Share

CHAPTER 3

Author: Apple Cherry
Mabilis na isinarado ni Matthew ang pinto sa sandaling makita niya ang estado ni Olive.

Naiwang nag-iisa sa loob, nagmamadaling isinuot ni Olive ang bagong uniform gamit ang nanginginig niyang mga kamay, pakiramdam niya ay napakatanga niya.

‘Bakit ba kasi napakatagal kong magpalit? At bakit ba ako pumayag na dito magpalit sa loob?’

Bago pa man lumipas ang isang minuto, isang matatag na katok ang nanggaling sa pinto. Nakaramdam ulit si Olive ng panibagong hiya… napakatinding hiya. Mabilis niyang inayos ang kaniyang uniform, inikot ang lock, at binuksan ang pinto habang nakayuko ang ulo.

"Pasensya na po, Sir... Kasi po—"

"It was my fault," mabilis na putol ni Matthew sa flat nitong tono. "Bigla na lang akong pumasok. I forgot I needed to pick up a pen I’d left behind."

Napalunok si Olive at mabilis na tumango. "Opo, Sir. Pero kasalanan ko rin po kasi napakatagal ko magbihis. Sorry po talaga, Sir."

Hindi sumagot si Matthew. Naglakad siya pabalik sa loob ng study room, umupo sa kaniyang office chair, at binuksan ang dalawang butones ng kaniyang polo.

Nakatayo lang si Olive, naninigas sa posisyon nito.

"Tingnan mo nga 'yong aircon," utos ni Matthew. "I feel incredibly hot."

Agad na gumalaw si Olive para tingnan ang thermostat sa pader, paulit-ulit na tinitingnan ang display bago sumagot. "Normal naman po ang temp, Sir. Hindi naman po dapat mainit."

Kinamot ni Matthew ang kaniyang sentido nang ilang saglit, tsaka tumingin ulit kay Olive. "Hindi na ba masyadong masikip ang uniform mo?"

Dahan-dahang tumango si Olive. "Okay naman po at kasya na ngayon, Sir. Thank you po."

Ibinaling ni Matthew ang kaniyang tingin sa bintana. Nakaramdam si Olive ng matinding kaba, takot na takot na baka ang presensya niya ay nagdudulot sa lalaki ng hindi magandang pakiramdam.

"May ipagagawa pa po ba kayo sa akin ngayon, Sir?" maingat niyang tanong.

Kumuha si Matthew ng isang papel mula sa drawer ng kaniyang desk at inabot ito sa kaniya. " 'Yan ang listahan ng mga task mo mula umaga hanggang hapon. Sometimes I need help in the evening, too. You’re staying here, after all. You know where your room is, right?"

"Opo, Sir. Sinabi na po sa akin kaninang umaga, at naipasok na rin po ang mga gamit ko doon."

"Good," maikling wika ni Matthew. "In that case, you can start on your tasks right away."

"Okay po, Sir Matthew."

Yumuko si Olive bilang paggalang, tsaka dahan-dahang lumabas ng kuwarto hawak ang listahan ng mga gagawin niya. Kahit relieved siya dahil hindi siya pinagalitan ng lalaki, pakiramdam pa rin niya ay hindi siya mapakali.

‘Nagsisimula pa lang ang araw, pero napakarami nang nakakahiyang nangyari,’ naisip niya.

Huminga siya nang malalim at sinubukang mag-focus sa listahan, pero ang alaala kanina ay patuloy na nagre-replay sa isip niya, na nagpapainit sa kaniyang mga pisngi.

Nakatayo sa hallway, nire-review ni Olive ang mga tasks. Nanlaki nang kaunti ang kaniyang mga mata.

"Wow, medyo marami pala 'to..." mahina niyang bulong. Pero tumango siya nang may determinasyon. "Kailangan kong gawin nang maayos ang lahat. Hindi na ako puwedeng magkamali pa ulit ngayon."

Nagsimula siya sa unang instruction.

Morning: Mag-ready ng black coffee na walang sugar para kay Sir Matthew sa kaniyang desk.

Nagmamadaling pumunta si Olive sa kitchen. Inihanda niya ang kape nang maingat, sinusukat ang mga ingredients nang eksaktong-eksakto ayon sa instruction. Nang handa na, dinala niya ito sa study room ni Matthew at dahan-dahang inilapag sa mesa.

"Ready na po ang black coffee niyo, Sir," mahina niyang wika bago dahan-dahang lumabas.

Next task: Linisin ang masters bedroom.

Pumasok si Olive sa napakalawak at napakalinis na kuwarto ni Matthew. Pinalitan niya ang mga punda at cover niyon, inayos ang duvet, pinunasan ang vanity table at mga bedside table, at maingat na minop at winalisan ang sahig.

"Ayos na ang kama... at wala na ang mga alikabok," bulong niya, dalawang beses na tinitingnan ang lahat para masigurong walang nakalimutan.

Pagkatapos noon, pumunta siya sa dressing room, inayos ang ilang suit at polo na medyo wala sa ayos, at inilagay ang mga maruming damit sa laundry basket.

‘Nahiwalay ko na ang mga labada; lalabahan ko na lang 'to mamayang hapon,’ note niya sa kaniyang isip.

Nang malapit na ang tanghalian, bumalik siya sa kitchen para maghanda ng malamig na tubig at sliced fruits tulad ng nasa task list niya.

"Isang bote ng malamig na tubig... sliced apple at grapes," recite ni Olive. Maayos niyang hiniwa ang prutas at inarrange ito sa isang platito, paulit-ulit na tinitingnan ang orasan. Kahit tuloy-tuloy ang trabaho, ang pagiging busy ay nakatutulong para makalimutan niya ang nakakahiyang insidente kanina.

Nang hapon na, natapos ni Olive ang huling task sa listahan: ang paglilinis ng maliit na library sa ikalawang palapag at ang pagsasaayos ng mga libro. Isa-isa niyang pinunasan ang mga book shelf, inayos ang mga libro ayon sa laki, at nilinis ang upuan sa corner

"Malinis na ang library," bulong niya, habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo. Medyo nananakit na ang kaniyang likod, pero nakaramdam siya ng saya sa mga natapos niya.

Nang magsimula nang lumubog ang araw, bumalik si Olive sa study room ni Matthew para mag-report, dahan-dahang kumatok sa pinto.

"Excuse me po, Sir Matthew. Natapos ko na po ang lahat ng task ko para sa araw na 'to." Nakatayo siya sa harap ng desk, maayos na nakatupi ang dalawang kamay sa harap ng kaniyang tiyan, naghihintay kung pasok ba siya sa standards ng kanyang boss.

Tumingin si Matthew mula sa laptop nito at mabilis siyang pinag-aralan. Dahan-dahan nitong isinarado ang screen, sumandal sa office chair, at pinagmasdan siya.

"Natapos mo na ba ang lahat?" tanong nito.

"Opo, Sir. Isa-isa ko pong natapos ang mga task, tulad ng nasa listahan," magalang na sagot ni Olive.

Natahimik saglit si Matthew, na parang sinusuri ang trabaho ng dalaga. Pagkatapos ay tumayo siya, naglakad patungo sa bintana, at tumingin sa labas.

"Good. Not bad for a first day."

Nakaramdam si Olive ng ginhawa sa simpleng papuri na ‘yon. Bahagya siyang tumango nang may paggalang.

"May iba pa po bang ipapagawa para ngayong gabi, Sir?"

Lumingon si Matthew para tingnan ang dalaga.

"May online meeting ako ngayong gabi hanggang alas-nuebe. Prepare a light dinner for eight o'clock. After that, you may rest. Pero kapag tinawag kita, pumunta ka agad."

"Naintindihan ko po, Sir Matthew. Ihahanda ko na po ang dinner."

Tatalikod na sana si Olive, pero tinawag siyang muli ni Matthew. "Olivia."

Huminto siya at humarap ulit. "Ano po 'yun, Sir?"

Pinag-aralan siya ni Matthew nang ilang segundo bago nagsalita. "Gumising ka nang mas maaga bukas ng umaga. I usually start work at six. Coffee needs to be on the desk by five-thirty."

"Naintindihan ko po, Sir. Inonote ko po 'yan."

Magaan ang hakbang ni Olive palabas ng kuwarto. Nang sumara ang pinto, huminga siya nang malalim habang nakasandal sa pader ng pasilyo.

Pumunta agad siya sa kusina para ihanda ang mga ingredients para sa dinner. Habang naghihiwa ng mga gulay, lumilipad ang kaniyang isip.

Mabigat ang trabaho, pero kayang-kaya naman. Ang talagang nagpapagulo sa kaniyang isip ay si Sir Matthew mismo… malamig at demanding, pero may dalang kakaibang intensity na nagpapanginig sa kanya na hindi niya maipaliwanag.

Lumipas ang gabi. Natapos ni Olive ang paghahanda ng dinner sa eksaktong oras. Grilled chicken salad at mushroom soup. Inayos niya ang main dining table at naghintay.

Nang alas-otso y medya na, lumabas na rin sa wakas si Matthew mula sa kaniyang study room na mukhang pagod na pagod.

"Handa na po ang dinner, Sir," magalang siyang binati ni Olive.

Tumango si Matthew at umupo habang nakatayo si Olive sa malapit, handang tumulong. Pagkatapos nitong kumain, iniligpit niya ang mesa at pinunasan ang mga ibabaw nito.

Halos alas-diyes na ng gabi. Pagod na ang kaniyang katawan, pero ramdam siyang saya.

"Puwede na akong magpahinga," mahina niyang bulong sa sarili.

Naglakad siya sa pasilyo patungo sa quarters ng mga empleyado sa ibabang palapag, inaasahan ang isang hot shower. Pero, nang malapit na siya sa dulo ng pasilyo, ang tunog ng bumukas na pinto ay nagpahinto sa kaniya.

Bumukas ang pinto ng kuwarto ni Matthew.

"Olivia."

Biglang natigilan si Olive, mabilis na tumitibok ang kaniyang puso. ‘May nakalimutan ba akong gawin?’

Humarap siya at naglakad patungo rito, nakatitig pa rin ang kaniyang mga mata sa ibaba. "May problema po ba, Sir?"

Nakatayo si Matthew sa pintuan. Ang kaniyang polo ay medyo gulo-gulo, nabuksan na ang dalawang butones nito. Tinitigan niya si Olive nang ilang saglit bago nagsalita sa mababa at paos na boses.

"Marunong ka bang mag-massage?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 50

    Bahagyang nanginig si Olive nang maramdaman niya ang malamig na mga daliri ni Matthew na dumampi sa pisngi niya. Biglaang itinanong nito ang tungkol sa kanyang ina kaya hindi niya maiwasang mabigla.“Maayos naman po ang lagay ni Mama, Sir,” mahina niyang sagot habang nakayuko at nakatitig sa sahig. “Mas naging stable po ang kondisyon niya mula nang ilipat siya sa ibang ospital. Maraming salamat po, Sir Matthew.”Hindi inalis ni Matthew ang kamay niya. Sa halip, hinawakan niya ang mukha ni Olive at iniangat iyon upang mapilitan itong tumingin sa kanya. Walang bahid ng init sa mga mata nito… tanging isang madilim at mahirap basahing ekspresyon.Sa halip na magbigay ng anumang nakaaaliw na salita, mahinang tumawa si Matthew. May nakatagong babala sa kanyang tinig.“Huwag mo akong pasalamatan na para bang ginawa ko ito dahil naaawa ako sa iyo, Olivia,” malamig ngunit matalim niyang sabi.Mas inilapit pa niya ang mukha niya kay Olive at bumulong ng mga salitang nagpapatindig sa balahibo sa

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 49

    Pumasok si Olive sa mansyon gamit ang servant’s entrance, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkabalisa.Para bang bumalik na sa normal ang atmosphere sa mansyon, ngunit may isang bagay na kapansin-pansing nagbago. Pinalitan na ang mga guard sa main gate at mga security personnel na dati ay malupit sa kanya. Ang mga bagong mukha ay mukhang mas alerto at mas mahigpit sa kanilang tungkulin.Napaisip si Olive. Talaga bang sinibak ni Matthew ang lahat ng dating guard dahil lamang sa nangyari kahapon?Pagdaan niya sa kitchen ng mga katulong, busy ang lahat sa kani-kanilang gawain gaya ng dati. Walang bumati sa kanya, pero wala ring nagbigay sa kanya ng mapanghamak na tingin na nakasanayan na niya. Para bang nagkukunwari silang walang anumang malaking gulong nangyari.Diretso siyang nagtungo sa changing room upang isuot ang kanyang maid uniform. Ngunit kasalukuyan pa lamang siyang naghahandang magpalit nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Susan, kasunod si Janice. Agad

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 48

    Napapitlag si Olive sa gulat at agad na itinaas ang kamay upang takpan ang kanyang leeg. Mabilis na kumabog ang kanyang puso, na para bang nahuli siya sa akto. Nakalimutan niyang ang markang iniwan ni Matthew kagabi ay mababakas pa rin sa maputi niyang balat.“I-ito po... kagat lang ng lamok, Ma,” utal-utal na paliwanag ni Olive habang pilit naghahanap ng kapani-paniwalang dahilan, kahit nanginginig ang kanyang tinig. “Medyo mamasa-masa po kasi ang bodega sa mansyonna pinagtatrabahuhan ko. Baka may mga lamok roon.”Inabot ng kanyang ina ang kamay niyang nakatakip sa leeg at marahang ibinaba iyon upang masuri nang mabuti ang marka. Bahagyang sumingkit ang mga mata nitong may edad habang pinagmamasdan ang mapulang bakas na nagsisimula nang magkulay-ube na parang pasa.“Olive?” tawag ng kanyang ina sa mahinang tinig na puno ng pag-aalala. “Bakit ka naman ganyan kagulat? Naging bata rin ako, anak. Alam ko ang pagkakaiba ng kagat ng insekto at... ng ibang bagay.”Natigilan si Olive. Napuno

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 47

    Hindi natinag si Matthew. Binitiwan niya ang doorknob at humakbang palapit kay Lara, dahilan upang sandaling isipin nitong nagtagumpay ang pang-aakit niya. Pero nang ilang sentimetro na lamang ang pagitan nila, huminto si Matthew. Mula ulo hanggang paa, tiningnan niya si Lara nang walang anumang emosyon, na para bang isang basurang sinusuri niya.Napatawa siya nang maikli at mapakla… isang tawang puno ng kawalan ng pakialam at pangmamaliit.“Sleep with you?” ulit niya.Humakbang pa siya palapit, dahilan upang mapaatras si Lara hanggang sa tumama ang baywang nito sa gilid ng mesa.“Ito ba ang paraan mo dahil natatakot kang nagsisimula na akong magbago? Do you think my self-respect is so low that I could be lured in by something as cheap as this?”“Matthew, ginagawa ko ito dahil gusto kong malaman mo na mas magaling ako kaysa sa—”“Mas magaling kaysa kanino? Sa katulong na iyon?” matalim na putol ni Matthew.Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ni Lara at marahas itong hinila, dahila

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 46

    Habang lumalalim ang gabi, bumalot sa kwarto ng ospital ang nakapangingilabot na katahimikan.Walang galaw na nakahiga si Olive, nakatitig nang blangko sa puting kisame na tila naging malungkot sa ilalim ng malamlam na liwanag ng lamp sa tabi ng kama. Sa katahimikan, lalo lamang luminaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Hindi niya namalayang napahawak siya sa kanyang dibdib… sa mismong bahaging hinawakan ni Matthew ilang sandali lang ang nakalipas.Para bang naroon pa rin ang nag-aapoy na pakiramdam ng mga labi at dila nito, na nag-iwan ng matingkad na marka sa kanyang balat. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang bawat haplos, bawat mapusok na paghipo, at ang madilim at matinding titig sa mga mata ni Matthew, na para bang sirang plaka na hindi tumitigil sa pag-ikot.Napigil ni Olive ang kanyang paghinga nang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sinubukan niyang unawain ang kahulugan ng lahat ng ipinakita sa kanya ni Matthew.Ang lahat ba ng ginawa nito… ang pagtatangg

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 45

    Nakatayo si Olive sa loob ng banyo, nanginginig ang mga kamay habang pinupunasan ng malilinis na tissue ang kanyang dibdib na mainit-init pa at mamasa-masa. Matapos muling isara ang mga butones ng kanyang hospital gown at tiyaking maayos na ang kanyang hitsura, lumabas siya nang nakayuko.Nakaupo na si Matthew sa isang single-seater na sofa. Nanatiling perfect ang ayos ng damit nito. Tanging ang mga mata lamang nito ang tila mas kalmado na matapos nitong makuha ang gusto.“Come here,” tawag ni Matthew sa mababang boses.Dahan-dahang lumapit si Olive hanggang sa huminto sa harap niya. Nakatitig siya sa dulo ng kanyang sapatos upang itago ang namumula niyang mga pisngi.“You’ve just proven that your physical condition has indeed improved,” sabi ni Matthew sa relaxed na tono. “At nagawa mo rin akong pahangain ngayong gabi.”Mahigpit na hinawakan ni Olive ang laylayan ng kanyang hospital gown. Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang bahagyang tumingala.“A-ano po... gagawin ko ang lahat basta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status