Share

CHAPTER 4

Author: Apple Cherry
Medyo nataranta si Olive nang magtanong si Matthew tungkol sa massage. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat bago siya nakapagsalita.

"Uh... opo, Sir," sagot niya. "Nung nakatira pa po ako kay Mama, tinuruan niya ako. Manghihilot po siya sa probinsya namin. Hinihilot po niya ang mga taong may nararamdaman at manghihilot din po ng mga baby. Kaya may alam po ako kahit papaano."

Tahimik na pinakinggan ni Matthew ang paliwanag ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumango. "Alright. We’ll talk more tomorrow. Magpahinga ka na."

"Salamat po, Sir Matthew. Good night po," sabi ni Olive, at yinuko ang ulo.

Tumalikod siya at mabilis na naglakad patungo sa kuwarto niya. Pagkasara na pagkasara ng pinto, huminga nang malalim si Olive at sumandal doon.

"’Tong first day ko... medyo mahirap," bulong niya. Napakaraming hindi inaasahang nangyari, pero kahit papano ay narito pa rin siya.

Hindi siya natanggal sa trabaho. 'Yun lang ay sapat na para makaramdam siya ng ginhawa.

Umupo si Olive sa gilid ng kama at kinuha ang kaniyang phone. May naghihintay na text message mula sa Mama niya. Binuksan niya ito at agad na nagulat.

Sabi ng Mama niya, ayaw na nitong ipagpatuloy ang medical treatment nito, pakiramdam nito ay wala itong kuwenta at magiging pabigat lang sa anak.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ni Olive. Nagmamadali niyang pinindot ang call button. Parang walang katapusan ang tunong ng ring sa linya, na nagpapalaki sa takot niya sa bawat segundo.

"Please, Ma... sagutin niyo po..." pabulong niyang pakiusap nang may pag-aalala.

Hanggang sa wakas ay nag-connect ng tawag.

"Ma? Ayos lang po ba kayo?" agad na tanong ni Olive, puno ng pag-aalala ang kaniyang boses.

"Maayos lang ako, Olive. Huwag kang mag-alala," mahinang sagot ng kaniyang ina. "Hindi ko sinasabi na hihinto na ako sa medical treatment dahil sa gastos; pakiramdam ko lang ay hindi na rin naman ako gagaling."

Umiling si Olive, kusa na lang umagos ang mga luha sa kaniyang mukha.

"Hindi, Ma... ayoko pong ihinto niyo ang gamutan niyo. Nagtatrabaho na po ako ngayon. Gagawin ko po ang lahat para mabayaran ang gastos. Please po, huwag muna kayong huminto, Ma..."

Natahimik sandali ang Mama niya bago nagtanong, "Anong trabaho? High school lang ang natapos mo. Alam ko kung magkano ang sahod ng isang high school graduate."

Ibinaba ni Olive ang kaniyang ulo, pumapatak ang mga luha sa kaniyang kandungan. Napalunok siya nang mariin bago sumagot. "Nagtatrabaho po ako bilang waitress, Ma. Maayos naman po ang pasahod... mas maganda kaysa nung tumutulong ako sa tindahan ng kapitbahay natin diyan."

Narinig niyang bumuntong-hininga ang Mama niya sa kabilang linya. "Ang mahalaga ay mag-iingat ka, anak. Siguraduhin mong walang masamang mangyayari sa 'yo."

"Opo, Ma. Pangako po. Susubukan ko pong magpadala ng pera bukas. Please po, ituloy niyo lang ang gamutan..."

"Olive, kakasimula mo lang sa trabaho. Hindi ka pasasahurin hangga't hindi natatapos ang buwan, 'di ba? Huwag mo nang ipilit ang gusto mo; ayokong nahihirapan ka at magkaroon pa ng problema kalaunan."

Tinakpan ni Olive ang kaniyang bibig para pigilan ang pag-iyak. Alam niyang nagtitimpi lang ang Mama niya dahil sa sitwasyon nila sa pera, pero hindi niya ito pwedeng hayaang sumuko. Gagawin niya ang lahat para makitang healthy ulit ang Mama niya.

"Anak? Nandyan ka pa ba? Olive?"

"O-Opo, Ma. Huwag kayong mag-alala. Gagawa po ako ng paraan. Kung hindi ko po magawa bukas, susubukan ko po sa susunod na araw."

"Anak, maayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Kailangan mong alagaan ang sarili mo. Bago ka pa lang sa trabaho, huwag na huwag kang maglalakas-loob na humingi ng cash advance. Baka mawalan ng tiwala sa 'yo ang amo mo."

May point ang advice ng Mama niya, pero matindi ang katotohanang bumubundol sa dibdib niya… may sakit na diabetes ang Mama niya na nagdulot na ng malalang complication sa kidney nito. Kailangan nito ng regular na dialysis; kapag wala iyon, mabilis na lalala ang condition nito.

"Opo, Ma. Naintindihan ko po. Please, magpakalakas kayo. Ayoko pong magkasakit kayo."

"Naku, Olive, umiiyak ka ba? Ayoko ng ganyan. Sige na, ibababa ko na 'to."

Patuloy na umiiyak nang mahina si Olive pagkatapos mamatay ng linya. Pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang likod ng kaniyang kamay habang nakayakap sa kaniyang mga tuhod.

"Kailangan mong maging matatag, Olive," aniya sa sarili. "Kahit anong mangyari rito, kailangan kong magtiis. Para kay Mama."

Matagal siyang nakaupo nang tahimik, nakatitig lang sa malamig na sahig habang mabilis na gumagana ang isip niya, naghahanap ng solusyon. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mukha, pinipilit na kumalma.

"Kailangan kong makahanap ng paraan."

Hindi siya pwedeng maghintay na lang ng araw ng sweldo. Walang ganoong oras ang condition ng Mama niya; ang bawat araw na lumilipas ay pwedeng lumala ang sakit nito.

Inabot ulit ni Olive ang kaniyang phone at iniscroll ang kaniyang mga contact, pero kakaunti lang ang mga pagpipilian niya. Dahil mag-isa siyang lumipat sa lungsod, nawalan na siya ng communication sa mga kaibigan niya sa school, at wala siyang mga kamag-anak na pwedeng mahihingian ng tulong.

"Kailangan kong humingi ng tulong... pero kanino?"

Kinagat niya ang kaniyang labi. Feeling niya ay wala na siyang ibang pagpipilian.

Pumasok sa isip niya ang paghingi ng cash advance sa boss niya, pero nag-alinlangan siya.

Isang araw pa lang siyang nagtatrabaho. Hindi pa niya napapatunayan ang sarili niya dito. Paano siya makakahingi ng ganoong kalaking halaga agad-agad?

Saka paano kung tumanggi ito? Paano kung maging dahilan pa 'yun para matanggal siya sa trabaho?

Huminga nang malalim si Olive, sinusubukang mag-isip nang malinaw. Kusa na lang lumitaw ang mukha ni Matthew sa isip niya. Cold ito, mahirap basahin, at parang walang pakialam sa mundo. Pero, hindi siya nito pinagalitan. Binigyan pa nga siya nito ng chance.

Dahan-dahang iminulat ni Olive ang kaniyang mga mata.

‘Susubukan ko bang humingi ng tulong kay Sir Matthew...?’

Mabigat ang isiping iyon sa kaniya, pero naging malinaw ang desisyon niya sa huli.

‘Kung para naman kay Mama, kailangan kong maging matapang…’

Kinaumagahan, gising na si Olive bago pa man sumikat ang araw. Siniguro niyang tapos ang lahat ng mga gawain niya sa oras, lalo na ang isa na hindi pwedeng mahuli.

Kailangang ready na ang black coffee ni Matthew bago mag-alas-sais.

Maingat niyang inilapag ang bagong timplang kape sa desk nito. Ang bango ng mainit na kape ay pinuno ang buong silid. Nakatayo si Olive sa hindi kalayuan, kalmadong naghihintay kahit na naguguluhan ang kalooban niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Matthew nang tahimik. Mabilis na napansin ng tingin nito ang presensya ni Olive bago ito naglakad at umupo.

"Ito na po ang kape niyo, Sir Matthew," mahinang wika ni Olive.

Kinuha ni Matthew ang tasa at uminom nang kaunti. Lumipas ang ilang segundo bago ito tumingin ulit sa kaniya. "The taste is just right. Good."

Bahagyang tumango si Olive. "Thank you po, Sir."

Bumalik ang katahimikan sa silid. Sa ilalim ng kaniyang kalmadong hitsura, mabilis na tumitibok ang puso ni Olive.

‘Olive.ihin ko na ba ngayon?’

Napalunok siya nang mariin. Maaga pa, at kararating lang ni Matthew. Hindi ba siya masyadong nagmamadali? Nanlalamig ang mga kamay niya, nakahawak sa laylayan ng kaniyang uniform.

‘Pero kung hindi ngayon, kailan pa?’

Huminga nang mabagal si Olive, tinitipon ang lakas ng loob na natitira sa kaniya.

"Sir Matthew, ano po sana..."

Tumingin si Matthew sa kaniya sa sandaling magsalita siya, at sa segundong iyon, ang mga salitang maingat niyang inihanda ay parang biglang naglaho sa hangin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 50

    Bahagyang nanginig si Olive nang maramdaman niya ang malamig na mga daliri ni Matthew na dumampi sa pisngi niya. Biglaang itinanong nito ang tungkol sa kanyang ina kaya hindi niya maiwasang mabigla.“Maayos naman po ang lagay ni Mama, Sir,” mahina niyang sagot habang nakayuko at nakatitig sa sahig. “Mas naging stable po ang kondisyon niya mula nang ilipat siya sa ibang ospital. Maraming salamat po, Sir Matthew.”Hindi inalis ni Matthew ang kamay niya. Sa halip, hinawakan niya ang mukha ni Olive at iniangat iyon upang mapilitan itong tumingin sa kanya. Walang bahid ng init sa mga mata nito… tanging isang madilim at mahirap basahing ekspresyon.Sa halip na magbigay ng anumang nakaaaliw na salita, mahinang tumawa si Matthew. May nakatagong babala sa kanyang tinig.“Huwag mo akong pasalamatan na para bang ginawa ko ito dahil naaawa ako sa iyo, Olivia,” malamig ngunit matalim niyang sabi.Mas inilapit pa niya ang mukha niya kay Olive at bumulong ng mga salitang nagpapatindig sa balahibo sa

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 49

    Pumasok si Olive sa mansyon gamit ang servant’s entrance, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkabalisa.Para bang bumalik na sa normal ang atmosphere sa mansyon, ngunit may isang bagay na kapansin-pansing nagbago. Pinalitan na ang mga guard sa main gate at mga security personnel na dati ay malupit sa kanya. Ang mga bagong mukha ay mukhang mas alerto at mas mahigpit sa kanilang tungkulin.Napaisip si Olive. Talaga bang sinibak ni Matthew ang lahat ng dating guard dahil lamang sa nangyari kahapon?Pagdaan niya sa kitchen ng mga katulong, busy ang lahat sa kani-kanilang gawain gaya ng dati. Walang bumati sa kanya, pero wala ring nagbigay sa kanya ng mapanghamak na tingin na nakasanayan na niya. Para bang nagkukunwari silang walang anumang malaking gulong nangyari.Diretso siyang nagtungo sa changing room upang isuot ang kanyang maid uniform. Ngunit kasalukuyan pa lamang siyang naghahandang magpalit nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Susan, kasunod si Janice. Agad

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 48

    Napapitlag si Olive sa gulat at agad na itinaas ang kamay upang takpan ang kanyang leeg. Mabilis na kumabog ang kanyang puso, na para bang nahuli siya sa akto. Nakalimutan niyang ang markang iniwan ni Matthew kagabi ay mababakas pa rin sa maputi niyang balat.“I-ito po... kagat lang ng lamok, Ma,” utal-utal na paliwanag ni Olive habang pilit naghahanap ng kapani-paniwalang dahilan, kahit nanginginig ang kanyang tinig. “Medyo mamasa-masa po kasi ang bodega sa mansyonna pinagtatrabahuhan ko. Baka may mga lamok roon.”Inabot ng kanyang ina ang kamay niyang nakatakip sa leeg at marahang ibinaba iyon upang masuri nang mabuti ang marka. Bahagyang sumingkit ang mga mata nitong may edad habang pinagmamasdan ang mapulang bakas na nagsisimula nang magkulay-ube na parang pasa.“Olive?” tawag ng kanyang ina sa mahinang tinig na puno ng pag-aalala. “Bakit ka naman ganyan kagulat? Naging bata rin ako, anak. Alam ko ang pagkakaiba ng kagat ng insekto at... ng ibang bagay.”Natigilan si Olive. Napuno

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 47

    Hindi natinag si Matthew. Binitiwan niya ang doorknob at humakbang palapit kay Lara, dahilan upang sandaling isipin nitong nagtagumpay ang pang-aakit niya. Pero nang ilang sentimetro na lamang ang pagitan nila, huminto si Matthew. Mula ulo hanggang paa, tiningnan niya si Lara nang walang anumang emosyon, na para bang isang basurang sinusuri niya.Napatawa siya nang maikli at mapakla… isang tawang puno ng kawalan ng pakialam at pangmamaliit.“Sleep with you?” ulit niya.Humakbang pa siya palapit, dahilan upang mapaatras si Lara hanggang sa tumama ang baywang nito sa gilid ng mesa.“Ito ba ang paraan mo dahil natatakot kang nagsisimula na akong magbago? Do you think my self-respect is so low that I could be lured in by something as cheap as this?”“Matthew, ginagawa ko ito dahil gusto kong malaman mo na mas magaling ako kaysa sa—”“Mas magaling kaysa kanino? Sa katulong na iyon?” matalim na putol ni Matthew.Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ni Lara at marahas itong hinila, dahila

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 46

    Habang lumalalim ang gabi, bumalot sa kwarto ng ospital ang nakapangingilabot na katahimikan.Walang galaw na nakahiga si Olive, nakatitig nang blangko sa puting kisame na tila naging malungkot sa ilalim ng malamlam na liwanag ng lamp sa tabi ng kama. Sa katahimikan, lalo lamang luminaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Hindi niya namalayang napahawak siya sa kanyang dibdib… sa mismong bahaging hinawakan ni Matthew ilang sandali lang ang nakalipas.Para bang naroon pa rin ang nag-aapoy na pakiramdam ng mga labi at dila nito, na nag-iwan ng matingkad na marka sa kanyang balat. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang bawat haplos, bawat mapusok na paghipo, at ang madilim at matinding titig sa mga mata ni Matthew, na para bang sirang plaka na hindi tumitigil sa pag-ikot.Napigil ni Olive ang kanyang paghinga nang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sinubukan niyang unawain ang kahulugan ng lahat ng ipinakita sa kanya ni Matthew.Ang lahat ba ng ginawa nito… ang pagtatangg

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 45

    Nakatayo si Olive sa loob ng banyo, nanginginig ang mga kamay habang pinupunasan ng malilinis na tissue ang kanyang dibdib na mainit-init pa at mamasa-masa. Matapos muling isara ang mga butones ng kanyang hospital gown at tiyaking maayos na ang kanyang hitsura, lumabas siya nang nakayuko.Nakaupo na si Matthew sa isang single-seater na sofa. Nanatiling perfect ang ayos ng damit nito. Tanging ang mga mata lamang nito ang tila mas kalmado na matapos nitong makuha ang gusto.“Come here,” tawag ni Matthew sa mababang boses.Dahan-dahang lumapit si Olive hanggang sa huminto sa harap niya. Nakatitig siya sa dulo ng kanyang sapatos upang itago ang namumula niyang mga pisngi.“You’ve just proven that your physical condition has indeed improved,” sabi ni Matthew sa relaxed na tono. “At nagawa mo rin akong pahangain ngayong gabi.”Mahigpit na hinawakan ni Olive ang laylayan ng kanyang hospital gown. Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang bahagyang tumingala.“A-ano po... gagawin ko ang lahat basta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status