabi. Hindi ko na rin mapigilan kaya umuwi ako agad dito. Sorry na. Babawi ako sa iyo, promise! Libre ko lunch mamaya!”

Bigla ko namang naalala iyong wallet ko.

“Oh shoot! Nawawala pala ‘yong wallet ko, best friend! Baka nakita mo? “ tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko nakita, baka naiwan mo sa Club. Balikan na lang natin ‘yon mamaya,” sabi niya.

“Basta sorry na ha?”

“Sige na nga! Kung hindi lang kita best friend eh, sinakal na kita habang natutulog ka kanina pa.”

Tumawa naman ako roon. Minsan kasi may pagkabrutal itong kaibigan ko. 

***

Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Halos kanina pa ako kinakabahan, baka kasi makasalubong ko siya rito. Minsan pa naman ay naglilibot-libot iyon para mag observe.

Busy ako sa aking papers nang tinawag ako ng executive secretary sa taas.

“Hello?Scarlet speaking,” sagot ko sa telepono.

“Our CEO wants to talk to you. ASAP,” iyon lang ang sinabi niya saka ibinaba ang tawag.

Bigla akong kinabahan at nanginig. Patay! Aalisin na ba niya ako sa trabaho?

Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang office ng aming CEO. Nakita ko ang sekretarya niya at bigla siyang may tinawagan, sinabing “Sir, Ms. Scarlet is here.”

Naririnig ko ang kabog ng aking puso. Nanginginig naman ang aking mga kamay.

“Pumasok ka na raw sa loob, Ms. Scarlet,” sabi niya sa akin at nagsimulang mag-type sa kaniyang computer.

Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pintuan. This is it pansit! Hindi ko pinahalatang nanginginig ako at kinakabahan. I acted tough in front of him kahit na ang totoo ay pinapalangin ko na sana lamunin na ako ng lupa at kunin ni Lord dahil para akong nasa courtroom at hahatulan ng death penalty dahil sa nagawang malupit na kasalanan.

“Good morning sir, pinapatawag niyo raw po ako?”

Actually, ngayon ko lang siyang nakita ng malapitan. Muli namang uminit ang aking pisngi nang maalala ko kung paano niya ako sinayawan kagabi. Omg! Nakakahiya!

Bigla naman siyang tumikhim at napalingon agad ako.

“You may sit here, Ms. Scarlet.” Itinuro niya ang upuan na nasa harap ng lamesa.

Naupo ako at tinitigan ang aking mga kamay. Ayaw ko siyang makita baka maisip ko naman iyong nangyari kagabi.

“I believe this is yours, Ms. Scarlet,” sabi niya sa akin at inabot ang aking wallet.

Nagulat ako nang makita iyon sa kaniya.

“Papaanong---” Pinutol niya ang sasabihin ko at sinabing,“Naihulog mo nang tumakbo ka palabas ng club,” he said and smirked at me.

“Let’s get to the point, Ms. Scarlet. What are you doing at the back stage, last night?” tanong niya sa akin.

Interview ba ito? Anong mayroon? Naiiyak na talaga ako sa kaba.

“I was…” Ano nga ba ang sasabihin ko? Na inistalk ko siya? Na gusto ko siyang makita ulit? Biglang may bombilyang nag-appear sa gilid aking isipan.

“Naligaw po ako Sir. Akala ko po C.R. ang napasukan ko. Sorry po.” Yumuko ako at pumikit ng mariin. Sana gumana ang aking pasulot.

Tinitigan niya ako at napabuntong-hininga.

“Since you already knew my secret. I want you to keep your mouth shut---” pinutol ko agad ang kaniyang salita at sinabing, “Oo sir! Promise! Swear to God in heaven, hindi po ako magsasalita!” Nakataas pa ang aking kanang kamay as a sign of promise.

“Aggressive, Ms. Scarlet? Hindi ako makakasiguro kung totoo ba iyong sinasabi mo. Baka mamaya ay iblackmail mo po ako. I investigated your background.” Hinawi niya ang folder na nasa harapan niya, nakita ko roon ang aking picture.

“I see. You are from an Island? No wealth and you’re the bread winner of your family.”

Ano naman ngayon?

“And maybe kapag ka nagipit ka, ay ibebenta mo ang mga nalalaman mo sa akin sa paparazzi.” Tiningnan niya ako at hinimas-himas niya ang kaniyang baba na para bang nag-iisip.

“Hindi ko po ugaling mang-blackmail ng tao, Mr. Berkshire,” matapang kong sagot sa kaniya.

“Let’s have an agreement.” Hindi niya pinansin ang aking sinabi at inilabas niya ang papel na nakaipit sa folder at kumuha ng ballpen.

“What do you mean?” tanong ko sa kaniya.

“You will shut your mouth and keep my secret, in return of your promotion. Alam kong gusto mong ma-promote sa trabaho, Ms. Hart. Isipin mo na lang iyong pamilya mo sa Isla, sobrang makakatulong ang offer ko sa kanila.”

“Paano naman kapag napirmahan ko ito at nilabag ko ang agreement natin?” tanong ko sa kaniya.

“You will be in prison and you will pay P10,000, 000.” He smirked at me na parang wala akong choice na pirmahan ang agreement niya.

“Ano, Ms. Hart? Deal?” tanong niya pa. 

Ilang minuto niya itong pinag-isipan bago nagsalita.

“D-deal!” Bahala na. Para kay inay at itay gagawin ko ito. Isa pa mananahimik lang naman ako eh. Iyon lang, magaling ako roon. Pinirmahan ko na ang agreement namin at kinuha ang kopya ko.

“Nice! Tomorrow you will be promoted as my executive secretary.” Nakangiti niyang sabi at tumayo na para lumabas ng office.

“WHAT?” Executive secretary agad?? Ganoon kataas ang level? Nashookt naman ako ng malala. Wait lang, nabingi ata ako. Sa true ba ito?

“Ano? Wait lang po!” Isinara ko ang pintuan at hinarangan siya.

“B-bakit executive secretary agad? Papaano iyong secretary mo ngayon?” Nakatingala ako sa kaniya, sobrang tangkad naman kasi nito. Natitigan ko rin ang napakakinis niyang mukha at shit! Ang tangos naman ng ilong.

“Stop drooling, Ms. Hart.”

Napatayo ako ng tuwid at kinalma ang sarili.

“Well, ililipat ko na lang ang aking sekretarya sa ibang branch, isa pa request din naman niya iyon sa aki. Gusto niya kasing lumipat ng branch matagal na, wala lang akong mahanap na papalit sa kaniya. Okay na? So, if you’ll excuse me, I have a meeting to attend.” Lumabas siya ng kaniyang office at ako naman ay natulala sa kawalan.

OMG! Ako? Magiging sekretarya niya? Tangina! Ang lupet mo Scarlet Hart! Lumabas ako ng office niyang abot tainga ang ngiti. Nakakatuwa naman! Hindi na ako dakilang utusan simula bukas.

Pero mamimiss ko rin ang mga kaofficemates ko kahit na sobrang palautos sila. Isa pa, baka minsan ko na lang makita ang aking kaibigan na si Aira. Pwede rin kaya akong mag-request na iakyat dito ‘yong office ng aking kaibigan? Tutal I have a power dahil alam ko ang sekreto niya. 

Iwinaksi ko ang aking naiisip baka sabihin ‘non namimihasa na ako sa kaniya. Bumaba ako at pumasok na sa office na may napakalawak na ngiti. Bumungad ang mukha ng aking tsismosang kaibigan kaya nagulat ako.

“Saan ka galing, Scarlet? Balita ko pumunta kang office ng CEO? May nangyari bang problema?” sabay-sabay na tanong ng aking kaibigan. Nakaramdam ako ng hilo sa mga tanong niya. 

“Pwede ba isa-isa lang? Oo galing akong office ng CEO. Pero mamaya ko na sasabihin saiyo kung bakit, siguro sa apartment na. Maraming mga Marites na nakakarinig sa atin ngayon.” Nilingon naman namin ang mga tao sa office. Karamihan ay tinitingnan kami na para bang nakikiusyuso. Hindi pala parang, nakikiusyuso talaga.

“Oo nga, sige mamaya na lang.” Umalis siya at pumunta na ng kaniyang office. Ako rin naman ay bumalik na sa aking desk.

Uupo na sana ako ng desk nang may iniutos naman ang aking mga katrabaho. Napabuntong-hininga ako at ginawa lahat ng mga iniutos nila. Ngayon lang naman ito, bukas ay hindi na. Napangiti agad ako na para bang kinikilig.

Nilikom ko ang aking oras sa pagta-trabaho at pagsunod sa kanilang mga utos.

“Alam mo ba chismis-chismis na may mapo-promote rito sa atin.” Sabi ng kabilang depatment sa amin.

“Omg! Baka ikaw na ‘yon, Anne! Ilang taon ka na rin namang nagta-trabaho rito, 6 years?” sabi ng isang ka-workmate namin.

“Correction, 7 years!” ngiti niyang sabi na may halong pagkaplastic.

“Oh bongga! Ikaw na siguro iyon. Congrats na agad, Anne!” Lahat naman ay nag congrats sa kaniya maliban sa akin. Tiningnan ako ni Anne, na para bang hinihintay ang pag congratulate ko sa kaniya. Excited? Hindi pa nga confirmed na siya eh. Malay mo ako iyon. Napahalakhak siya pero sa kaniyang isip lang. 

“Congratulations, Anne,” napipilitan kong sabi sa kaniya. Natatawa na lang ako sa mga assumptions nila. Bahala sila riyan. Napailing-iling ako ng aking ulo. May mga kaltok na siguro mga kaworkmates ko.

Alas syete na ng gabi nang kami ay mag-out sa aming trabaho. Umuwi kami ng apartment na sobrang pagod na pagod. Habang kami ay kumakain ay napag-usapan namin ni Aira ang pinag-usapan namin ni Mr. Berkshire.

“So, ano na iyong napagusapan niyo ni Boss?” 

“Ano kasi, Napromote na ako!” masigla kong sabi sa kaniya.

“What!?? Omg!! Congratulations! Tara na’t mag-celebrate!” hiyaw niya dahil sa sobrang saya.

“Bukas na! Gabi na eh,” sabi ko sa kaniya.

“Saan ka napromote?”

“Executive Secretary,”

“Tangina! Seryoso??” gulat na tanong niya sa akin.

“Oh, my goodness! Ang swerte mo naman, Scarlet Hart anak ng tiga Isla! Una, naisayaw ka ng leader ng Royal Night, tapos ngayon naman Executive Secretary? Isang malaking SANA ALL saiyo madam Scarlet!”

“Ay ang OA na, Aira.”

“Pero seryoso ang swerte mo at natutuwa ako sa achievement mo. Congratulations, best friend!” sabi niya sa akin. Niyakap niya ako at ginantihan ko naman ito.

“So, saan tayo magce-celebrate bukas?” tanong niya sa akin.

“Sa Royal Night ulit?” sabi ko sa kaniya.

“Aba! Aba! Sige ba! G tayo riyan!”

***

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow sana all nga naman,naku ingat ka kay Anne dahil akala nya sya yong mapo promote
goodnovel comment avatar
rurumerin
Shet siya nga hahaha... Sana all sinayawan ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status