Share

Kabanata 30

“’Nay at ‘tay, mauna na po kami,” saad ni Gio sa kanila at nagmano. Uuwi na kasi kami ng Maynila.

“Sige, anak mag-iingat kayo sa pagmamaneho,” saad ni nanay kay Gio at Tom.

“Tita, huwag kayong mag-alala, kami na po ang bahala kay Scarlet,” saad naman ni Aira sa kanila.

“Maraming salamat, iha sa pasalubong mo. Sobrang natuwa kami lalo na’t si Patpat.” Bigla na lamang pumalahaw ng iyak si Patpat. Karga-karga ko kasi ito.

“Ate, mimiss kita!” iyak na saad niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Mamimiss din kita Patpat, huwag kang mag-alala babalik din si ate. Bibilhan ka ni ate ng napakaraming tsokolate pagbalik ko. Gusto mo ba iyon?” tanong ko sa kaniya. Tumango ito sa akin, halata ang pamumula at pamamaga ng kaniyang mga mata.

“Opo,” saad niya.

“Kaya huwag ka nang umiyak ha, tingnan mo si Tita Aira oh, nagiging monster na naman

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status