Sa paglipas ng mga araw ay mas nagiging close kami ni Gio, pati ang kaibigan ko na si Aira ay naging kaclose na rin niya. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kaniya. Madalas na rin kaming magkasabay maglunch at minsan hinahatid niya kami ni Aira sa aming apartment kapag uwian. Napapaisip nga ako kung bakit niya ito ginagawa, bakla ba siya? Ngunit ang asar naman sa akin ni Aira ay may gusto raw ang boss ko sa akin. Hindi naman ako naniniwala sa kaniya dahil sino ba naman ako? Hindi kami bagay, isa lang akong hamak na sekretarya niya na taga isla.
Ang gusto ng isang mayamang lalaki ay kauri rin niya. Iyong maganda, sexy at mayaman. Hinding-hindi talaga kami bagay kasi langit siya at lupa ako.
"Scarlet, ready ka na ba?" tanong ni Aira sa akin habang hila-hila niya ang kaniyang maleta. Napatango ako sa kaniya. "Ang sexy talaga ng bff ko." Puri ko sa kaniya. Nakasuot siya ngayon ng maong shorts at croptop na bumagay sa hugis ng katawan niya.
<Hi! Salamat sa pagbabasa ng aking istorya! Sana nagustuhan niyo ang kabanatang ito. Huwag kalimutang magvote at mag-iwan ng review. Maraming salamat!
Ano raw!? Hindi ko narinig ang sinabi niya.“Ano?” tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan pa ring nakadikit sa akin si Gio. Medyo naiilang na ako dahil ang lakas ng tambol ng aking dibdib. Napatawa siya ng mahina.“Wala, sabi ko nandiyan na sila Tom, bumaba na tayo.” Nginuso niya ang dalawang taong naglalakad papunta rito sa rest house. Napatawa naman ako nang makita si Aira na nagpapapadyak dahil gusto nitong kunin ang maleta niya kay Tom ngunit umiwas lang ito.“Bagay sila ‘no?” tanong ko sa kaniya.“Mas bagay tayo...” Napalingon ako sa kaniya. Namula naman ang aking pisngi nang kumindat ito sa akin sabay ngiti. Hinampas ko ang braso niya pero mahina lamang ito.“Ang korni mo!” sigaw ko sa kaniya at nagsimulang tumakbo pababa para salubingin sila Aira at Tom. Nang makalapit ako sa kanila ay isinakbit ko ang aking braso sa balikat ni Aira.“Kumusta ang byahe, bff? Nag-enjoy k
Malakamatis na sa pula ang aking pisngi ngunit hindi ko lang pinahalata na kinakabahan ako. Parang wala lang nangyari kay Gio, ngumit lang ito sa dalawa at inakbayan si Tom."Walang nangyari! Ulol!" bulong ni Gio sa kaniya. Lumapit naman si Aira sa akin."Ano 'yon? Ba't nasa kwarto mo si boss? Isinuko mo na ba ang bataan? Tangina, Scarlet ang lupit mo!" Sigaw ni Aira sa akin. Lumabas na ang dalawa kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwarto. Hindi na muna kami lumabas dahil hinila ako ni Aira, kasalukuyan kaming nakaupo sa kama."Tangeks! Hindi ah!!" sigaw ko sa kaniya at hinampas siya sa braso."Aray ko naman! Eh bakit nasa loob si Boss?At ba't pulang-pula 'yang pisngi mo? Aminin mo may nangyari ba? Kung oo, dapat panagutan ka niya!" seryosong saad niya sa akin."Walang nangyari kaya walang mananagot, Aira. Sinundo niya lang ako, sakto namang ta
Nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Ano raw? Parang nabingi ata ako?“H-Ha? A-ano? Paano?” kinakabahang kong tanong sa kaniya. I don’t know what to say. Is he even serious?“I don’t know, I mean. I can’t help it. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Damn!” Nahihirapang sagot nito sa akin.“I- I don’t know what to say, baka nabibigla ka lang.”“No! Totoo ‘yong nararamdaman ko sa’yo. I- I think I like you, Scarlet.” Sinserong tiningnan niya ako sa mata, hindi ako nakatiis at tinitigan ko rin siya. Para bang nang-aakit ito at nahihipnotismo ako.“I like you, Scarlet.” Ulit pa nito at bigla akong hinalikan ng napakamalalim. Wala akong nagawa kung ‘di ay tumugon din. I like the kiss after all. Shit, no I love it. Una palang na kita ko sa kaniya ay nahumaling na ako. I can’t help it, matipuno, gwapo at makisig ba naman ang
“Where do you want to eat, or you want me to eat you? Choose.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at biglang namula, parang gusto ko ‘yong pangalawa pero nakakahiya namang sabihin iyon sa kaniya. Ang landi ko talaga!Nagpalinga-linga ako at nakita ko sa di kalayuan ang isang resto.“Doon nalang tayo kumain ng dinner.” Tinuro ko iyon at tiningnan siya.“I still want to eat you, though.” Kibit-balikat niyang sabi at hinila ako papunta sa resto. Damn. He’s tempting me and I like the feeling of it.Nang makapasok kami sa resto ay kunti pa lamang ang kumakain roon. Napahinga ako ng maluwag dahil wala ni isa roon ang aming mga kaco-workmates. Hindi pa rin kasi ako sanay na pagchismisan ng mga tao dahil sa palagi kaming magkasama ni Gio. Marami rin akong naririnig na chismis at hindi ko maiwasan na masaktan.Nilulunok ko na lamang ito dahil ayoko rin naman ng gulo. Lalo na kapag pinagchichismisan ako nila An
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko namang nagtatawana sina sa Gio, Aira at Tom sa sofa.“Sir! Ano nga ang estado niyo ng Bff ko? Kayo na ba?” Napatawa nalang si Gio.“Hulaan mo!” sabi nito. Nagpapapadyak naman si Aira at hinahampas si Tom sa braso.“Aray naman Babes. Malalaman mo naman ‘yon. Huwag ka ngang excited diyan!” Tumigil naman ito kaya lumapit naman ako.“Anong mayro’n? Ngiti kong tanong sa kanila.“Sa wakas! Nandito ka na. Kakatukin na sana kita eh.” Nilapitan naman ako ni Aira at inakbayan.“We’re going outside, may bonfire tayo mamaya.” Ngiting sabi ni Gio sa amin.“Wow! I like that. Tara na?” sabi ko sa kaniya at hinila ako si Aira ngunit kinalas naman niya ang kamay niya sa aking braso at napa-peace sign. Nagtataka ako sa kaniya, ayaw niya ba akong kasama?“Sumama ka na kay Sir Gio, B
Naalimpungatan ako dahil may nakadagang braso sa aking tiyan. Sinilip ko naman kung sino ang aking katabi, nakita kong si Gio pala iyon. Napangiti ako sa kaniya, ang peaceful ng kaniyang tulog, medyo humihilik pa ito. I trace his eyes, nose and lips. Ang pogi niya talaga, mas makinis pa ang kaniyang mukha kaysa sa akin. Nakaka-insecure naman.Nagulat naman ako nang mapangiti ito. "Baka matunaw ako niyan," sabi niya. Napabalikwas naman ako ngunit hinila lamang ako nito at mahigpit na niyakap."Hmm, I want to cuddle." saad niya at binaon ang kaniyang mukha sa leeg. Ramdam kong kinakantilan nito ng malilit na halik at agad na kinagad."Gio!" Napasigaw ako sa gulat. Natawa naman siya sa reaksiyon ko."I'm sorry, I can't help it."Tumayo na ito at napainat-inat."Let's go?" Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. Kinuha ko ito at napangiti.Hindi ko maiwasan isipin kung ano na nga ba ang estado ng amin
Ginugol namin ang oras sa pagkuwe-kuwentuhan habang kumakain. Sobrang saya namin, lalo na ako. Sobrang sarap sa feeling na nagagawa niyang ibahagi ang kaniyang buhay sa akin. He told me everything about himself. He's the only child of in the family. Mommy niya raw ay nasa hospital at may sakit at ang kaniyang daddy ay inaalagaan ang mommy niya. Bale siya ang only heir ng business nila kaya siya ang nagpapatakbo nito. Noong binata pa siya ay palagi siyang binubully ng classmates niya, minsan daw ay hinahampas siya ng baseball bat at pinapaso ng sigarilyo. Nakahangos lang siya ng maluwag nang nakapag graduate sa kolehiyo ng Cum Laude. I really admired him. He's strength and intellegence, full package na siya kumbaga. "What happened pala sa nambully sa'yo?" tanong ko habang umiinom ng wine. "Pinakulong ko." Nagulat ako sa sagot at napangisi nalang. "Deserve niya naman iyon," sabi ko nalang. "Well, after niyang makalaya, hinanap niya ako at na
Nailimpungatan ako nang marinig ko ang mga ibong naghuhunihan sa labas. Sobrang sakit pa ng aking katawan and I’m sore down there. Pinilit ko na lamang makatayo dahil gusto kong makita kung ano na ang nangyayari sa labas.Kumuha ako ng damit sa closet ni Gio roon, hanggang tuhod ko lang ang damit niya, para bang naging isang daster ito kung titingnan sa akin. Hindi ko mahanap ang aking panty kaya ay hindi na lamang ako nagsuot no’n. Nang makalabas ako sa cabin ay nadatnan ko ang isang napakagandang isla. It was like a hidden paradise, ngayon lamang ako nakakita ng gan’to. Laki ako sa isla ngunit iba ito, napapaligiran ang malaking bundok ng mga naglalakihang puno. It was like a paradise, maraming ibon ang naghuhunihan at puno ng mga prutas ang mga puno. May mangga, caimito, cacao, santol at marami pang iba.Mukhang mabubuhay ka rito habang-buhay. Sagana sa pagkain ang islang ito. Bakit kaya hindi ito nadidiskubre ng iba? Napagitla ako nang may naramda